Sunday, 30 August 2009

Ayokong Mag-Generalize, O Bro, Huwag Naman Sana

Kagabi, sa isang inuman na hanggang alas-kwatro ng madaling araw na hindi naman ako uminom kaya congratulate me pagkatapos ng inulang pageant ng mga misis dito sa aming barangay na siya nga pala e nag-judge ako *whew*, may umeksenang utaw (u-taw: noun: lalaki). May hitsura naman si utaw, kaya mega go na lang din ako.

Utaw: Uy, kamusta?

Me: Uy hello. Eto nananaba.

Utaw: Hindi naman masyado a. *devilish killer smile*

Me: *hampas* Echos ka! *giggles*

Utaw: Hindi nga. Hindi ka naman masyadong mataba. Ganda mo nga ngayon e.

Me: Ay. Ikaw talaga. Bolero! *hamps ulit, more giggle*

Utaw: May boyfriend ka ba ngayon?

Me: *shocked* Naku. Wala nga e.

Utaw: Hala bakit naman? Dapat sa'yo laging may boyfriend.

Me: Ganun? E wala nga e.

Utaw: Bakit nga wala?

Me: Siguro kasi wala akong pera.

Utaw: *pause, nag-isip*

Me: *twinkling eyes*

Utaw: Ah kaya naman pala e. Kawawa ka naman.

Me: *tumutumbang poste na tatama sa ulo, umiikot na paligid*

*Tambay Song plays in the background...*

Shet ka kuya. Gwapo ka pa naman. Ang saklap. O Bro, ngayon kita kailangan.

Gumaganun!

Isang text conversation:

Friend: Oi Emilio Aguinaldo. Gising ka na?

Me: *pupungas-pungas* Ngayon lang, bakit?

Friend: Wala lang. Yayain lang sana kitang mag-ukay.

Me: Ay te, wala akong pera.

Friend: Ano? Magbe-birthday ka na wala ka pang anju??

Me: E hindi nag-iwan si pujay e. Bahala na kung anong mangyari sa Martes.

Friend: Ay kawawa naman si p*kp*k... Bat ka nga pala nagpagupit ng Emilio Aguinaldo ulit?

Me: Wala lang. Remembering the good old days?

Friend: Old days? Meaning the confused days?? Hahahahahaha shet.

Me: Tumpak pero di ibig sabihin ay confused na ko ulit. Bwaha.

Friend: Kurek. Dahil alam naman natin na irreversible na yan. Hahahaha.

Me: Check. What was once a curse is now a gift. O ha?

Good morning!


Friday, 28 August 2009

Lait Equals Love

Hindi naman ako depressed pero napagtripan ko na namang ipabago ang aking hair style. Pero minsan na nga lang maging vain, e panlalait pa ang sumalubong sa akin.

Comment 1: "Ay security guard?"

Leche lang 'to di'ba? Meron siyang stereotyped notion sa hitsura ng mga manong guard.

Comment 2: "Noki! *mahabang paglingon mula kaliwa pakanan* Ang laki ng mukha mo!"

May magagawa ho ba ako? Ipinanganak akong ganito. Sorry ho.

Comment 3: "Ang seksi!!!!" *gigil na gigil"

Hindi masyadong sarcastic. Hindi!

Comment 4: "Grade 6?"

Oo na, ganito ang buhok ko nung elementary hanggang high school. Nagre-reminisce ako bakit ba?

Comment 5: *bonggang halakhak*

'Nuff said. Nasabi mo na lahat.

Comment 6: "Tangna ano 'yan? Anong nangyari sa'yo?"

Wala. Wala ito. Huwag kang masyadong mag-worry.

Comment 7: "Noki, bakit hindi mo agad sinabi sa amin na may sakit ka?"

Siyet lang 'to di'ba?

Pero na-realize ko, ang mga tunay na kaibigan e nagsasabi ng totoo. Ang mga tunay na kaibigan, brutally honest. Ang mga tunay na kaibigan, vulgar. Ang mga tunay na kaibigan, balahura. Mahal nila ako e.

Kaya sa inyo friends, taena niyo!

EDIT:

Eto ngayon lang. Kakapasok lang. Mainit-init pa!

Comment 8: "Itay? Siyet itay! nakita ko na ang nawawala kong tatay."

May gusto ka bang palabasin dito? hayup!

Comment 9: "Ang machow! Lalaking-lalakey!"

May halong pangungutya lang talaga.

Ayoko na lalo mag-post ng pichur. haha!

Tuesday, 25 August 2009

Say No to Alcohol (Ugh, Erk, I'm Dying)


Masakit man sa kalooban kong i-post ito, kailangan kong sikmurain kung ayaw kong lamay ang mangyari imbis na party ang maganap sa susunod na Martes.

Say No to Alcohol muna ang drama ko (sana makatagal) para sa ikagaganda ng aking future. Naks!

Nitong Sunday, isang warm welcome na naman ang hinanda ng mga nurses at doctor sa UP Infirma(tay)ry. Paggising ko lahat sila e nakangiti sa akin sabay tanong ng nurse, "Masarap ba ang The Bar? Sana kasi shinare mo!" Si ate, medyo sarcastic, medyo lang naman.

Ang kwento sa akin ng aking Itay, naupo lang daw ako sa isang sulok. Maya-maya e nakita daw ako ng pinsan ko na umiiyak tapos nakapikit na at medyo lungayngay na. Pumasok daw siya sa loob ng bahay tapos sabi niya sa mga tao sa loob e "Pakitignan naman po si Kuya Noki sa labas, umiiyak e." E di go naman ang mga tita, mega gising daw. But no, sleeping beauty ang drama. Dahil sa walang prince charming na dumating, at haggard na ang hitsura ko, nag-panic na sila at tinawag ang mahiwagang karwahe ni Cinderella at dinala na ako sa Infirmary.

Nagising na lang ako nung lagyan na ako ng Dextrose. Hindi pala halik ni Prince Charming ang kailangan. Sorry na lang daw ako.

Oh well.

Muntik na akong mategs. Sabi ni doc, kung hindi raw naagapan ang pagbaba ng glucose sa aking katawan, malamang huminto na ang respiratory system ko at sumunod na ako sa aking lola. (Hindi kaya si Doc ang one true love ko? E pero, mas babae pa sa'kin si Doc, hindi pwede!)

So, sa birthday ko, dahil hindi ako pwedeng mag-inom, lahat ng friends ko e hindi na rin magiinom. Magtitigan tayo mga mare at pare. Bwahaha! Join me in my misery. Chos!

(Naks, changed man na ba ako? Bwaha. Kadiri!)

Wednesday, 19 August 2009

Paalam Lola, Maraming Salamat

Babaliin ko sa una't huling pagkakataon ang sinabi ko sa aking unang post na bawal ang ma-emote sa blog na ito. Hindi ko kaya lalo na sa pagkakataong ito. Mahirap magpigil. Parang pagtae, mahirap pigilin, hindi pwedeng tiisin, baka malason ang katawan kapag naimbak ang jebs sa katawan.

Noong Linggo ng gabi, tinapos na ng aming Lola Oneng ang kaniyang laban against cancer. Sa isang napaka-peaceful na pamamaalam, nilisan na niya ang masalimuot na buhay dito sa mundo. Sabi niya, "Paalam. Aalis na ako." Tinanong siya ng tita ko kung saan siya pupunta. Ang tangi lang niyang sagot, "Sa malayo." Pagkatapos noon, ilang buntong-hininga, narating na niya ang matagal na niyang nais na marating.

Matagal na naming hinanda ang mga sarili namin sa pangyayaring ito, pero totoo pala ang sinabi ni Tetay, kahit gaano ka kahanda, kapag dumating na ang takdang panahon, masasabi mong "I lied to you, mom! este, lola!" Masakit. Mari-realize mong hindi ka pala talaga handa.

Naisip kong hindi ko man lang pala naiparamdam kay lola ang pagmamahal at pasasalamat that she deserved. Nakaka-guilty. Sa panahon ng pagkaratay niya, hindi man lang ako nag-devote ng oras para mag-alaga sa kaniya. Naalala ko na habang tinatapos niya dati ang labada niya e may lubid siyang hawak na naguugoy sa duyan na kinasasakyan ko noong maliit pa ako. Hindi ko man lang nayakap o nahalikan ang lola ko. Hindi ko man lang naibulong na "Lola, mahal kita." o "Lola, maraming salamat." Wala akong nagawa para ipakita sa kaniya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya ka-importante sa buhay namin.

Mahal na mahal kita lola! Sana kayang pasukin ng kaluluwa mo ang cyberspace para mabasa mo ito. Kung hindi man lola, ibubulong ko sa hangin na iparating sa'yo, kung nasaan ka man, ang aking mga yakap at mga halik, ang aking pagmamahal at pasasalamat. Lola, maghihintay ako na sa iyong sagot. Sa ihip ng hangin lola, sa ihip ng hangin ipadama mo sa akin na natanggap mo ang mensahe ko. Lola mahal na mahal kita. Maraming salamat, Lola Oneng!

Friday, 14 August 2009

Echoserong Frog's Lovelife: The Musical

Kuya, kahit pa kumanta ka ng

"Mga tambay lang kami sawa sa babae,
mga babae'y manloloko, pineperahan lang kami.
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin,
masarap magmahal ang bakla, o kay sarap, damhin!"
,

hindi pa rin kita papansinin. If I know, peperahan mo lang din ako, sa hitsura mong yan na akala mo e laging gutom? Hindi na lang. Magmomongha na lang ako. O kaya pupunta na lang ako ng Africa para mag-volunteer work.

Tyaka hindi ikaw ang type ko, siya. Lagi ko siyang kinakantahan ng

"I want nobody, nobody but you *clap clap point clap*
nobody nobody but you *clap clap point clap*..."


Tinatanong pa ba yan kung bakit? Manalamin ka nang malaman mo. Manigas ka diyan sa tabi. Sa kaniya ako tatabi, siya lang ang kakausapin ko. Kikilalanin ko siya ng husto. Pagsisilbihan ko siya. Kakamutin ko ang likod niya kapag nangangati, bubunutan ko siya ng balbas tyaka ng patay na buhok, lilinisin ko ang tenga niya, at tatanggalan ko siya ng blackheads at whiteheads.

Hindi magtatagal, ibe-belt ko ang

"Unti-unting mararating, kalangitan at bituin.
Unti-unti'y kinabukasan ko'y magniningning.
Hawak ngayon, tibay ng damdamin *kulots*,
bukas naman sa'king paggising,
kapiling ko'y pangarap na bituin..."


Oo, siya ang aking twinkle twinkle little star. *buntong hininga* Wala akong masabi.

Pero paano ko nga maaabot yun, e kung makadikit ka sa'kin, para kang linta. Parang kang lamok na kapag madilim e dapo ng dapo sa'kin. Para kang patay gutom na nakatanghod. Kakausapin ko na lang ang pangarap na bituin ko, bigla ka namang lalagapak sa harapan ko na parang meteorite. Eeksena na ko, bigla ka namang sisigaw ng cut! Taenamo. Sa isip-isip ko,

"Muntik nang maabot ang langit..."


Exeunt. Music fades. "Po-po-poker face, po-po-poker face... ma ma ma my..."

Monday, 10 August 2009

Mga Natutunang Bagay Habang Bored sa Gitna ng Napakaraming Tao sa Mall

Kahapon sa SM North EDSA, habang nababagot na hinihintay na magyaya na pauwi ang mga kasama ko, meron akong ilang bagay na nakita, na-realize at naisip, mga lessons na natutunan kung baga.

1. Huwag kuhanan ng picture ang sarili sa gitna ng nagpipikturang mga grupo habang bitbit ang pinamili sa grocery at wala kang kasama sa paligid. Nakakaawang tignan. Sige subukan mo, mapapansin mong peke ang ngiti mo sa lahat ng litrato mo. Tyaka, ano ba? Nakakahiya!

2. Usapang pikturan pa rin, huwag magpakuha sa tabi ng isang palmera tree na kasing-tangkad mo lang habang malakas ang hangin kung ayaw mong maging parang picture ng unggoy na nagtatago sa gubat ang kuha mo.

3. Habang naglalakad sa mall, bitawan ang kamay ng jowa kapag may nakasalubong na gwapo o maganda. Tapos sundan mo ng tingin. Kapag malayo na, tyaka mo ulit hawakan ang kamay ng jowa mo. Maganda yun. Magandang gawain yun. (Tapos si jowang binitawan ang kamay, e dedma lang. Saan ka pa?)

4. Habang kumakain sa Pizza Hut, tignan ang sarili habang sinusubo ang pizza sa mirrored walls. Panoorin ang pag-nguya. Tignan kung pogi pa rin ba habang ngumunguya. Pagkatapos ng isang kagat, ayusin ang buhok. Malaking effort ang pagsubo ng pizza, nakakagulo ng buhok. (Gwapo ka pa naman. Hay.)

5. Huwag magsusuot ng masikip na pantalon kung hindi ka naman pala komportable. Oo, obvious yun. Mahahalatang di ka komportable sa suot mong pantalon kasi mukha kang palaka kung maglakad.

6. Huwag sasakay agad ng escalator kung may maiiwan ka. Yung pagdating mo sa taas e bababa ka ulit. Tapos pala, dala mo naman pala, e di aakyat ka ulit. Ang problema, yung mga kasama mo pala ang wala, bababa ka ulit. Sabay may tatawag sa'yo galing sa taas. Ok. Tama na. Ang gulo mo.

7. Huwag pupunta ng mall kung wala ka namang pera at kung ang gagawin mo naman dun e makialam sa buhay ng may buhay. Matulog ka na lang sa bahay, manood ng TV, mag-internet, kumain o kaya naman, pakamatay ka na lang!