Thursday, 8 April 2010

Prologue sa Isang Bongga at Libreng Italian Lunch sa Sicilian Express

Tanghaling tapat at nasa tapat ako ng Sicilian Express sa may Petro-Katipunan. Hindi ako sure kung bakit hindi na lang ako pumasok sa loob kung saan may aircon naman at bakit mas pinili kong panoorin ang pagkaluto ng mga ulo ng mga dumadaan sa tapat ko. Kung ano man ang rason, kineme ko na lang at inenjoy na lang ang isang napakasarap at napakalamig na bote ng Sola Iced Tea. Sa bagay, mas marami naman akong makikita sa labas kesa sa loob. At tutal, malapit na rin naman si Alvy. Kaya pa namang tiisin ang pagkatutong.

Sa isang oras kong pag-upo at paghihintay, oo tyinaga ko ang bonggang init ng singaw ng mga sasakyan at ng semento para lang sa libreng lunch, marami-rami naman akong nakita na nagbigay ng panandaliang amusement sa akin.

Nariyang dumaan sa tapat ko ang dalawang stud. Naku kung may vajayjay lang ako e malamang nalipat na ang Dead Sea sa Katipunan. Pang-basketball ang mga height at build nila. Nakakatakam ng sobra. Nakakapangulo ng kalamnan. Butwait, parang may lagkit ang tingin ng stud no. 1 doon sa isa? Bakit parang may panaka-nakang caress ang kamay niya sa braso ni isa? Bakit nakakaramdam ako ng matinding tension sa kanilang dalawa? Bakit parang nakasense din ako ng kakaibang ihip ng hangin ng dumaan sila sa tapat ko? Bakit? Bigla ko tuloy naisip na sumigaw na "Sisters! Magpakatotoo na kayo! Don't you worry, uso na ngayon ang tansuan! Go for the gold! Go."

Nandiyan din ang isang ate na pwedeng bigyan ng Fashionista Award dahil sa kaniyang revealing na top at uber iksing shorts. Kering-keri niya naman ang aura with her matching bumblebee shades at isang gargantuan na hand bag. Kulang na lang talaga ay ang buhangin at ang dagat. But no, nang hindi ko sinadyang makapag-eavesdrop e narinig ko ang pangookray sa kaniya ng kasama niyang jowa. Ang sabi kasi ni girl, "Ang init. Kawawa naman ang shoulders ko." Ang sabi ni jowang winner sa pagkadaot, "E tanga ka pala e, nasa arawan ka. Kung dito ka kaya sa may lilim?" Tameme si ateng sosyalera.

Dumaan din sa tapat ko ang isang grupo ng mga bagets na sa hitsura pa lang ay alam mo nang mga sons and daughters of the almighty Zeus na. Hindi ko maipaliwanag kung saang bahagi ng mundo nila nakuha ang makikinis at mapuputi nilang kutis. Hindi ko rin alam kung saan nila natutunan ang out-of-this-world nilang mga accent na parang bawat sabihin nilang salita ay may "-ur" sa dulo. Parang ganito, "Anur bur? Where's Carlos na bur?" (Ano ba? Where's Carlos na ba?) Tapos, hindi ko rin alam kung bakit ba nila kailangang mag-party attire kung maglalakad din lang naman sila sa ilalim ng nagmumurang araw?

Present din itong nakakainggit na lovers. Grabe ang kanilang ka-sweetan. Na-feel ko na sila na talaga 'til the end of the world. Sila yung tipo ng mag-jowa na kapag namatay e magka-holding hands pa sa deathbed. Sila yung mga tipong sa kahuli-hulihang hininga e I love you pa ang huling palabras. Pero naisip ko lang at gusto ko silang bulungan na, "Hindi ba kayo naiinitan? Maiintindihan ko pa sana kung Winter ngayon at wala kayong mga parka? Ang init mga dear! Mag-rent na kayo ng air conditioned na kwarto. Now na!"

Buti na lang talaga at dumating na si Alvy at si Tomas, kung hindi ay nagawan ko na ng kwento ang buong Katipunan. Buti na lang din at dumating na sila kaya naalala kong hindi pa pala ako nagla-lunch. Buti na lang at naalala kong kakain pala ako ng seafood primavera. Buti na lang dumating na sila kaya na-realize ko na unti-unti na pala akong nalulusaw sa ilalim ng araw. Buti na lang dumating sila kaya narealize ko na ang haggard na ng hitsura ko at baka inookray na rin ako ng mga dumaan sa harap ko.

Anyway, salamat kay Alvy at Tomas para sa libreng lunch, t-shirt from KL, at tsokolate. Mabuhey!

Wednesday, 7 April 2010

Simpleng Buhay ay Kay Ganda, Mayroong Ngiti Mayroong Saya... Oops Wait! Kanta Ba Yun?


Sino ba namang ayaw magkaroon ng bonggang lifestyle. Yung tipong wala ka nang paglagyan ng pera. Yung ginagawa mo na lang sari-sari store ang Rockwell at Glorietta. Yung tipong four houses apart lang yung pupuntahan mo e iko-kotse mo pa. Yung tipong lagi ka na lang sa Starbucks para makipag-meeting o kaya naman mag-wifi, o kaya naman e para wala lang. Yung tipong every weekend e nasa ibang parte ka ng globe. O kaya naman e ginagawa mo na lang pamunas ng pwet after padingdong ang salapi. O di'ba? Sino ba namang tatanggi diyan?

Pero, masarap din i-imagine ang pagkakaroon ng simple life. (Sorry, naalala ko si Paris Hilton at si Nicole Richie nung binanggit ko ang simple life. Yak. Ang pangit na flashback.) Minsan parang ang sarap i-feel ang country-side.

Una. Isantabi muna ang mga iPod, iPhone, iPad at kung ano-ano pang tsenes na gadgets. Masarap din pala makinig sa lumang transistor ni lolo sa kaniyang kubo tuwing gabi. Siyempre hindi hits ni Lady Gaga at Justin Bieber ang uma-aria kung hindi mga rendition ng mga sikat na mga kundiman performed by the local haranistas.

Ikalawa. Hindi mo na kailangang gumora ng gumora sa palengke at supermarket o kaya naman kumain sa 5-star na restaurant para lang mag-survive ang needs sa food. Silip ka lang sa bintana at tenen, nandiyan na within your reach ang nagtatakbuhang manok, ang nagiiyakang mga kambing, ang naglalaguang kamatis, talong, pechay, sitaw, upo, at kung ano-ano pang kagulayan. Mas masarap pa rin ata ang home-grown cooking kesa sa mga GMO na nasa restaurants at supermarket.

Ikatlo. Hindi na kailangang gumastos ng pagkamahal-mahal na gasolina para sa mga Mazda 3, Ford at Chevrolet. Hindi rin naman kasi kailangan ng mga power ng mga nagmamahalang sasakyang yan para pumunta sa mga destination sa country-side. Lakad lang pwede na. O kaya naman kung gusto mo ng kaunting thrill, magpahila ka na lang sa paragos ng kalabaw. O kaya naman para medyo hi-tech e sumakay na lang sa kuliglig.

Ikaapat. Hindi mo na kailangang magkulong sa kwarto mo na may air purifier at air conditioner dahil instant freshness na ang malalanghap mo sa country-side. Walamg polusyon. At dahil walang pollutants ang palutang-lutang sa air, freeng-free kang mag-name ng constellations. Walang labis, walang kulang.

Wag na lang muna nating isipin yung "sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil" na truth tungkol sa country-side. Basta, masarap sa kanayunan at wala pa ring papalit sa simpleng lifestyle.

Sunday, 4 April 2010


Habang halos lahat ng bata ay amoy itlog na ang mga utot at hindi na magkamayaw sa pag-sinok dahil sa daming itlog na nilantakan ngayong araw...

... ako naman ay patuloy pa rin sa pagha-hunt ng bonggang mga easter "eggs" para naman sa sarili kong "pagkabuhay"! Josko!

Hay Easter!

Happy Easter sa inyo.