Monday, 27 September 2010

Slight Walang Kwentang Sharing

Gusto ko lang mag-share today. Bawal kumontra, dahil ang kokontra ay dadapuan ng ipis sa mukha!

Uno. Nakakagitlang pangitain. May nakita ako kaninang manong. Siya yung tipo ng manong na, paano ko ba sasabihin, yung manong na manong. Malaki katawan, malaki tiyan, naka-maong shorts, naka-sando, maitim, kalbo, bungal, maraming tattoo. Na-trapik kasi yung jeep na sinasakyan ko kanina sa may Cubao, tapos biglang dumaan si Manong. For real, nakakatakot siya. Para siyang character from someone's nightmare. Eto nga lang ang twist, yung isa sa mga tattoo niya, yung nasa may balikat niya, ay isang bunny! Yes, bunny. Not a rabbit, not a hare, a bunny. Yung cute na bunny. Ha. Nawala ang takot ko, napalitan ng gitla.

Dos. Seryoso muna. Hay, Aileen kung nasaan ka man, tsk, ambilis. Naalala ko talaga noon na everytime na makakasalubong kita sa UPD, e pinapaalalahanan mo ko na mag-uusap tayo. Hindi na natuloy. Hanggang sa naglevel-up ka na ng naglevel-up, hindi na tayo nagkita. Pero mads, alam ko namang nandiyan ka lang e, nagpapaalala, bumubulong. Alam ko. Alam ko na ang gagawin. Alam ko na ang sasabihin mo sa akin. Huwag kang magalala, balang araw, kasabay ka pa rin namin na maglayag papunta sa tunay na tagumpay. Mabuhay ka, Kasama! Mabuhay ka, kaibigan! Mabuhay ka, Aileen!

Tres. Pagkatapos ng medyo seryoso. Salamat sa pagbabalik ng internet connection. Yun lang.

Kwatro. Frustrated na talaga ako. Hello?! Nakakapagod maghintay. Tiyaka ano ver? Buti pa ang halaman, kahit hindi nagdidikit, nagkakaroon ng bunga.

Cinco. Sampalin niyo ako't kailangan ko na ata talaga nun. Pakipaalala na patong-patong na ang mga kailangan kong tapusin. Pakisabi nga sa akin na wala namang sense na gumagawa pa ko ng listahan, tutal e hindi naman nasusunod. Pakisigawan nga ako ng todo, gamitan niyo pa ng trompa at itapat niyo sa tenga ko, na simulan na kahit man lang isa sa mga yun. Please. Kailangan ko na atang mabatukan ni Papa Bro! Go po, go!

And with that, tinatapos ko na ang non-sense kong pagshe-share!

Thursday, 23 September 2010

Give Me Back My Connection

Please, give me back my DSL connection!

Torture pala itong matindi. Kawawa naman ang social life ko! Kawawa rin ang kabuhayan! Kawawa rin ang pseudo-romance. Chos! Kawawa lahat!

Buti na lang may WiFi si pinsan. Magtiyaga na lang muna sa pambuburaot. For the meantime lang naman ito. Sana.

Uhuhu.

Sunday, 12 September 2010

Maroon Pa Rin Naman Ako

Sabi ng nanay ko kanina habang nanonood kami ng UAAP Cheerdance Competition, "Bakit ba hindi ka mapakali diyan? E hindi ka naman na taga-UP?"

Oo nga naman. May punto si mother dear. Aba naman kasi kanina, para akong inasinang bulate habang pinapanood yung routine ng UP. Tapos kulang na lang e magtata-tumbling ako sa loob ng bahay. Gusto ko na nga ring sabayan ang cheer e. Feeling ko nasa Araneta ako, at feeling ko taga-UP pa rin ako. Lalo na nung announcement of winners na. Feeling ko na-drain lahat ng dugo sa mukha ko. Feeling ko minamaso ang dibdib ko. Feeling ko ako yung nakatayo sa gitna ng Araneta habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko.

Nung sabihin ni Boom Gonzales na "Welcome back! UP Pep SQUAD!", napatayo talaga ako, napasigaw, napaiyak sa galak. Kulang na lang yakapin ko si mother at ang mga sisteret ko. Kulang na lang magsisigaw ako sa labas ng bahay. Para akong nanalo sa beauty contest. Na-feel ko ang confetti na bumamabagsak mula sa kisame. Na-feel ko ang hiyawan ng mga tao. Na-feel ko ang victory! Gusto kong maghubo at dumipa ala-Oble. Oh yeah!

Oh well, hindi na nga ako taga-UP. Pero mother, all of you, ito lang:

Once a maroon, always a maroon! Go UP Fight!

Congrats UP Pep Squad sa pagbawi ng koronang bongga!

Wednesday, 8 September 2010

I LOVE YOU, YOU LOVE ME, KEMERLOO CHIN-CHIN KWAYLA

Kailangan ko lang talagang ire-affirm ang thought na ito:

Kinakabog lang ng pagmamahal ang lahat ng bagay lalo na ang Kasarian. Waflung na waflung lang yan! Kaya naman everybody, kung magmamahal ka, basta magmahal ka lang. Walang tanong-tanong, walang bakit, walang "Ha?", walang pero-pero, walang kaba-kaba, wala lahat. Just love, okay? Isabatas nating lahat yan.

With that, sino bang gustong i-waflung ang gender? Tara na, magmahalan na tayo. Maghihintay ako. Keme!

Mabuhay ang mga taong in-love!

I love you all. Tulungan niyo kong ipagkalat ang pagmamahal. Now na!

*salamat kay Sir Vijae Alquisola para sa pagbuhay muli sa aking natutulog na consciousness regarding love hahaha*

Wednesday, 1 September 2010

September 1

Ulang walang humpay.
Tawag ni Itay, naiwan naman akong lupaypay.
Sa gutom ako'y muntik mamatay,
kaya naman gumawa ng sariling tinapay.
Quarter Pounder aking kinatay.
Pinutakte rin naman ng buong bahay.
Pizza, ayun, walang sablay.
Facebook page, puno ng mga ahahay.
Oh yes, I know, marami pa ring
nakaalalay.
Bukas, exam, yaiks, ako'y patay.
Kaya naman pahinga muna si atay.
Ang ulan, ayaw pa ring magbabay!

Happy Birthday to me!