"Totoy (not his real name), makulit ka na naman pala? Hindi ka pa rin pala nagbabago? Gusto mong pagsuutin kita ng palda na walang brief para magtanda ka? Sabi ko sa'yo magbago ka na e."
Biglang lumingon si mother dearest at napansin niya atang may tsumi-tsismis na mother beki from afar sabay sabing:
"Para magtanda. Ang kulit kasi e."
I replied with my warmest smile, sabay hithit ng yosing parang nauulol at lagok sa Pop bottoms-up. Gusto kong lapitan si little boy, yakapin, i-console, i-assure na okay lang ang napagdadaanan niya. Sa isip-isip ko rin, gusto kong isigaw kay mother dearest ang mga susunod:
Una: Mother dearest, walang masama kung maging Darna ang iyong little boy.
Ikalawa: Mother dearest, kung gusto mong magbago si little boy, of all the parusa na available in the market, bakit naman palda pa? O ha? Sino ngayon ang gumagawa ng condition? Di ba ikaw rin?
Ikatlo: Bakit niya kailangang magtanda? Masama bang maging bakla?
Ikaapat: Hindi ka ba natutuwa, ngayon pa lang malinaw na kay little boy ang gusto niyang mangyari. Hindi mo na kailangang mag-expect!
Ikalima: Uso na yan ngayon, mother dearest!
Ikaanim: Bagay naman kay little boy, a?
For all the mother dearest out there na may mga little boy na nagbabadiya, mas ngayon nila kayo kailangan. Yes, nasa point ho sila ng paghahanap ng identity. Kayo ho ang gumabay sa kanila. Take note, gabay, hindi mag-impose. Ok?
Group hug!
baka naman kasi minanyak ni little boy si manong pedicab driver kaya nagsumbong kay mother dearest. haha. :)
ReplyDeletehaha lokaloka.
ReplyDeletepero ha, hindi ko na-consider ang anggulong yan? so judgmental ako? haha!
Haha! kakaloka ang entry na to :) si mother talaga hindi supportive, sige siya paglaki ni totoy kundi suicidal yan eh manyak yan :)
ReplyDeletemas hardcore si mother dearest ko...tandang tanda ko pa dati nung nakitaan ako ng sintomas ng kadarnahan, sinabihan niya akong sinusunog ang mga beki sa plaza...wit ako naniwalabells ky mother dearest kaya ito....beki na ako...hindi nga lang nya alam hahahah
ReplyDelete