Sino ba namang ayaw magkaroon ng bonggang lifestyle. Yung tipong wala ka nang paglagyan ng pera. Yung ginagawa mo na lang sari-sari store ang Rockwell at Glorietta. Yung tipong four houses apart lang yung pupuntahan mo e iko-kotse mo pa. Yung tipong lagi ka na lang sa Starbucks para makipag-meeting o kaya naman mag-wifi, o kaya naman e para wala lang. Yung tipong every weekend e nasa ibang parte ka ng globe. O kaya naman e ginagawa mo na lang pamunas ng pwet after padingdong ang salapi. O di'ba? Sino ba namang tatanggi diyan?
Pero, masarap din i-imagine ang pagkakaroon ng simple life. (Sorry, naalala ko si Paris Hilton at si Nicole Richie nung binanggit ko ang simple life. Yak. Ang pangit na flashback.) Minsan parang ang sarap i-feel ang country-side.
Una. Isantabi muna ang mga iPod, iPhone, iPad at kung ano-ano pang tsenes na gadgets. Masarap din pala makinig sa lumang transistor ni lolo sa kaniyang kubo tuwing gabi. Siyempre hindi hits ni Lady Gaga at Justin Bieber ang uma-aria kung hindi mga rendition ng mga sikat na mga kundiman performed by the local haranistas.
Ikalawa. Hindi mo na kailangang gumora ng gumora sa palengke at supermarket o kaya naman kumain sa 5-star na restaurant para lang mag-survive ang needs sa food. Silip ka lang sa bintana at tenen, nandiyan na within your reach ang nagtatakbuhang manok, ang nagiiyakang mga kambing, ang naglalaguang kamatis, talong, pechay, sitaw, upo, at kung ano-ano pang kagulayan. Mas masarap pa rin ata ang home-grown cooking kesa sa mga GMO na nasa restaurants at supermarket.
Ikatlo. Hindi na kailangang gumastos ng pagkamahal-mahal na gasolina para sa mga Mazda 3, Ford at Chevrolet. Hindi rin naman kasi kailangan ng mga power ng mga nagmamahalang sasakyang yan para pumunta sa mga destination sa country-side. Lakad lang pwede na. O kaya naman kung gusto mo ng kaunting thrill, magpahila ka na lang sa paragos ng kalabaw. O kaya naman para medyo hi-tech e sumakay na lang sa kuliglig.
Ikaapat. Hindi mo na kailangang magkulong sa kwarto mo na may air purifier at air conditioner dahil instant freshness na ang malalanghap mo sa country-side. Walamg polusyon. At dahil walang pollutants ang palutang-lutang sa air, freeng-free kang mag-name ng constellations. Walang labis, walang kulang.
Wag na lang muna nating isipin yung "sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil" na truth tungkol sa country-side. Basta, masarap sa kanayunan at wala pa ring papalit sa simpleng lifestyle.
NATUMBOK mo mother hahaha. "simple life!" *gulong*
ReplyDeletei love this entry. sana may part 2!