Tatlong linggo na mula noong una kitang makasabay sa LRT. Tatlong linggo mo na ring binubulabog ang pananahimik ng aking natutulog na drive sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. Echos.
Kung bakit naman kasi sa dinamidami ng pagpapaamuyan mo ng kili-kili e ako pa ang napag-tripan mo. Hindi mo ba alam na weakness ko ang mabangong kili-kili? Hindi mo ba alam na nanlalambot ang tuhod ko kapag tinaasan na ko ng mahalimuyak na kili-kili?
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. Bigla ka na lang sumingit sa tabi ko sa loob ng ikatlong train car ng LRT Purple Line. Hindi naman talaga kita mapapansin kung hindi ka kumapit sa hand rails na saktong nasa itaas ng ulo ko. Hindi ko naman kasalanan na mas matangkad ka ng bahagya sa akin. Hindi ko naman sinasadya na mapabaling ng kaunti ang ilong ko sa kili-kili mo. Hindi ko naman sinasadyang suminghot. Hindi ko naman akalaing maaakit ako ng deodorant mo.
Simula noon, tinandaan ko ang oras nung nagkasabay at nagkatabi tayo. Araw-araw, hinahabol ko ang oras na yun. Araw-araw, kung maaga akong dumarating sa istasyon, hindi muna ako sumasakay hangga't hindi lumalagpas sa oras na tinandaan ko. Kaya ayun, lagi akong may taglay na pagkadismaya sa mga sumunod na araw dahil hindi na kita nakatabi. Nadismaya ako noong mga sumunod na araw dahil hindi ko na nalanghap ang deodorant mo.
Handa na akong kalimutan ang amoy ng kili-kili mo pero sa hindi inaaasahang pagkakataon na para bang nagpa-power trip si tadhana e nakasabay na naman kita. Mula sa pila ng security check-up, hanggang sa vending machine, hanggang sa platform, hanggang sa loob na naman ng tren. Ewan ko ba kung katulad mo sa tadhana na nagpa-power trip dahil tumabi ka na naman sa akin. Muli mo na namang itinaas ang kamay mo sa handrails sa itaas ng aking ulo. Muli mo na namang ipinalanghap ang halimuyak ng kagubatan. Muli mo na namang binuhay ang natutulog kong pag-asa.
Kaso, TANGINA KA, lagi na lang pagpapaasa. E ako naman si tangang pokpok, ni hindi man lang gumawa ng aksyon. O kung ikaw na nga si tunay na pag-ibig, sa susunod na maamoy kong muli ang simoy ng kili-kiling wagas, hindi na ko mangingiming pumalag. Maghanda-handa ka na at buhay na naman ang aking kahayukan.
31 and up
6 years ago
No comments:
Post a Comment
Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?