Oo nga naman. May punto si mother dear. Aba naman kasi kanina, para akong inasinang bulate habang pinapanood yung routine ng UP. Tapos kulang na lang e magtata-tumbling ako sa loob ng bahay. Gusto ko na nga ring sabayan ang cheer e. Feeling ko nasa Araneta ako, at feeling ko taga-UP pa rin ako. Lalo na nung announcement of winners na. Feeling ko na-drain lahat ng dugo sa mukha ko. Feeling ko minamaso ang dibdib ko. Feeling ko ako yung nakatayo sa gitna ng Araneta habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko.
Nung sabihin ni Boom Gonzales na "Welcome back! UP Pep SQUAD!", napatayo talaga ako, napasigaw, napaiyak sa galak. Kulang na lang yakapin ko si mother at ang mga sisteret ko. Kulang na lang magsisigaw ako sa labas ng bahay. Para akong nanalo sa beauty contest. Na-feel ko ang confetti na bumamabagsak mula sa kisame. Na-feel ko ang hiyawan ng mga tao. Na-feel ko ang victory! Gusto kong maghubo at dumipa ala-Oble. Oh yeah!
Oh well, hindi na nga ako taga-UP. Pero mother, all of you, ito lang:
Once a maroon, always a maroon! Go UP Fight!
Congrats UP Pep Squad sa pagbawi ng koronang bongga!
MABUHAY ang UP PEP!!
ReplyDeletemarron na maroon ka noki! haha!
apir!
super relate ako mother!!! hahaha. feeling ko masaya ito panuorin nang kasama ka. pwede bang i arrange natin itoh next year?! :))
ReplyDeleteat oo naman once a maroon -- cheverlin cheverlin. ako na ata ang pinakawaang kwentang iska pero kebs! feel na feel ko pa rin ang UP Pep! walang makakaagaw nun satin diba? lab ya! :*
Yez ate, once a maroon, always a maroon!!!
ReplyDelete@bulitas: apir! kamusta naman jan?
ReplyDelete@mother naomi: ay gusto ko yan! ngayon pa lang magpa-reserve na tayo ng ticket hahaha! alabya majora. chos!
@simone: naman palaman suman!