Sunday, August 30, 2009

Ayokong Mag-Generalize, O Bro, Huwag Naman Sana

Kagabi, sa isang inuman na hanggang alas-kwatro ng madaling araw na hindi naman ako uminom kaya congratulate me pagkatapos ng inulang pageant ng mga misis dito sa aming barangay na siya nga pala e nag-judge ako *whew*, may umeksenang utaw (u-taw: noun: lalaki). May hitsura naman si utaw, kaya mega go na lang din ako.

Utaw: Uy, kamusta?

Me: Uy hello. Eto nananaba.

Utaw: Hindi naman masyado a. *devilish killer smile*

Me: *hampas* Echos ka! *giggles*

Utaw: Hindi nga. Hindi ka naman masyadong mataba. Ganda mo nga ngayon e.

Me: Ay. Ikaw talaga. Bolero! *hamps ulit, more giggle*

Utaw: May boyfriend ka ba ngayon?

Me: *shocked* Naku. Wala nga e.

Utaw: Hala bakit naman? Dapat sa'yo laging may boyfriend.

Me: Ganun? E wala nga e.

Utaw: Bakit nga wala?

Me: Siguro kasi wala akong pera.

Utaw: *pause, nag-isip*

Me: *twinkling eyes*

Utaw: Ah kaya naman pala e. Kawawa ka naman.

Me: *tumutumbang poste na tatama sa ulo, umiikot na paligid*

*Tambay Song plays in the background...*

Shet ka kuya. Gwapo ka pa naman. Ang saklap. O Bro, ngayon kita kailangan.

1 comment:

  1. Me: *tumutumbang poste na tatama sa ulo, umiikot na paligid*

    *Tambay Song plays in the background...*

    panalo sa japan...still hate that song. if anyone sings it in my presence babatuhin ko ng chinelas kahit maglakad ako ng tapak pauwe

    ReplyDelete

Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?