Thursday, December 31, 2009

Ang Required na Year-Ender Post

Dahil sa naririnig ko na ang walang patumanggang putukan na hindi ko maintindihan kung bakit hindi mahintay ng mga epaloids na humampas ang alas-dose bago magpaputok....

GOODBYE 2009 (sa wakas! sa wakas!), HELLO 2010!

At dahil rin diyan, asahan ang more pange-echos sa papasok na taon. Resolution ko yan (as if naniniwala naman ako diyan) na mang-echos ng mang-echos sa 2010! Concentrate Frog, concentrate!

At isa pang dahil diyan, sabay-sabay tayong mag say babay sa mga bad vibes na very much obvious sa patapos na taon. Aminin yan. Not so pretty, or chaka, ang 2009. Daming tegibumblebee. Daming tragedy. Daming eklat cheneboom. Yikeedakidiyak!

More dahil diyan, sabay-sabay rin tayong mag say hi sa more positive energy. Come on! All together now PA-SI-TIB, PA-SI-TIB!

Tama na. Naghihintay na ang kaalakan at kawalwalan! 'Til next year mga ka-echos (at mamaya na pala yun)!

HAPPY NEW YEAR! Basta lahat ng positive na wish e ibabato ko na sa inyo nang bonggang-bongga! Be safe ha? Be safe! INUMAN NA!

Monday, December 21, 2009

Ang Required na Christmas Post, Bow!


Eto na. This is it na talaga. Hindi na siya mapipigilan. Naririnig ko na. Naaamoy ko na. Nalalasap ko na. PASKO NA!

Sandamakmak ang rason kung bakit parang hindi mapakali at hindi matae ang mga tao kapag dumarating ang panahong ito. Hindi ko na iisa-isahin kasi alam niyo naman nang lahat yun. Pare-pareho lang naman siguro tayo ng eksenahan tuwing birthday ni Bro. Noche Buena, inuman, party-party, regaluhan, aguinaldo galore, reunions, pagpapataba, at kung anek-anek pa. Aminin, lahat tayo may level pa rin ng excitement. Huwag nang kumontra kasi established fact na yun. Ang kumontra papakainin ng poo-poo ni Rudolph!

Sa kabilang banda, hindi pa rin natin maiiwasan na magkaroon ng feeling na nasasabi natin "O Pasko, bakit ka ba nauso?" True yan. Truliling-trulili. Narito ang ilang mga rason kung bakit minsan e nagpe-pray tayo na sana for once e biglang mabura ang ika-25 ng December sa kalendaryo sa buong mundo.

1. GASTOS! Aruy. Ang hapdi. Unang-una yan sa mga gusto nating iwasan. Aminin, Nobyembre pa lang nagsisimula nang magtag-lagas ang ating mga bulsa.
Parang maple leaves lang ang salapi na dahan-dahang maglaland sa lupa tapos biglang tatangayin ng bonggang hangin. Babay moolah!

2. CALORIES! Masarap naman talagang kumain. Pero naman, after ng holiday season e parang qualified na tayong lahat na palitan si Santa. Kulang na lang ng sleigh, reindeers at opkors ang red suit at sako. Tetegpayin ko ang hindi nadaragdagan ng timbang tuwing Pasko. Magtaas kayo ng kamay at ihe-headshot ko kayo!

3. MALUPIT NA HANGOVERS! Minsan naman masarap yung pa
kiramdam ng hangover. Pero sa mga ganitong panahon, diyos ko, hindi ko maarok kung anong klaseng hangover ang dumadapo sa mga hitad. Tipong nakaglue ka na sa kama habang ginagawa kang bean bag ng mga polar bears at ang ulo mo e parang gustong gawing pugad ng sandamukal na woodpecker!

4. WALANG MATANGGAP NA REGALO! Ang saklap di'ba? Lalo na kung ikaw yung tipo ng tao na halos buong kapitbahayan e bibigyan mo ng regalo. Pati mga aso't pusa e bibigyan mo. Tapos ikaw, at the end of the day, naghihintay sa may pintuan na kahit piraso ng bato e matanggap, but NO! Lungkot!

5. MAGPASKO NG SINGLE! Rak en rowl! Tapos tipong lahat ng kabarkada mo e may mga pares. Isipin mo ha, magpaparty kayo, tapos lahat ng kachokaran mo e may bitbit na plus one. Parang gusto mong isigaw na, "MAGSILAYAS KAYONG MGA PLUS ONE! PLEASE! UTANG NA LOOB!" Para bang ipinagdudukdukan pa nila in your face na "Kawawa ka naman! Single and lonely ngayong Krismas. Ang lamig pa naman!" Naniyo!

6. MATINDI NA NGA ANG KALASINGAN, PIPILITIN PANG BUMANGON NG SOBRANG AGA! At ang rason, "Andiyan na mga inaanak mo. Harapin mo na!" Hello? Kaya nga nilagyan ng gift tags ang mga regalo e. Anu B? Tiyaka naman, kailangan ba talagang umagang-umaga e pumunta na sa mga ninong at ninang. Buong araw naman ang Pasko di'ba? Hindi naman natatapos ang Pasko after lunch di'ba? O baka nagbago na ng rule! Pfft!

O ayan. Pero anyway to the by-way in the hi-way laway, kahit ano yang mga rason na yan talaga, wala na tayong choice! Kulang na lang e ilagay yan sa Constitution. Isipin na lang natin na sa kabila ng lahat ng mga kaechosang yan, Christmas is Christmas. Ha? Teka, gusto ko sanang magiwan ng inspiring na thought pero huwag na lang. Alam niyo naman na yun.

Babushka! Merry Christmas sa inyong lahat. Enjoy the season. I love you all!

Nagmamahal, ang baklang hindi malaman kung bakla nga bang tunay kasi mukha naman siyang tatay, NOKI! Bulaga!

Thursday, November 26, 2009

Maguindanao Massacre: FAIL!

Hindi ito pange-echos. Wala nang paligoy-ligoy pa.

Aking kinokondena ang kung sino mang nag-utos na isagawa ang hindi makataong massacre sa Maguindanao. Hindi na lamang ito isyu ng dalawang magkabanggang pamilya sa politika. Hindi na lamang ito isyu ng mga personal na alitan. Hindi lamang ito isyu ng mga Mangudadatu at Ampatuan. Hindi na lamang ito isyu ng Maguindanao. Salamin ito ng bulok at nakakadiring sistema ng politika sa bansa.

Kaisa ako sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima ng krimen na ito.

Kung hindi tayo maghahangad ng isang napakalaking pagbabago, hindi malayong mangyari ito sa iba pang bahagi ng Pilipinas.

Tigilan na natin ito. Ngayon na.

Monday, November 23, 2009

Early to Bed, Early to Rise Chenes Cheneboom

Lesson learned: Huwag nang mag-attempt na magpuyat lalo na kapag may pasok kinabukasan. Walang mapapala. Baka ikamatay pa. As in!

Dapat pala pinakinggan at dinibdib ko ng bongga, like Tessa Prieto-Valdez bongga, ang bilin sa mga bata na matulog ng maaga para lumaking healthy and strong. Kanina ko lang na-realize, as in na-enlighten ako na parang si Buddha, na tama sila.

Dahil sa puyat:

Una, parang inidorong barado ang utak ko kanina. Yung inidorong tinapunan ng kung ano-ano - upos ng sigarilyo, used napkin, tissue, plastic cups, plastic spoons, underwear na na-mantsahan ng jebs - na tipong kapag finlush e mago-overflow o kaya naman e bigla na lang mage-erupt ala Mt. Vesuvius. Kung ano-anong image ang nagfa-flash sa utak ko at ang pinakanatatanging malinaw na picture sa ulo ko e kama, unan at kumot!

Ikalawa, muntik na kong maging stunt man kanina. Nagmamaganda akong bumababa sa hagdanan na parang debutante tapos biglang magba-brownout ang isip ko. Kung hindi ako nakakapit, malamang dying na ako ngayon. Hindi dahil sa hemorrhage. Naghihingalo na siguro ako ngayon dahil sa kahihiyan.

Hindi na ko magpupuyat. Promise yan. Sumusumpa ako sa mga kamag-anak kong diyos at diyosa. Unless, pilitin ako ni kapitbahay na crush na makipagtitigan sa kaniya buong gabi, o kaya naman yayain ako ni Marc Nelson na magbilang ng damo sa Sunken Garden, or sunduin ako ni Mario Maurer para manghabol ng butiki. Napaguusapan naman yan.

Monday, November 9, 2009

Estudyante Blues - First Day YAYAYAY!

Haggard! Haggard lang. Haggardo versoza galore in the house.

Dati naman kapag first day ng sem e hindi ko nafi-feel ang ganitong ka-hagardohan. Dati, parang whole day freshness na kasing-fresh ng mga gulay sa La Trinidad ang pakiramdam ko tuwing first day ng klase. Pero bakit ganun? Bakit ngayon na wala pa mang regular classes e feeling ko e isa akong magsasaka sa La Trinidad na inaabuso ng mga panginoong maylupa?

Una. Siguro e nanibago ako lang ako sa pagko-commute. Malamang yan! E kasi naman sa aking previous na eskwelahan e wala nag commute-commute. Mega walk lang under the trees ang drama kaya hindi toxic masyado. E ngayon, kelangan kong makipag-unahan sa mga commuters. Unahan sa jeep na akala mo e may premyo ang unang makakaupo. Siksikan sa tren na pwede nang makabuntis ng girls. Walkathon ma may libreng langhap sa alikabok at usok! Ay! Iniisip ko na lang talaga na makakatulong itong pagko-commute sa aking pagpapapayat.

Ikalawa. Isang propesor lang ang nagpakita kanina. At eto pa, pito lang kami sa klase. Bakit? HIndi pa pala tapos ang pagaayos ng mga bagay-bagay. Plantsadong class lists? Ekis! Final na schedule at room assignments! Ekis! Enrolled na mga estudyante? Ekis pa rin! Sure na faculty-in-charge sa mga klase? Ekis pa rin! Ergo, maayos na first day ng klase? EKIS NA EKIS!

Ikato. Yun nga, sa katangi-tanging klase na napasukan ko na kanina na in essence pala e tentative pa rin hanggang ngayon, e may isang pangyayari na hindi ko ma-take at nagdulot ng matinding stress.

Propesor: Yada, yada, yada. Sino nga ulit yung loveteam sa Noli Me Tangere?

Classmate: Ah sir, si Ibarra po tiyaka si... si ano nga ba ulit yun? *isip isip* Ah sir si ano po, si SISA!

OKAY?! Alam ko namang may awa si Rizal! May awa siya sa lumalapastangan ng mga nobela niya!

Ikaapat. Nangyari pa rin sa klase na in essence ay tentative pa rin.

Propesor: Yada, yada, mapag-uusapan din natin si Karl Marx. O kilala niyo ba yun? Ah malamang si UP Boy, kilalang-kilala niya yan! Di'ba? Idol yan ng mga taga sa inyo?

Of course, he is referring to me! Kaya ang sagot ko na lang e eto:

"Ay siyempre sir, close kami nun ni Marx!"

Aba't anong gusto niyang palabasin di'ba?

At tiyaka hindi ko ata nagugustuhan ang pangitaing iyon. Ayokong maging apple of the eye ng propesor. Baka maging impiyerno ang buhay ko sa eskwelahang 'yun!

Ikaapat. At ayun nga dahil sa wala pa ngang maayos na first day e nagsayang lang ako ng pamasahe at pera na pang-lunch. Nagising pa ako ng maaga kasi nga excited na excited ako na parang freshie tapos yun lang ang mangyayari sa akin!

Hay naku. College Anxiety nga ata talaga ito. Iniisip ko na lang na naga-adjust pa lang naman talaga ako at sana, oh please, sana maka-survive ako. At sana, hindi tumatak sa isip ko na si Ibarra at si Sisa ang tunay na magka-labteam sa Noli Me Tangere!

WOW! An Award!


Rule: Pagkatanggap ng award, post it ng bongga sa iyong blog tapos pwede mo na siyang ipasa sa iba pang blogs (as many as you like). Siyempre don't forget to contact yung mga binigyan mo ng award. Go! Pasa galore. Share the love! Mwah!

Wow naman.

Salamat ng marami Ate Melai sa isang napaka-bongga at napaka-fabulous na award. Mwah!

Siyempre mas maganda nga naman kung ishe-share natin sa iba para kumalat ang fabulousness. Pero katulad ni Ate Melai, parang sobrang dami nga naman ng 15 blogs na pagbibigyan nito. Inaamin ko na hindi ako palabasa ng sobrang daming blogs dahil tamad ako. Kaya naman ibibigay ko na lang ang award na ito kay, tentenenen...

Mah Fwiend and marse, CRU!

Bakit? Isisi mo yan sa cutie little model of a baby mo! Hahaha! Mwah teh and amishu!

Monday, November 2, 2009

Patay Kang Bata Ka

Nami-miss ko si Ka Noli. Naku, hindi kumpleto ang undas ko kapag hindi ko siya nakita na lumulutang sa sementeryo, o kaya bigla na lang nawawala sa usok, o kaya naman umeeksena sa sementeryo. Namimiss ko rin yung mga floating kabaong tiyaka yung mga white lady na mukha lang naman talagang mga bebot na kinulang sa tulog tapos nagmake-up sa dilim. Siyempre namimiss ko rin yung mga bonggang pagsasadula na feeling ko e mas nakakatakot sa totoong nangyari. Aminin niyo, kagaya ko e hindi rin kayo makapag-CR tiyaka makapanalamin after manood ng MGB noon.

Oh well, wala nang MGB. Buti na lang andiyan yung kapitbahay namin na mukhang mummy tiyaka yung isa pa naming kapitbahay na mukhang galing underground dahil sa amoy niya. At least, merong pamalit sa sensation ng panonood ng MGB.

Ayan, nasa usapang undas na rin lang naman tayo e di pag-usapan na natin ang mga patay. Pero hindi yung mga literal na patay. Parang na-realize ko kasi na kapag mga ganitong panahon e pwede rin nating i-commemorate kasabay ng mga tunay na patay yung mga moments na kung saan e masasabi mo na lang "Paktay!" o kaya naman e mafi-feel mo na mas maigi pa yata na patay ka na lang.

1. Mautot sa loob ng siksikang elevator o kaya naman MRT. Okay lang sana e kung shy-type si utot. Good luck na lang kung ala-The Buzz ang pasabog ng nagrerebolusyon mong tiyan. Tapos, maliban sa mala-hydrogen bomb na pasabog e amoy bulok na itlog pa. Yung tipong wala ng palusot kung saan at kanino nanggaling ang pasabog. Ipa-assassinate mo na lang ang sarili mo, 'day! Patay!

2. Mabugahan ng bits and pieces ng kinakain ang kausap. Okay lang kung kaibigan (o kaaway) yung nabugahan e, what if yung interviewer sa bagong trabaho o kaya naman e client o kaya naman e boss mo? Tapos yung kinakain mo pa e yung tipong loose na pagkain yung parang spray talaga? Like taho, goto, champorado. Hala ka! Tago ka na lang. O kaya naman ipabaon mo na sarili mo sa ilalim ng lupa. Patay!

3. Mapunit ang damit sa gitna ng paglalakad sa isang mataong lugar. At hindi ito basta-basta punit, what if mapunit halimbawa ang dress mo sa likod sa may bandang zipper? O kaya naman mapunit ang shorts o pants sa bandang crotch? Tapos yung klase pa ng punit e yung mahirap nang remedyohan. Naku te, i-derecho na natin yan sa Toro na tabloid.

4. Mapatid sa hagdan o escalator. Tipong maiisip ng mga kasabay mo kung stunt performer ka lang. Tipong yung pagkahulog mo e with matching talbog at gulong pa. Malamang na maiwi-wish mo na sana e natuluyan ka na lang para maiwasan ang hiya at pangungutya. And for sure, hindi ka na babalik kung saan man yang hagdan o escalator na yan.

5. Mag-attempt ng suicide pero hindi naman napuruhan. Naman. Hindi awa ang ibabato sa'yo ng mga tao kundi kutya. Masasabihan ka pang tanga o kaya naman duwag kasi hindi ka naman nag-succeed sa balak mo. Next time kasi dapat sure-ball.

6. Mahampas ng ubod ng lakas ang maling tao. Parang pagtawag lang ng ibang pangalan sa ibang tao. Pero mas matindi ito. Aba, sino ba namang jackass ang hahampas ng malakas sa hindi niya kakilala? Tapos maiksi pa pasensya tiyaka pikon yung nahampas mo ano?

7. Labasan ng uhog habang may presentation o kaya naman report. Tapos yung uhog pa na lumabas e yung lime green pa ang kulay. Yung malapot-lapot at akala mo e glue. Ew. Ang mas nakakahiya pa dito e kung hindi mo pa namalayan na may naghe-hello mula sa kaniyang lungga tapos mare-realize mo lang e kapag umabot na sa bibig mo. Ehe.

8. Mapasigaw sa kalagitnaan ng pagro-rosaryo, misa o burol. Okay lang sana ito kung may kasama ka pero maiisip mo sigurong magpapako na lang sa krus kung ikaw lang mag-isa at wala kang kaibigan sa mga panahong yun.

9. Makakain ng bagay na mukha lang naman talagang pagkain pero hindi naman pala. Tipong may makita kang nakapatong sa mesa na mukhang masarap tapos malalaman mong yung nakain mo pala e sample na dadalhin sa laboratory, o kaya naman e dadalhin na pala sa kulungan ni bantay.

Patay ka talagang bata ka! Que horror!

Thursday, October 29, 2009

Estudyante Blues - Ang Pagbabalik

May na-realize ako nitong mga nakaraang araw. Minsan pala e masarap ding isipin ang future. Na pwede palang magpaka-spontaneous na merong consideration sa future. Ayyy seryoso. Hindi bagay. Ang pangit-pangit. Haha.

Pero true, may kakaibang dulot na ligalig pala sa katawan yun haha. Kaya naman, nag-enroll na ako. Oh yes, sa ayaw niyo't sa gusto, estudyante na ako ulit. Kahit kontakin niyo pa ang mga diyos at diyosa, hindi ako nagjo-joke, mapapahiya lang kayo.

Huwag na kayong kumontra, totoo na ito. Promise. Cross my heart. Hope to die. Mamatay man yung paboritong chow-chow nung kapitbahay naming mukhang bulldog. Period. No erase. Susi. Padlock. Yung susi sa padlock nahulog sa kanal. Tapos kinain ng daga. Tapos yung daga kinain ng pusa. Goodbye susi. Hello college!

O di'ba? Bongga? Hindi na ako paaawat. Hayaan niyo na akong mag-ayos ng buhay. HIndi naman masama di'ba? Sa maniwala kayo't sa hindi, walang pressure na kasama ito. Kagustuhan ko talaga 'to. *kidlat*

Pero hindi ko pa rin maiwasang nerbyosin. Para na naman akong freshie (Josko sa edad kong 'to? Freshie? Ang chaka haha.) Kahapon nung nag-enroll ako e para akong tanga. Yung mga ngiti ko sa mga kausap ko e parang yung ngiti ng taong nasa pangatlong kilabot na ng pagjebs. Parang may halong takot kasi baka ma-okray ako ng bongga na tipong mabubura na ang pagkatao at pagmumukha ko sa universe. Pero in fairness, accommodating sila at halos wala akong ginawa. Naupo lang ako sa harap ng assigned adviser ko at voila, meron agad akong schedule. Ang bilis ng proseso. After a few hours, estudyante na ako!

But wait, nang mag-hello in my face ang aking bagong schedule, parang lalo ata akong ninerbyos. Napaisip ako ng slight, "Di'ba AB English ako? Baka naman nagkamali sila't nailagay ako sa BS." Heto na, nag-hello din in my face ang aking 23 units of hell and beyond plus, plus!

- Ethics (sa lahat ng ayoko e pag-iisip ng malalim, Philo subject? come on! hell!)
- Psychology na ang focus ay Drug Addiction (kailangan ba talagang may focus sa D.A.? may Psych naman na ako pero bakit ayaw niyong i-credit? hell!)
- Developmental Reading (parang ngayon ko lang ata narinig ang field na ito. Ano ito? hell?)
- Ang aking Fridays ay tunay namang impiyerno. Ang aga magsisimula ng araw ko ike 7:30 na by the way ay PE tapos ay matatapos ng 6:00 pm. (kamusta naman ang pagka-haggard ko nito?)
- English na may laboratory class (tulungan niyo nga akong intindihin ito. Meron ba talagang lab ang English?)
- At ito na ang Beyond plus plus, na feeling ko ay magiging mitsa ng aking buhay, PLANE TRIGONOMETRY! Need I say more?

Maliban sa 23 units of hell and beyond na yan, hindi ko rin maiwasang mag-worry sa aking mga magiging teachers at kaklase. Siyempre medyo nasanay ako sa mga ubod ng huhusay (naks, may katotohanan nga ba ang argument kong ito?), ergo my expectations. Siguro kailangan kong alisin sa utak ko yan. Tama, tama. Wala sigurong maidudulot na maganda yan. Parang mango shake na may bagoong alamang na topping.

Oh well, siguro kailangan ko na lang maghintay sa mga mangyayari. I still have two weeks (almost) na bakasyon. Meron pang panahon na i-kondisyon ang sarili, katawan at utak. Kailangan lang, "Think positive, wag kang aayaw! Think positive!" Kaya ko ito. This is it!

Tuesday, October 20, 2009

Rants of a Deprived Homo (Sapien?) Tse!

Nararamdaman ko na ang parusa ng mga diyos at diyosa. Hindi ko naman maisip kung anong mabigat na pagkakasala against the laws of living in the universe ang nagawa ko? Meron ba? meron nga ba? Why? Why me? Bakit hindi na lang yung mga politiko ang parusahan? Bakit hindi na lang yung mga walang konsiderasyong kapitbahay ang hagupitin ng latigong apoy ni Hades? (calling Ninang Weng!) Bakit hindi na lang yung mga rapist at magnanakaw ang bangungutin ng dagat-dagatang apoy? Bakit ako pa? Bakit?

Bakit nga ba pakiramdam ko e nagtatampo sa akin ang mga kataas-taasang mga makapangyarihan sa heaven? Ano nga bang nangyayari sa akin ngayon at naisip ko ito? Ang sagot: I'm so deprived! Deprived sa halos lahat ng bagay.

Una, deprived sa yaman. Hindi ko naman hinihinging ibigay sa akin ang lahat ng yaman sa mundo. Hindi ko naman ata keri yun. Naniniwala pa rin naman ako na walang tunay na happiness sa material things. Pero naman Lord, kahit pambili ng yosi e hirap na hirap akong maghagilap! Imagine ha, nagtitiis na lang akong maghintay ng mahuhulog na barya kapag dumudukot ng pera ang nanay ko sa bulsa niya. O kaya naman e nagtyatyaga na lang ako sa pambuburaot. Kung may award siguro ang pinakaburaot na tao sa mundo, isa na ako sa mabibigyan ng high honors!

Ikalawa, deprived sa lovelife. Diyos ko po. Hindi naman sa takaw na takaw ako sa yakap at halik ng iba pero feeling ko e binabato ako ng tae kapag naglalampungan sa harapan ko ang mga kaibigan ko at kani-kanilang mga jowa. It's been years Lord, years! Asaan na siya? Asaan na? Huwag niyo kong hihiritan na maghintay lang ako dahil darating din naman. Pagod na kong maghintay! Pagod na pagod na. Mas pagod pa sa mga isdang langoy ng langoy. Hindi na tama ito. Hindi na talaga.

Ikatlo, deprived sa sex life. Tagtuyot! Tagtuyot! Daig ko pa ang El Nino sa dryness. Pwede na kong gawing diaper to keep your babies comfy and dry, all day and all night! Ginagawa ko naman ang lahat pero parang walang pumapansin. Kulang na lang e maglagay ako ng artificial vajayjay para mapansin. Bakit naman yung ibang tulad ko na hindi naman kagandahan e nakakapuntos? Bakit yung iba na mukha namang hindi naliligo e nakakaharvest at nadidiligan? Ano bang kulang sa akin o Lord? Ano? Tell me!

Tangina lang di'ba? Imagine ha, sa sobrang desperasyon ko ngayon e nagawa ko ang entry na ito na nakatayo! Help me! Help!

Wednesday, October 14, 2009

Tang Ina Niya


Para sa mga papansin! Para din sa mga nagpaasa! Para din sa mga nagiiwan! Para din sa mga walang balls! Para sa mga walang modo!

Para sa mga bitter!

Mabuhay!

TANGINA NIYA
(Akuztiks)

Meron Akong Gustong Ikwento
Tungkol Sa Dating Kasintahan Ko
Ginawa akong isang tanga. Pinaniwala
Niya ako rin lang ang mahal niya
Alam nyo ba, dalawa kami doon sa puso nya
Na Pinagsabay, Na Pinaghintay, Pinangakuan
Na isang araw ako raw ang kanyang iibigin
Sasama Daw Siya Sa Akin, Ngunit Ako’y
Pinagpalit sa syot niyang patpatin

Chorus:

Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya

Refrain

Ngunit ako’y hindi natuto
Tuloy pa’rin ang katangahan ko
Sya pa’y muli ko pa’ng tinanggap
Kung siya ay bumalik, na iiyak-iyak
Tinanong ko siya, kung ako na ba ang nasa puso nya
Siya ay natulala, parang nawawala
Sabay sinabi niyang Hindi Nya Alam ang kanyang isasagot sa akin.
Hindi pa raw nya kayang lisanin
Mahal na Mahal Niya Raw Parin Ang Kanyang Syotang Patpatin

Chorus:

Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya
Tang Ina Nya

--
Sana ay masagasaan sila
Sana ay masunugan sila
Sana ay makagat siya ng aso nyang ulol
Bahay nilang kalbo nakatira doon sa may kanto
Sana tamaan sila ng bagyo

Diyos ko

Tuesday, October 13, 2009

Ayokong Maging Mean, Pero...

This is an established fact: May mga taong medyo hindi talaga nabiyayaan ng ability na mag-process, mentally, ng mabilis. Ok, ok. May mga taong sadyang may taglay na kabobohan.

This is not be mean to those people ha, ayaw ko namang umarte na parang sinasabi ko na I'm so talino and I'm so perfect dahil minsan e may mga pagkakataong nabobobo rin ako. Normal na yun. Pero yung iba e nuknukan. Tipong ayaw paawat, ayaw man lang itago ng slight ang katangahan.

Let's make things concrete (naks pa-intelektwal na banat) para naman ma-visualize natin ang mga bagay-bagay.

1. Narinig ko na 'to sa isang skit ni Vice Ganda (na I so like) and I have exactly the same sentiment. Parang ganito:

Lunch time. Enter the dragon ka sa isang carinderia. Siyempre uupo ka agad sa pinakaunang bakanteng table. Lalapitan ka ng mga serbidora.

Serbidora: Good afternoon sir, kakain po ba kayo?

Me: Ay te, hindi. Makikitae ako.

Di'ba? Hello? Lunch time? Carinderia? Sige nga, isipan niyo nga ako ng iba pang gagawin sa loob ng carinderia ng lunch time? Kapag nakaisip kayo, sabihin niyo sa akin at magsu-suicide ako.

2. Common din ang katangahan sa pagkanta. Madalas 'to lalo na kung magtatanong ka ng title ng kanta. Imagine this scenario:

Me: Friend, ano nga ulit yung title nung kanta ni Stephen Bishop?

Friend: Saan pari siya?

Me: Hindi siya pari tanga! Yung ano, "Time, I've been passing time, watching trains go by, all of my life."

Friend: Ah alam ko yan. Ang bobo mo naman. Ang dali-dali kaya niyan. Siyempre hindi All of my life, sagot ng tanga yun. eto yun o, "And it's telling me it mighty you. It's telling me it mighty you. all of my life." Mighty You friend, Mighty You.

Me: *kuliglig*

Siyet lang di'ba? Naalala ko tuloy si Alyssa Alano sa kaniyang ever famous na Keys Me.

3. Minsan naman e nakaka-offend na ang mga kabobohan ng iba. Parang gusto mong dumerecho sa simbahan para ipag-kumpisal lang sila. Fore example:

Friend: Noki, saan ba ko pwedeng magpa-kopya ng kanta sa MP3 player ko?

Me: Sa akin na lang, may Limewire naman ako.

Friend: Marunong ka ba?

Me: *O Diyos ko, patawarin Niyo po silang mga makasalanan.*

Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko naman sa lagay na 'yan. Ano ba friend? Magaalok ba ko kung hindi ako marunong? Friend naman!

4. Marami din namang mga hindi nabibiyayaan ng sense of direction. Medyo ok lang sana ito pero yung iba e talaga namang ibang level na. Tipong hindi mo na pwedeng iwang mag-isa sa loob ng bahay nila.

Si Friend, nag-text.

Friend: Help. I'm on my way to Shaw. Nasa Guadalupe ako.

Me: MRT. Sakay ka papuntang Shaw. Derecho na yun.

Friend: K. Tnx.

A little later...

Friend: Hoy! Nasa nasa Santolan na ko, malapit na ba?

Me: Shunga. Lagpas ka na. Lipat ka ng train.

A little later:
Friend: O, nasa North Edsa na ako. Ano ba?

Me: Sabi ko lumipat ka ng train e!

Friend: Lumipat naman ako doon sa susunod na train e!

Me: Chet ka! Sa kabilang lane! Mag-taxi ka na nga lang!

Dapat sa mga ito may sariling driver. Hindi rin magwo-work sa kanila ang mapa e!

5. May mga katangahan din naman sa pagkain. Dio mio, pagkain na lang. For instance, kape.

A: Bili mo naman ako ng espresso. Yung sukli ibili mo na rin ng gusto mo.

B: Ok.

E di attack si B sa bilihan ng kape. Siyempre makakatanggap siya ng dalawang baso, yung isa maliit para sa espresso. Ibinuhos ni B yung laman nung maliit na cup doon sa kape niya. Tapos naghintay ng matagal at nagtanong na sa barista.

B: Um miss, asan na po yung espresso?

Barista: Ah sir, naibigay ko na po. Yung nasa maliit na cup?

B: Oops. order na lang ako ng isa pa ulit.

Barista: *kuliglig*

O di'ba?

Inuulit ko, hindi ito para i-mock ang mga taong medyo may pagka-slow sa mga ganitong bagay. Basta lang.

Wednesday, October 7, 2009

Crayola Moments

Naalala niyo pa ba yung mga quiz sa Friendster? Madalas na tanong doon (na hindi ko alam kung bakit ba kailangan nilang malaman) ay kung kailan ka huling umiyak. Aminin niyo, pinatulan niyo rin kagaya ko ang mga yun. Huwag nang maarte.

Kung ngayon ako tatanungin kung kailan huling naging active ang tear ducts ko, ang sagot ko e kani-kanina lang, like two hours ago? Pero hindi dahil nakipag-away ako sa jowa ko dahil wala naman ako nun o kaya naman e pinagalitan ako ng nanay ko dahil manhid na ko sa pangookray ni inay. Umiyak ako kanina dahil sa nautusan ako ni inay na magbalat at magtadtad ng sangkaterbang sibuyas na gagamitin niya bukas, na by the way e narealize ko na maganda palang pampalipas oras at tyaka pang-alis ng stress. Try niyo. Super flow talaga ang tears like talo ko na si Juday at si Claudine.

Bakit nga kaya nakakaiyak ang sibuyas? Meron ba itong chemical na nagti-trigger ng melancholy sa brain? Nakakapagpa-alala ba ng bitter past ang sibuyas? Mas maanghang ba talaga ang red onion kaysa white onion?

Pero hindi tungkol doon ang aking entry tonight. Wala lang. Nagpapapansin lang. Nag-effort lang na mag-insert ng humor. Oh well, anyway, naisip ko lang kanina yung ilang mga pangyayari na kakabog sa break-up at death kung iyakan ang usapan.

1. Madapa in front of your all-time, ultimate crush. Isipin niyo mga dear, mega papansin ka kay crush. Hawi ng hair, papungay ng mata, lakad ala-catwalk ng bigla kang lalagapak eksakto sa tapat niya. Ay naku for sure, hindi ka lang iiyak. Malamang alamang e maisip mo nang mag-hibernate for life!

2. Mawalan ng cable signal sa kalagitnaan ng pelikula o palabas na isang beses lang ipapakita sa TV. Tapos yung tipong papunta na dun sa climax? Ay te! Maiisip mo sigurong i-umpog ang ulo sa TV screen.

3. Mawalan ng load habang katext ang crush o jowa. Yung tipong papunta na sa landian ang usapan tapos biglang "Check Operator Services" ang babalandra sa screen ng telepono mo? Yung tipong sasabihin mo na ang matagal mo nang sabihin? Ligwak ang momentum. Siguro magagawa mong pulbos ang telepono mo.

4. Malaglag at ma-shoot sa manhole ang USB kung saan nakasave ang mga important files (like thesis, office documents) at malalaman mong wala kang back-up. Maiisip mo sigurong magdrop-out sa school o mag-resign sa work tapos maging taong grasa na lang.

5. Matanggalan ng pustiso habang nasa job interview o meeting o date. Ewan ko lang kung may mukha ka pang maihaharap sa mga tao. Baka ipabura mo na sa mundo ang identity mo.

6. Para sa mga girls: Makitang may kahalikang lalaki ang boyfriend. Tapos yung kahalikang lalaki e dati mo ring manliligaw. May mas sasaklap pa ba doon? Baka i-consider mo na rin na maging, er, tiburcio!

7. Malamang wala palang lamang pera ang wallet sa oras ng bayaran sa restaurant, computer shop, parlor o kung saan man. Mahirap naman atang mag-123 sa mga ganoong eksena di'ba?

8. Gisingin sa kalagitnaan ng panaginip. Tapos yung panaginip mo pa e tungkol kay Piolo o kaya kay Sam, or both, na kadate mo tapos sinusubuan ka nila ng kung anumang pwedeng maisubo? Maiisip mo siguro sana binangungot ka na lang.

9. Er, PG ito. Magpaalam ang ka-sex sa kasarapan ng aksyon na pupunta muna siya ng banyo para umihi. Masakit na sa ulo, masakit rin sa puson! Iyak-tawa malamang ang kahahantungan mo.

10. Makunan ng video habang nangungulangot o kaya naman nagtitinga tapos e ipapanood sa maraming tao. Iisipin mo siguro na sana e mag-transform ka on the spot into a kulangot o tinga para itapon ka na lang sa malayo at di na makita.

Hindi ba nakakaiyak naman talaga? Madadaig ba yang mga yan ng pakikipaghiwalay sa jowa? Hindi! Matatalbugan ba yan ng pagka-fire sa trabaho? Hindi rin!

O siya, ako'y sisibat na at baka maiyak na naman ako dahil sa amoy ko. Kelangan ko nang mag-shower at nakalimutan kong kailangan ko na ring tanggalin ang amoy ng sibuyas sa katawan ko. Daig ko pa yung amoy ng Anaps na isang linggong hindi naliligo. Nakakahiya sa mga ipis at daga na katabi kong matutulog.

Tuesday, October 6, 2009

Bro Loves You, I Know, I Just Know

Naniniwala ako na si Bro minsan ay talagang mapang-trip (sorry Bro). Iniimagine ko na meron siyang napakalaking database ng pangalan nating lahat tapos automatically e namimili ng isang napaka-swerteng nilalang na magiging subject ng kaniyang power tripping. Meron din siyang software na nagra-raffle ng random act of pangti-trip. Tapos, parang some kind of magic e voila, instant butt of jest ka na ng mga tao sa paligid mo. Ang cool di'ba?

Parang kanina, ang sarap-sarap ng page-emote ko sa tapat ng bahay. Feel na feel ko yung bonggang hangin. Iniimagine ko na bida ako sa isang shampoo commercial, with my hair magically flowing and dancing kasabay ng hangin na parang ang daming industrial fans sa paligid. Tapos dadaan yung kapitbahay namin na crush ko na mapapa-double look pa sa akin. Maiisip niya na, "Wait, bakit mahaba ang buhok ni Noki?" pero lalapit pa rin siya para hawakan ang buhok ko. Ilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko para sabihing "You're beautiful." nang heto na, ang random act of power tripping ni Bro, kasabay ng malakas na hangin e hahampas rin sa mukha ko ang isang pirasong plastik na hindi ko alam kung saan nanggaling. Gising sa pagde-daydream. How lucky di'ba na sa dinamidami ng tao sa paligid e ako pa yung tinamaan ng plastik.

Heto pa ang ilan sa mga bagay na pwedeng mangyari sa iyo na maiisip mo talagang lahat tayo e paminsan-minsan, napapansin din ni Bro - hindi nga lang kasing-swerte ng mga tinatawag nating panganay na anak ng Diyos.

1. Bongga kang nagi-stroll kasama ng iyong friends hoping na makasalubong si crush at mangitian man lang pero imbis na pearly white teeth ang mag-hello sa iyo e ipot ng kalapati, o di kaya naman kung talagang swerte ka pa e guano. O. mas sosyal di'ba? Jebs ng paniki pa. Ayaw mo pa ba?

2. Kung hindi naman parang falling star na nanggaling sa kung saang parte ng universe ang jebs na papatak sa'yo, minsan naman e parang kabute namang bubulaga sa harapan mo ang poopoo na for some reasons e hindi nakakaawa kapag natapakan.

3. Ano naman kayang maiisip mo kung mangyari sa'yo ang scenario na ito: pauwi galing sa kung saan sakay ng isang jam-packed na bus - take note, jam-packed, ergo maraming tao - na biglang makakabangga ng Pajero. At sa dinamidaming pwedeng malaglagan ng nabakling handrail e ikaw pa? Instant pilat sa noo.

(Naalala ko tuloy yung pang-aasar ng mga kaibigan kong hindi ko alam kung mga walang puso o ano, "Noki, natupad na ang pangarap mo!" Siyempre nakakapagtaka di'ba. " Anong pangarap?" ang sagot ko. "Sus pa-kiyeme ka pa! Di'ba minsan mong pinangarap na magka-vajayjay? Ayan na. Meron na. Sa noo nga lang!" Yeah right!)

4. Swerte ka pa ring maituturing kung of all people e ikaw pa ang napagtripan ni Bro na ma-shoot sa kanal. Mas bongga pa kung papunta ka pa lang sa destinasyon mo (e.g. isang party) at malayo ka na sa bahay niyo, like kailangan mo pang sumakay ulit ng MRT.

5. What if naglalakad ka naman sa isang avenue o kahit anong kalsada na puro palm trees (Elbi lang?) o kaya naman kahit anong puno nang biglang mapunta na naman sa'yo ang spotlight ni Bro at malaglagan ng bulok na sanga? Aray lang di'ba?

6. Kumakain kayo ng barkada sa isang medyo sosyal na kainan, tapos wrong timing namang magpapatawa 'tong clown mong kaibigan. Siyempre matatawa ka, mahirap namang sabihan na wala kang sense of humor. Okay lang namang tumawa, huwag lang habang may nginunguya ka. Imagine na lang kung ano-anong pwedeng lumabas sa bibig mo (o kaya sa ilong) kasabay ng tawa?

7. Sa isang pila, like sa bilihan ng ticket sa sinehan o kaya naman pila sa kubeta, tapos may hawak kang kapeng mainit. Hindi mo ba maiisip na pinagti-tripan ka ni Bro kung may isang tangang nilalang na makakabangga sa'yo at mapaliguan ng bagong kulong kape?

8. Gaano naman karami ang nababagsakan ng ipis, butiki o daga sa bunganga habang natutulog? Napaka-rare niyan.

9. Ilan lang din ang pwedeng mahulugan ng pustiso habang bonggang humahalakhak sa harap ng maraming tao.

O di'ba? Proof lang ang mga iyan na sa araw-araw, kahit sino ka pa o kahit nasaan ka pa, hindi ka nag-iisa sa kamalasan at ang mga tinatawag nating mga kamalasan na iyan e manifestation lang na may mga taong tanga at mahal tayo ni Bro.

Monday, October 5, 2009

Hello. Hell. Oh.

Yes, hello?

Good afternoon, sir. Nandiyan po ba si Echoserong Frog?

Speaking. Sino po sila?

Oh hi sir. This is Lucy. I would like to tell you that you won a very, very, very as in bonggang trip to *tentenenen* hell! *bonggang halakhak*

Ha? I won? How? E di naman ako sumasali sa kahit anong contest. Baka naman scam 'to ha? Baka naman peperahan mo lang ako. Umamin ka. Umamin ka, siyet ka. Kung ayaw mong ipahanap kita at ipapatay.

Wow. Ang perfect mo talaga para sa premyong ito, sir. Winnur ka talaga.

Wait, di kita ma-gets. Medyo malabo ka ha. Baka gusto mo talagang dukutin kita ngayon sa telepono tapos isakal ko sa'yo ngayon yung telephone wires?

Ayan sir, o. You're actually doing our first criteria para manalo sa aming pa-contest! Gustong-gusto namin yan! Go sir, magalit ka! Magalit ka pa! Yung tipong magba-blog ka na dahil sa sobrang galit. Yung parang gusto mo nang pumatay! Go sir, go!

Ganun? Ganun ba yun? May criteria talaga?

Oo sir. Ang galing mo ha, in fairness. Yun nga, maliban doon sa rage na kasalukuyan mo nang pine-perform at naperform na ng paulit-ulit in the past -

Hoy sure ka ba diyan sa accusations mong hayop ka?

Sir, huwag ka nang kumontra. Marami kaming ebidensiya at huwag mong hintaying ipadala namin yung mga yun sa'yo, baka magpakamatay ka!

Ay, sige-sige, continue!

Yun na nga, maliban sa rage, na-fulfill mo na rin yung anim pa sa aming seven criteria. Yung susunod na criteria e yang pagpapalaki mo ng tiyan.

Hoy, busina naman te. Haggard ka ha.

Makinig ka lang. Ayon kasi sa aming sources, halos ubusin mo daw ang stocks niyo diyan sa bahay niyo. Maya't maya ka daw sir kung kumain. At hindi lang kain. Para ka raw patay-gutom.

Required ba na ganiyan ka-harsh ang language?

Sir, huwag kang makikialam.

Ok, ok. Nagtatanong lang!

Going back. In relation to your katakawan, medyo napapadalas din ang paglalasing mo. Which is good, very good, in fact e nalagpasan mo ang aming standards.

Wow, baka naman pwedeng bigyan niyo ko ng bonus? Ako na pala ang bago niyong standard e!

Sure sir, dahil sa napakagaling niyo, bibigyan namin kayo ng free lifetime stay sa aming pinaka-special na suite dito sa hell. Yung suite na katabi nung office ni bossing. Very rare opportunity ito sir.

Wow, sounds great. Gusto ko yan.

Sige sir. E di itutuloy ko na po yung aking dini-discuss. Yung third criteria naman po na nagawa niyo e yung pagiging ganid.

Talaga? Wala akong maalala.

Hay naku sir. Huwag niyo nang alalahanin, baka ma-stress lang po kayo. Basta naka-file sa amin yun. Medyo dumating kayo sa isang point in your life na gusto niyong angkinin lahat. Pero huwag na nating i-expound, maaalala niyo rin yun.

Ok, sabi mo e.

Ay sir wait lang ha. *sa background* Hoy, hoy. Pakilakasan nga yung hangin, medyo hindi na ata nililipad yung mga nasa lust chambers e.

Um, lust chambers?

Yes sir. Don't worry mararanasan niyo rin yun pag dating niyo dito. Kasi po yung mga medyo nasosobrahan sa libog e dumadaan dito. Ipaparanas namin sa inyo sir kung gaano ka-loose yung controls niyo sa inyong desires. Di'ba sir? Aminin niyo. Si kapitbahay na crush? O di'ba? Pinagnasaan mo siya di'ba? To the point na -

Ok, ok, ok. Huwag mo nang ituloy. Alam ko na! Siyet a.

So ok. Ikalima sir, medyo nakita rin namin na lately e hindi ka nagkikikilos. Napa-smile mo kami dun sir. Ngayon lang kami nakakita ng ganiyang level ng katamaran. Yung level na nakaupo ka lang talaga mag-hapon. We're so pride of you sir. Very proud.

Why, thank you very much!

Tapos sir, naaalala niyo po ba na minsan e gusto niyo nang patayin yung sarili niyo dahil sa inggit? Wow sir. kayo ang epitome ng envy nung mga panahong yun. Ilang araw kayong hindi nakapag-function nun sir di'ba dahil sa sobrang inggit. Yun ang nagustuhan namin sir sa inyo. Iba ka sir, iba ka!

I know right? Haha. Grabe naalala ko nga yon. Oh well. So anim na yun? Ano yung last?

Yes sir, itong last e yung pinaka-bongga. Meron lang po akong itatanong sa inyo para ma-confirm itong last criteria na ito. Ok sir?

Go te, go!

Are you proud of yourself?

Naman. Very proud. Ang galing-galing ko. Walang makakatalo sa akin. Wala. In fact, sa sobrang proud ko sa sarili ko, ikayayaman ko 'to. Feeling ko, nagra-radiate ako ng greatness - like the letters G to S e lumalabas sa katawan ko sa sobra kong great! I'm so galing. Oh yeah.

Perfect, sir. Perfect! You deserve our premyo.

Nice. Nice. Paano ko ba ito make-claim?

Pwede na now sir kung gusto niyo.

Teka may tanong lang ako. Gaano katagal ba ang trip na ito?

Ideally sir, lifetime talaga siya.

Ay ganun? Wait ha, magiisip muna ako.

Sigurado kayo sir? Pwedeng-pwede na ngayon. Papapuntahin ko na diyan yung susundo sa inyo.

naku, medyo busy pa kasi ako ngayon e. Pwede bang next time na?

*busy tone*

Hello? Hello? Hell..........oh!

*toooooooooooooooooottttttttttttt*

Wednesday, September 30, 2009

Die, You Ingratas, Die!

Ondoy, Ondoy, oh Ondoy!

Ang consolation na lang talaga natin sa nangyari e nabubuhay ang spirit ng Bayanihan. Nakaka-overwhelm yung mga tulong na umeeksena - from millions of donations in cash at goods hanggang sa simpleng pagpo-post ng information sa Facebook, Twitter at Plurk. Lumalabas ang tunay na kabutihan sa puso ng bawat Pinoy.

Pero, pero, pero, lumalabas din ang mga walanghiyang oportunista at mga manhid. Mga walang kaluluwa. Kayong mga hayop kayo na ginagamit pa ang trahedya para sa inyong personal gains. Kayong mga apathetic sanamabitch! Taena niyo. Sa sobrang sama ng mga ugali niyo e pwede niyo nang patalsikin si Satanas sa kaniyang pwesto.

Sino-sino ba ang mga ito?

1. Mga sinuwerte na nga't hindi nasalanta pero todo pango-okray pa sa mga biktima. Diyos ko! Hindi na lang magpasalamat na hindi naapektuhan ng bagyo. Aba, nagawa niyo pang pagtawanan yung mga sobrang nalugmok dahil kay Ondoy? Imbis na mag-donate o mag-volunteer e nagawa niyo pang mag-shopping ng luho? Imbis na makidasal na lang kung walang pang-donate e ginagawa niyo pang joke ang nangyari? E kung utusan ko ngayon si Storm na sa tapat lang ng mga bahay niyo ipadala yung susunod na bagyo?

2. Mga pulitikong ginagawang campaign ang pekeng pagtulong. Siyet ha, siyet! Kung bukal ba sa loob niyo ang pagtulong e kailangan niyo pa bang ibalandra ang mga pagmumukh niyo sa mga plastik ng pinamimigay niyong goods? Kailangan pa bang ipaalam sa media na pupuntahan niyo yung mga affected areas? E mga bwakanangsiyet pala kayo e. Nakakapang-gigil!

3. Mga negosyanteng pulpol. Aba, pagkakitaan pa ba ang trahedya? Hindi naman masamang maghanap ng pagkakitaan mga hinayupak kayo pero naman, ilugar niyo naman sana. Hindi ba pwedeng tumulong na walang bayad? Kailangan pa bang magpabayad sa bawat sakay sa mga rubber boats niyo? E kung pagbuhol-buhulin ko kayo tapos kayo mismo ang gawin kong balsa para i-save pa yung mga nasa baha?

4. Mga nagpapasimuno ng scam. Sukdulan ang kasamaan niyo. Hindi na kayo tatanggapin sa impiyerno. Wala kayong inisip kundi pagpapayaman. O sige, kahit sabihin niyong naghihirap na kayo. ganun na ba ka-hollow ang mga puso at utak niyo? E ano pa kaya sa tingin niyo yung mga biktima? Please naman. Ipaubaya na natin sa kanila yung binibigay ng iba. Huwag na kayong mang-agaw. Please. Kung ayaw niyong ipa-salvage ko kayo at ipatadtad para ipakain sa mga nakawalang buwaya sa Cainta.

5. Mga looters. Hindi niyo ba nare-realize na nawalan na nga ng kabuhayan e nanakawan niyo pa? Kailangan ba parating umasa sa pinaghirapan ng iba? Wala ba kayong mga bayag? E kung kayo kaya ang nakawan? Gusto niyo bang pati-kaluluwa niyo e ipanakaw ko na? Kulang kasi yung bantay ni Lucifer e.

Ondoy, pwede kayang bumalik ka tapos tangayin mo na ang mga walang puso na yan?

Iniisip ko na lang na darating din ang panahon niyo mga lapastangan kayo!

Sa mga patuloy na tumutulong, tuloy-tuloy lang. Ipamukha natin sa mga soulless people na ito hindi sila magtatagumpay. Naku mga bwisit kayo, nawawala tuloy ang creativity ko dahil sa inyo!

Friday, September 25, 2009

Mukhang Kailangan Ko Nang Ayusin ang Buhay Ko

Naiintindihan ko na kung bakit nagagawa ng mga snatcher at holdaper ang mga ginagawa nila. Kanina kasi nang buksan ko yung wallet ko, naisip kong mang-snatch na lang o kaya mang-holdap doon sa may madilim na kalsada na malapit sa'min. Pero naisip ko naman na parang hindi keri ng powers ko makipaglive-in sa mga preso, buti sana kung mga hot sila di'ba? (Oo naman, minsan naman may mga pogi na nag-aaral pa sa mga bonggang schools na naliligaw doon dahil sa pagbebenta ng alam niyo na *oops* pero madalang yun.)

Kaya naman naisip ko habang wala pang poging preso na pwedeng maka-jamming, e pagtyatyagaan ko muna ko ano ang nandyan. Para sa mga maluluhong di naman masyado kagaya ko na medyo nakakaranas ng poverty (kasalanan kasi 'to ng gobyerno e), narito ang ilang alternatives para masatisfy ang mga dating ginagawa sa mas murang halaga. Sabi nga ni Lumen, kailangang maging wais sa hirap ng buhay ngayon. Kesa naman makulong di'ba?

1. Maluho talaga ako pagdating sa pagkain. Hindi naman obvious masyado sa seksi kong figure. Pero sa mga panahong kagaya nito na gusto mong magyaman-yamanan sa pagkain pero wala ka namang karapatan, may mga paraan naman para eksenahan ang cravings na yan. For example, trip mo ang pasta ng Italliani's o kaya ng A Venetto pero talagang kahit i-dissect mo pa ang pitaka mo e puro hangin na lang ang laman, try mong mag-pansit canton na lang. Kung gusto mo nang hungarian sausage na toppings e bumili ka na lang ng mumurahing hotdog sa talipapa. Keber na lang ang tsismis na gawa sa bulate yun.

Kung ice cream naman ang gusto, tipong Haagen Dazs, abangan mo na lang si mamang sorbetero tapos bumili ka na lang ng cherry balls (meron pa ba nun) at gawin mong toppings. Kung chocolate shavings naman ang gusto, magtyaga ka na lang sa choc-nut o kaya may flat tops naman. Kung hindi pa rin kaya ng budget ang dirty ice cream (diyos ko ha), mag-shave ka na lang ng yelo at pumikit habang nginangata.

Kung ang craving mo naman ay manok ng Kenny Roger's o kaya naman Max's pero kahit Chicken Joy e wala kang pambili, maghanap ka na lang ng stall sa may palengke na nagtitinda ng mumurahing fried chicken. Dedma na lang sa pagiging double dead ng mga manok nila.

Kung kape naman ang hanap, umiwas ka muna sa Starbuck's o Seattle's Best. For sure naman e merong sari-sari store malapit sa inyo. Kopiko 3-in-1 na lang muna dear. Pero kung walang-wala na talaga, maghintay na lang ng tutong sa sinaing ni inay. Ibilad sa bubungan, tapos tustahin, ipagiling, presto, home-made coffee. Pero kung wala talaga, lupa na lang siguro.

2. Isa pa sa mga luho ko e damit. Pero sa mga panahong ganito na wala akong pang Maldita Man o Memo, kesa naman mag-resort ako sa shop lifting, dederecho na lang ako sa St. Joseph sa may Anonas malapit sa Anson, parang mall ang kabonggahan ng ukay-ukay doon. Isang building na hitik na hitik sa mga stalls na nagbebenta ng slightly-used (pero minsan overused) na mga damit galing sa kung saan-saang lupalop ng mundo. And for sure, wagi ka pa rin sa mga outfits mo dahil walang katulad ang mga damit na makukuha mo. Medyo ingat nga lang. Huwag agad isusuot ang mga nabili. Mahirap na, baka may kung ano yung original na may-ari. Pero kebs di'ba, matinding laba lang naman ang solusyon diyan. Pero, kung sa tingin mo e hindi pa rin kaya ng budget (kung may budget mang talaga), i-raid na lang ang closet ni kuya, ni ate o ni itay at inay. Aba, huwag nang maarte.

3. Nakaka-depress naman minsan kapag niyayaya ka ng mga kaibigang manood ng sine pero walang-wala na talaga at wala pang may gustong manlibre sa'yo. Buti na lang ngayon, sa halagang 80 pesos, at minsan pa nga e 40 pesos, makakapanood ka na ng hindi lang isa but 20 movies! Laking tipid nun hindi ba? At tyaka, pareho lang naman ng eksena sa loob ng sinehan. Makikita mo pa rin yung mga bwiset na tayo ng tayo, yung mga maiingay, minsan pati yung mga may milagrong ginagawa like nagse-sex, kuhang-kuha pa rin naman yung mga yun. All in one DVD!

Siyempre dapat habang nanonood ng pelikula e may kinakain. Dedma na lang muna sa masarap na pop corn at softdrinks. Boy Bawang muna na sinawsaw sa suka tyaka tubig na lang ang ngatain. Parehong feeling, pero hindi kasing-lavish.

Pero kung hindi pa rin kayang bumili ng sinehan-in-a-DVD, mamintana ka na lang siguro. Totoong-totoo pa ang mapapanood mo. HD! May action, suspense, drama, comedy pati siguro porn meron! Yan ang pagtitipid!

4. Kung ikaw naman ay pala-gimik pero kahit pamasahe e wala, hindi mo na kailangang mag-effort na pumunta sa Embassy o sa Jaipur. Makipaginuman ka na lang sa mga tambay sa tapat ng bahay niyo. Magpapakalasing ka lang din naman, e yung diyan na lang sa malapit sa bahay. Aba, sa mga panahon ngayon, kailangang marealize na mahal ang taxi pauwi galing sa gimikan. Baka ma-holdap ka pa. O di'ba? Isa pa yun, mapapahiya ka lang sa holdaper. Tyaka makakaiwas ka na rin sa away. Prone sa gulo kapag strangers ang kasama sa inuman.

5. Kung malakas ka naman manigarilyo pero kahit barya e walang-wala ka na at gusto mong maging huwarang anak sa pamamagitan ng hindi pangungupit sa pitaka ni inay o ni itay, mamulot na lang at mag-ipon ng tuyong dahon sa may sunken garden. Himayin at ibilot sa lumang diyaryo o kahit anong papel na lang. Voila. Instant yosi. Organic pa!

Kung medyo hindi keri ng powers mo na gawin yun, tyagain na lang ang second-hand smoke ng kaibigan.

O di'ba? Wagi. Kahit na malapit ka nang kumain ng lupa dahil sa kahirapan, kaya pa ring maka-survive at i-satisfy ang mga luho sa katawan na hindi kailangan ng mabilis na pagtakbo at stockings sa ulo. Pero sabi ko nga, depende pa rin yan sa makakasama sa kulungan.


Tuesday, September 15, 2009

Minsan Masarap Maging Passive

What a lovely day. Super. Napakaaliwalas na langit. No rain clouds to be seen. Gentle breeze blowing. Children playing. Sarap.

At sa mga ganitong klaseng panahon nagiging buhay na buhay ang aming community.

Doon sa isang sulok nagkukumpulan ang mga nanay at mga dalaga (na hindi magtatagal e magiging mga nanay na rin), pinagtsi-tsismisan yung isang kumare na absent sa session dahil maagang umuwi si mister, nagpe-pedicure at manicure, nagaahitan ng kilay at nagkukutuhan habang nagbabantay sa mga anak na nagsasapukan at nagsasabunutan at nagtatalo kung sino ang bida at kung sino ang kontrabida. Pinaguusapan ang kani-kanilang mga asawa (at boyfriends) pati na rin yung mga gusto nilang ipalit sa kani-kanilang current partners.

Nandiyan din yung mga nagma-maximize sa napakagandang panahon. Kusot dito, kusot doon. Piga diyan, piga dine. Halos magsabunutan sa pakikipagunahan sa perfect spot na sampayan. Kulang na lang e maghampasan ng hangers para mapagwagian ang most ideal place to dry their clothes.

Nariyan din ang mga tatay na hindi papatalo sa mga nanay. Kung ang mga nanay e busy sa pagpapaganda, ang mga itay naman ay busy sa pagtataob ng ilang bote ng gin, brandy o beer. Oo, sila yung mga tatay na walang silbi sa bahay. Pinaguusapan naman nila kung sino sa mga nanay na nagpapaganda ang kanilang na-iskoran maliban sa sariling asawa na siyang nasa trabaho para maghanap ng ipapakain sa pamilya.

Siyempre hindi papahuli ang mga anak. Makikita naman silang nakikipaglandian. Si nene na ka-holding hands ang anak ng kumare ni inay. Nandiyan din si boy na nakikipagharutan kay ate ni nene na nakikipaglandian. Sa isang sulok naman ay si another boy na may hidden desire kay boy na may kalandiang ate. Nandiyan din ang mga boys na pinaguusapan si nene. Meron ding mga boys na nagre-rehearse ng sayaw at nag-iisip kung paano magandang i-present ang Diva ni Beyonce.

Ang mga lolo't lola naman e makikitang nakaupo sa harap ng bahay. Yung iba e busy sa pagrorolyo ng tabako, paghimas sa mga manok, pagwawalis ng bakuran, o pagpi-PSP o DS. Yung iba namang matatanda e nagkukumpulan din para magpayabangan kung gaano na karami ang dinaramdam na sakit - kung gaano karami na ang joints na pinupuntirya ng arthritis o kung gaano kadalas silang dalhin sa ospital.

Meron din namang mga nauupo na lang sa tapat ng bahay, nagmumuni-muni. Eto naman yung mga tao na gustong palitan sa pedestal sina Aristotle at Plato. Parang bumubuo ng mga teorya na pwedeng maging sagot kung bakit naghihirap ang bansa.

Hay. At isa pang hay. (wala lang. Masarap lang magbuntong-hininga.)

Parang walang problema ang mundo no? Parang normal lang ang lahat? Sana ganito palagi. Walang iniisip na kung ano, hindi nagwo-worry kung iboboto ba si Noynoy sa susunod na eleksiyon o kung may kakainin na ba mamayang hapunan o kung ano kayang mangyayari sa Dahil May Isang Ikaw mamaya o kung ano na naman kayang himala ang gagawin ni Santino o kung sino na ang susunod na kalaban ni Darna o kung saan na naman kakain si GMA sa susunod niyang paglabas ng bansa o kung ano kayang sinusuot ni Obama kapag natutulog o kung kailan matatapos ang gyera sa Mindanano at higit sa lahat kung dapat bang i-boykot si Kanye West dahi lsa ginawa niya kay Taylor Swift?

O buhay.

Monday, September 14, 2009

Are You Drugs?

Kanina, nakakita ako ng isang napakalaking gagamba. Hindi naman kasing-level ng Goliath Tarantula pero malaki siya as far as I am concerned. E isa akong aracnophobe, e di ang ginawa ko, bumili ako ng yosi. Sinindihan ko yung yosi. Humithit ako ng mahabang-haba hanggang sa halos huminto na ang respiratory system ko. Tapos bumuga ako ng bonggang-bongga. Pagkabuga ko, nakakita ako ng manok. Ang ganda nung manok. Pero hindi ka-level nung Sarimanok dati na naging station ID ng ABS-CBN. Tumilaok ngayon yung manok. Nagulat ako. Umuwi ako ng bahay. Nagbukas ako ng TV tapos nanood ako sa History Channel. Ang ganda pala ng TV namin, narealize ko. Ang laki-laki, kasing laki ng skin pores ko. Pinatay ko yung TV. Nung patay na yung TV, ginawa kong salamin yung screen nung patay na TV. Walandyo, ang laki nga ng skin pores ko. Dahil sa nakita ko, uminom ako ng malamig na tubig. Ang lamig-lamig. Pero hindi naman siguro kasing-lamig nung tindang Coke sa katapat naming tindahan ng burger. Ang sarap nung tinda nilang lumpiang shang-hai, mas masarap pa sa lumpiang shang-hai ng Jollibee. Naisip niyo ba na si Jollibee e ang kyut? Tiyaka, masarap yung Chicken Joy. Joy to the World ang sabi nung ringtone ng tiyahin ko. Ay, hindi pala Joy to the World. We Wish You a Merry Christmas pala. Saktong-sakto, malapit na ang Undas. Mukha kasing bumangon sa hukay yung kapitbahay namin, pero hindi naman ka-level nung mga zombie sa MTV ng Thriller ni Michael Jackson. Sana kainin ng zombie si Kanye. Kaya naisip ko, siguro mas magiging normal ako kung mag-drugs na lang ako? Ano sa tingin niyo?

Here Comes the Sun (Doo Roo Doo Roo)

Nitong mga nagdaang araw, medyo naging palaaway ako towards mother nature. Kasi naman di'ba, parang walang balak lisanin ng rain clouds ang himpapawid, parang nag-decide na sila na "Hey. I want to settle here na." Medyo na-hinder ang ilang mga plano kaya ayun.

Kaya kanina paggising ko, medyo na-shock ako. Aba, aba, aba. Sinalubong ako ng halakhak ng mga batang nagtatakbuhan. Hinarana ako ng mga ibong nagaawitan. Niyakap ako ng malumanay na ihip ng hangin. At hinalikan ako ng mainit na sinag ng araw. (Pero siyempre, ni-romanticize ko lang ang lahat. Hello? Sa lugar naming ito? Kamusta naman ang mga batang humahalakhak habang nagtatakbuhan? Oo, merong mga bata pero nagmumurahan habang nagtatakbuhan kasi yung isang bata e may hawak na malaking bato. Tapos imbis na ibong nagaawitan, yung mga inumaga lang pala yun sa bidyokehan. Yun talaga ang sumalubong sa akin.)

Pero kahit ano pa yang sumalubong sa akin, kahit asong ulol na kumakanta pa yan ng "Here Comes the Sun" kebs na lang, kasi I love summer! Ay wait, hindi pala summer. Ulit. I love sunshine (lalo na sa panahong ilang araw akong na-repress sa init ng araw).

Bakit nga ba gusto ko ng sunshine?

1. Masarap maglaba (or rather, mag-palaba) kapag bongga ang sunshine. Aminin yan. Kasi di'ba hindi fresh ang amoy ng damit kapag hindi naarawan? True yan. Kahit timba-timbang fabric conditioner ang gamitin sa pagbabanlaw, mangangamoy nakulob na pawis pa rin ang damit kapag hindi nasikatan ng araw. Kaya salamat sunshine, magiging fresh na naman ang sinampay ni inay. Tiyaka isa pa, hindi na kailangang mag-recycle ng damit. Madali nang magpatuyo kaya hindi na problema ang susunod na outfit.

2. Masarap rumampa ng walang ulan. Kailangan pa bang ulit-ulitin na walang future ang sangkaadahan kapag umuulan. Parang mga bubuyog lang, walang pollen na maha-harvest kapag umuulan. O sige nga, nasaan ang mga prospect kapag umuulan? For sure e nagbabayambang ang mga yan sa kani-kanilang mga lungga. E nagmukha lang akong tanga sa labas ng bahay, nakapayong, naglalakad-lakad. Imaginin niyo nga. O di'ba, kapag maaraw, lahat nasa labas. Pwedeng-pwede na ang bird hunting.

3. I love yayas. May kakaiba sa kanila na ikinatutuwa ko. At dahil diyan, masaya ako kapag maaraw kasi for sure masaya din ang mga yaya. Kasi kapag maaraw, may rason para ilabas nila ang kanilang mga alaga. May rason din para makita nila si manong hardinero nila Mrs. Mekekekpwek. Nage-enjoy ako kapag may naguumpukang mga yaya na akala mo e kinikiliti kung saan man kung makahagalpak kapag dumadaan si manong driver o kaya manong hardinero ng kapitbahay).

4. Nakakatuwa ring panoorin yung mga batang naglalaro sa labas ng bahay. Enjoy na enjoy ako lalo na kapag may nagsasapakan na. Yung may nagsasaksakan na ng stick, naghahampasan ng toy trucks, nagbabatuhan ng holen, yung mga ganun. Yung sa una e enjoy na enjoy sila, tipong ganito:

Boy 1: Sige kunyari ikaw si Superman tapos ako si Spiderman.

Boy 2: Sige, sige.

Boy 1: Tapos matatamaan ka daw ng go web ko. Tapos hindi ka na makakagalaw.

Boy 2: Pero mapuputol ko raw yung go web mo.

Boy 1: Hindi pwede. Ako dapat mananalo.

Boy 2: E mas malakas si Superman di'ba?

Boy 1: Hindi, ako yung mas malakas.

Boy 2: Hindi, ako dapat.

*and so on, hanggang sa dadampot ng bato si Spiderman tapos ipupukol kay Superman. Ang susunod na mangyayari e magsusuguran yung mga nanay, tapos magsasabunutan. Tapos yung mga tatay nagiinuman lang sa kanto, kumakanta ng My Way.

O, sino ba namang hindi mage-enjoy niyan?

Sunday, September 13, 2009

Ayoko na Lalo Mag-CSR


Nakakaloka ito. Nakakaloka. Totoo kaya na nangyari ito? Bwahahaha!

Salamat sa Hay! Men!

Friday, September 11, 2009

Lesson Learned: Mahalin ang Nature

Ewan ko lang ha, di lang talaga ako sure, pero parang laging kumokontra si mother nature sa mga magagandang balak.

Aba, todo effort pa naman akong mag-ayos ng hairlaloo kanina. Kulang na lang magpalagay ako ng extensions. Mega palinis pa ko ng kuko sa paa para sexy tignan kapag nag-tsinelas ako. Naligo pa ko ng pabango para effect ang drama. I've heard kasi na may darating na mga ka-eksenahan tonight. Naexcite pa naman talaga ako ng bongga na maglumandi at magpalandi.

BUT NO!

Enter the dragon si mother nature. Biglang buhos si ulan.

Ligwak ang effort. Tulaley-tulaley. Sleep.

Oh mother nature, what will I do? Kailangan ko bang i-sakripisyo ang aking katawan *kidlaaaaatttt* para lang ihinto mo ang ulan? Paano na lang ang maliliwanag na future ng sangkaadahan?

Biglang sagot si mother nature: "TSE!"

Thursday, September 10, 2009

So You Think You Can Write Essays.ph Style?

No more blahs and fancy nonsense. This, is real life.

Not everybody can write and not all those who write can do what we, freelance writers, do. Take that you poor airheads that are full of insecurities. I've come to realize this truth after more than a year as a writer for Essays.ph. You may think of this expression of thought as pure bragging, it is in a way and you can not blame me. Well, freelance writing is not an easy job and it deserves some bragging. And not just freelance writing in general but freelance writing in Essays.ph. And hey, I'm a freelance writer for EPH, what else do you think I would say about my job? That it sucks? Yeah right.

If you think you can not take this, stop reading and consider suicide. But if you think you want my job, consider the following.


DO NOT APPLY AS AN ESSAYS.PH WRITER IF...

1.) ... you hate deadlines and time constraints. I'm telling you, you will not succeed in this field. Freelance writers are used to time pressure, in fact, we enjoy it. Our souls reach a certain state of euphoria when we beat deadlines and sometimes we even create even shorter deadlines for ourselves - that is nirvana. And, finishing multiple assignments within twenty four hours? Wow, heaven! And hello? Where in the whole universe can you find a writing job without deadlines? Wake up! Reality check brothers and sisters. Maybe you don't like the sound of that. You say it's torture? You say it's hell? Then find your own utopia in sharpening pencils for pre-schoolers in your barangay day care centers rather than doing freelance writing jobs, or you can just watch your own hair grow in the mirror.

2.) ... you don't want to be trained in writing about various topics. Yes, EPH writers can write anything under the sun, literally. Everything that you can see, feel, hear, taste and smell and even the things that your ESP can detect, from hotels in Italy to FOREX to male enhancements to sex positions to acne to dogs to diet plans to ghosts to the stars to the gods to the whole universe, name it, we can surely produce articles that are worth reading! If you don't like that, then just write - in the following years until the day all the gods summon you up into the heavens (or hell) - about your lovelife, or wallow about the rain and how it makes you sad because you're single, or complain because your parents did not give you money and your boyfriend did not text you, then call yourself a good, well-rounded and accomplished writer.

3.) ... you don't want to make use of your writing skills to earn money. Then let those skills rot. Let those burn in hell. Let them wander around the underworld with Hades. Let them run carefree and be hit by a ten-wheeler. Or if you want to be awarded with the Nobel Prize, donate those skills to the children of Africa - they need it more than you do. Essays.ph does pay, in fact, generously. (They should be the ones awarded with the Nobel.) Will you let your writing prowess go to waste? Hey, the moolah is calling you! Well, if you don't want to celebrate your birthday with the fruits of your writing or if the idea of changing your wardrobe with your own earnings from writing about sex positions is not appealing to you, then just watch TV and wait for money to fall from the sky or wait for the trees to bear one-thousand peso bills.

4.) ... you don't want to become a part of history. Jose Rizal was a writer and he became a hero because of it. You can be a hero, too. You can change your barangay or your city or the Philippines or even the world with your writing. You can be a great individual that every person in the world will praise and envy. Your name will have the same resonance as greatness. You will become the new standard. You will become the new sex. You will become an entirely different specie! (Nah, I just want to say that.)

5.) ... you don't want to broaden your network of friends. EPH is actually a team of amazing, wonderful, extraordinary, fabulous and beautiful (of course) people. We are not just writers, we are friends. (If you think that you do not belong to any of those adjectives, forget about EPH.) Thanks to the Cyber Office (and also Facebook and Plurk) where we mingle online and socialize as if we are in a real life office. But our socialization doesn't just happen online, EPH writers meet once in a while, setting our assignments and real jobs (if one really does have a real job) aside, and try to enjoy the joys of life, er, like vices? *evil grin* And who in the world doesn't want to meet Neil Raymundo? Even the Dalai Lama wants to meet him. If you don't like friends then just go to the mountains and plant kamote. Talk to the trees, the ants, the wind, the rocks or yourself and miss the opportunity of a lifetime to meet the very famous Neil Raymundo! You can also just go to a dark a room, light a candle, and befriend your shadow.

6.) ... you don't want to write. Before hitting the apply button in the Essays.ph website, make sure that the air you breathe is writing. EPH writers do not just write for writing's sake. We try to put the best foot forward to make the best outputs because hey, writing is what we actually do best. There is no reason that EPH writers can not make an excellent article on anything because our life is, well, writing. If you think that you are not a good writer then forget about EPH, remember that you are applying for a writing position. Come on, can you be a Roman if you are from Egypt? Will you apply as a chef if you don't even know how to perfectly cook an egg? Will you be a writer if you're not good in writing? If you are saying that you are a writer and that you are a good one because it is the one thing that you know you're good at and it is your one true love then go. If suddenly you're not sure, then just go to the salon and get your hair done or go get a manicure or pedicure. You can also just go out and catch the rain, drop by drop. Or, just drop dead.

You think you can write? That's good. You think you're an excellent writer? Better. You think you can be an EPH writer? Think again.

Monday, September 7, 2009

Hey, JUD!

Ano pa nga bang silbi ng blog site na ito kung hindi ko lalagyan ng kung ano-anong ka-echosan, 'di ba? At ano pa nga bang silbi ko bilang blogger kung hindi naman ako magba-blog?

O, tama na ang page-explain dahil hindi naman ako dapat mag-explain dahil wala namang dapat i-explain. Wala lang akong maisip na opening statement.

So ayun nga, kagagaling lang namin ng Cebu para i-spend ang long weekend. Naks, yaman-yamanan ang drama kahit mahirap pa naman talaga sa daga ang tunay na estado ng pamumuhay. Hello? Wala naman talagang dapat ipagyabang dahil 675 pesos lang naman ang pinamasahe no, roundtrip! (Thank you promo!) At tyaka, kahit gaano pa kamahal o kamura yang pamasahe na yan, wala naman akong nilabas na pera dahil wala naman akong ilalabas na pera.

Anyway, sa katunayan, hindi naman talaga ako dapat kasama. Biglaan lang mga teh. Eto na, confession of a sabit muna. Ang tunay na kasama naman talaga sa byaheng ito ay ang pinsan kong si Benjie. But no, dahil sa kailangan niyang mag-report sa trabaho sa mga araw ng bakasyon sa Cebu, umatras siya. Ok, kung ano mang iniisip niyo, tumpak na tumpak kayo. Dahil sa sayang ang kaniyang ticket, kinailangan kong magpanggap na si Benjie. (Siyet! Forgery ba ito?)

Pero kebs na. Nangyari na. Wala namang kung anek na nangyari sa akin sa Cebu dahil sa pagpapanggap na ito. Nakabalik na kami ng Manila so dedma na lang. Huwag lang may maghabol. (Makukulong kaya ako if ever?)

Ayun na nga. E di mega rampa na sa Oldest City in the Philippines. Sa pagrampang yun, ito ang mga natutunan ko:

1. I-friend ang unang taxi driver na masasakyan galing ng Mactan Airport para hindi na mahirapang magikot sa siyudad.

2. Makipag-friend sa friends ng friends na may koneksyon sa mga opisyal ng Cebu para makalibre ng hotel.

3. Prior the travel, alamin kung may friends na nasa Cebu para maka-nightlife lalo na kung ang kasama mo lang ay ang iyong nanay, tita at kapatid.

4. Huwag uuwi ng Manila kung hindi pa natitikman ang famous Lechon Cebu. Kung hindi, magsisisi ka.

5. Laging ihuli ang trip to Tabo-an Market kung ayaw mong mangamoy danggit sa susunod na destinasyon. At pagdating sa hotel, maligo ng bongga!

6. Kung may arthritis at acrophobia, huwag nang balaking magpunta ng Taoist Temple. Huwag na ring pumunta doon kung sadyang loud ang iyong personality kung ayaw ipahiya ng masungit na gwardiya.

7. Pumunta ng mas maaga sa Anita's Bakeshop para hindi maubusan ng mainit na spanish bread.

8. Maghanda ng itinerary para hindi magsisi bandang huli.

9. Magdala ng maraming pera kung ayaw mong umuwi ng luhaan.

10. Magbaon na lang ng 3-in-1 coffee kung ayaw mong mabigla sa presyo ng kape sa hotel. Kung hot chocolate naman ang gusto, i-handa na ang sarili na Milo ang ibibigay sa'yo.

11. Pangunahan agad ang lahat ng makakausap na hindi ka marunong mag-Cebuano kung ayaw magmukhang tanga.

12. Ngumiti parati para masaya.

13. Huwag magsusuot ng masikip na damit kung mamamasyal kung ayaw magmukhang sumang nilublob sa mantika ng baboy at the end of the day. Magbaon na rin ng face towel, ay hindi, beach towel na pala.

14. Mag-enjoy ng bonggang-bongga!

At nag-enjoy naman talaga ako kahit medyo bitin. Pero hey, Lami kaayo talaga sa Cebu, Jud!

Sunday, August 30, 2009

Ayokong Mag-Generalize, O Bro, Huwag Naman Sana

Kagabi, sa isang inuman na hanggang alas-kwatro ng madaling araw na hindi naman ako uminom kaya congratulate me pagkatapos ng inulang pageant ng mga misis dito sa aming barangay na siya nga pala e nag-judge ako *whew*, may umeksenang utaw (u-taw: noun: lalaki). May hitsura naman si utaw, kaya mega go na lang din ako.

Utaw: Uy, kamusta?

Me: Uy hello. Eto nananaba.

Utaw: Hindi naman masyado a. *devilish killer smile*

Me: *hampas* Echos ka! *giggles*

Utaw: Hindi nga. Hindi ka naman masyadong mataba. Ganda mo nga ngayon e.

Me: Ay. Ikaw talaga. Bolero! *hamps ulit, more giggle*

Utaw: May boyfriend ka ba ngayon?

Me: *shocked* Naku. Wala nga e.

Utaw: Hala bakit naman? Dapat sa'yo laging may boyfriend.

Me: Ganun? E wala nga e.

Utaw: Bakit nga wala?

Me: Siguro kasi wala akong pera.

Utaw: *pause, nag-isip*

Me: *twinkling eyes*

Utaw: Ah kaya naman pala e. Kawawa ka naman.

Me: *tumutumbang poste na tatama sa ulo, umiikot na paligid*

*Tambay Song plays in the background...*

Shet ka kuya. Gwapo ka pa naman. Ang saklap. O Bro, ngayon kita kailangan.

Gumaganun!

Isang text conversation:

Friend: Oi Emilio Aguinaldo. Gising ka na?

Me: *pupungas-pungas* Ngayon lang, bakit?

Friend: Wala lang. Yayain lang sana kitang mag-ukay.

Me: Ay te, wala akong pera.

Friend: Ano? Magbe-birthday ka na wala ka pang anju??

Me: E hindi nag-iwan si pujay e. Bahala na kung anong mangyari sa Martes.

Friend: Ay kawawa naman si p*kp*k... Bat ka nga pala nagpagupit ng Emilio Aguinaldo ulit?

Me: Wala lang. Remembering the good old days?

Friend: Old days? Meaning the confused days?? Hahahahahaha shet.

Me: Tumpak pero di ibig sabihin ay confused na ko ulit. Bwaha.

Friend: Kurek. Dahil alam naman natin na irreversible na yan. Hahahaha.

Me: Check. What was once a curse is now a gift. O ha?

Good morning!


Friday, August 28, 2009

Lait Equals Love

Hindi naman ako depressed pero napagtripan ko na namang ipabago ang aking hair style. Pero minsan na nga lang maging vain, e panlalait pa ang sumalubong sa akin.

Comment 1: "Ay security guard?"

Leche lang 'to di'ba? Meron siyang stereotyped notion sa hitsura ng mga manong guard.

Comment 2: "Noki! *mahabang paglingon mula kaliwa pakanan* Ang laki ng mukha mo!"

May magagawa ho ba ako? Ipinanganak akong ganito. Sorry ho.

Comment 3: "Ang seksi!!!!" *gigil na gigil"

Hindi masyadong sarcastic. Hindi!

Comment 4: "Grade 6?"

Oo na, ganito ang buhok ko nung elementary hanggang high school. Nagre-reminisce ako bakit ba?

Comment 5: *bonggang halakhak*

'Nuff said. Nasabi mo na lahat.

Comment 6: "Tangna ano 'yan? Anong nangyari sa'yo?"

Wala. Wala ito. Huwag kang masyadong mag-worry.

Comment 7: "Noki, bakit hindi mo agad sinabi sa amin na may sakit ka?"

Siyet lang 'to di'ba?

Pero na-realize ko, ang mga tunay na kaibigan e nagsasabi ng totoo. Ang mga tunay na kaibigan, brutally honest. Ang mga tunay na kaibigan, vulgar. Ang mga tunay na kaibigan, balahura. Mahal nila ako e.

Kaya sa inyo friends, taena niyo!

EDIT:

Eto ngayon lang. Kakapasok lang. Mainit-init pa!

Comment 8: "Itay? Siyet itay! nakita ko na ang nawawala kong tatay."

May gusto ka bang palabasin dito? hayup!

Comment 9: "Ang machow! Lalaking-lalakey!"

May halong pangungutya lang talaga.

Ayoko na lalo mag-post ng pichur. haha!

Tuesday, August 25, 2009

Say No to Alcohol (Ugh, Erk, I'm Dying)


Masakit man sa kalooban kong i-post ito, kailangan kong sikmurain kung ayaw kong lamay ang mangyari imbis na party ang maganap sa susunod na Martes.

Say No to Alcohol muna ang drama ko (sana makatagal) para sa ikagaganda ng aking future. Naks!

Nitong Sunday, isang warm welcome na naman ang hinanda ng mga nurses at doctor sa UP Infirma(tay)ry. Paggising ko lahat sila e nakangiti sa akin sabay tanong ng nurse, "Masarap ba ang The Bar? Sana kasi shinare mo!" Si ate, medyo sarcastic, medyo lang naman.

Ang kwento sa akin ng aking Itay, naupo lang daw ako sa isang sulok. Maya-maya e nakita daw ako ng pinsan ko na umiiyak tapos nakapikit na at medyo lungayngay na. Pumasok daw siya sa loob ng bahay tapos sabi niya sa mga tao sa loob e "Pakitignan naman po si Kuya Noki sa labas, umiiyak e." E di go naman ang mga tita, mega gising daw. But no, sleeping beauty ang drama. Dahil sa walang prince charming na dumating, at haggard na ang hitsura ko, nag-panic na sila at tinawag ang mahiwagang karwahe ni Cinderella at dinala na ako sa Infirmary.

Nagising na lang ako nung lagyan na ako ng Dextrose. Hindi pala halik ni Prince Charming ang kailangan. Sorry na lang daw ako.

Oh well.

Muntik na akong mategs. Sabi ni doc, kung hindi raw naagapan ang pagbaba ng glucose sa aking katawan, malamang huminto na ang respiratory system ko at sumunod na ako sa aking lola. (Hindi kaya si Doc ang one true love ko? E pero, mas babae pa sa'kin si Doc, hindi pwede!)

So, sa birthday ko, dahil hindi ako pwedeng mag-inom, lahat ng friends ko e hindi na rin magiinom. Magtitigan tayo mga mare at pare. Bwahaha! Join me in my misery. Chos!

(Naks, changed man na ba ako? Bwaha. Kadiri!)

Wednesday, August 19, 2009

Paalam Lola, Maraming Salamat

Babaliin ko sa una't huling pagkakataon ang sinabi ko sa aking unang post na bawal ang ma-emote sa blog na ito. Hindi ko kaya lalo na sa pagkakataong ito. Mahirap magpigil. Parang pagtae, mahirap pigilin, hindi pwedeng tiisin, baka malason ang katawan kapag naimbak ang jebs sa katawan.

Noong Linggo ng gabi, tinapos na ng aming Lola Oneng ang kaniyang laban against cancer. Sa isang napaka-peaceful na pamamaalam, nilisan na niya ang masalimuot na buhay dito sa mundo. Sabi niya, "Paalam. Aalis na ako." Tinanong siya ng tita ko kung saan siya pupunta. Ang tangi lang niyang sagot, "Sa malayo." Pagkatapos noon, ilang buntong-hininga, narating na niya ang matagal na niyang nais na marating.

Matagal na naming hinanda ang mga sarili namin sa pangyayaring ito, pero totoo pala ang sinabi ni Tetay, kahit gaano ka kahanda, kapag dumating na ang takdang panahon, masasabi mong "I lied to you, mom! este, lola!" Masakit. Mari-realize mong hindi ka pala talaga handa.

Naisip kong hindi ko man lang pala naiparamdam kay lola ang pagmamahal at pasasalamat that she deserved. Nakaka-guilty. Sa panahon ng pagkaratay niya, hindi man lang ako nag-devote ng oras para mag-alaga sa kaniya. Naalala ko na habang tinatapos niya dati ang labada niya e may lubid siyang hawak na naguugoy sa duyan na kinasasakyan ko noong maliit pa ako. Hindi ko man lang nayakap o nahalikan ang lola ko. Hindi ko man lang naibulong na "Lola, mahal kita." o "Lola, maraming salamat." Wala akong nagawa para ipakita sa kaniya kung gaano ko siya kamahal, kung gaano siya ka-importante sa buhay namin.

Mahal na mahal kita lola! Sana kayang pasukin ng kaluluwa mo ang cyberspace para mabasa mo ito. Kung hindi man lola, ibubulong ko sa hangin na iparating sa'yo, kung nasaan ka man, ang aking mga yakap at mga halik, ang aking pagmamahal at pasasalamat. Lola, maghihintay ako na sa iyong sagot. Sa ihip ng hangin lola, sa ihip ng hangin ipadama mo sa akin na natanggap mo ang mensahe ko. Lola mahal na mahal kita. Maraming salamat, Lola Oneng!

Friday, August 14, 2009

Echoserong Frog's Lovelife: The Musical

Kuya, kahit pa kumanta ka ng

"Mga tambay lang kami sawa sa babae,
mga babae'y manloloko, pineperahan lang kami.
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin,
masarap magmahal ang bakla, o kay sarap, damhin!"
,

hindi pa rin kita papansinin. If I know, peperahan mo lang din ako, sa hitsura mong yan na akala mo e laging gutom? Hindi na lang. Magmomongha na lang ako. O kaya pupunta na lang ako ng Africa para mag-volunteer work.

Tyaka hindi ikaw ang type ko, siya. Lagi ko siyang kinakantahan ng

"I want nobody, nobody but you *clap clap point clap*
nobody nobody but you *clap clap point clap*..."


Tinatanong pa ba yan kung bakit? Manalamin ka nang malaman mo. Manigas ka diyan sa tabi. Sa kaniya ako tatabi, siya lang ang kakausapin ko. Kikilalanin ko siya ng husto. Pagsisilbihan ko siya. Kakamutin ko ang likod niya kapag nangangati, bubunutan ko siya ng balbas tyaka ng patay na buhok, lilinisin ko ang tenga niya, at tatanggalan ko siya ng blackheads at whiteheads.

Hindi magtatagal, ibe-belt ko ang

"Unti-unting mararating, kalangitan at bituin.
Unti-unti'y kinabukasan ko'y magniningning.
Hawak ngayon, tibay ng damdamin *kulots*,
bukas naman sa'king paggising,
kapiling ko'y pangarap na bituin..."


Oo, siya ang aking twinkle twinkle little star. *buntong hininga* Wala akong masabi.

Pero paano ko nga maaabot yun, e kung makadikit ka sa'kin, para kang linta. Parang kang lamok na kapag madilim e dapo ng dapo sa'kin. Para kang patay gutom na nakatanghod. Kakausapin ko na lang ang pangarap na bituin ko, bigla ka namang lalagapak sa harapan ko na parang meteorite. Eeksena na ko, bigla ka namang sisigaw ng cut! Taenamo. Sa isip-isip ko,

"Muntik nang maabot ang langit..."


Exeunt. Music fades. "Po-po-poker face, po-po-poker face... ma ma ma my..."

Monday, August 10, 2009

Mga Natutunang Bagay Habang Bored sa Gitna ng Napakaraming Tao sa Mall

Kahapon sa SM North EDSA, habang nababagot na hinihintay na magyaya na pauwi ang mga kasama ko, meron akong ilang bagay na nakita, na-realize at naisip, mga lessons na natutunan kung baga.

1. Huwag kuhanan ng picture ang sarili sa gitna ng nagpipikturang mga grupo habang bitbit ang pinamili sa grocery at wala kang kasama sa paligid. Nakakaawang tignan. Sige subukan mo, mapapansin mong peke ang ngiti mo sa lahat ng litrato mo. Tyaka, ano ba? Nakakahiya!

2. Usapang pikturan pa rin, huwag magpakuha sa tabi ng isang palmera tree na kasing-tangkad mo lang habang malakas ang hangin kung ayaw mong maging parang picture ng unggoy na nagtatago sa gubat ang kuha mo.

3. Habang naglalakad sa mall, bitawan ang kamay ng jowa kapag may nakasalubong na gwapo o maganda. Tapos sundan mo ng tingin. Kapag malayo na, tyaka mo ulit hawakan ang kamay ng jowa mo. Maganda yun. Magandang gawain yun. (Tapos si jowang binitawan ang kamay, e dedma lang. Saan ka pa?)

4. Habang kumakain sa Pizza Hut, tignan ang sarili habang sinusubo ang pizza sa mirrored walls. Panoorin ang pag-nguya. Tignan kung pogi pa rin ba habang ngumunguya. Pagkatapos ng isang kagat, ayusin ang buhok. Malaking effort ang pagsubo ng pizza, nakakagulo ng buhok. (Gwapo ka pa naman. Hay.)

5. Huwag magsusuot ng masikip na pantalon kung hindi ka naman pala komportable. Oo, obvious yun. Mahahalatang di ka komportable sa suot mong pantalon kasi mukha kang palaka kung maglakad.

6. Huwag sasakay agad ng escalator kung may maiiwan ka. Yung pagdating mo sa taas e bababa ka ulit. Tapos pala, dala mo naman pala, e di aakyat ka ulit. Ang problema, yung mga kasama mo pala ang wala, bababa ka ulit. Sabay may tatawag sa'yo galing sa taas. Ok. Tama na. Ang gulo mo.

7. Huwag pupunta ng mall kung wala ka namang pera at kung ang gagawin mo naman dun e makialam sa buhay ng may buhay. Matulog ka na lang sa bahay, manood ng TV, mag-internet, kumain o kaya naman, pakamatay ka na lang!

Monday, July 27, 2009

Post ng Isang Repressed na Bayot Tungkol kay Kras-in-Boxers

Warning: Parental Guidance ay kailangan, medyo, ay hindi pala medyo, talagang sexual ang post na ito!
Dati e ayaw kong tumambay sa tapat ng bahay, pero nung dumaan ka, tangina! Parang gusto ko nang tumira sa labas katabi ng alaga kong pusa. Paano naman kasi, katulad ng pusa na "in heat", e hindi rin ako mapakali kapag dumaan ka na.

Katulad nang ginawa mo kahapon. Dumaan ka sa harapan ko na ang suot lang ay boxers. Boxers lang. Hindi ko alam kung sinasadya mong ibaba ng kaunti ang bandang likuran para ipakita ang guhit ng kapalaran na gusto kong i-trace gamit ang *oops*. Hindi ko rin alam kung sinasadya mo ring ipanood sa akin ang pagsuksok mo ng cell phone sa garter sa bandang unahan at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang na nasilip ko ang garden of eden. Tangina ka!

Pang-ilang beses mo na yang ginawa hayop ka, makaramdam ka naman.

Naalala ko ring nakainuman na kita. Hindi ko alam kung sinasadya mo ring itaas ang damit mo para ipagyabang ang flat mong tiyan. Hindi ko alam kung napansin mong nag-landing ang mata ko sa runway mo. Hindi ko rin alam kung sinasadya mong idikit ang tuhod mo sa tuhod ko. O kung alam mo lang kung paano ako nakuryente dun. Hindi ko rin alam kung intensyon mong kalabitin ang kamay ko habang inaabot ko sa'yo ang lighter ko. Hindi ko rin alam kung balak mo lang talaga akong asarin dahil bandang huli e tinawag mo akong kuya.

Sana nagkakamali ako, sana assuming lang talaga ako, dahil kung hindi, dinakma na kita.

**pasensya na, repressed lang talaga!

Friday, July 10, 2009

Hindi Ko Alam Kung Anong Gagamitin Kong Title Para Dito Dahil Medyo Naguguluhan Pa Rin Ako

*Larawan galing dito. Achuali, nakaw yan!*

Narinig niyo na ba yung Pinoy Rap single na may chorus na goes something like this, beatbox:

Mga tambay lang kami,
sawa sa babae.
Mga babae'y manloloko, pineperahan lang kami.
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin,
masarap magmahal ang bakla,
O kay sarap!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiiyak, matatawa, magagalit o maiinis.

Una, Mr. Songwriter, mga tambay lang kayo. Saan naman ninyo naisip na ipasok yung idea na peperahan kayo ng mga babae? Uulitin ko, mga tambay lang kayo.

Ikalawa, mga babae'y manloloko? Girls! Sugod!

Ikatlo, ngayon naman Mr. Songwriter, naisip niyong lumipat na lang sa mga bakla. Para ano? Dahil nga tambay lang kayo, sa mga bakla naman kayo kukuha ng pera na iaaalay niyo sa mga babaeng sinasabi ninyong nagsasawa na kayo? O come on. Pag-ibig nga naman! Lokohin niyo mga lelang niyo!

Ika-apat, masarap magmahal ang bakla! O yeah right on! Period.

(Bwahahaha!)

Break it down, yow!

*biglang susundan ng Ripe Banana, ayos talaga ang Yes! FM*