Thursday, November 3, 2011

Malungkot Ako, Pramis!

Ang inyong abang lingkod ay nakakaranas ng matinding kalungkutan.

*music fades in, magdidilim ang entablado, bubukas ang spotlight at itututok sa isang baklang nakaluhod, tutulo ang luha ng bakla na magsisimula sa kanang mata at after a few seconds e babagsak naman ang luha sa kaliwa, titingin sa madla, hihikbi, bubuntong-hininga, titingin sa kanan, titingin sa kaliwa, titingala, at bubulong*

"O SanRio, why me? Why me? Why me?"

*mamamatay ang ilaw, pero bubukas ulit, nakatayo na ang baklang malungkot, sisigaw, babagsak, sisigaw ulit, tututog ang rain sound effects, kidlat, sabay iyak ng matindi, mamamatay ang ilaw*

Yan ang moment. Pero siyempre hindi ko pwedeng gawin sa totoong buhay yan. Mahirap nang mabato ng kaldero ng inay. Baka ibalibag din sa akin ni itay ang maleta.

Pero seryoso, malungkot talaga ako. Hindi lang halata.

Ekskyus me lang, iiyak lang muna ako.