Ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa DELAYS.
Ayon sa WordNet, ang delay ay nangangahulugang "act later than planned, scheduled, or required." Lahat tayo ay ayaw ng delay. Aba, sino ba namang gusto ng delays? Delay sa sahod? NO! Delay sa mestruation? NO! (Pero siyempre depende yun sa sitwasyon.) Delay sa flight? NO! Delay sa graduation? Exactly my sentiments!
Originally, ine-expect kong makagraduate pagkatapos ng isang taon. (Siyempre ang context nito ay post-college delinquence sa isang-university-malapit-sa-kabundukan.) Pero dahil sa mga hindi inaasahang kapalpakan ng mga taong itago na lang natin sa kategoryang school admin, mukhang guguho na naman ang pangarap ko. Ito na e. Malinaw na malinaw sa aking paghihinuha na makakapasuot na ko ng itim na toga. Kitang-kita ko na ang liwanag sa dulo ng madilim na tunnel. Mahahawakan ko na ang totoong buhay sa labas ng eskwelahan. Pero dahil nga nagkandaletse-letse ang pago-offer ng mga kurso at nakalimutan ng mga taong nakatago sa kategoryang school admin ang pagkakaroon ng kaunting konsiderasyon, nangupas na ang mga toga, sumara ang tunnel, at pinutulan ako ng mga kamay.
Siyet no?
Ngayon, gusto kong iparamdam sa inyo kung ano ang pakiramdam ko as of now. Susubukan kong maging vivid para tumagos hanggang sa buto ng daliri sa paa ng mga taong nakatago sa kategoryang school admin ang epekto sa akin (sa ngayon) ng delay. Ganito:
Parang sa CR kapag jumemejebs. Nasa pangatlong kilabot ka na, sumisilip-silip na sa butas ng Puerto Galera mo yung ulo ni Jun-Jun. Ramdam na ramdam mo nang sasabog na ang mga bituin sa kalangitan, nang biglang may magbubukas ng pintuan ng banyo. Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.
Heto pang isa. Sa kalagitnaan ng pagchuchumenelin-chuchu niyo ng jowa mo. Malapit na malapit mo nang marating ang dulo ng Milky Way. Malapit mo nang mahawakan ang mukha ni Papa God. Malapit mo nang ilabas ang nagliliyab mong pagmamahal, nang biglang mauutot si partner. Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.
Another. Sa pangungulangot. Imagine ang goal na nagsumiksik sa kasuluk-sulukan ng iyong ilong. Marubdob ang iyong pag-sungkit para maabot ang kulangot na malagkit at pilit dumidikit. Nararamdaman mo na sa dulo ng daliri mo ang buntot ng asungot na kulangot, nang biglangmay tumulak sa'yo na siya namang tumulak rin sa kulangot papaloob. Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.
Gets? Gets na gets! Mga shutanginaninyey!
Happy 100th post to me!
Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.
No comments:
Post a Comment
Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?