Ang Balikbayan Box, bow.
Nasanay na tayong mga Pinoy no, na kapag may bagong dating galing ibang bansa e required na may kahon-kahon na bitbit.
Tipong buong kapit-bahayan e nagaabang na mabigyan ng sabon, twalya, shampoo o keychain. Yung tipong kapag nakasalubong ka e ngiting-ngiti na makikipagkamaya o yayakap sa'yo habang nagtatanong na "O kailan ka dumating?", "Kamusta ka na?", "Tumaba ka!", "Ang puti mo na.", "Wow amoy Duty Free, wala ba tayo diyan." at kung ano-ano pang pambobola. Yung tipong ipagyayabang ka na "Hoy, bigtime 'tong *insert pangalan ng balikbayan*, nakarating na ng *insert country*!" sabay bulong sa'yo na "Pautang naman, walang gatas si bunso e." Yung tipong lahat ng bata e nakapila sa'yo kapag may dumaang sorbetero. Yung tipong lahat ng kamaganak mo e pupunta sa bahay niyo para silipin kung nagbubukas ka na ba ng bagahe o ng mga kahon.
Kapag wala kang bitbit e iisipan ng kung ano-ano yung bagong dating, "Ay ano ba yan. Nakarating lang ng ibang bansa e ganiyan na. Ang yabang mo siyet ka!", "Siguro natanggal yan sa trabaho niya kaya walang dala.", o kaya naman "Kinalimutan na tayo niyan. Iba na talaga nagagawa ng pera."
Pero ang pinakanakaka-pikon sa lahat ng ito, kahit alam nilang saglit ka lang naman sa ibang bansa (mga tipong isang buwan o kaya naman mga isang linggo lang) at hindi ka naman nagtrabaho doon e nangyayari pa rin ang mga eksenang binanggit ko.
Siyet lang.
Well, ito ang kahon ng balikbayan.
(O di'ba feeling balikbayan daw talaga ako? Hahaha. Chos.)
No comments:
Post a Comment
Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?