Thursday, 28 January 2010

Tumutula Pa Nang Ganun

Preno muna ka-echosan. Hehe. Seryoso muna for once.

Sumali ako sa poetry writing sa school. I wasn't able to join the on-the-spot writing pero I was able to submit my tula nung Lunes pa. Buti na lang kinonsider pa rin siya ng committee!

At heto siya:

SALIDUM-AY: Hymn of the Cordilleras

Globalization forced them to flee,

The sons and daughters of Cordillera;

Chewed and devoured was the land

By modernization with its gleaming fangs.

Elope, the monsters said, elope.

Sorwe-eh ganganasuntay ohlad
Sorwe-eh omeh-omeh-omeh-ohm
Chongdongrom.

Guns and iron fists raped and tortured

the earth that nurtured and sustained;

Mocking laughter wounded

the vulnerable body of their sacred culture.

Shoved to the ground, dignity erased.

Dong dong ay si dong ilay,
insinalidumaay.

The salidum-ay and the bad-iw

became the wails of the mountain.

The ayoweng and the soweeng

became nature’s pleading howl.

Embers glowed, flames rose.

Ela ela ela-lay, ela ela elalalay.

Melodies from the tongali echoed, and

transformed into chants of resistance;

Dancing started with the sagne and the banog

that became the rhythmic dance of freedom.

Red, the color of freedom, will envelop Cordillera.

Dong dong ay si dong ilay,
insinalidumaay.


At maliban pa diyan, sumali rin ako sa Extemporaneous Speaking Contest pati na rin sa Literary quiz Bee kung saan, tentenenen, ak oang nagwagi! Yehey! Hahaha. Karir na ito.

Monday, 25 January 2010

Biyaheng Langit

Matapos ang may ilang buwan na ring pakikipag-contest sa iba pang mga pasahero ng mga dyip na patok sa Aurora Boulevard e may ilang mga bagay akong natutunan at gustong i-share sa aking mga kapwa commuters. Ito yung ilang mga pointers na kailangang-kailangang i-consider para maging matiwasay ang paglalakbay niyo sakay ng mga jeepney from hell na ito.

Pero bago ako dumakdak tungkol doon, may tanong muna ako. Bakit nga ba PATOK ang tawag sa mga jeep na yun? May kinalaman ba yun sa party-ish decorations na akala mo e mga parade float sila na pang Mardi Gras? O dahil ba sa kakaibang sense of hearing ng mga drivers at barkers in relation sa pagkalakas-lakas na sounds sa dyip na akala mo e bingi lahat ng pasahero? O baka naman dahil lang talaga sa bilis ng mga 'to na parang di na kakayaning sukatin ng speedometer at parang matatalo na ang mga drag racers sa Need For Speed? Oh well, kung sinong nakakaalam, please let me know para matahimik at tumigil na ko sa pagmumuni-muni.

Going back, heto na ang ilang mga tips para sa mga 'di pa nakakasakay ng PATOK DYIP o pwede na rin sa mga dati nang sumasakay na wala lang talagang pakialam, baka makatulong pa ko sa pagbibigay ng liwanag sa inyo. Charing!

a. Huwag ka nang mag-effort mag-ayos ng buhok. Huwag ka na magpa-blower. Huwag ka na ring magsuklay. Useless. Sinasabi ko sa inyo. Kung ayaw niyong sumagi sa isip niyo na magpakalbo na lang pagkababa ng jeep.

b. Laging magbaon ng gunting. Para yan sa paggupit ng buhok ng katabi mong babae na hindi man lang hawiin ang hair at feel na feel pa niyang iwagayway sa hangin ang buhok niya without her noticing na kulang na lang e lumipat sa mukha mo ang lahat ng buhok niya.

c. Huwag mo nang sayangin ang battery ng iyong iPod o MP3 player. Kahit itodo mo pa ang lakas niyan, di niyan matatabunan ang ubod ng lakas na music ni manong driver.

d. Huwag na huwag mong aalisin ang kamay mo sa hand rails kung ayaw mong lumipad palabas ng jeep (kung hindi tumilapon sa wind shield ng jeep) kapag nag-brake o mag-overtake si manong. Ibang level!

e. Kung nerbyoso/a, pumikit na lang at magpanggap na tulog para hindi masyadong ma-feel ang pag-zigzag ng jeep kahit derechong-derecho naman ang kalsada.

f. I-check regularly kung may nalalaglag na gamit (o body parts) dahil sa sobrang alog at taktak ng jeep. Hindi uso ang lubak sa mga driver ng jeep na 'to.

g. Mag-practice sa pagbabalanse o kaya naman sa madaliang pagsakay at pagupo dahil hindi mo pa man naipapasok ang paa mo sa loob ng jeep e siguradong haharurot na si manong driver na akala mo e nagda-diarrhea.

h. Huwag na huwag as in huwag magdadala ng inumin kapag sasakay ng patok kung ayaw mong agawin ang role ng baso bilang sisidlan ng inumin mo.

i. Huwag na huwag maglalabas ng kahit anong parte ng katawan maski buhok sa bintana ng dyip kung ayaw mong makitang nasa ibang tao na ang kamay mo, o ang isang mata mo o ilong.

j. Huwag na huwag sasakay ng Patok kung ayaw mo ng adventure.

Kung ayaw mo ng mga ganitong eksena, mag-LRT ka na lang.

Wednesday, 6 January 2010

Ang Planner na May Mahabang Pangalan at Ang Kakaibang Dulot Nito sa Buhay ng Isang Walang Kaplano-Planong Nilalang: Isang Simpleng Review, CHOST!


Hindi talaga ako masyadong excited na magkaroon ng planner lalo na kung isang bongga sa pagka-cool na planner pa ang naharbat ko from somewhere over the rainbow!

Tenen! Presenting the "Im-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-BUT-I-got-fat/broke-on-the-10th-frappe" 2010 planner! (whew!)

Dahil sa mga plurks ng aking mga bonggang friends, na-discover ko na nage-exist pala ang planner na bagay sa mga pulubing tulad ko na hindi kayang bumili ng kape para lang magka-planner! So dali-dali kong binasa ng matindi, as in wala akong pinalampas na detalye, ang impormasyon tungkol sa planner na ito! Tapos, tinext ko na si Chinggay kaagad at nag-order and after two days, ayan na, hawak ko na ang - uulitin ko pa ba ang pangalan?

Pero ito talaga ang catch e, pagkaabot na pagkaabot ko ng bayad (paalam 320) kay Tonet, may biglang sumapak sa akin na isang napakalaki, mas malaki pa sa tutut ng kabayo, na realization. (Wow, may realization talaga!) Naisip ko na never in my life pa pala akong gumamit ng planner. Ang press release ko sa sangsinukuban nga pala e isa akong spontaneous na nilalang. Hindi uso ang plano sa buhay ko. As a matter of paking fact, I hated plans! Naalala ko na dahil sa pagpaplano e medyo pumapalya ang mga eksena ko!

Naalala ko yung minsang sobra kong pinlano yung isang akong lakad. Ilang araw pa lang bago yung mismong eksena, inayos ko na ng bongga ang aking itinerary. Makikipagdate muna ko tapos pupunta kami sa bahay nila para kumuha ng gamit tapos susunod kami sa Laguna para sa isang napakasayang adventure! E di yun, sobrang plantsado na ang plano. Exciting. But no, dun pa lang sa unang punto sa plano - ang date- e may kamalasan nang naganap! Itinakbo ng aking blind date ang aking bagong-bagong telepono! Kaboom!

Simula noon hindi na ko nagplano (at hindi na rin ako nakipag-blind date)! Pero ngayon? Bumili pa ako ng planner? Planner! From the root word 'plan', plano, di'ba I hate plano? Kamusta naman ang pagiging sponataneous?

But no. May resolusyon akong maging positive ngayong taon. Dapat lahat ng bagay ay titignan sa mas makulay na perspective. Siguro talagang panahon na ng pagbabago. (Naks, parang kampaniya lang!) Time to shine na daw. Mukhang simula na ng pagiging maayos at plantsado ng aking buhay ang pagkakaroon ko ng planner na ito. (O ha pang Maalaala mo Kaya?) Mukhang senyales na ito na magiging maganda ang taon ko! Tiyaka hello? Tanga ka ba Noki? Hindi lang naman plans ang pwedeng ilagay sa bonggang planner mo no! Gawin mong journal. Why not di'ba?

O ha, o ha, hindi lang pala bongga ang planner na ito! Hindi lang siya cool at funny. Hindi lang siya quirky. May dulot pang sense of realization at sense of positive change! Winner ka talaga *insert name of planner*! Wala kang katulad! Next year ulit bibili ako. Pramis!

Interesado rin kayo? Puntahan niyo ito: NOT THE PLANNER!

Tuesday, 5 January 2010

On the Cliche 'Back to Normal' and the So-Called Post-Holiday Blues


Back to normal. 'Yan usually ang press release ng sangkatauhan matapos ang medyo mahabang bakasyon at pagpa-party na walang humpay. Pero ang tanong, normal na ba talaga ang mga araw after ng Holiday Season? Kung oo, how normal? Kasing normal ba ng isyu na si CNN Hero of the Year Efren ang rason ng break-up ni Angel at Lucky? O ka-level ng pagiging normal na tatakbong Congresswoman si Madame President sa Pampanga?

Oh well, ang totoo e wala pa sa kalingkingan ng standards ng pagiging normal ang mga panahon ngayon. As a matter of fact, halos lahat siguro ng halos mamatay na sa pagpaparty at pagce-celebrate ng birthday ni Bro at halos maputulan ng kung ano-anong limbs sa katawan noong Bagong Taon o nagpahinga lang noong nakaraang bakasyon e nasa rurok (wow rurok!) ng, er, Post-Holiday Blues! Aminin!

Pero paano ka nga naman aamin kung (kunyari) e hindi mo alam ang ibig sabihin ng Post-Holiday Blues? Okay, para sa kapakanan ng mga nagpakabum boong bakasyon pero wala pa ring idea sa kung ano ba yung kaechosang pinagsasabi ko, let me present ang aking mga kaechosang signs and symptoms na ikaw ay nagsa-suffer indeed sa PHB! Naks, paacro-acronym pa ang shuta!

1. Kapag nakakita ng Christmas decors e parang gustong sunugin ang mga 'yun dahil they bring back memories of gastos.

2. Kapag nagpupunta sa mall ay may tendency na bigla na lang magsuot ng maskara at impromptu na gumawa ng bomba dahil makikita ang nabiling something na sobrang bumagsak ang presyo kumpara nung bilhin bago mag-pasko!

3. Halos ayaw lumabas dahil may pakiramdam na plastik lahat ng tao dahil noong nakaraang Holidays e halos lahat ng makasalubong ay hahalik at yayakap para bumati pero ngayon e parang strangers na lang ulit. (Ang masaklap pa dito, nag-assume ka na close na kayo ni crush kasi binati at niyakap ka niya nung bakasyon pero dedma ka na lang ulit sa kaniya ngayon.)

4. Kapag nakakita ng alak e may dalawang pwedeng mangyari: a. halos gusto mong pumatay para lang ikaw ang maunang sumunggab at lumaklak sa nasabing alak; or, b. parang gusto mong magpadala na lang sa asylum para doon ikulong dahil feeling mo e gustong kumawala ni sanity dahil sa sobrang trauma mo kay alak.

5. Halos ayaw mong magbukas ng closet dahil sa takot sa realization na meron ka na namang idi-dispose na damit dahil alam mo namang kahit anong gawin mong pagre-reduce e wala nang pag-asa na maisuot mo yun ulit. Or, worse e gawin mo na lang na basahan.

6. Kapag binalikan mo ang iyong planner o kung ano mang pinaglalagyan mo ng iyong schedule e parang gusto mo na lang magpakamatay dahil nakalimutan mo pala na sandamakmak ang dapat na tinapos mo noong bakasyon. Para bang gugustuhin mo na lang na biglang mag-resign sa trabaho o mag-drop sa eskwela kesa i-rush ang mga bagay-bagay.

7. Halos ayaw magbukas ng wallet dahil sa takot na magliparan palabas ang mga miniature paniki o magtakbuhan ang mga miniature daga o kaya naman dahil sa takot na biglang bumulaga ang mala-gubat na agiw at sapot. Doro!

8. May kaugnayan sa symptom #4. Halos ayaw magpakita sa mga officemates, classmates o kabarkada dahil alam na alam mo na meron kang kakaibang nagawa noong bakasyon dahil sa sobrang kalasingan. Posible kasing nakipagmake-out ka with a total stranger sa gitna ng party na halos mag-sex na kayo sa dance floor o kaya naman e nagsuka ka sa harap ng crush mo habang nakikipagusap siya sa'yo o baka naman nabuhusan mo ng beer o ng sauce ng spaghetti ang boss mo.

O ngayon, sabihin niyong pwede na talagang mag-back to normal. Di na uy!

O sige, kung may magsasabing normal na ang mga araw nila, then safe na sabihin kong kasing normal niyo siya...
Meet the one and only Doña Delilah Magnolia Chenes Chuchubel de Ayala!