Matagal ko na 'tong iniisip - kung magsusulat ba ko tungkol dito o hindi?
Ang dami ko nang nabasa sa Multiply, sa Plurk, sa Friendster Bulletin at kung saan-saan pa sa napakalawak na cyberspace tungkol sa kumukulong isyu na 'to. Naisip ko, "Hala! Ako na lang yata sa buong mundo ng mga chikadora, usisero at mga critical mag-isip (kuno hahahahaha) ang wala pang say dito." E medyo, medyo lang naman, naririndi na ko kaya "Go na nga!" ang sabi ko sa sarili ko.
Paano ba naman, pagbukas ko ng TV, computer, chatrooms at kung saan-saan pang may chikadora, usisero at kritikal mag-isip ang naroroon e iisa ang tanong "Napanood mo na ba yung bago?" Enough na! Magsasalita na ako. (Ay as if naman malaki magagawa ng mga sasabihin ko no? Haha.)
Tinawanan ko lang nung unang lumabas ang isyu na 'to. Parang sa isip-isip ko, "Ay, hindi na bago." Pero nung maglabasan ang mga sumunod na installments, "AY siyet iba ka koya, ibang-ibang ka!"
Crush ko pa naman si Hayden. Wala naman kasi sa hitsura ng hitad na kaya niyang gawin yun no. Parang ang tame-tame niya. Yun pala halimaw si bakla. Kaloka.
Mas naloka ako sa mga sumunod na eksena. Juskopo pati Senado nabulabog na (na hindi naman dapat!) Kelangan pa bang i-divert ng mga magagaling nating mga senador (ay ubo-ubo, nacho-choke ako) ang oras nila dito? Ang funny na kasi ng mga nangyayari.
Siyempre hindi ko naman inaalis yung fact na isyu ito ng mga kababaihan, na eye opener ito. Na baboy si Hayden. Na puno siya ng sandamukal na macho shit. Na dapat siyang kapunin. Tangina niya. Pero para pagbuhusan ng oras? Um di ko alam.
Basta. Galit ako kay Hayden. Naaawa ba ko kay Katrina at sa iba pang biktima? Ewan ko. Sana husayan ng mga senador at may magawa silang tama. Sana may magbigay sa'kin nung kopya nung iba pang videos. AT higit sa lahat, crush ko pa rin si HAyden. Hey you pig, do it with me!
Echos!
31 and up
6 years ago
pamatay ang exit! kalurkey.
ReplyDeleteako din, tahimik na lang. super mega kakarinidi na.