Bakit nga ba pakiramdam ko e nagtatampo sa akin ang mga kataas-taasang mga makapangyarihan sa heaven? Ano nga bang nangyayari sa akin ngayon at naisip ko ito? Ang sagot: I'm so deprived! Deprived sa halos lahat ng bagay.
Una, deprived sa yaman. Hindi ko naman hinihinging ibigay sa akin ang lahat ng yaman sa mundo. Hindi ko naman ata keri yun. Naniniwala pa rin naman ako na walang tunay na happiness sa material things. Pero naman Lord, kahit pambili ng yosi e hirap na hirap akong maghagilap! Imagine ha, nagtitiis na lang akong maghintay ng mahuhulog na barya kapag dumudukot ng pera ang nanay ko sa bulsa niya. O kaya naman e nagtyatyaga na lang ako sa pambuburaot. Kung may award siguro ang pinakaburaot na tao sa mundo, isa na ako sa mabibigyan ng high honors!
Ikalawa, deprived sa lovelife. Diyos ko po. Hindi naman sa takaw na takaw ako sa yakap at halik ng iba pero feeling ko e binabato ako ng tae kapag naglalampungan sa harapan ko ang mga kaibigan ko at kani-kanilang mga jowa. It's been years Lord, years! Asaan na siya? Asaan na? Huwag niyo kong hihiritan na maghintay lang ako dahil darating din naman. Pagod na kong maghintay! Pagod na pagod na. Mas pagod pa sa mga isdang langoy ng langoy. Hindi na tama ito. Hindi na talaga.
Ikatlo, deprived sa sex life. Tagtuyot! Tagtuyot! Daig ko pa ang El Nino sa dryness. Pwede na kong gawing diaper to keep your babies comfy and dry, all day and all night! Ginagawa ko naman ang lahat pero parang walang pumapansin. Kulang na lang e maglagay ako ng artificial vajayjay para mapansin. Bakit naman yung ibang tulad ko na hindi naman kagandahan e nakakapuntos? Bakit yung iba na mukha namang hindi naliligo e nakakaharvest at nadidiligan? Ano bang kulang sa akin o Lord? Ano? Tell me!
Tangina lang di'ba? Imagine ha, sa sobrang desperasyon ko ngayon e nagawa ko ang entry na ito na nakatayo! Help me! Help!
