Wednesday, August 19, 2009

Paalam Lola, Maraming Salamat

Babaliin ko sa una't huling pagkakataon ang sinabi ko sa aking unang post na bawal ang ma-emote sa blog na ito. Hindi ko kaya lalo na sa pagkakataong ito. Mahirap magpigil. Parang pagtae, mahirap pigilin, hindi pwedeng tiisin, baka malason ang katawan kapag naimbak ang jebs sa katawan.

Noong Linggo ng gabi, tinapos na ng aming Lola Oneng ang kaniyang laban against cancer. Sa isang napaka-peaceful na pamamaalam, nilisan na niya ang masalimuot na buhay dito sa mundo. Sabi niya, "Paalam. Aalis na ako." Tinanong siya ng tita ko kung saan siya pupunta. Ang tangi lang niyang sagot, "Sa malayo." Pagkatapos noon, ilang buntong-hininga, narating na niya ang matagal na niyang nais na marating.

Matagal na naming hinanda ang mga sarili namin sa pangyayaring ito, pero totoo pala ang sinabi ni Tetay, kahit gaano ka kahanda, kapag dumating na ang takdang panahon, masasabi mong "I lied to you, mom! este, lola!" Masakit. Mari-realize mong hindi ka pala talaga handa.

Naisip kong hindi ko man lang pala naiparamdam kay lola ang pagmamahal at pasasalamat that she deserved. Nakaka-guilty. Sa panahon ng pagkaratay niya, hindi man lang ako nag-devote ng oras para mag-alaga sa kaniya. Naalala ko na habang tinatapos niya dati ang labada niya e may lubid siyang hawak na naguugoy sa duyan na kinasasakyan ko noong maliit pa ako. Hindi ko man lang nayakap o nahalikan ang lola ko. Hindi ko man lang naibulong na "Lola, mahal kita." o "Lola, maraming salamat." Wala akong nagawa para ipakita sa kaniya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya ka-importante sa buhay namin.

Mahal na mahal kita lola! Sana kayang pasukin ng kaluluwa mo ang cyberspace para mabasa mo ito. Kung hindi man lola, ibubulong ko sa hangin na iparating sa'yo, kung nasaan ka man, ang aking mga yakap at mga halik, ang aking pagmamahal at pasasalamat. Lola, maghihintay ako na sa iyong sagot. Sa ihip ng hangin lola, sa ihip ng hangin ipadama mo sa akin na natanggap mo ang mensahe ko. Lola mahal na mahal kita. Maraming salamat, Lola Oneng!

2 comments:

  1. Sweetie, butterflies. If you ever see butterflies whisper ka sa hangin or sa mismong butterfly. ^^ That's what I do. Addict kasi sa events ung tito kong namatay. He always "attends" ika nga. Pasimuno kasi yun sa pictures and sa mga handaan so even if he is physically not here, lagi shang present sa mga events. ^^

    ReplyDelete
  2. oo nga mother e. actually sa pamilya namin, ang manifestations talaga ng mga namatay e butterflies. my lolo shows up as a brown butterfly, my tita naman yellow. nasa burol nga sila pareho. nakadapo sa mga flowers.

    ReplyDelete

Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?