Thursday, 26 November 2009

Maguindanao Massacre: FAIL!

Hindi ito pange-echos. Wala nang paligoy-ligoy pa.

Aking kinokondena ang kung sino mang nag-utos na isagawa ang hindi makataong massacre sa Maguindanao. Hindi na lamang ito isyu ng dalawang magkabanggang pamilya sa politika. Hindi na lamang ito isyu ng mga personal na alitan. Hindi lamang ito isyu ng mga Mangudadatu at Ampatuan. Hindi na lamang ito isyu ng Maguindanao. Salamin ito ng bulok at nakakadiring sistema ng politika sa bansa.

Kaisa ako sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng krimen na ito.

Kung hindi tayo maghahangad ng isang napakalaking pagbabago, hindi malayong mangyari ito sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Tigilan na natin ito. Ngayon na.

Monday, 23 November 2009

Early to Bed, Early to Rise Chenes Cheneboom

Lesson learned: Huwag nang mag-attempt na magpuyat lalo na kapag may pasok kinabukasan. Walang mapapala. Baka ikamatay pa. As in!

Dapat pala pinakinggan at dinibdib ko ng bongga, like Tessa Prieto-Valdez bongga, ang bilin sa mga bata na matulog ng maaga para lumaking healthy and strong. Kanina ko lang na-realize, as in na-enlighten ako na parang si Buddha, na tama sila.

Dahil sa puyat:

Una, parang inidorong barado ang utak ko kanina. Yung inidorong tinapunan ng kung ano-ano - upos ng sigarilyo, used napkin, tissue, plastic cups, plastic spoons, underwear na na-mantsahan ng jebs - na tipong kapag finlush e mago-overflow o kaya naman e bigla na lang mage-erupt ala Mt. Vesuvius. Kung ano-anong image ang nagfa-flash sa utak ko at ang pinakanatatanging malinaw na picture sa ulo ko e kama, unan at kumot!

Ikalawa, muntik na kong maging stunt man kanina. Nagmamaganda akong bumababa sa hagdanan na parang debutante tapos biglang magba-brownout ang isip ko. Kung hindi ako nakakapit, malamang dying na ako ngayon. Hindi dahil sa hemorrhage. Naghihingalo na siguro ako ngayon dahil sa kahihiyan.

Hindi na ko magpupuyat. Promise yan. Sumusumpa ako sa mga kamag-anak kong diyos at diyosa. Unless, pilitin ako ni kapitbahay na crush na makipagtitigan sa kaniya buong gabi, o kaya naman yayain ako ni Marc Nelson na magbilang ng damo sa Sunken Garden, or sunduin ako ni Mario Maurer para manghabol ng butiki. Napaguusapan naman yan.

Monday, 9 November 2009

Estudyante Blues - First Day YAYAYAY!

Haggard! Haggard lang. Haggardo versoza galore in the house.

Dati naman kapag first day ng sem e hindi ko nafi-feel ang ganitong ka-hagardohan. Dati, parang whole day freshness na kasing-fresh ng mga gulay sa La Trinidad ang pakiramdam ko tuwing first day ng klase. Pero bakit ganun? Bakit ngayon na wala pa mang regular classes e feeling ko e isa akong magsasaka sa La Trinidad na inaabuso ng mga panginoong maylupa?

Una. Siguro e nanibago ako lang ako sa pagko-commute. Malamang yan! E kasi naman sa aking previous na eskwelahan e wala nag commute-commute. Mega walk lang under the trees ang drama kaya hindi toxic masyado. E ngayon, kelangan kong makipag-unahan sa mga commuters. Unahan sa jeep na akala mo e may premyo ang unang makakaupo. Siksikan sa tren na pwede nang makabuntis ng girls. Walkathon ma may libreng langhap sa alikabok at usok! Ay! Iniisip ko na lang talaga na makakatulong itong pagko-commute sa aking pagpapapayat.

Ikalawa. Isang propesor lang ang nagpakita kanina. At eto pa, pito lang kami sa klase. Bakit? HIndi pa pala tapos ang pagaayos ng mga bagay-bagay. Plantsadong class lists? Ekis! Final na schedule at room assignments! Ekis! Enrolled na mga estudyante? Ekis pa rin! Sure na faculty-in-charge sa mga klase? Ekis pa rin! Ergo, maayos na first day ng klase? EKIS NA EKIS!

Ikato. Yun nga, sa katangi-tanging klase na napasukan ko na kanina na in essence pala e tentative pa rin hanggang ngayon, e may isang pangyayari na hindi ko ma-take at nagdulot ng matinding stress.

Propesor: Yada, yada, yada. Sino nga ulit yung loveteam sa Noli Me Tangere?

Classmate: Ah sir, si Ibarra po tiyaka si... si ano nga ba ulit yun? *isip isip* Ah sir si ano po, si SISA!

OKAY?! Alam ko namang may awa si Rizal! May awa siya sa lumalapastangan ng mga nobela niya!

Ikaapat. Nangyari pa rin sa klase na in essence ay tentative pa rin.

Propesor: Yada, yada, mapag-uusapan din natin si Karl Marx. O kilala niyo ba yun? Ah malamang si UP Boy, kilalang-kilala niya yan! Di'ba? Idol yan ng mga taga sa inyo?

Of course, he is referring to me! Kaya ang sagot ko na lang e eto:

"Ay siyempre sir, close kami nun ni Marx!"

Aba't anong gusto niyang palabasin di'ba?

At tiyaka hindi ko ata nagugustuhan ang pangitaing iyon. Ayokong maging apple of the eye ng propesor. Baka maging impiyerno ang buhay ko sa eskwelahang 'yun!

Ikaapat. At ayun nga dahil sa wala pa ngang maayos na first day e nagsayang lang ako ng pamasahe at pera na pang-lunch. Nagising pa ako ng maaga kasi nga excited na excited ako na parang freshie tapos yun lang ang mangyayari sa akin!

Hay naku. College Anxiety nga ata talaga ito. Iniisip ko na lang na naga-adjust pa lang naman talaga ako at sana, oh please, sana maka-survive ako. At sana, hindi tumatak sa isip ko na si Ibarra at si Sisa ang tunay na magka-labteam sa Noli Me Tangere!

WOW! An Award!


Rule: Pagkatanggap ng award, post it ng bongga sa iyong blog tapos pwede mo na siyang ipasa sa iba pang blogs (as many as you like). Siyempre don't forget to contact yung mga binigyan mo ng award. Go! Pasa galore. Share the love! Mwah!

Wow naman.

Salamat ng marami Ate Melai sa isang napaka-bongga at napaka-fabulous na award. Mwah!

Siyempre mas maganda nga naman kung ishe-share natin sa iba para kumalat ang fabulousness. Pero katulad ni Ate Melai, parang sobrang dami nga naman ng 15 blogs na pagbibigyan nito. Inaamin ko na hindi ako palabasa ng sobrang daming blogs dahil tamad ako. Kaya naman ibibigay ko na lang ang award na ito kay, tentenenen...

Mah Fwiend and marse, CRU!

Bakit? Isisi mo yan sa cutie little model of a baby mo! Hahaha! Mwah teh and amishu!

Monday, 2 November 2009

Patay Kang Bata Ka

Nami-miss ko si Ka Noli. Naku, hindi kumpleto ang undas ko kapag hindi ko siya nakita na lumulutang sa sementeryo, o kaya bigla na lang nawawala sa usok, o kaya naman umeeksena sa sementeryo. Namimiss ko rin yung mga floating kabaong tiyaka yung mga white lady na mukha lang naman talagang mga bebot na kinulang sa tulog tapos nagmake-up sa dilim. Siyempre namimiss ko rin yung mga bonggang pagsasadula na feeling ko e mas nakakatakot sa totoong nangyari. Aminin niyo, kagaya ko e hindi rin kayo makapag-CR tiyaka makapanalamin after manood ng MGB noon.

Oh well, wala nang MGB. Buti na lang andiyan yung kapitbahay namin na mukhang mummy tiyaka yung isa pa naming kapitbahay na mukhang galing underground dahil sa amoy niya. At least, merong pamalit sa sensation ng panonood ng MGB.

Ayan, nasa usapang undas na rin lang naman tayo e di pag-usapan na natin ang mga patay. Pero hindi yung mga literal na patay. Parang na-realize ko kasi na kapag mga ganitong panahon e pwede rin nating i-commemorate kasabay ng mga tunay na patay yung mga moments na kung saan e masasabi mo na lang "Paktay!" o kaya naman e mafi-feel mo na mas maigi pa yata na patay ka na lang.

1. Mautot sa loob ng siksikang elevator o kaya naman MRT. Okay lang sana e kung shy-type si utot. Good luck na lang kung ala-The Buzz ang pasabog ng nagrerebolusyon mong tiyan. Tapos, maliban sa mala-hydrogen bomb na pasabog e amoy bulok na itlog pa. Yung tipong wala ng palusot kung saan at kanino nanggaling ang pasabog. Ipa-assassinate mo na lang ang sarili mo, 'day! Patay!

2. Mabugahan ng bits and pieces ng kinakain ang kausap. Okay lang kung kaibigan (o kaaway) yung nabugahan e, what if yung interviewer sa bagong trabaho o kaya naman e client o kaya naman e boss mo? Tapos yung kinakain mo pa e yung tipong loose na pagkain yung parang spray talaga? Like taho, goto, champorado. Hala ka! Tago ka na lang. O kaya naman ipabaon mo na sarili mo sa ilalim ng lupa. Patay!

3. Mapunit ang damit sa gitna ng paglalakad sa isang mataong lugar. At hindi ito basta-basta punit, what if mapunit halimbawa ang dress mo sa likod sa may bandang zipper? O kaya naman mapunit ang shorts o pants sa bandang crotch? Tapos yung klase pa ng punit e yung mahirap nang remedyohan. Naku te, i-derecho na natin yan sa Toro na tabloid.

4. Mapatid sa hagdan o escalator. Tipong maiisip ng mga kasabay mo kung stunt performer ka lang. Tipong yung pagkahulog mo e with matching talbog at gulong pa. Malamang na maiwi-wish mo na sana e natuluyan ka na lang para maiwasan ang hiya at pangungutya. And for sure, hindi ka na babalik kung saan man yang hagdan o escalator na yan.

5. Mag-attempt ng suicide pero hindi naman napuruhan. Naman. Hindi awa ang ibabato sa'yo ng mga tao kundi kutya. Masasabihan ka pang tanga o kaya naman duwag kasi hindi ka naman nag-succeed sa balak mo. Next time kasi dapat sure-ball.

6. Mahampas ng ubod ng lakas ang maling tao. Parang pagtawag lang ng ibang pangalan sa ibang tao. Pero mas matindi ito. Aba, sino ba namang jackass ang hahampas ng malakas sa hindi niya kakilala? Tapos maiksi pa pasensya tiyaka pikon yung nahampas mo ano?

7. Labasan ng uhog habang may presentation o kaya naman report. Tapos yung uhog pa na lumabas e yung lime green pa ang kulay. Yung malapot-lapot at akala mo e glue. Ew. Ang mas nakakahiya pa dito e kung hindi mo pa namalayan na may naghe-hello mula sa kaniyang lungga tapos mare-realize mo lang e kapag umabot na sa bibig mo. Ehe.

8. Mapasigaw sa kalagitnaan ng pagro-rosaryo, misa o burol. Okay lang sana ito kung may kasama ka pero maiisip mo sigurong magpapako na lang sa krus kung ikaw lang mag-isa at wala kang kaibigan sa mga panahong yun.

9. Makakain ng bagay na mukha lang naman talagang pagkain pero hindi naman pala. Tipong may makita kang nakapatong sa mesa na mukhang masarap tapos malalaman mong yung nakain mo pala e sample na dadalhin sa laboratory, o kaya naman e dadalhin na pala sa kulungan ni bantay.

Patay ka talagang bata ka! Que horror!