Maliban sa nagiging bitter ako kapag umuulan, narito pa ang ilan sa mga dahilan kung bakit galit na galit (pero hindi naman sa level na isinusumpa ko na) ako sa ulan.
1. Panira ng plano ang ulan. Halimbawa, may lakad, bihis na bihis ka na - plantsadong pantalon, bonggang shirt, at bagong biling topsider - nang biglang bubuhos ang ulan. Ano pa ang mas sasaklap sa pakiramdam na yun?
2. Panira ng get-up ang ulan. Parang number 1, ang kaibahan naman, nasa kalsada ka na at feel na feel na ang tingin ng mga tao nang biglang bubuhos ang ulan. Ang masakit pa 'dun e nakalimutan mong magbitbit ng payong. What more, nursing student ka? OMG!
3. Magastos kapag umuulan. Masarap kumain kapag umuulan, di'ba? Mas nakakaalis ng pagkatao kapag walang trabaho. Oh no, saan ako kukuha ng pangkain?
4. Hindi makapaglandi kapag umuulan. Paano ka naman rarampa kung bonggang-bongga ang ulan? Isa pa, nasa loob ng bahay lahat ng pwedeng landiin maliban na lang sa mga walang tubig sa bahay. Imaginin niyo na lang kung sino sila.
COMMERCIAL: Bubuka ang bulaklak, sasara ang bulaklak, dadaan si Noki, napakalandi. Bubukaka, titihaya, umm aah aah! - Rowel Lectura, napaka-sweet na kaibigan
5. Maraming ipis kapag umuulan. Check? Tyaka naman, amoy ipis ang kapaligiran lalo na sa may mga malapit na kanal kapag umuulan. Hindi ko kaya. Bangungot.
6. Nawawalan ng cable kapag umuulan. Torture para sa mga bum na tulad ko kapag nawawalan ng cable. Lord help us!
7. Nakakapagpaalala ng pagiging repressed ang ulan. Sabi ni Mengz na aking kaibigan "Lupa lang ang nadidiligan ng ulan pero hinsi ang mga uyong puso at tigang na damdamin, uhaw na halaman lang ang napapawi hindi ang uhaw na katawan." Eto naman ang versionko niyan, "O ulan, kung maiibsan mo lang ang libog ng katawan, hubo't hubad kitang sasaluhin - buong puso't walang alinlangan." Nuff said.
Aminin niyo, kayo rin?
No comments:
Post a Comment
Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?