Wednesday, 4 May 2011

Init (Parang Bomba Film Lang)

Bakit nga ba hindi pa ako, o tayo, nasanay sa klima ng Pilipinas? Nagtataka lang naman ako kung bakit angal pa rin tayo ng angal na mainit when in fact, maliit pa lang tayo e mainit naman na talaga dito?

Pero Lord, mainit ho talaga! Masama bang umangal ng slight?

Buti sana kung tolerable ang init. But hindi! Hinding-hindi, Lord, hindi!

Hindi lahat ng init ay pleasant! Hindi. Hindi palagi.

May init na gugustuhin mong parating present at occurring. Yung tipong dahan-dahan pang gumagapang sa kaloob-looban ng pagkatao. Yung tipo ng init na nararamdaman mo kapag napapadaan yung crush mong kapitbahay na kung iparada ang boxers e walang humpay. Ganun. Yun yung tipo ng init na mapapahalinghing ka kapag present. Yung magtataasan pa yung balahibo mo. Yung parang gusto mong humiyaw ng "Siyet! Ang init! Ang init, init, init!" na may ngiting walang katulad sa mga labi. Yun yung tipo ng init na mapapawi rin ng isa pang init na naguumapaw.

Pero sadly, hindi lahat ng init napapawi din ng isa pang init. Oh lord, hindi ba pwedeng ganung klaseng init na lang ang iparanas mo sa'kin today?

At dahil diyan, naisip ko ang beach. No, hindi dahil sa tubig at buhangin. Alam niyo na 'yun!


No comments:

Post a Comment

Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?