Wednesday, January 6, 2010

Ang Planner na May Mahabang Pangalan at Ang Kakaibang Dulot Nito sa Buhay ng Isang Walang Kaplano-Planong Nilalang: Isang Simpleng Review, CHOST!


Hindi talaga ako masyadong excited na magkaroon ng planner lalo na kung isang bongga sa pagka-cool na planner pa ang naharbat ko from somewhere over the rainbow!

Tenen! Presenting the "Im-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-BUT-I-got-fat/broke-on-the-10th-frappe" 2010 planner! (whew!)

Dahil sa mga plurks ng aking mga bonggang friends, na-discover ko na nage-exist pala ang planner na bagay sa mga pulubing tulad ko na hindi kayang bumili ng kape para lang magka-planner! So dali-dali kong binasa ng matindi, as in wala akong pinalampas na detalye, ang impormasyon tungkol sa planner na ito! Tapos, tinext ko na si Chinggay kaagad at nag-order and after two days, ayan na, hawak ko na ang - uulitin ko pa ba ang pangalan?

Pero ito talaga ang catch e, pagkaabot na pagkaabot ko ng bayad (paalam 320) kay Tonet, may biglang sumapak sa akin na isang napakalaki, mas malaki pa sa tutut ng kabayo, na realization. (Wow, may realization talaga!) Naisip ko na never in my life pa pala akong gumamit ng planner. Ang press release ko sa sangsinukuban nga pala e isa akong spontaneous na nilalang. Hindi uso ang plano sa buhay ko. As a matter of paking fact, I hated plans! Naalala ko na dahil sa pagpaplano e medyo pumapalya ang mga eksena ko!

Naalala ko yung minsang sobra kong pinlano yung isang akong lakad. Ilang araw pa lang bago yung mismong eksena, inayos ko na ng bongga ang aking itinerary. Makikipagdate muna ko tapos pupunta kami sa bahay nila para kumuha ng gamit tapos susunod kami sa Laguna para sa isang napakasayang adventure! E di yun, sobrang plantsado na ang plano. Exciting. But no, dun pa lang sa unang punto sa plano - ang date- e may kamalasan nang naganap! Itinakbo ng aking blind date ang aking bagong-bagong telepono! Kaboom!

Simula noon hindi na ko nagplano (at hindi na rin ako nakipag-blind date)! Pero ngayon? Bumili pa ako ng planner? Planner! From the root word 'plan', plano, di'ba I hate plano? Kamusta naman ang pagiging sponataneous?

But no. May resolusyon akong maging positive ngayong taon. Dapat lahat ng bagay ay titignan sa mas makulay na perspective. Siguro talagang panahon na ng pagbabago. (Naks, parang kampaniya lang!) Time to shine na daw. Mukhang simula na ng pagiging maayos at plantsado ng aking buhay ang pagkakaroon ko ng planner na ito. (O ha pang Maalaala mo Kaya?) Mukhang senyales na ito na magiging maganda ang taon ko! Tiyaka hello? Tanga ka ba Noki? Hindi lang naman plans ang pwedeng ilagay sa bonggang planner mo no! Gawin mong journal. Why not di'ba?

O ha, o ha, hindi lang pala bongga ang planner na ito! Hindi lang siya cool at funny. Hindi lang siya quirky. May dulot pang sense of realization at sense of positive change! Winner ka talaga *insert name of planner*! Wala kang katulad! Next year ulit bibili ako. Pramis!

Interesado rin kayo? Puntahan niyo ito: NOT THE PLANNER!

1 comment:

  1. antaraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay =) salamat salamat. actually, hindi rin ako ma-plano na tao. etong planner na 'to ay hindi namin plinano. nagulat na lang kami na bigla naming nagawa nang isang meeting lang sa Seattle's Best (o diba, sa coffeeshop talaga nagmeeting). Yung planner naman namin, hindi mo kailangang isulat mga plano mo. Bahala ka naman talaga sa buhay mo hehe. Salamat sa review at kamusta naman ang madedekwat na blind date?! (Tonet http://ilayailaya.wordpress.com of the planner na may mahabang pangalan)

    ReplyDelete

Napa-echos ka ba? Anong mae-echos mo?