Back to normal. 'Yan usually ang press release ng sangkatauhan matapos ang medyo mahabang bakasyon at pagpa-party na walang humpay. Pero ang tanong, normal na ba talaga ang mga araw after ng Holiday Season? Kung oo, how normal? Kasing normal ba ng isyu na si CNN Hero of the Year Efren ang rason ng break-up ni Angel at Lucky? O ka-level ng pagiging normal na tatakbong Congresswoman si Madame President sa Pampanga?
Oh well, ang totoo e wala pa sa kalingkingan ng standards ng pagiging normal ang mga panahon ngayon. As a matter of fact, halos lahat siguro ng halos mamatay na sa pagpaparty at pagce-celebrate ng birthday ni Bro at halos maputulan ng kung ano-anong limbs sa katawan noong Bagong Taon o nagpahinga lang noong nakaraang bakasyon e nasa rurok (wow rurok!) ng, er, Post-Holiday Blues! Aminin!
Pero paano ka nga naman aamin kung (kunyari) e hindi mo alam ang ibig sabihin ng Post-Holiday Blues? Okay, para sa kapakanan ng mga nagpakabum boong bakasyon pero wala pa ring idea sa kung ano ba yung kaechosang pinagsasabi ko, let me present ang aking mga kaechosang signs and symptoms na ikaw ay nagsa-suffer indeed sa PHB! Naks, paacro-acronym pa ang shuta!
1. Kapag nakakita ng Christmas decors e parang gustong sunugin ang mga 'yun dahil they bring back memories of gastos.
2. Kapag nagpupunta sa mall ay may tendency na bigla na lang magsuot ng maskara at impromptu na gumawa ng bomba dahil makikita ang nabiling something na sobrang bumagsak ang presyo kumpara nung bilhin bago mag-pasko!
3. Halos ayaw lumabas dahil may pakiramdam na plastik lahat ng tao dahil noong nakaraang Holidays e halos lahat ng makasalubong ay hahalik at yayakap para bumati pero ngayon e parang strangers na lang ulit. (Ang masaklap pa dito, nag-assume ka na close na kayo ni crush kasi binati at niyakap ka niya nung bakasyon pero dedma ka na lang ulit sa kaniya ngayon.)
4. Kapag nakakita ng alak e may dalawang pwedeng mangyari: a. halos gusto mong pumatay para lang ikaw ang maunang sumunggab at lumaklak sa nasabing alak; or, b. parang gusto mong magpadala na lang sa asylum para doon ikulong dahil feeling mo e gustong kumawala ni sanity dahil sa sobrang trauma mo kay alak.
5. Halos ayaw mong magbukas ng closet dahil sa takot sa realization na meron ka na namang idi-dispose na damit dahil alam mo namang kahit anong gawin mong pagre-reduce e wala nang pag-asa na maisuot mo yun ulit. Or, worse e gawin mo na lang na basahan.
6. Kapag binalikan mo ang iyong planner o kung ano mang pinaglalagyan mo ng iyong schedule e parang gusto mo na lang magpakamatay dahil nakalimutan mo pala na sandamakmak ang dapat na tinapos mo noong bakasyon. Para bang gugustuhin mo na lang na biglang mag-resign sa trabaho o mag-drop sa eskwela kesa i-rush ang mga bagay-bagay.
7. Halos ayaw magbukas ng wallet dahil sa takot na magliparan palabas ang mga miniature paniki o magtakbuhan ang mga miniature daga o kaya naman dahil sa takot na biglang bumulaga ang mala-gubat na agiw at sapot. Doro!
8. May kaugnayan sa symptom #4. Halos ayaw magpakita sa mga officemates, classmates o kabarkada dahil alam na alam mo na meron kang kakaibang nagawa noong bakasyon dahil sa sobrang kalasingan. Posible kasing nakipagmake-out ka with a total stranger sa gitna ng party na halos mag-sex na kayo sa dance floor o kaya naman e nagsuka ka sa harap ng crush mo habang nakikipagusap siya sa'yo o baka naman nabuhusan mo ng beer o ng sauce ng spaghetti ang boss mo.
O ngayon, sabihin niyong pwede na talagang mag-back to normal. Di na uy!
O sige, kung may magsasabing normal na ang mga araw nila, then safe na sabihin kong kasing normal niyo siya...
Meet the one and only Doña Delilah Magnolia Chenes Chuchubel de Ayala!