Wednesday, 30 September 2009

Die, You Ingratas, Die!

Ondoy, Ondoy, oh Ondoy!

Ang consolation na lang talaga natin sa nangyari e nabubuhay ang spirit ng Bayanihan. Nakaka-overwhelm yung mga tulong na umeeksena - from millions of donations in cash at goods hanggang sa simpleng pagpo-post ng information sa Facebook, Twitter at Plurk. Lumalabas ang tunay na kabutihan sa puso ng bawat Pinoy.

Pero, pero, pero, lumalabas din ang mga walanghiyang oportunista at mga manhid. Mga walang kaluluwa. Kayong mga hayop kayo na ginagamit pa ang trahedya para sa inyong personal gains. Kayong mga apathetic sanamabitch! Taena niyo. Sa sobrang sama ng mga ugali niyo e pwede niyo nang patalsikin si Satanas sa kaniyang pwesto.

Sino-sino ba ang mga ito?

1. Mga sinuwerte na nga't hindi nasalanta pero todo pango-okray pa sa mga biktima. Diyos ko! Hindi na lang magpasalamat na hindi naapektuhan ng bagyo. Aba, nagawa niyo pang pagtawanan yung mga sobrang nalugmok dahil kay Ondoy? Imbis na mag-donate o mag-volunteer e nagawa niyo pang mag-shopping ng luho? Imbis na makidasal na lang kung walang pang-donate e ginagawa niyo pang joke ang nangyari? E kung utusan ko ngayon si Storm na sa tapat lang ng mga bahay niyo ipadala yung susunod na bagyo?

2. Mga pulitikong ginagawang campaign ang pekeng pagtulong. Siyet ha, siyet! Kung bukal ba sa loob niyo ang pagtulong e kailangan niyo pa bang ibalandra ang mga pagmumukh niyo sa mga plastik ng pinamimigay niyong goods? Kailangan pa bang ipaalam sa media na pupuntahan niyo yung mga affected areas? E mga bwakanangsiyet pala kayo e. Nakakapang-gigil!

3. Mga negosyanteng pulpol. Aba, pagkakitaan pa ba ang trahedya? Hindi naman masamang maghanap ng pagkakitaan mga hinayupak kayo pero naman, ilugar niyo naman sana. Hindi ba pwedeng tumulong na walang bayad? Kailangan pa bang magpabayad sa bawat sakay sa mga rubber boats niyo? E kung pagbuhol-buhulin ko kayo tapos kayo mismo ang gawin kong balsa para i-save pa yung mga nasa baha?

4. Mga nagpapasimuno ng scam. Sukdulan ang kasamaan niyo. Hindi na kayo tatanggapin sa impiyerno. Wala kayong inisip kundi pagpapayaman. O sige, kahit sabihin niyong naghihirap na kayo. ganun na ba ka-hollow ang mga puso at utak niyo? E ano pa kaya sa tingin niyo yung mga biktima? Please naman. Ipaubaya na natin sa kanila yung binibigay ng iba. Huwag na kayong mang-agaw. Please. Kung ayaw niyong ipa-salvage ko kayo at ipatadtad para ipakain sa mga nakawalang buwaya sa Cainta.

5. Mga looters. Hindi niyo ba nare-realize na nawalan na nga ng kabuhayan e nanakawan niyo pa? Kailangan ba parating umasa sa pinaghirapan ng iba? Wala ba kayong mga bayag? E kung kayo kaya ang nakawan? Gusto niyo bang pati-kaluluwa niyo e ipanakaw ko na? Kulang kasi yung bantay ni Lucifer e.

Ondoy, pwede kayang bumalik ka tapos tangayin mo na ang mga walang puso na yan?

Iniisip ko na lang na darating din ang panahon niyo mga lapastangan kayo!

Sa mga patuloy na tumutulong, tuloy-tuloy lang. Ipamukha natin sa mga soulless people na ito hindi sila magtatagumpay. Naku mga bwisit kayo, nawawala tuloy ang creativity ko dahil sa inyo!

Friday, 25 September 2009

Mukhang Kailangan Ko Nang Ayusin ang Buhay Ko

Naiintindihan ko na kung bakit nagagawa ng mga snatcher at holdaper ang mga ginagawa nila. Kanina kasi nang buksan ko yung wallet ko, naisip kong mang-snatch na lang o kaya mang-holdap doon sa may madilim na kalsada na malapit sa'min. Pero naisip ko naman na parang hindi keri ng powers ko makipaglive-in sa mga preso, buti sana kung mga hot sila di'ba? (Oo naman, minsan naman may mga pogi na nag-aaral pa sa mga bonggang schools na naliligaw doon dahil sa pagbebenta ng alam niyo na *oops* pero madalang yun.)

Kaya naman naisip ko habang wala pang poging preso na pwedeng maka-jamming, e pagtyatyagaan ko muna ko ano ang nandyan. Para sa mga maluluhong di naman masyado kagaya ko na medyo nakakaranas ng poverty (kasalanan kasi 'to ng gobyerno e), narito ang ilang alternatives para masatisfy ang mga dating ginagawa sa mas murang halaga. Sabi nga ni Lumen, kailangang maging wais sa hirap ng buhay ngayon. Kesa naman makulong di'ba?

1. Maluho talaga ako pagdating sa pagkain. Hindi naman obvious masyado sa seksi kong figure. Pero sa mga panahong kagaya nito na gusto mong magyaman-yamanan sa pagkain pero wala ka namang karapatan, may mga paraan naman para eksenahan ang cravings na yan. For example, trip mo ang pasta ng Italliani's o kaya ng A Venetto pero talagang kahit i-dissect mo pa ang pitaka mo e puro hangin na lang ang laman, try mong mag-pansit canton na lang. Kung gusto mo nang hungarian sausage na toppings e bumili ka na lang ng mumurahing hotdog sa talipapa. Keber na lang ang tsismis na gawa sa bulate yun.

Kung ice cream naman ang gusto, tipong Haagen Dazs, abangan mo na lang si mamang sorbetero tapos bumili ka na lang ng cherry balls (meron pa ba nun) at gawin mong toppings. Kung chocolate shavings naman ang gusto, magtyaga ka na lang sa choc-nut o kaya may flat tops naman. Kung hindi pa rin kaya ng budget ang dirty ice cream (diyos ko ha), mag-shave ka na lang ng yelo at pumikit habang nginangata.

Kung ang craving mo naman ay manok ng Kenny Roger's o kaya naman Max's pero kahit Chicken Joy e wala kang pambili, maghanap ka na lang ng stall sa may palengke na nagtitinda ng mumurahing fried chicken. Dedma na lang sa pagiging double dead ng mga manok nila.

Kung kape naman ang hanap, umiwas ka muna sa Starbuck's o Seattle's Best. For sure naman e merong sari-sari store malapit sa inyo. Kopiko 3-in-1 na lang muna dear. Pero kung walang-wala na talaga, maghintay na lang ng tutong sa sinaing ni inay. Ibilad sa bubungan, tapos tustahin, ipagiling, presto, home-made coffee. Pero kung wala talaga, lupa na lang siguro.

2. Isa pa sa mga luho ko e damit. Pero sa mga panahong ganito na wala akong pang Maldita Man o Memo, kesa naman mag-resort ako sa shop lifting, dederecho na lang ako sa St. Joseph sa may Anonas malapit sa Anson, parang mall ang kabonggahan ng ukay-ukay doon. Isang building na hitik na hitik sa mga stalls na nagbebenta ng slightly-used (pero minsan overused) na mga damit galing sa kung saan-saang lupalop ng mundo. And for sure, wagi ka pa rin sa mga outfits mo dahil walang katulad ang mga damit na makukuha mo. Medyo ingat nga lang. Huwag agad isusuot ang mga nabili. Mahirap na, baka may kung ano yung original na may-ari. Pero kebs di'ba, matinding laba lang naman ang solusyon diyan. Pero, kung sa tingin mo e hindi pa rin kaya ng budget (kung may budget mang talaga), i-raid na lang ang closet ni kuya, ni ate o ni itay at inay. Aba, huwag nang maarte.

3. Nakaka-depress naman minsan kapag niyayaya ka ng mga kaibigang manood ng sine pero walang-wala na talaga at wala pang may gustong manlibre sa'yo. Buti na lang ngayon, sa halagang 80 pesos, at minsan pa nga e 40 pesos, makakapanood ka na ng hindi lang isa but 20 movies! Laking tipid nun hindi ba? At tyaka, pareho lang naman ng eksena sa loob ng sinehan. Makikita mo pa rin yung mga bwiset na tayo ng tayo, yung mga maiingay, minsan pati yung mga may milagrong ginagawa like nagse-sex, kuhang-kuha pa rin naman yung mga yun. All in one DVD!

Siyempre dapat habang nanonood ng pelikula e may kinakain. Dedma na lang muna sa masarap na pop corn at softdrinks. Boy Bawang muna na sinawsaw sa suka tyaka tubig na lang ang ngatain. Parehong feeling, pero hindi kasing-lavish.

Pero kung hindi pa rin kayang bumili ng sinehan-in-a-DVD, mamintana ka na lang siguro. Totoong-totoo pa ang mapapanood mo. HD! May action, suspense, drama, comedy pati siguro porn meron! Yan ang pagtitipid!

4. Kung ikaw naman ay pala-gimik pero kahit pamasahe e wala, hindi mo na kailangang mag-effort na pumunta sa Embassy o sa Jaipur. Makipaginuman ka na lang sa mga tambay sa tapat ng bahay niyo. Magpapakalasing ka lang din naman, e yung diyan na lang sa malapit sa bahay. Aba, sa mga panahon ngayon, kailangang marealize na mahal ang taxi pauwi galing sa gimikan. Baka ma-holdap ka pa. O di'ba? Isa pa yun, mapapahiya ka lang sa holdaper. Tyaka makakaiwas ka na rin sa away. Prone sa gulo kapag strangers ang kasama sa inuman.

5. Kung malakas ka naman manigarilyo pero kahit barya e walang-wala ka na at gusto mong maging huwarang anak sa pamamagitan ng hindi pangungupit sa pitaka ni inay o ni itay, mamulot na lang at mag-ipon ng tuyong dahon sa may sunken garden. Himayin at ibilot sa lumang diyaryo o kahit anong papel na lang. Voila. Instant yosi. Organic pa!

Kung medyo hindi keri ng powers mo na gawin yun, tyagain na lang ang second-hand smoke ng kaibigan.

O di'ba? Wagi. Kahit na malapit ka nang kumain ng lupa dahil sa kahirapan, kaya pa ring maka-survive at i-satisfy ang mga luho sa katawan na hindi kailangan ng mabilis na pagtakbo at stockings sa ulo. Pero sabi ko nga, depende pa rin yan sa makakasama sa kulungan.


Tuesday, 15 September 2009

Minsan Masarap Maging Passive

What a lovely day. Super. Napakaaliwalas na langit. No rain clouds to be seen. Gentle breeze blowing. Children playing. Sarap.

At sa mga ganitong klaseng panahon nagiging buhay na buhay ang aming community.

Doon sa isang sulok nagkukumpulan ang mga nanay at mga dalaga (na hindi magtatagal e magiging mga nanay na rin), pinagtsi-tsismisan yung isang kumare na absent sa session dahil maagang umuwi si mister, nagpe-pedicure at manicure, nagaahitan ng kilay at nagkukutuhan habang nagbabantay sa mga anak na nagsasapukan at nagsasabunutan at nagtatalo kung sino ang bida at kung sino ang kontrabida. Pinaguusapan ang kani-kanilang mga asawa (at boyfriends) pati na rin yung mga gusto nilang ipalit sa kani-kanilang current partners.

Nandiyan din yung mga nagma-maximize sa napakagandang panahon. Kusot dito, kusot doon. Piga diyan, piga dine. Halos magsabunutan sa pakikipagunahan sa perfect spot na sampayan. Kulang na lang e maghampasan ng hangers para mapagwagian ang most ideal place to dry their clothes.

Nariyan din ang mga tatay na hindi papatalo sa mga nanay. Kung ang mga nanay e busy sa pagpapaganda, ang mga itay naman ay busy sa pagtataob ng ilang bote ng gin, brandy o beer. Oo, sila yung mga tatay na walang silbi sa bahay. Pinaguusapan naman nila kung sino sa mga nanay na nagpapaganda ang kanilang na-iskoran maliban sa sariling asawa na siyang nasa trabaho para maghanap ng ipapakain sa pamilya.

Siyempre hindi papahuli ang mga anak. Makikita naman silang nakikipaglandian. Si nene na ka-holding hands ang anak ng kumare ni inay. Nandiyan din si boy na nakikipagharutan kay ate ni nene na nakikipaglandian. Sa isang sulok naman ay si another boy na may hidden desire kay boy na may kalandiang ate. Nandiyan din ang mga boys na pinaguusapan si nene. Meron ding mga boys na nagre-rehearse ng sayaw at nag-iisip kung paano magandang i-present ang Diva ni Beyonce.

Ang mga lolo't lola naman e makikitang nakaupo sa harap ng bahay. Yung iba e busy sa pagrorolyo ng tabako, paghimas sa mga manok, pagwawalis ng bakuran, o pagpi-PSP o DS. Yung iba namang matatanda e nagkukumpulan din para magpayabangan kung gaano na karami ang dinaramdam na sakit - kung gaano karami na ang joints na pinupuntirya ng arthritis o kung gaano kadalas silang dalhin sa ospital.

Meron din namang mga nauupo na lang sa tapat ng bahay, nagmumuni-muni. Eto naman yung mga tao na gustong palitan sa pedestal sina Aristotle at Plato. Parang bumubuo ng mga teorya na pwedeng maging sagot kung bakit naghihirap ang bansa.

Hay. At isa pang hay. (wala lang. Masarap lang magbuntong-hininga.)

Parang walang problema ang mundo no? Parang normal lang ang lahat? Sana ganito palagi. Walang iniisip na kung ano, hindi nagwo-worry kung iboboto ba si Noynoy sa susunod na eleksiyon o kung may kakainin na ba mamayang hapunan o kung ano kayang mangyayari sa Dahil May Isang Ikaw mamaya o kung ano na naman kayang himala ang gagawin ni Santino o kung sino na ang susunod na kalaban ni Darna o kung saan na naman kakain si GMA sa susunod niyang paglabas ng bansa o kung ano kayang sinusuot ni Obama kapag natutulog o kung kailan matatapos ang gyera sa Mindanano at higit sa lahat kung dapat bang i-boykot si Kanye West dahi lsa ginawa niya kay Taylor Swift?

O buhay.

Monday, 14 September 2009

Are You Drugs?

Kanina, nakakita ako ng isang napakalaking gagamba. Hindi naman kasing-level ng Goliath Tarantula pero malaki siya as far as I am concerned. E isa akong aracnophobe, e di ang ginawa ko, bumili ako ng yosi. Sinindihan ko yung yosi. Humithit ako ng mahabang-haba hanggang sa halos huminto na ang respiratory system ko. Tapos bumuga ako ng bonggang-bongga. Pagkabuga ko, nakakita ako ng manok. Ang ganda nung manok. Pero hindi ka-level nung Sarimanok dati na naging station ID ng ABS-CBN. Tumilaok ngayon yung manok. Nagulat ako. Umuwi ako ng bahay. Nagbukas ako ng TV tapos nanood ako sa History Channel. Ang ganda pala ng TV namin, narealize ko. Ang laki-laki, kasing laki ng skin pores ko. Pinatay ko yung TV. Nung patay na yung TV, ginawa kong salamin yung screen nung patay na TV. Walandyo, ang laki nga ng skin pores ko. Dahil sa nakita ko, uminom ako ng malamig na tubig. Ang lamig-lamig. Pero hindi naman siguro kasing-lamig nung tindang Coke sa katapat naming tindahan ng burger. Ang sarap nung tinda nilang lumpiang shang-hai, mas masarap pa sa lumpiang shang-hai ng Jollibee. Naisip niyo ba na si Jollibee e ang kyut? Tiyaka, masarap yung Chicken Joy. Joy to the World ang sabi nung ringtone ng tiyahin ko. Ay, hindi pala Joy to the World. We Wish You a Merry Christmas pala. Saktong-sakto, malapit na ang Undas. Mukha kasing bumangon sa hukay yung kapitbahay namin, pero hindi naman ka-level nung mga zombie sa MTV ng Thriller ni Michael Jackson. Sana kainin ng zombie si Kanye. Kaya naisip ko, siguro mas magiging normal ako kung mag-drugs na lang ako? Ano sa tingin niyo?

Here Comes the Sun (Doo Roo Doo Roo)

Nitong mga nagdaang araw, medyo naging palaaway ako towards mother nature. Kasi naman di'ba, parang walang balak lisanin ng rain clouds ang himpapawid, parang nag-decide na sila na "Hey. I want to settle here na." Medyo na-hinder ang ilang mga plano kaya ayun.

Kaya kanina paggising ko, medyo na-shock ako. Aba, aba, aba. Sinalubong ako ng halakhak ng mga batang nagtatakbuhan. Hinarana ako ng mga ibong nagaawitan. Niyakap ako ng malumanay na ihip ng hangin. At hinalikan ako ng mainit na sinag ng araw. (Pero siyempre, ni-romanticize ko lang ang lahat. Hello? Sa lugar naming ito? Kamusta naman ang mga batang humahalakhak habang nagtatakbuhan? Oo, merong mga bata pero nagmumurahan habang nagtatakbuhan kasi yung isang bata e may hawak na malaking bato. Tapos imbis na ibong nagaawitan, yung mga inumaga lang pala yun sa bidyokehan. Yun talaga ang sumalubong sa akin.)

Pero kahit ano pa yang sumalubong sa akin, kahit asong ulol na kumakanta pa yan ng "Here Comes the Sun" kebs na lang, kasi I love summer! Ay wait, hindi pala summer. Ulit. I love sunshine (lalo na sa panahong ilang araw akong na-repress sa init ng araw).

Bakit nga ba gusto ko ng sunshine?

1. Masarap maglaba (or rather, mag-palaba) kapag bongga ang sunshine. Aminin yan. Kasi di'ba hindi fresh ang amoy ng damit kapag hindi naarawan? True yan. Kahit timba-timbang fabric conditioner ang gamitin sa pagbabanlaw, mangangamoy nakulob na pawis pa rin ang damit kapag hindi nasikatan ng araw. Kaya salamat sunshine, magiging fresh na naman ang sinampay ni inay. Tiyaka isa pa, hindi na kailangang mag-recycle ng damit. Madali nang magpatuyo kaya hindi na problema ang susunod na outfit.

2. Masarap rumampa ng walang ulan. Kailangan pa bang ulit-ulitin na walang future ang sangkaadahan kapag umuulan. Parang mga bubuyog lang, walang pollen na maha-harvest kapag umuulan. O sige nga, nasaan ang mga prospect kapag umuulan? For sure e nagbabayambang ang mga yan sa kani-kanilang mga lungga. E nagmukha lang akong tanga sa labas ng bahay, nakapayong, naglalakad-lakad. Imaginin niyo nga. O di'ba, kapag maaraw, lahat nasa labas. Pwedeng-pwede na ang bird hunting.

3. I love yayas. May kakaiba sa kanila na ikinatutuwa ko. At dahil diyan, masaya ako kapag maaraw kasi for sure masaya din ang mga yaya. Kasi kapag maaraw, may rason para ilabas nila ang kanilang mga alaga. May rason din para makita nila si manong hardinero nila Mrs. Mekekekpwek. Nage-enjoy ako kapag may naguumpukang mga yaya na akala mo e kinikiliti kung saan man kung makahagalpak kapag dumadaan si manong driver o kaya manong hardinero ng kapitbahay).

4. Nakakatuwa ring panoorin yung mga batang naglalaro sa labas ng bahay. Enjoy na enjoy ako lalo na kapag may nagsasapakan na. Yung may nagsasaksakan na ng stick, naghahampasan ng toy trucks, nagbabatuhan ng holen, yung mga ganun. Yung sa una e enjoy na enjoy sila, tipong ganito:

Boy 1: Sige kunyari ikaw si Superman tapos ako si Spiderman.

Boy 2: Sige, sige.

Boy 1: Tapos matatamaan ka daw ng go web ko. Tapos hindi ka na makakagalaw.

Boy 2: Pero mapuputol ko raw yung go web mo.

Boy 1: Hindi pwede. Ako dapat mananalo.

Boy 2: E mas malakas si Superman di'ba?

Boy 1: Hindi, ako yung mas malakas.

Boy 2: Hindi, ako dapat.

*and so on, hanggang sa dadampot ng bato si Spiderman tapos ipupukol kay Superman. Ang susunod na mangyayari e magsusuguran yung mga nanay, tapos magsasabunutan. Tapos yung mga tatay nagiinuman lang sa kanto, kumakanta ng My Way.

O, sino ba namang hindi mage-enjoy niyan?

Sunday, 13 September 2009

Ayoko na Lalo Mag-CSR


Nakakaloka ito. Nakakaloka. Totoo kaya na nangyari ito? Bwahahaha!

Salamat sa Hay! Men!

Friday, 11 September 2009

Lesson Learned: Mahalin ang Nature

Ewan ko lang ha, di lang talaga ako sure, pero parang laging kumokontra si mother nature sa mga magagandang balak.

Aba, todo effort pa naman akong mag-ayos ng hairlaloo kanina. Kulang na lang magpalagay ako ng extensions. Mega palinis pa ko ng kuko sa paa para sexy tignan kapag nag-tsinelas ako. Naligo pa ko ng pabango para effect ang drama. I've heard kasi na may darating na mga ka-eksenahan tonight. Naexcite pa naman talaga ako ng bongga na maglumandi at magpalandi.

BUT NO!

Enter the dragon si mother nature. Biglang buhos si ulan.

Ligwak ang effort. Tulaley-tulaley. Sleep.

Oh mother nature, what will I do? Kailangan ko bang i-sakripisyo ang aking katawan *kidlaaaaatttt* para lang ihinto mo ang ulan? Paano na lang ang maliliwanag na future ng sangkaadahan?

Biglang sagot si mother nature: "TSE!"

Thursday, 10 September 2009

So You Think You Can Write Essays.ph Style?

No more blahs and fancy nonsense. This, is real life.

Not everybody can write and not all those who write can do what we, freelance writers, do. Take that you poor airheads that are full of insecurities. I've come to realize this truth after more than a year as a writer for Essays.ph. You may think of this expression of thought as pure bragging, it is in a way and you can not blame me. Well, freelance writing is not an easy job and it deserves some bragging. And not just freelance writing in general but freelance writing in Essays.ph. And hey, I'm a freelance writer for EPH, what else do you think I would say about my job? That it sucks? Yeah right.

If you think you can not take this, stop reading and consider suicide. But if you think you want my job, consider the following.


DO NOT APPLY AS AN ESSAYS.PH WRITER IF...

1.) ... you hate deadlines and time constraints. I'm telling you, you will not succeed in this field. Freelance writers are used to time pressure, in fact, we enjoy it. Our souls reach a certain state of euphoria when we beat deadlines and sometimes we even create even shorter deadlines for ourselves - that is nirvana. And, finishing multiple assignments within twenty four hours? Wow, heaven! And hello? Where in the whole universe can you find a writing job without deadlines? Wake up! Reality check brothers and sisters. Maybe you don't like the sound of that. You say it's torture? You say it's hell? Then find your own utopia in sharpening pencils for pre-schoolers in your barangay day care centers rather than doing freelance writing jobs, or you can just watch your own hair grow in the mirror.

2.) ... you don't want to be trained in writing about various topics. Yes, EPH writers can write anything under the sun, literally. Everything that you can see, feel, hear, taste and smell and even the things that your ESP can detect, from hotels in Italy to FOREX to male enhancements to sex positions to acne to dogs to diet plans to ghosts to the stars to the gods to the whole universe, name it, we can surely produce articles that are worth reading! If you don't like that, then just write - in the following years until the day all the gods summon you up into the heavens (or hell) - about your lovelife, or wallow about the rain and how it makes you sad because you're single, or complain because your parents did not give you money and your boyfriend did not text you, then call yourself a good, well-rounded and accomplished writer.

3.) ... you don't want to make use of your writing skills to earn money. Then let those skills rot. Let those burn in hell. Let them wander around the underworld with Hades. Let them run carefree and be hit by a ten-wheeler. Or if you want to be awarded with the Nobel Prize, donate those skills to the children of Africa - they need it more than you do. Essays.ph does pay, in fact, generously. (They should be the ones awarded with the Nobel.) Will you let your writing prowess go to waste? Hey, the moolah is calling you! Well, if you don't want to celebrate your birthday with the fruits of your writing or if the idea of changing your wardrobe with your own earnings from writing about sex positions is not appealing to you, then just watch TV and wait for money to fall from the sky or wait for the trees to bear one-thousand peso bills.

4.) ... you don't want to become a part of history. Jose Rizal was a writer and he became a hero because of it. You can be a hero, too. You can change your barangay or your city or the Philippines or even the world with your writing. You can be a great individual that every person in the world will praise and envy. Your name will have the same resonance as greatness. You will become the new standard. You will become the new sex. You will become an entirely different specie! (Nah, I just want to say that.)

5.) ... you don't want to broaden your network of friends. EPH is actually a team of amazing, wonderful, extraordinary, fabulous and beautiful (of course) people. We are not just writers, we are friends. (If you think that you do not belong to any of those adjectives, forget about EPH.) Thanks to the Cyber Office (and also Facebook and Plurk) where we mingle online and socialize as if we are in a real life office. But our socialization doesn't just happen online, EPH writers meet once in a while, setting our assignments and real jobs (if one really does have a real job) aside, and try to enjoy the joys of life, er, like vices? *evil grin* And who in the world doesn't want to meet Neil Raymundo? Even the Dalai Lama wants to meet him. If you don't like friends then just go to the mountains and plant kamote. Talk to the trees, the ants, the wind, the rocks or yourself and miss the opportunity of a lifetime to meet the very famous Neil Raymundo! You can also just go to a dark a room, light a candle, and befriend your shadow.

6.) ... you don't want to write. Before hitting the apply button in the Essays.ph website, make sure that the air you breathe is writing. EPH writers do not just write for writing's sake. We try to put the best foot forward to make the best outputs because hey, writing is what we actually do best. There is no reason that EPH writers can not make an excellent article on anything because our life is, well, writing. If you think that you are not a good writer then forget about EPH, remember that you are applying for a writing position. Come on, can you be a Roman if you are from Egypt? Will you apply as a chef if you don't even know how to perfectly cook an egg? Will you be a writer if you're not good in writing? If you are saying that you are a writer and that you are a good one because it is the one thing that you know you're good at and it is your one true love then go. If suddenly you're not sure, then just go to the salon and get your hair done or go get a manicure or pedicure. You can also just go out and catch the rain, drop by drop. Or, just drop dead.

You think you can write? That's good. You think you're an excellent writer? Better. You think you can be an EPH writer? Think again.

Monday, 7 September 2009

Hey, JUD!

Ano pa nga bang silbi ng blog site na ito kung hindi ko lalagyan ng kung ano-anong ka-echosan, 'di ba? At ano pa nga bang silbi ko bilang blogger kung hindi naman ako magba-blog?

O, tama na ang page-explain dahil hindi naman ako dapat mag-explain dahil wala namang dapat i-explain. Wala lang akong maisip na opening statement.

So ayun nga, kagagaling lang namin ng Cebu para i-spend ang long weekend. Naks, yaman-yamanan ang drama kahit mahirap pa naman talaga sa daga ang tunay na estado ng pamumuhay. Hello? Wala naman talagang dapat ipagyabang dahil 675 pesos lang naman ang pinamasahe no, roundtrip! (Thank you promo!) At tyaka, kahit gaano pa kamahal o kamura yang pamasahe na yan, wala naman akong nilabas na pera dahil wala naman akong ilalabas na pera.

Anyway, sa katunayan, hindi naman talaga ako dapat kasama. Biglaan lang mga teh. Eto na, confession of a sabit muna. Ang tunay na kasama naman talaga sa byaheng ito ay ang pinsan kong si Benjie. But no, dahil sa kailangan niyang mag-report sa trabaho sa mga araw ng bakasyon sa Cebu, umatras siya. Ok, kung ano mang iniisip niyo, tumpak na tumpak kayo. Dahil sa sayang ang kaniyang ticket, kinailangan kong magpanggap na si Benjie. (Siyet! Forgery ba ito?)

Pero kebs na. Nangyari na. Wala namang kung anek na nangyari sa akin sa Cebu dahil sa pagpapanggap na ito. Nakabalik na kami ng Manila so dedma na lang. Huwag lang may maghabol. (Makukulong kaya ako if ever?)

Ayun na nga. E di mega rampa na sa Oldest City in the Philippines. Sa pagrampang yun, ito ang mga natutunan ko:

1. I-friend ang unang taxi driver na masasakyan galing ng Mactan Airport para hindi na mahirapang magikot sa siyudad.

2. Makipag-friend sa friends ng friends na may koneksyon sa mga opisyal ng Cebu para makalibre ng hotel.

3. Prior the travel, alamin kung may friends na nasa Cebu para maka-nightlife lalo na kung ang kasama mo lang ay ang iyong nanay, tita at kapatid.

4. Huwag uuwi ng Manila kung hindi pa natitikman ang famous Lechon Cebu. Kung hindi, magsisisi ka.

5. Laging ihuli ang trip to Tabo-an Market kung ayaw mong mangamoy danggit sa susunod na destinasyon. At pagdating sa hotel, maligo ng bongga!

6. Kung may arthritis at acrophobia, huwag nang balaking magpunta ng Taoist Temple. Huwag na ring pumunta doon kung sadyang loud ang iyong personality kung ayaw ipahiya ng masungit na gwardiya.

7. Pumunta ng mas maaga sa Anita's Bakeshop para hindi maubusan ng mainit na spanish bread.

8. Maghanda ng itinerary para hindi magsisi bandang huli.

9. Magdala ng maraming pera kung ayaw mong umuwi ng luhaan.

10. Magbaon na lang ng 3-in-1 coffee kung ayaw mong mabigla sa presyo ng kape sa hotel. Kung hot chocolate naman ang gusto, i-handa na ang sarili na Milo ang ibibigay sa'yo.

11. Pangunahan agad ang lahat ng makakausap na hindi ka marunong mag-Cebuano kung ayaw magmukhang tanga.

12. Ngumiti parati para masaya.

13. Huwag magsusuot ng masikip na damit kung mamamasyal kung ayaw magmukhang sumang nilublob sa mantika ng baboy at the end of the day. Magbaon na rin ng face towel, ay hindi, beach towel na pala.

14. Mag-enjoy ng bonggang-bongga!

At nag-enjoy naman talaga ako kahit medyo bitin. Pero hey, Lami kaayo talaga sa Cebu, Jud!