Tuesday, October 13, 2009

Ayokong Maging Mean, Pero...

This is an established fact: May mga taong medyo hindi talaga nabiyayaan ng ability na mag-process, mentally, ng mabilis. Ok, ok. May mga taong sadyang may taglay na kabobohan.

This is not be mean to those people ha, ayaw ko namang umarte na parang sinasabi ko na I'm so talino and I'm so perfect dahil minsan e may mga pagkakataong nabobobo rin ako. Normal na yun. Pero yung iba e nuknukan. Tipong ayaw paawat, ayaw man lang itago ng slight ang katangahan.

Let's make things concrete (naks pa-intelektwal na banat) para naman ma-visualize natin ang mga bagay-bagay.

1. Narinig ko na 'to sa isang skit ni Vice Ganda (na I so like) and I have exactly the same sentiment. Parang ganito:

Lunch time. Enter the dragon ka sa isang carinderia. Siyempre uupo ka agad sa pinakaunang bakanteng table. Lalapitan ka ng mga serbidora.

Serbidora: Good afternoon sir, kakain po ba kayo?

Me: Ay te, hindi. Makikitae ako.

Di'ba? Hello? Lunch time? Carinderia? Sige nga, isipan niyo nga ako ng iba pang gagawin sa loob ng carinderia ng lunch time? Kapag nakaisip kayo, sabihin niyo sa akin at magsu-suicide ako.

2. Common din ang katangahan sa pagkanta. Madalas 'to lalo na kung magtatanong ka ng title ng kanta. Imagine this scenario:

Me: Friend, ano nga ulit yung title nung kanta ni Stephen Bishop?

Friend: Saan pari siya?

Me: Hindi siya pari tanga! Yung ano, "Time, I've been passing time, watching trains go by, all of my life."

Friend: Ah alam ko yan. Ang bobo mo naman. Ang dali-dali kaya niyan. Siyempre hindi All of my life, sagot ng tanga yun. eto yun o, "And it's telling me it mighty you. It's telling me it mighty you. all of my life." Mighty You friend, Mighty You.

Me: *kuliglig*

Siyet lang di'ba? Naalala ko tuloy si Alyssa Alano sa kaniyang ever famous na Keys Me.

3. Minsan naman e nakaka-offend na ang mga kabobohan ng iba. Parang gusto mong dumerecho sa simbahan para ipag-kumpisal lang sila. Fore example:

Friend: Noki, saan ba ko pwedeng magpa-kopya ng kanta sa MP3 player ko?

Me: Sa akin na lang, may Limewire naman ako.

Friend: Marunong ka ba?

Me: *O Diyos ko, patawarin Niyo po silang mga makasalanan.*

Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko naman sa lagay na 'yan. Ano ba friend? Magaalok ba ko kung hindi ako marunong? Friend naman!

4. Marami din namang mga hindi nabibiyayaan ng sense of direction. Medyo ok lang sana ito pero yung iba e talaga namang ibang level na. Tipong hindi mo na pwedeng iwang mag-isa sa loob ng bahay nila.

Si Friend, nag-text.

Friend: Help. I'm on my way to Shaw. Nasa Guadalupe ako.

Me: MRT. Sakay ka papuntang Shaw. Derecho na yun.

Friend: K. Tnx.

A little later...

Friend: Hoy! Nasa nasa Santolan na ko, malapit na ba?

Me: Shunga. Lagpas ka na. Lipat ka ng train.

A little later:
Friend: O, nasa North Edsa na ako. Ano ba?

Me: Sabi ko lumipat ka ng train e!

Friend: Lumipat naman ako doon sa susunod na train e!

Me: Chet ka! Sa kabilang lane! Mag-taxi ka na nga lang!

Dapat sa mga ito may sariling driver. Hindi rin magwo-work sa kanila ang mapa e!

5. May mga katangahan din naman sa pagkain. Dio mio, pagkain na lang. For instance, kape.

A: Bili mo naman ako ng espresso. Yung sukli ibili mo na rin ng gusto mo.

B: Ok.

E di attack si B sa bilihan ng kape. Siyempre makakatanggap siya ng dalawang baso, yung isa maliit para sa espresso. Ibinuhos ni B yung laman nung maliit na cup doon sa kape niya. Tapos naghintay ng matagal at nagtanong na sa barista.

B: Um miss, asan na po yung espresso?

Barista: Ah sir, naibigay ko na po. Yung nasa maliit na cup?

B: Oops. order na lang ako ng isa pa ulit.

Barista: *kuliglig*

O di'ba?

Inuulit ko, hindi ito para i-mock ang mga taong medyo may pagka-slow sa mga ganitong bagay. Basta lang.

9 comments:

  1. aylayk!

    naloka ako sa mapa. alam ko wala akong sense of direction pero hindi naman ganyang lebeling!

    ohmeegod! aylab your blog talaga ate!
    kisses!

    ReplyDelete
  2. talaga namang napa tumbling ako ng makailang beses mother! hahaha. mighty you. mighty you!! *sabay palakpak* WINNER!

    ReplyDelete
  3. hay naku mother, ako rin e tambling sa mighty you na yan! kinabog ang all of my life!

    ReplyDelete
  4. pati yung sa limewire dhaaayy

    *iyak*

    ReplyDelete
  5. di'ba? di'ba? nakaka-demoralize haha!

    ReplyDelete
  6. Gan here, gusto ko yung walang sense of Direction...

    May ishe-share ako, I was on my way home isang hapon, nakasakay sa bus. Pagdating ng SM Fairview...

    Ate: Ate lagpas na po ba ako ng Makati?

    Ale: Ay! Oo, SM Fairview na to! Sa Makati ka ba?

    Ate: Opo, kanina pa nga po ako

    Ale: Hala, lagpas na masyado yun! ba't di mo sinabi sa kundoktor?

    Ate: Sinabi ko po kaso di po n'ya sinabi na Makati na

    (ale, tinawag ang kundoktor)

    Ale: Makati daw s'ya lumagpas na di mo daw sinabi

    Kundoktor: Nung nasa Makati kaya sigaw ako ng sigaw na Makati, kanina ko pa s'ya nakikita na nagte-text (Medyo Evil din si kuya no? Alam naman pala n'ya na Makati yung Ate di pa sinabi dahil di sya pinapansin)

    Ale (to ate): Pano yan? Sakay ka na lang ulit ng bus papuntang Makati

    Ate: Sige po, di na lang po uuwi na lang po ako

    Ale: Eh san ka ba umuuwi?

    Ate: Sa Muzon po (Muzon, part ng Bulacan na medyo malapit sa Fairview)

    Ale: Ha? Sa Muzon? Eh pupunta ka ng Makati di ba?

    Ate: Opo, sumakay po ako ng bus sa Tungko (Part ng Bulacan na mas malapit pa sa Fairview)

    Ale: Ha? So ibig sabihin Kanina mo pa nalagpasan yung Makati?

    (kundoktor sumingit)

    Kundoktor: Ha? Ibig sabihin naka-round trip ka na?

    *kuliglig*

    So in short si Ateng naliligaw eh sumakay ng bus from Tungko (mas malayo pa sa amin yun) nalagpasan ang Makati, umabot sa Alabang, tumambay sa tinambayan ng bus, umalis ng Alabang, nilagpasan ang Makati at umabot ulit ng SM Fairview, more or less 5-6 hours s'ya sa bus

    ReplyDelete
  7. teka langggggggg! hindi ko kinaya yun gannnn! ahahaha! umiibang level, pwede na siyang mag-transform into a kabute. OMG!

    pero di ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o ano. siyet!

    ReplyDelete
  8. mixed emotions din ako nun, di ko alam kung tatawa ako, maaawa o maiinis

    ReplyDelete

Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?