Thursday, 29 October 2009

Estudyante Blues - Ang Pagbabalik

May na-realize ako nitong mga nakaraang araw. Minsan pala e masarap ding isipin ang future. Na pwede palang magpaka-spontaneous na merong consideration sa future. Ayyy seryoso. Hindi bagay. Ang pangit-pangit. Haha.

Pero true, may kakaibang dulot na ligalig pala sa katawan yun haha. Kaya naman, nag-enroll na ako. Oh yes, sa ayaw niyo't sa gusto, estudyante na ako ulit. Kahit kontakin niyo pa ang mga diyos at diyosa, hindi ako nagjo-joke, mapapahiya lang kayo.

Huwag na kayong kumontra, totoo na ito. Promise. Cross my heart. Hope to die. Mamatay man yung paboritong chow-chow nung kapitbahay naming mukhang bulldog. Period. No erase. Susi. Padlock. Yung susi sa padlock nahulog sa kanal. Tapos kinain ng daga. Tapos yung daga kinain ng pusa. Goodbye susi. Hello college!

O di'ba? Bongga? Hindi na ako paaawat. Hayaan niyo na akong mag-ayos ng buhay. HIndi naman masama di'ba? Sa maniwala kayo't sa hindi, walang pressure na kasama ito. Kagustuhan ko talaga 'to. *kidlat*

Pero hindi ko pa rin maiwasang nerbyosin. Para na naman akong freshie (Josko sa edad kong 'to? Freshie? Ang chaka haha.) Kahapon nung nag-enroll ako e para akong tanga. Yung mga ngiti ko sa mga kausap ko e parang yung ngiti ng taong nasa pangatlong kilabot na ng pagjebs. Parang may halong takot kasi baka ma-okray ako ng bongga na tipong mabubura na ang pagkatao at pagmumukha ko sa universe. Pero in fairness, accommodating sila at halos wala akong ginawa. Naupo lang ako sa harap ng assigned adviser ko at voila, meron agad akong schedule. Ang bilis ng proseso. After a few hours, estudyante na ako!

But wait, nang mag-hello in my face ang aking bagong schedule, parang lalo ata akong ninerbyos. Napaisip ako ng slight, "Di'ba AB English ako? Baka naman nagkamali sila't nailagay ako sa BS." Heto na, nag-hello din in my face ang aking 23 units of hell and beyond plus, plus!

- Ethics (sa lahat ng ayoko e pag-iisip ng malalim, Philo subject? come on! hell!)
- Psychology na ang focus ay Drug Addiction (kailangan ba talagang may focus sa D.A.? may Psych naman na ako pero bakit ayaw niyong i-credit? hell!)
- Developmental Reading (parang ngayon ko lang ata narinig ang field na ito. Ano ito? hell?)
- Ang aking Fridays ay tunay namang impiyerno. Ang aga magsisimula ng araw ko ike 7:30 na by the way ay PE tapos ay matatapos ng 6:00 pm. (kamusta naman ang pagka-haggard ko nito?)
- English na may laboratory class (tulungan niyo nga akong intindihin ito. Meron ba talagang lab ang English?)
- At ito na ang Beyond plus plus, na feeling ko ay magiging mitsa ng aking buhay, PLANE TRIGONOMETRY! Need I say more?

Maliban sa 23 units of hell and beyond na yan, hindi ko rin maiwasang mag-worry sa aking mga magiging teachers at kaklase. Siyempre medyo nasanay ako sa mga ubod ng huhusay (naks, may katotohanan nga ba ang argument kong ito?), ergo my expectations. Siguro kailangan kong alisin sa utak ko yan. Tama, tama. Wala sigurong maidudulot na maganda yan. Parang mango shake na may bagoong alamang na topping.

Oh well, siguro kailangan ko na lang maghintay sa mga mangyayari. I still have two weeks (almost) na bakasyon. Meron pang panahon na i-kondisyon ang sarili, katawan at utak. Kailangan lang, "Think positive, wag kang aayaw! Think positive!" Kaya ko ito. This is it!

Tuesday, 20 October 2009

Rants of a Deprived Homo (Sapien?) Tse!

Nararamdaman ko na ang parusa ng mga diyos at diyosa. Hindi ko naman maisip kung anong mabigat na pagkakasala against the laws of living in the universe ang nagawa ko? Meron ba? meron nga ba? Why? Why me? Bakit hindi na lang yung mga politiko ang parusahan? Bakit hindi na lang yung mga walang konsiderasyong kapitbahay ang hagupitin ng latigong apoy ni Hades? (calling Ninang Weng!) Bakit hindi na lang yung mga rapist at magnanakaw ang bangungutin ng dagat-dagatang apoy? Bakit ako pa? Bakit?

Bakit nga ba pakiramdam ko e nagtatampo sa akin ang mga kataas-taasang mga makapangyarihan sa heaven? Ano nga bang nangyayari sa akin ngayon at naisip ko ito? Ang sagot: I'm so deprived! Deprived sa halos lahat ng bagay.

Una, deprived sa yaman. Hindi ko naman hinihinging ibigay sa akin ang lahat ng yaman sa mundo. Hindi ko naman ata keri yun. Naniniwala pa rin naman ako na walang tunay na happiness sa material things. Pero naman Lord, kahit pambili ng yosi e hirap na hirap akong maghagilap! Imagine ha, nagtitiis na lang akong maghintay ng mahuhulog na barya kapag dumudukot ng pera ang nanay ko sa bulsa niya. O kaya naman e nagtyatyaga na lang ako sa pambuburaot. Kung may award siguro ang pinakaburaot na tao sa mundo, isa na ako sa mabibigyan ng high honors!

Ikalawa, deprived sa lovelife. Diyos ko po. Hindi naman sa takaw na takaw ako sa yakap at halik ng iba pero feeling ko e binabato ako ng tae kapag naglalampungan sa harapan ko ang mga kaibigan ko at kani-kanilang mga jowa. It's been years Lord, years! Asaan na siya? Asaan na? Huwag niyo kong hihiritan na maghintay lang ako dahil darating din naman. Pagod na kong maghintay! Pagod na pagod na. Mas pagod pa sa mga isdang langoy ng langoy. Hindi na tama ito. Hindi na talaga.

Ikatlo, deprived sa sex life. Tagtuyot! Tagtuyot! Daig ko pa ang El Nino sa dryness. Pwede na kong gawing diaper to keep your babies comfy and dry, all day and all night! Ginagawa ko naman ang lahat pero parang walang pumapansin. Kulang na lang e maglagay ako ng artificial vajayjay para mapansin. Bakit naman yung ibang tulad ko na hindi naman kagandahan e nakakapuntos? Bakit yung iba na mukha namang hindi naliligo e nakakaharvest at nadidiligan? Ano bang kulang sa akin o Lord? Ano? Tell me!

Tangina lang di'ba? Imagine ha, sa sobrang desperasyon ko ngayon e nagawa ko ang entry na ito na nakatayo! Help me! Help!

Wednesday, 14 October 2009

Tang Ina Niya


Para sa mga papansin! Para din sa mga nagpaasa! Para din sa mga nagiiwan! Para din sa mga walang balls! Para sa mga walang modo!

Para sa mga bitter!

Mabuhay!

TANGINA NIYA
(Akuztiks)

Meron Akong Gustong Ikwento
Tungkol Sa Dating Kasintahan Ko
Ginawa akong isang tanga. Pinaniwala
Niya ako rin lang ang mahal niya
Alam nyo ba, dalawa kami doon sa puso nya
Na Pinagsabay, Na Pinaghintay, Pinangakuan
Na isang araw ako raw ang kanyang iibigin
Sasama Daw Siya Sa Akin, Ngunit Ako’y
Pinagpalit sa syot niyang patpatin

Chorus:

Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya

Refrain

Ngunit ako’y hindi natuto
Tuloy pa’rin ang katangahan ko
Sya pa’y muli ko pa’ng tinanggap
Kung siya ay bumalik, na iiyak-iyak
Tinanong ko siya, kung ako na ba ang nasa puso nya
Siya ay natulala, parang nawawala
Sabay sinabi niyang Hindi Nya Alam ang kanyang isasagot sa akin.
Hindi pa raw nya kayang lisanin
Mahal na Mahal Niya Raw Parin Ang Kanyang Syotang Patpatin

Chorus:

Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya

--
Sana ay masagasaan sila
Sana ay masunugan sila
Sana ay makagat siya ng aso nyang ulol
Bahay nilang kalbo nakatira doon sa may kanto
Sana tamaan sila ng bagyo

Diyos ko

Tuesday, 13 October 2009

Ayokong Maging Mean, Pero...

This is an established fact: May mga taong medyo hindi talaga nabiyayaan ng ability na mag-process, mentally, ng mabilis. Ok, ok. May mga taong sadyang may taglay na kabobohan.

This is not be mean to those people ha, ayaw ko namang umarte na parang sinasabi ko na I'm so talino and I'm so perfect dahil minsan e may mga pagkakataong nabobobo rin ako. Normal na yun. Pero yung iba e nuknukan. Tipong ayaw paawat, ayaw man lang itago ng slight ang katangahan.

Let's make things concrete (naks pa-intelektwal na banat) para naman ma-visualize natin ang mga bagay-bagay.

1. Narinig ko na 'to sa isang skit ni Vice Ganda (na I so like) and I have exactly the same sentiment. Parang ganito:

Lunch time. Enter the dragon ka sa isang carinderia. Siyempre uupo ka agad sa pinakaunang bakanteng table. Lalapitan ka ng mga serbidora.

Serbidora: Good afternoon sir, kakain po ba kayo?

Me: Ay te, hindi. Makikitae ako.

Di'ba? Hello? Lunch time? Carinderia? Sige nga, isipan niyo nga ako ng iba pang gagawin sa loob ng carinderia ng lunch time? Kapag nakaisip kayo, sabihin niyo sa akin at magsu-suicide ako.

2. Common din ang katangahan sa pagkanta. Madalas 'to lalo na kung magtatanong ka ng title ng kanta. Imagine this scenario:

Me: Friend, ano nga ulit yung title nung kanta ni Stephen Bishop?

Friend: Saan pari siya?

Me: Hindi siya pari tanga! Yung ano, "Time, I've been passing time, watching trains go by, all of my life."

Friend: Ah alam ko yan. Ang bobo mo naman. Ang dali-dali kaya niyan. Siyempre hindi All of my life, sagot ng tanga yun. eto yun o, "And it's telling me it mighty you. It's telling me it mighty you. all of my life." Mighty You friend, Mighty You.

Me: *kuliglig*

Siyet lang di'ba? Naalala ko tuloy si Alyssa Alano sa kaniyang ever famous na Keys Me.

3. Minsan naman e nakaka-offend na ang mga kabobohan ng iba. Parang gusto mong dumerecho sa simbahan para ipag-kumpisal lang sila. Fore example:

Friend: Noki, saan ba ko pwedeng magpa-kopya ng kanta sa MP3 player ko?

Me: Sa akin na lang, may Limewire naman ako.

Friend: Marunong ka ba?

Me: *O Diyos ko, patawarin Niyo po silang mga makasalanan.*

Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko naman sa lagay na 'yan. Ano ba friend? Magaalok ba ko kung hindi ako marunong? Friend naman!

4. Marami din namang mga hindi nabibiyayaan ng sense of direction. Medyo ok lang sana ito pero yung iba e talaga namang ibang level na. Tipong hindi mo na pwedeng iwang mag-isa sa loob ng bahay nila.

Si Friend, nag-text.

Friend: Help. I'm on my way to Shaw. Nasa Guadalupe ako.

Me: MRT. Sakay ka papuntang Shaw. Derecho na yun.

Friend: K. Tnx.

A little later...

Friend: Hoy! Nasa nasa Santolan na ko, malapit na ba?

Me: Shunga. Lagpas ka na. Lipat ka ng train.

A little later:
Friend: O, nasa North Edsa na ako. Ano ba?

Me: Sabi ko lumipat ka ng train e!

Friend: Lumipat naman ako doon sa susunod na train e!

Me: Chet ka! Sa kabilang lane! Mag-taxi ka na nga lang!

Dapat sa mga ito may sariling driver. Hindi rin magwo-work sa kanila ang mapa e!

5. May mga katangahan din naman sa pagkain. Dio mio, pagkain na lang. For instance, kape.

A: Bili mo naman ako ng espresso. Yung sukli ibili mo na rin ng gusto mo.

B: Ok.

E di attack si B sa bilihan ng kape. Siyempre makakatanggap siya ng dalawang baso, yung isa maliit para sa espresso. Ibinuhos ni B yung laman nung maliit na cup doon sa kape niya. Tapos naghintay ng matagal at nagtanong na sa barista.

B: Um miss, asan na po yung espresso?

Barista: Ah sir, naibigay ko na po. Yung nasa maliit na cup?

B: Oops. order na lang ako ng isa pa ulit.

Barista: *kuliglig*

O di'ba?

Inuulit ko, hindi ito para i-mock ang mga taong medyo may pagka-slow sa mga ganitong bagay. Basta lang.

Wednesday, 7 October 2009

Crayola Moments

Naalala niyo pa ba yung mga quiz sa Friendster? Madalas na tanong doon (na hindi ko alam kung bakit ba kailangan nilang malaman) ay kung kailan ka huling umiyak. Aminin niyo, pinatulan niyo rin kagaya ko ang mga yun. Huwag nang maarte.

Kung ngayon ako tatanungin kung kailan huling naging active ang tear ducts ko, ang sagot ko e kani-kanina lang, like two hours ago? Pero hindi dahil nakipag-away ako sa jowa ko dahil wala naman ako nun o kaya naman e pinagalitan ako ng nanay ko dahil manhid na ko sa pangookray ni inay. Umiyak ako kanina dahil sa nautusan ako ni inay na magbalat at magtadtad ng sangkaterbang sibuyas na gagamitin niya bukas, na by the way e narealize ko na maganda palang pampalipas oras at tyaka pang-alis ng stress. Try niyo. Super flow talaga ang tears like talo ko na si Juday at si Claudine.

Bakit nga kaya nakakaiyak ang sibuyas? Meron ba itong chemical na nagti-trigger ng melancholy sa brain? Nakakapagpa-alala ba ng bitter past ang sibuyas? Mas maanghang ba talaga ang red onion kaysa white onion?

Pero hindi tungkol doon ang aking entry tonight. Wala lang. Nagpapapansin lang. Nag-effort lang na mag-insert ng humor. Oh well, anyway, naisip ko lang kanina yung ilang mga pangyayari na kakabog sa break-up at death kung iyakan ang usapan.

1. Madapa in front of your all-time, ultimate crush. Isipin niyo mga dear, mega papansin ka kay crush. Hawi ng hair, papungay ng mata, lakad ala-catwalk ng bigla kang lalagapak eksakto sa tapat niya. Ay naku for sure, hindi ka lang iiyak. Malamang alamang e maisip mo nang mag-hibernate for life!

2. Mawalan ng cable signal sa kalagitnaan ng pelikula o palabas na isang beses lang ipapakita sa TV. Tapos yung tipong papunta na dun sa climax? Ay te! Maiisip mo sigurong i-umpog ang ulo sa TV screen.

3. Mawalan ng load habang katext ang crush o jowa. Yung tipong papunta na sa landian ang usapan tapos biglang "Check Operator Services" ang babalandra sa screen ng telepono mo? Yung tipong sasabihin mo na ang matagal mo nang sabihin? Ligwak ang momentum. Siguro magagawa mong pulbos ang telepono mo.

4. Malaglag at ma-shoot sa manhole ang USB kung saan nakasave ang mga important files (like thesis, office documents) at malalaman mong wala kang back-up. Maiisip mo sigurong magdrop-out sa school o mag-resign sa work tapos maging taong grasa na lang.

5. Matanggalan ng pustiso habang nasa job interview o meeting o date. Ewan ko lang kung may mukha ka pang maihaharap sa mga tao. Baka ipabura mo na sa mundo ang identity mo.

6. Para sa mga girls: Makitang may kahalikang lalaki ang boyfriend. Tapos yung kahalikang lalaki e dati mo ring manliligaw. May mas sasaklap pa ba doon? Baka i-consider mo na rin na maging, er, tiburcio!

7. Malamang wala palang lamang pera ang wallet sa oras ng bayaran sa restaurant, computer shop, parlor o kung saan man. Mahirap naman atang mag-123 sa mga ganoong eksena di'ba?

8. Gisingin sa kalagitnaan ng panaginip. Tapos yung panaginip mo pa e tungkol kay Piolo o kaya kay Sam, or both, na kadate mo tapos sinusubuan ka nila ng kung anumang pwedeng maisubo? Maiisip mo siguro sana binangungot ka na lang.

9. Er, PG ito. Magpaalam ang ka-sex sa kasarapan ng aksyon na pupunta muna siya ng banyo para umihi. Masakit na sa ulo, masakit rin sa puson! Iyak-tawa malamang ang kahahantungan mo.

10. Makunan ng video habang nangungulangot o kaya naman nagtitinga tapos e ipapanood sa maraming tao. Iisipin mo siguro na sana e mag-transform ka on the spot into a kulangot o tinga para itapon ka na lang sa malayo at di na makita.

Hindi ba nakakaiyak naman talaga? Madadaig ba yang mga yan ng pakikipaghiwalay sa jowa? Hindi! Matatalbugan ba yan ng pagka-fire sa trabaho? Hindi rin!

O siya, ako'y sisibat na at baka maiyak na naman ako dahil sa amoy ko. Kelangan ko nang mag-shower at nakalimutan kong kailangan ko na ring tanggalin ang amoy ng sibuyas sa katawan ko. Daig ko pa yung amoy ng Anaps na isang linggong hindi naliligo. Nakakahiya sa mga ipis at daga na katabi kong matutulog.

Tuesday, 6 October 2009

Bro Loves You, I Know, I Just Know

Naniniwala ako na si Bro minsan ay talagang mapang-trip (sorry Bro). Iniimagine ko na meron siyang napakalaking database ng pangalan nating lahat tapos automatically e namimili ng isang napaka-swerteng nilalang na magiging subject ng kaniyang power tripping. Meron din siyang software na nagra-raffle ng random act of pangti-trip. Tapos, parang some kind of magic e voila, instant butt of jest ka na ng mga tao sa paligid mo. Ang cool di'ba?

Parang kanina, ang sarap-sarap ng page-emote ko sa tapat ng bahay. Feel na feel ko yung bonggang hangin. Iniimagine ko na bida ako sa isang shampoo commercial, with my hair magically flowing and dancing kasabay ng hangin na parang ang daming industrial fans sa paligid. Tapos dadaan yung kapitbahay namin na crush ko na mapapa-double look pa sa akin. Maiisip niya na, "Wait, bakit mahaba ang buhok ni Noki?" pero lalapit pa rin siya para hawakan ang buhok ko. Ilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko para sabihing "You're beautiful." nang heto na, ang random act of power tripping ni Bro, kasabay ng malakas na hangin e hahampas rin sa mukha ko ang isang pirasong plastik na hindi ko alam kung saan nanggaling. Gising sa pagde-daydream. How lucky di'ba na sa dinamidami ng tao sa paligid e ako pa yung tinamaan ng plastik.

Heto pa ang ilan sa mga bagay na pwedeng mangyari sa iyo na maiisip mo talagang lahat tayo e paminsan-minsan, napapansin din ni Bro - hindi nga lang kasing-swerte ng mga tinatawag nating panganay na anak ng Diyos.

1. Bongga kang nagi-stroll kasama ng iyong friends hoping na makasalubong si crush at mangitian man lang pero imbis na pearly white teeth ang mag-hello sa iyo e ipot ng kalapati, o di kaya naman kung talagang swerte ka pa e guano. O. mas sosyal di'ba? Jebs ng paniki pa. Ayaw mo pa ba?

2. Kung hindi naman parang falling star na nanggaling sa kung saang parte ng universe ang jebs na papatak sa'yo, minsan naman e parang kabute namang bubulaga sa harapan mo ang poopoo na for some reasons e hindi nakakaawa kapag natapakan.

3. Ano naman kayang maiisip mo kung mangyari sa'yo ang scenario na ito: pauwi galing sa kung saan sakay ng isang jam-packed na bus - take note, jam-packed, ergo maraming tao - na biglang makakabangga ng Pajero. At sa dinamidaming pwedeng malaglagan ng nabakling handrail e ikaw pa? Instant pilat sa noo.

(Naalala ko tuloy yung pang-aasar ng mga kaibigan kong hindi ko alam kung mga walang puso o ano, "Noki, natupad na ang pangarap mo!" Siyempre nakakapagtaka di'ba. " Anong pangarap?" ang sagot ko. "Sus pa-kiyeme ka pa! Di'ba minsan mong pinangarap na magka-vajayjay? Ayan na. Meron na. Sa noo nga lang!" Yeah right!)

4. Swerte ka pa ring maituturing kung of all people e ikaw pa ang napagtripan ni Bro na ma-shoot sa kanal. Mas bongga pa kung papunta ka pa lang sa destinasyon mo (e.g. isang party) at malayo ka na sa bahay niyo, like kailangan mo pang sumakay ulit ng MRT.

5. What if naglalakad ka naman sa isang avenue o kahit anong kalsada na puro palm trees (Elbi lang?) o kaya naman kahit anong puno nang biglang mapunta na naman sa'yo ang spotlight ni Bro at malaglagan ng bulok na sanga? Aray lang di'ba?

6. Kumakain kayo ng barkada sa isang medyo sosyal na kainan, tapos wrong timing namang magpapatawa 'tong clown mong kaibigan. Siyempre matatawa ka, mahirap namang sabihan na wala kang sense of humor. Okay lang namang tumawa, huwag lang habang may nginunguya ka. Imagine na lang kung ano-anong pwedeng lumabas sa bibig mo (o kaya sa ilong) kasabay ng tawa?

7. Sa isang pila, like sa bilihan ng ticket sa sinehan o kaya naman pila sa kubeta, tapos may hawak kang kapeng mainit. Hindi mo ba maiisip na pinagti-tripan ka ni Bro kung may isang tangang nilalang na makakabangga sa'yo at mapaliguan ng bagong kulong kape?

8. Gaano naman karami ang nababagsakan ng ipis, butiki o daga sa bunganga habang natutulog? Napaka-rare niyan.

9. Ilan lang din ang pwedeng mahulugan ng pustiso habang bonggang humahalakhak sa harap ng maraming tao.

O di'ba? Proof lang ang mga iyan na sa araw-araw, kahit sino ka pa o kahit nasaan ka pa, hindi ka nag-iisa sa kamalasan at ang mga tinatawag nating mga kamalasan na iyan e manifestation lang na may mga taong tanga at mahal tayo ni Bro.

Monday, 5 October 2009

Hello. Hell. Oh.

Yes, hello?

Good afternoon, sir. Nandiyan po ba si Echoserong Frog?

Speaking. Sino po sila?

Oh hi sir. This is Lucy. I would like to tell you that you won a very, very, very as in bonggang trip to *tentenenen* hell! *bonggang halakhak*

Ha? I won? How? E di naman ako sumasali sa kahit anong contest. Baka naman scam 'to ha? Baka naman peperahan mo lang ako. Umamin ka. Umamin ka, siyet ka. Kung ayaw mong ipahanap kita at ipapatay.

Wow. Ang perfect mo talaga para sa premyong ito, sir. Winnur ka talaga.

Wait, di kita ma-gets. Medyo malabo ka ha. Baka gusto mo talagang dukutin kita ngayon sa telepono tapos isakal ko sa'yo ngayon yung telephone wires?

Ayan sir, o. You're actually doing our first criteria para manalo sa aming pa-contest! Gustong-gusto namin yan! Go sir, magalit ka! Magalit ka pa! Yung tipong magba-blog ka na dahil sa sobrang galit. Yung parang gusto mo nang pumatay! Go sir, go!

Ganun? Ganun ba yun? May criteria talaga?

Oo sir. Ang galing mo ha, in fairness. Yun nga, maliban doon sa rage na kasalukuyan mo nang pine-perform at naperform na ng paulit-ulit in the past -

Hoy sure ka ba diyan sa accusations mong hayop ka?

Sir, huwag ka nang kumontra. Marami kaming ebidensiya at huwag mong hintaying ipadala namin yung mga yun sa'yo, baka magpakamatay ka!

Ay, sige-sige, continue!

Yun na nga, maliban sa rage, na-fulfill mo na rin yung anim pa sa aming seven criteria. Yung susunod na criteria e yang pagpapalaki mo ng tiyan.

Hoy, busina naman te. Haggard ka ha.

Makinig ka lang. Ayon kasi sa aming sources, halos ubusin mo daw ang stocks niyo diyan sa bahay niyo. Maya't maya ka daw sir kung kumain. At hindi lang kain. Para ka raw patay-gutom.

Required ba na ganiyan ka-harsh ang language?

Sir, huwag kang makikialam.

Ok, ok. Nagtatanong lang!

Going back. In relation to your katakawan, medyo napapadalas din ang paglalasing mo. Which is good, very good, in fact e nalagpasan mo ang aming standards.

Wow, baka naman pwedeng bigyan niyo ko ng bonus? Ako na pala ang bago niyong standard e!

Sure sir, dahil sa napakagaling niyo, bibigyan namin kayo ng free lifetime stay sa aming pinaka-special na suite dito sa hell. Yung suite na katabi nung office ni bossing. Very rare opportunity ito sir.

Wow, sounds great. Gusto ko yan.

Sige sir. E di itutuloy ko na po yung aking dini-discuss. Yung third criteria naman po na nagawa niyo e yung pagiging ganid.

Talaga? Wala akong maalala.

Hay naku sir. Huwag niyo nang alalahanin, baka ma-stress lang po kayo. Basta naka-file sa amin yun. Medyo dumating kayo sa isang point in your life na gusto niyong angkinin lahat. Pero huwag na nating i-expound, maaalala niyo rin yun.

Ok, sabi mo e.

Ay sir wait lang ha. *sa background* Hoy, hoy. Pakilakasan nga yung hangin, medyo hindi na ata nililipad yung mga nasa lust chambers e.

Um, lust chambers?

Yes sir. Don't worry mararanasan niyo rin yun pag dating niyo dito. Kasi po yung mga medyo nasosobrahan sa libog e dumadaan dito. Ipaparanas namin sa inyo sir kung gaano ka-loose yung controls niyo sa inyong desires. Di'ba sir? Aminin niyo. Si kapitbahay na crush? O di'ba? Pinagnasaan mo siya di'ba? To the point na -

Ok, ok, ok. Huwag mo nang ituloy. Alam ko na! Siyet a.

So ok. Ikalima sir, medyo nakita rin namin na lately e hindi ka nagkikikilos. Napa-smile mo kami dun sir. Ngayon lang kami nakakita ng ganiyang level ng katamaran. Yung level na nakaupo ka lang talaga mag-hapon. We're so pride of you sir. Very proud.

Why, thank you very much!

Tapos sir, naaalala niyo po ba na minsan e gusto niyo nang patayin yung sarili niyo dahil sa inggit? Wow sir. kayo ang epitome ng envy nung mga panahong yun. Ilang araw kayong hindi nakapag-function nun sir di'ba dahil sa sobrang inggit. Yun ang nagustuhan namin sir sa inyo. Iba ka sir, iba ka!

I know right? Haha. Grabe naalala ko nga yon. Oh well. So anim na yun? Ano yung last?

Yes sir, itong last e yung pinaka-bongga. Meron lang po akong itatanong sa inyo para ma-confirm itong last criteria na ito. Ok sir?

Go te, go!

Are you proud of yourself?

Naman. Very proud. Ang galing-galing ko. Walang makakatalo sa akin. Wala. In fact, sa sobrang proud ko sa sarili ko, ikayayaman ko 'to. Feeling ko, nagra-radiate ako ng greatness - like the letters G to S e lumalabas sa katawan ko sa sobra kong great! I'm so galing. Oh yeah.

Perfect, sir. Perfect! You deserve our premyo.

Nice. Nice. Paano ko ba ito make-claim?

Pwede na now sir kung gusto niyo.

Teka may tanong lang ako. Gaano katagal ba ang trip na ito?

Ideally sir, lifetime talaga siya.

Ay ganun? Wait ha, magiisip muna ako.

Sigurado kayo sir? Pwedeng-pwede na ngayon. Papapuntahin ko na diyan yung susundo sa inyo.

naku, medyo busy pa kasi ako ngayon e. Pwede bang next time na?

*busy tone*

Hello? Hello? Hell..........oh!

*toooooooooooooooooottttttttttttt*