Monday, January 25, 2010

Biyaheng Langit

Matapos ang may ilang buwan na ring pakikipag-contest sa iba pang mga pasahero ng mga dyip na patok sa Aurora Boulevard e may ilang mga bagay akong natutunan at gustong i-share sa aking mga kapwa commuters. Ito yung ilang mga pointers na kailangang-kailangang i-consider para maging matiwasay ang paglalakbay niyo sakay ng mga jeepney from hell na ito.

Pero bago ako dumakdak tungkol doon, may tanong muna ako. Bakit nga ba PATOK ang tawag sa mga jeep na yun? May kinalaman ba yun sa party-ish decorations na akala mo e mga parade float sila na pang Mardi Gras? O dahil ba sa kakaibang sense of hearing ng mga drivers at barkers in relation sa pagkalakas-lakas na sounds sa dyip na akala mo e bingi lahat ng pasahero? O baka naman dahil lang talaga sa bilis ng mga 'to na parang di na kakayaning sukatin ng speedometer at parang matatalo na ang mga drag racers sa Need For Speed? Oh well, kung sinong nakakaalam, please let me know para matahimik at tumigil na ko sa pagmumuni-muni.

Going back, heto na ang ilang mga tips para sa mga 'di pa nakakasakay ng PATOK DYIP o pwede na rin sa mga dati nang sumasakay na wala lang talagang pakialam, baka makatulong pa ko sa pagbibigay ng liwanag sa inyo. Charing!

a. Huwag ka nang mag-effort mag-ayos ng buhok. Huwag ka na magpa-blower. Huwag ka na ring magsuklay. Useless. Sinasabi ko sa inyo. Kung ayaw niyong sumagi sa isip niyo na magpakalbo na lang pagkababa ng jeep.

b. Laging magbaon ng gunting. Para yan sa paggupit ng buhok ng katabi mong babae na hindi man lang hawiin ang hair at feel na feel pa niyang iwagayway sa hangin ang buhok niya without her noticing na kulang na lang e lumipat sa mukha mo ang lahat ng buhok niya.

c. Huwag mo nang sayangin ang battery ng iyong iPod o MP3 player. Kahit itodo mo pa ang lakas niyan, di niyan matatabunan ang ubod ng lakas na music ni manong driver.

d. Huwag na huwag mong aalisin ang kamay mo sa hand rails kung ayaw mong lumipad palabas ng jeep (kung hindi tumilapon sa wind shield ng jeep) kapag nag-brake o mag-overtake si manong. Ibang level!

e. Kung nerbyoso/a, pumikit na lang at magpanggap na tulog para hindi masyadong ma-feel ang pag-zigzag ng jeep kahit derechong-derecho naman ang kalsada.

f. I-check regularly kung may nalalaglag na gamit (o body parts) dahil sa sobrang alog at taktak ng jeep. Hindi uso ang lubak sa mga driver ng jeep na 'to.

g. Mag-practice sa pagbabalanse o kaya naman sa madaliang pagsakay at pagupo dahil hindi mo pa man naipapasok ang paa mo sa loob ng jeep e siguradong haharurot na si manong driver na akala mo e nagda-diarrhea.

h. Huwag na huwag as in huwag magdadala ng inumin kapag sasakay ng patok kung ayaw mong agawin ang role ng baso bilang sisidlan ng inumin mo.

i. Huwag na huwag maglalabas ng kahit anong parte ng katawan maski buhok sa bintana ng dyip kung ayaw mong makitang nasa ibang tao na ang kamay mo, o ang isang mata mo o ilong.

j. Huwag na huwag sasakay ng Patok kung ayaw mo ng adventure.

Kung ayaw mo ng mga ganitong eksena, mag-LRT ka na lang.

2 comments:

  1. uuuuuuuuuuuuy nakasakay na ko dito! taena byaheng marikina/pasig! ang ingaaay! haha may pangalan pala sya, patok.i like this post! (guilty pala ako sa may mahabang buhok na hindi itinatali. ginagawa ko un pag di ko trip katabi ko at gusto ko syang lumayo hahaha

    ReplyDelete
  2. di'ba? di'ba? ang ingay talaga! para siyang mobile disco! dapat nilalagyan na sila ng seatbelt!

    ReplyDelete

Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?