Monday, December 27, 2010

Pasko sa N.E.

WHAT HAPPENED IN NUEVA ECIJA?

Pagod dahil sa byahe. Check.

Apat na case ng SMB. Dalawang case ng RH. Dalawang basong tubig. Check.

Alaala ng malamig na hangin na humahampas sa butas ng wetpaks habang jumejebs sa open-air na kubeta. Check.

Alaala ng malamig na tubig poso. Check.

Alaala ng paliligo habang nagma-marathon ang mga diyos at diyosa ng hangin. Check.

Sipon dahil sa lamig. Check.

Tinolang native chicken for dinner. Tinolang native chicken ulit for breakfast. Inihaw na humihinga pang tilapia at bangus for lunch. Jumping salad on the side. Check na check!

Mga nakangiting kamag-anak. WIN!

MERRY CHRISTMAS!

Parang nakakabuo na rin ako ng plano pag dumating ang panahon na tinatawag na ko ng lupa... Hmm...

Sunday, November 7, 2010

Kasipagan, Stay With Me

Nung Biyernes, sinabi ko sa Facebook na sana sapian ako ng kasipagan kinabukasan. And, yes, dahil sa bonggang Law of Attraction, talaga namang nadama ko si kasipagan na dumaloy sa aking mga ugat-ugat.

Nakapag-general cleaning ako ng bahay kahapon at nakapag-decorate na rin ako para sa papalapit na Pasko. O ha? Mukha nang masayang bahay ang bahay namin. Hindi na siya mukhang dorm ng mga bulagsak na male students from an exclusive school.

Tapos, kanina, nagkalkal na naman ako ng kwarto. Ang bango-bango na naman ng aking lungga sa wakas. Hindi na siya amoy bodegang pinabayaan ng 100 years. Hindi na siya mukhang dungeon. Nagpulasan ang mga langgam, natakbuhan ang mga ipis, nagsipagtago na naman ang mga daga.

Mamaya naman e mamamalantsa ako dahil pasukan na bukas.

Wow! I feel so renewed.

Kasipagan, huwag mo na akong lisanin forever. Please. I need you.

Thursday, October 28, 2010

Halloween Looks for You and Your Family

BOO!

Gulat ka no? Magkunwari tayong oo.

Panahon na naman ng mga Trick-or-Treating, Halloween parties, mga nakakatakot na palabas sa TV, horror movie marathons sa HBO at Star Movies, puyatan sa sementeryo, ghost hunting quests, mga adik na naghihintay ng mabibiktima sa likod ng puno ng balete, at kung ano-ano pang may kinalaman sa Halloween. Dahil diyan, naisip kong gumawa ng entry tungkol sa mga magagandang ideya para sa Halloween costumes para sa mga parties o kaya naman para wala lang, makauso lang. Eto na sila.

1. Para sa mga bakla, ang pinaka-effective na costume para sa Halloween ay ang mag-panggap na straight. Ano pa bang mas nakakatakot diyan? Sige nga, talunin niyo yan. Pero naisip ko naman na kahit hindi Halloween e maraming ganiyan, mga closetang frog. Nakakatakot kayo mga ateh, sobrang nakakatakot. Hubarin na ang mga maskara. Fly like a butterfly. It's time to shine.

2. Gayahin si Justin Bieber. Siyet naiisip ko pa lang e nanginginig na ko sa takot, kinikilabutan na ko, gusto ko na lang magtalukbong at kumain ng ice cream na may halong brandy o kaya naman beer. 'Nuff said. Baka bangungutin na ko.

3. Uminom ng isang kahong gin, isang case na beer, isang boteng brandy, tapos lumafang ng isang loaf ng space cake. Sinasabi ko sa inyo, kahit hindi kayo mag-costume e magmumukha kayong walking dead. O di'ba? Hindi na kailangan ng special effects make-up para mag-mukhang zombie. Ang trobol dito, baka lang hindi ka na magising. Eternal na look na ito minus the walking. Forever sleeping na lang.

4. Para sa may mga unwanted fats, cellulites, o kaya naman sa mga taong napabayaang tumambay sa kusina ng kapitbahay nilang chef, ang pinaka-effective na costume ay ang pagsusuot ng two piece swimsuit para sa girls at skimpy trunks para naman sa guys. Sinasabi ko sa inyo, magsisipag-takbuhan ang lahat ng nasa party. Sayong-sayo na ang Best Costume Award, pati lahat ng pagkaing naiwan ng mga nagtakbuhang bisita.

5. Pinoy na nagpupumilit magpaka-Kano. Naku ang daming possibility nito. Tipong kahit ang kulay mo e pan de sal na naiwan sa oven overnight, magsuot ka lang ng blue na contact lenses e panalo ka na. O kaya naman kahit hindi ka blessed sa height e magsuot ka ng gangsta look. Ewan ko na lang kung hindi ka pa mapansin. Or, huwag ka ng mag-costume, mag-American accent ka na lang buong gabi. Tiyak na nakakatakot yun.

6. Kumanta ng mga kanta ng Korean boy bands o girl bands with matching perfectly rehearsed choreography. Magsama ka pa ng grupo para todo-todo ang effect. Tapos try to explain the lyrics of the song. Yun lang. (Wala akong galit sa mga fans ng K-Pop ha? Peace.)

7. Work the emo look tapos pumunta ka sa party na may hawak na blade. Mas okay ang entrance kung lalaslasin mo ang pulso mo. Para sa additional drama, umiyak ka na rin ng dugo while tumutugtog sa background ang "Welcome to the Black Parade" ng MCR.

8. Become John Lloyd tapos magsama ka ng partner na kamukha naman ni Ruffa or vice versa. This is just so scary. Really. Hindi pa rin ako makaget-over kahit meron nang Shaina sa eksena, sorry.

9. Huwag kang maligo one week before the party. Ayan. Naiimagine mo ba? Nakakatakot na no? For sure, ito ang may pinaka-matagal na effect sa makakakita at makakatabi mo. Magiging everyday Halloween ang buhay nila.

10. Become a homophobe. For sure ikaw ang ultimate winner sa Halloween. Basta. Nakakatakot yun. Tapos tumabi ka sa mga bakla while spilling your homophobic slurs. Paniguradong magiging zombie ka pagkatapos ng party.

O di'ba? Nakakasawa na kasi ang dead MJ look, zombie look, vampire look, werewolf, o just wearing your own face. Para sa akin, may mas lelevel-up pa sa mga yun. Go! Enjoy the Halloween season friends.

Okay, parang gusto kong gawin yung number 3. Diyan na muna kayo as I turn myself into a zombie. Boo!

Wednesday, October 27, 2010

O Poverty, You're Killing Me

Wala pa mang dumarating na pera, ubos na agad sa isip ko pa lang. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong bilhin. Ang dami ko ring kailangan.

1. Gusto kong kumain sa Friuli. Hindi maalis sa isip ko ang Tre Formaggi, Mozzarella Sticks, at Tartufo Nero.

2. Gusto kong magluto ng pasta. Basta kahit anong pasta. Sorry na, feeling Italiano ako lately.

3. Gusto kong pumunta sa Bookay-Ukay para mag book shopping. Ang daming magagandang titles.

4. Kailangan kong magpagupit ulit. Mukha na kong werewolf.

5. Pasukan na naman, kailangan ko na ng mga bagong damit. Nagsisiputukan na ang mga damit ko. Ops, hindi ako mataba, maliliit lang sila.

6. Gusto kong magpa-masahe at ramdam ko na ang stress sa buong katawan ko. Ako ay isang naglalakad na Hagardo.

7. Gusto ko ng foot spa at hair spa, at kung ano-ano pang Spa.

8. Bet ko na talaga n C3. Sumusuko na ang telepono ko.

9. Wala na kong makain sa gabi. Lagi na lang akong gutom sa panaginip. Nangangayat na ko sa mundo ng dreams.

Siguro mas ok kung i-imagine ko na lang din na nagawa ko na ang lahat katulad ng pagi-imagine ko na magkakaroon ako ng pera para magawa talaga lahat yan. Pfft.

Tuesday, October 19, 2010

Ang Lamig, Ang Lamig-Lamig. Pasko na nga!

Ayun na. Nakarinig na ko ng masasayang Christmas songs galing sa kapitbahay. Meron na ring nagkakabit ng decors. Damang-dama na. Ayan na siya. Ayan na.

Siyempre, hindi ako magpapahuli. Ramdam ko na rin naman. Ramdam na ramdam. Dahil diyan, gusto kong kumanta.

"Malamig ang simoy nga hangin,
si Bakla ay single pa rin.
Masaya ang bawat tahanan,
sunugin nga natin lahat yan."

Bow.

67 days na lang mga tsong at tsang. May panahon pa pala.

Monday, October 18, 2010

HAPPY HALLOWEEN! *inagahan ko na*


O ha, pwede ito sa poster n pelikulang MASOKISTA! Pucha, butas na ang noo tiyaka laslas na ang pisngi, nakangiti pa? Ha.

Maagang Happy Halloween peeps!

For more:


Dito pa, mas marami!

Wednesday, October 13, 2010

No Littering

Dahil sa natuwa ako at dati rin naman akong mahilig sa LEGO at dahil na rin sa pinilit ako ng gumawa na i-share ang kanilang pinaghirapan...

Pinaghirapan ni Faye Vera Cruz at ng kaniyang sinisintang si Bogs Paterno.

Saturday, October 2, 2010

Go, Excommunicate Me! Go RH Bill!

Statement lang. Para nasa uso.

Ok. Here it goes.

Kailan pa naging abortion ang paggamit ng condom, aber? Unang-una, ang abortion ay ang pag-waflung ng unborn fetus mula sa bahay-tiyanak ng mga merlat. Ok. Kapag gumamit ba ng condom e may fetus ba na nawawaflung? Wala pa namang nabubuo e dava? Fertilization pa nga lang e hindi na nangyayari. So technically, it's not abortion, babeh! At isa pa, kailan pa naging bawal ang freedom sa pagpili ng options kung paano mag-manage ng pamilya?

So, taking off from that point, isang nagsusumigaw na YES para sa RH Bill! At siyempre, mas bonggang YES sa Freedom of Choice! Simulan na yang paglarga ng RH Bill, now na!

O sige, excommunicate me, if having freedom is a crime.

Pahabol, YEY to Carlos Celdran, well for the message na kaniyang ipinarating at least! Winner!

Friday, October 1, 2010

Bek Bek Bek, Mommy, Bek Bek Bek

Kanina habang naninigarilyo at umiinom ng napakalamig na Pop Cola sa tapat ng bahay, hindi ko sinasadiyang mag-eavesdrop sa sermunan ng isang mag-ina. Ang context ay ganito, si little boy ay may future na maging Darna, tapos yung pedicab na driver na nagse-service sa kaniya sa school ay nagsumbong kay mother dearest na si little boy ay may future ngang maging si Darna. Ito ngayon ang eksena ni mother dearest:

"Totoy (not his real name), makulit ka na naman pala? Hindi ka pa rin pala nagbabago? Gusto mong pagsuutin kita ng palda na walang brief para magtanda ka? Sabi ko sa'yo magbago ka na e."

Biglang lumingon si mother dearest at napansin niya atang may tsumi-tsismis na mother beki from afar sabay sabing:

"Para magtanda. Ang kulit kasi e."

I replied with my warmest smile, sabay hithit ng yosing parang nauulol at lagok sa Pop bottoms-up. Gusto kong lapitan si little boy, yakapin, i-console, i-assure na okay lang ang napagdadaanan niya. Sa isip-isip ko rin, gusto kong isigaw kay mother dearest ang mga susunod:

Una: Mother dearest, walang masama kung maging Darna ang iyong little boy.

Ikalawa: Mother dearest, kung gusto mong magbago si little boy, of all the parusa na available in the market, bakit naman palda pa? O ha? Sino ngayon ang gumagawa ng condition? Di ba ikaw rin?

Ikatlo: Bakit niya kailangang magtanda? Masama bang maging bakla?

Ikaapat: Hindi ka ba natutuwa, ngayon pa lang malinaw na kay little boy ang gusto niyang mangyari. Hindi mo na kailangang mag-expect!

Ikalima: Uso na yan ngayon, mother dearest!

Ikaanim: Bagay naman kay little boy, a?

For all the mother dearest out there na may mga little boy na nagbabadiya, mas ngayon nila kayo kailangan. Yes, nasa point ho sila ng paghahanap ng identity. Kayo ho ang gumabay sa kanila. Take note, gabay, hindi mag-impose. Ok?

Group hug!


Monday, September 27, 2010

Slight Walang Kwentang Sharing

Gusto ko lang mag-share today. Bawal kumontra, dahil ang kokontra ay dadapuan ng ipis sa mukha!

Uno. Nakakagitlang pangitain. May nakita ako kaninang manong. Siya yung tipo ng manong na, paano ko ba sasabihin, yung manong na manong. Malaki katawan, malaki tiyan, naka-maong shorts, naka-sando, maitim, kalbo, bungal, maraming tattoo. Na-trapik kasi yung jeep na sinasakyan ko kanina sa may Cubao, tapos biglang dumaan si Manong. For real, nakakatakot siya. Para siyang character from someone's nightmare. Eto nga lang ang twist, yung isa sa mga tattoo niya, yung nasa may balikat niya, ay isang bunny! Yes, bunny. Not a rabbit, not a hare, a bunny. Yung cute na bunny. Ha. Nawala ang takot ko, napalitan ng gitla.

Dos. Seryoso muna. Hay, Aileen kung nasaan ka man, tsk, ambilis. Naalala ko talaga noon na everytime na makakasalubong kita sa UPD, e pinapaalalahanan mo ko na mag-uusap tayo. Hindi na natuloy. Hanggang sa naglevel-up ka na ng naglevel-up, hindi na tayo nagkita. Pero mads, alam ko namang nandiyan ka lang e, nagpapaalala, bumubulong. Alam ko. Alam ko na ang gagawin. Alam ko na ang sasabihin mo sa akin. Huwag kang magalala, balang araw, kasabay ka pa rin namin na maglayag papunta sa tunay na tagumpay. Mabuhay ka, Kasama! Mabuhay ka, kaibigan! Mabuhay ka, Aileen!

Tres. Pagkatapos ng medyo seryoso. Salamat sa pagbabalik ng internet connection. Yun lang.

Kwatro. Frustrated na talaga ako. Hello?! Nakakapagod maghintay. Tiyaka ano ver? Buti pa ang halaman, kahit hindi nagdidikit, nagkakaroon ng bunga.

Cinco. Sampalin niyo ako't kailangan ko na ata talaga nun. Pakipaalala na patong-patong na ang mga kailangan kong tapusin. Pakisabi nga sa akin na wala namang sense na gumagawa pa ko ng listahan, tutal e hindi naman nasusunod. Pakisigawan nga ako ng todo, gamitan niyo pa ng trompa at itapat niyo sa tenga ko, na simulan na kahit man lang isa sa mga yun. Please. Kailangan ko na atang mabatukan ni Papa Bro! Go po, go!

And with that, tinatapos ko na ang non-sense kong pagshe-share!

Thursday, September 23, 2010

Give Me Back My Connection

Please, give me back my DSL connection!

Torture pala itong matindi. Kawawa naman ang social life ko! Kawawa rin ang kabuhayan! Kawawa rin ang pseudo-romance. Chos! Kawawa lahat!

Buti na lang may WiFi si pinsan. Magtiyaga na lang muna sa pambuburaot. For the meantime lang naman ito. Sana.

Uhuhu.

Sunday, September 12, 2010

Maroon Pa Rin Naman Ako

Sabi ng nanay ko kanina habang nanonood kami ng UAAP Cheerdance Competition, "Bakit ba hindi ka mapakali diyan? E hindi ka naman na taga-UP?"

Oo nga naman. May punto si mother dear. Aba naman kasi kanina, para akong inasinang bulate habang pinapanood yung routine ng UP. Tapos kulang na lang e magtata-tumbling ako sa loob ng bahay. Gusto ko na nga ring sabayan ang cheer e. Feeling ko nasa Araneta ako, at feeling ko taga-UP pa rin ako. Lalo na nung announcement of winners na. Feeling ko na-drain lahat ng dugo sa mukha ko. Feeling ko minamaso ang dibdib ko. Feeling ko ako yung nakatayo sa gitna ng Araneta habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko.

Nung sabihin ni Boom Gonzales na "Welcome back! UP Pep SQUAD!", napatayo talaga ako, napasigaw, napaiyak sa galak. Kulang na lang yakapin ko si mother at ang mga sisteret ko. Kulang na lang magsisigaw ako sa labas ng bahay. Para akong nanalo sa beauty contest. Na-feel ko ang confetti na bumamabagsak mula sa kisame. Na-feel ko ang hiyawan ng mga tao. Na-feel ko ang victory! Gusto kong maghubo at dumipa ala-Oble. Oh yeah!

Oh well, hindi na nga ako taga-UP. Pero mother, all of you, ito lang:

Once a maroon, always a maroon! Go UP Fight!

Congrats UP Pep Squad sa pagbawi ng koronang bongga!

Wednesday, September 8, 2010

I LOVE YOU, YOU LOVE ME, KEMERLOO CHIN-CHIN KWAYLA

Kailangan ko lang talagang ire-affirm ang thought na ito:

Kinakabog lang ng pagmamahal ang lahat ng bagay lalo na ang Kasarian. Waflung na waflung lang yan! Kaya naman everybody, kung magmamahal ka, basta magmahal ka lang. Walang tanong-tanong, walang bakit, walang "Ha?", walang pero-pero, walang kaba-kaba, wala lahat. Just love, okay? Isabatas nating lahat yan.

With that, sino bang gustong i-waflung ang gender? Tara na, magmahalan na tayo. Maghihintay ako. Keme!

Mabuhay ang mga taong in-love!

I love you all. Tulungan niyo kong ipagkalat ang pagmamahal. Now na!

*salamat kay Sir Vijae Alquisola para sa pagbuhay muli sa aking natutulog na consciousness regarding love hahaha*

Wednesday, September 1, 2010

September 1

Ulang walang humpay.
Tawag ni Itay, naiwan naman akong lupaypay.
Sa gutom ako'y muntik mamatay,
kaya naman gumawa ng sariling tinapay.
Quarter Pounder aking kinatay.
Pinutakte rin naman ng buong bahay.
Pizza, ayun, walang sablay.
Facebook page, puno ng mga ahahay.
Oh yes, I know, marami pa ring
nakaalalay.
Bukas, exam, yaiks, ako'y patay.
Kaya naman pahinga muna si atay.
Ang ulan, ayaw pa ring magbabay!

Happy Birthday to me!

Tuesday, August 31, 2010

Ngayon, Kailangan Nating Ngumiti






Sa mga panahong ganito - malamig, maulan, gloomy - prone talaga ang tao sa pagiinarte. Huwag na kayong mag-deny kasi kahit saang parte ng Earth, totoo yan! Kahit anong lahi, may ganiyan. Pero totoo din na madali lang naman humanap ng pangontra sa melancholy.

Sa ngayon, tutal wala naman akong lablayp, e sila muna ang guilty pleasures ko.

Presenting my nephews, the Oraya Twins!

But wait, mali ang nasa isip mo. I like kids, but they're not for me! Okay? Klaro? Keri.


Emoterong Kokak

Sulit na sulit ang long weekend. O eto ako ngayon, sulit na sulit din sa pagmumukmok sa kwarto.

Sa sobrang pagwawalwal ko yata e naghiganti na ang mga diyos at diyosa. Mukhang ito na yata ang parusa sa sukdulang ka-dekadentehan. Ha. O ano? Alak pa? O ano? Yosi pa? O ano? Party pa? O ano ka ngayon? Baklang baldado at baklang kandado!

Sa bagay, paminsan-minsan, masarap din namang mabaldado sa kwarto. Masarap namang paminsan-minsan e ma-magnet ng kutson ang likuran ko. Masarap naman paminsan-minsan na tumingala lang sa kisameng blanko. Masarap namang makipaglampungan sa mga unan at hanging maharot. Masarap naman minsan na panoorin lang ang paglalakbay ng alikabok at langgam. Masarap barilin ng sipat ang nagliliparang langaw at lamok. Masarap namang makinig lang sa nagbabagsakang anino. Masarap namang amuyin ang umaalingasaw na katamaran. Masarap namang pumikit at panoorin ang luningning ng kadiliman. Masarap namang magpahaplos sa lamig ng semeto at gaspang ng asero. Masarap naman minsan na nasa isip lang lahat ng kilos at galaw. Masarap minsan na walang iniisip. Masarap minsan na walang galawan. Masarap minsan ang wala.

O eto nga ako ngayon, sa kwarto, nagmumukmok. Kahapon, maligalig. Ngayon, bliss ang kawalan.

Wednesday, August 25, 2010

We Love You Maria Venus Raj 22 Philippines


Sabi nga ng isa kong kaibigan, ang Miss Universe ang bersiyon ng World Cup para sa sangkabaklaan!

Sila nang projection ng tunay na nararamdaman ng mga kandidata on-stage! Sila nang daig pa ang mga mismong kandidata sa pagka-excite!

Naalala ko tuloy, sabi kasi nila na batas sa sangkabaklaan ang panonood ng pageants lalong-lalo na ang Miss Universe. Aba, hindi dapat magpahuli ang isang sister kapag chikahan tungkol sa katatapos lang na pageant. Kapag wala kang naikwento o kaya naman e nagpa-obvious ka na hindi mo napanood, yari ka! Tanggal ka sa sisterhood!

Hahaha. Winner ang mga ateng ito!

Tuesday, August 24, 2010

Major Major

O ayan ha, at least, after ilang years e nakapwesto ulit ang Pilipinas sa Miss Universe. Big, or should I say, "major major" achievement ito para kay Venus at sa bansa! Biruin niyo, out of 83 na mga diyosa mula sa kasuluk-sulukan ng mundo, e Top 5 ang byuti ng mga Pinoy?

Kahit naman papaano e nakahinga tayong lahat (o ako lang?) mula sa nangyaring kapalpakan kagabi. Kahit na "major major" din ang pagkasira ng pangalan ng Pilipinas.

So sa mga Pinoy na gusto nang itakwil ang kanilang pagka-Pinoy, aba stop look and listen! Marami pa namang bagay na pwedeng ipagmalaki ang Pilipinas in a major major way!

Major major na ito!

Wednesday, August 11, 2010

Si Pokpok, ang Kili-kili, at ang Paghahanap sa Tunay na Pag-ibig

Tatlong linggo na mula noong una kitang makasabay sa LRT. Tatlong linggo mo na ring binubulabog ang pananahimik ng aking natutulog na drive sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. Echos.

Kung bakit naman kasi sa dinamidami ng pagpapaamuyan mo ng kili-kili e ako pa ang napag-tripan mo. Hindi mo ba alam na weakness ko ang mabangong kili-kili? Hindi mo ba alam na nanlalambot ang tuhod ko kapag tinaasan na ko ng mahalimuyak na kili-kili?

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. Bigla ka na lang sumingit sa tabi ko sa loob ng ikatlong train car ng LRT Purple Line. Hindi naman talaga kita mapapansin kung hindi ka kumapit sa hand rails na saktong nasa itaas ng ulo ko. Hindi ko naman kasalanan na mas matangkad ka ng bahagya sa akin. Hindi ko naman sinasadya na mapabaling ng kaunti ang ilong ko sa kili-kili mo. Hindi ko naman sinasadyang suminghot. Hindi ko naman akalaing maaakit ako ng deodorant mo.

Simula noon, tinandaan ko ang oras nung nagkasabay at nagkatabi tayo. Araw-araw, hinahabol ko ang oras na yun. Araw-araw, kung maaga akong dumarating sa istasyon, hindi muna ako sumasakay hangga't hindi lumalagpas sa oras na tinandaan ko. Kaya ayun, lagi akong may taglay na pagkadismaya sa mga sumunod na araw dahil hindi na kita nakatabi. Nadismaya ako noong mga sumunod na araw dahil hindi ko na nalanghap ang deodorant mo.

Handa na akong kalimutan ang amoy ng kili-kili mo pero sa hindi inaaasahang pagkakataon na para bang nagpa-power trip si tadhana e nakasabay na naman kita. Mula sa pila ng security check-up, hanggang sa vending machine, hanggang sa platform, hanggang sa loob na naman ng tren. Ewan ko ba kung katulad mo sa tadhana na nagpa-power trip dahil tumabi ka na naman sa akin. Muli mo na namang itinaas ang kamay mo sa handrails sa itaas ng aking ulo. Muli mo na namang ipinalanghap ang halimuyak ng kagubatan. Muli mo na namang binuhay ang natutulog kong pag-asa.

Kaso, TANGINA KA, lagi na lang pagpapaasa. E ako naman si tangang pokpok, ni hindi man lang gumawa ng aksyon. O kung ikaw na nga si tunay na pag-ibig, sa susunod na maamoy kong muli ang simoy ng kili-kiling wagas, hindi na ko mangingiming pumalag. Maghanda-handa ka na at buhay na naman ang aking kahayukan.

Sunday, August 1, 2010

Katapusan Mo Na, Unicorn na Isinumpang Magkaroon ng Sariling Ganda

Kailangan ko na talaga ng mangkukulam, mambabarang, aswang, tikbalang, manananggal, nuno, kapre at lahat na lamang-lupa! Kailangan ko na ang pinag-combine nilang powers para itumba itong nilalang na ito na may sariling ganda. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang lakas ng loob para magmaganda kahit alam naman ng lahat na wala siyang karapatan.

Te, ipinanganak na ang tutumba sa'yo. Mag-ingat ka sa mga asta mo, okay? Hindi mo basta-basta makukuha ang respeto ko dahil hindi ka naman talaga deserving para doon. Huwag kang umasta na akala mo e alam mo lahat dahil wala naman talaga sa hitsura mo. Huwag kang magsalita na akala mo e diyos ka na dapat sundin ng lahat. Huwag kang mag-assume na lahat ng salita mo ay batas. Huwag ka ring mag-expect na luluhod kaming lahat sa harapan mo.

Hoy ikaw na unicorn ka na palya naman ang sungay, magingat-ingat ka. Huwag mo nang hintayin na ibigay ko ang tinatago kong 100% dahil te, ako ang anti-matter na maga-annihilate sa'yo. You'll fall into pieces, you'll turn into dust and you will be blown away to nothingness! Ibahin mo ko. Hindi mo ko lubusang kilala. At alam mo yan, 'day! Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan.

Naku te, pinapakulo mo talaga ang lahat ng liquid sa katawan ko.

Tuesday, July 6, 2010

PASAHEROS FROM HELL!

Hindi mo sila maiiwasan. Lagi lang silang nandiyan. Nagaabang. Naghihintay ng susunod na mabibiktima. Malay mo, nakatabi mo na sila. Sila ang...

PASAHEROS FROM HELL! *hell, hell, hell, hell*

The NARCOLEPTIC.

Puyat lang ba talaga sila o sadyang hobby lang nilang matulog sa loob ng jeep o bus? Nakakahanap ba sila ng kakaibang comfort sa mga pampasaherong sasakyan na wala sa sarili nilang mga kwarto? O baka naman wala silang kwarto sa bahay kaya sa biyahe na lang sila bumabawi ng tulog? Okay lang namang matulog sa biyahe, huwag lang nilang gawing unan ang braso o balikat ng kanilang katabi!

The HIVE

May mga lumabas nang gamot laban sa kuto. Itong mga mala-halimaw na nilalang na ito ay mistulang breeding ground ng mga kuto, lisa at kayumad. Madalas na para silang hindi nagsusuklay at mukhang pugad ng agila ang mga buhok. Lagi silang nagkakamot at minsan naman ay may baong suyod. Alam mong miyembro ng mga HIVE ang katabi mo kung itim ang suot mong pantalon at may makikita kang mga gumagapang sa mga hita mo!

The EXHIBITIONIST

Lagi silang nakaupo sa likuran ng driver. Lagi rin silang may dalang folder, file case, o malaking bag na nakapatong sa kandungan nila. Sila ay may taglay na kakaibang kakatihan sa katawan na mapapawi lang sa bawat hawi ng kung ano mang nakaharang sa kanilang lap. Kadalasan nilang biktima ay ang mga dalagita. Minsan naman ay kino-consider na rin nila ang mga binata kapag wala na talagang choice. Mag-ingat sa mahiwagang likido!

The FLASH

Hangga't maaari ay ikadena na sa katawan ang mga mahahalagang gamit dahil walang imposible sa mga FLASH. Tunay ngang para silang kidlat dahil sa bilis ng mga kamay. Minsan nga'y naiisip kong kaya nilang kumuha ng gamit gamit lamang ang kanilang mga mata dahil sa sobrang bilis. Now you see it, now you don't - yan ang magiging eksena ng iyong cellular phone, wallet, panyo, bimpo, payong, bag, wig at kung ano pang pwedeng makuha sa iyo.

The OCTOPUS

Kadalasan ay babae (minsan may lalaki) na nagtataglay ng mahabang buhok. Madalas na nakalugay ang buhok na parang sinapian ng demonyo. Madalas silang umaatake habang umaandar ang sasakyan. Nagkakaroon ng sariling buhay ang kanilang buhok at para bang gustong hilahin ang iyong mukha papunta sa bungangang nakatago sa ilalim ng makakapal na buhok.

The CONGENIAL ONE

Sila ang mga pasaherong gustong maging kaibigan ang buong mundo. Kakasakay mo pa lang ng jeep ay sisimulan na nilang ikwento ang buhay nila. Pati buhay ng ibang tao (na madalas ay hindi mo kilala) ay iku-kwento nila sa iyo. Pati tungkol sa balat ng kending nahulog at nilipad sa bintana ay magagawan nila ng kwento. Pati kung bakit butas ang upuan ng jeep ay malalaman mo.

The AMPLIFIER

Para bang gusto nilang iparinig sa lahat ng pasahero ang kwento ng buhay nila. Madalas ay may kasama siyang ka-kwentuhan na kapansin-pansin ang katahimikan - hindi malalaman kung sadiyang nahihiya ba siya dahil sa lakas ng boses ng kasama o wala lang talaga siyang mai-kwento. Talo ng mga AMPLIFIER ang mga trompa at mega phone ng mga nagra-rally sa Mendiola.

The LOVEBIRDS

Hindi naman masamang i-express ang love, pero may tamang lugar para dito. Kulang na lang sa mga taong ito na hubaran ang kani-kanilang mga partners right there and there in front of other pasaheros. Sila ay yung kung makapag-necking at makapag-halikan ay parang magbe-break na pagkababa ng sasakyan. Masarap silang abutan ng kurtina para naman may privacy kahit papaano.

Tuesday, June 29, 2010

Para sa Mga Noynoy Fans: Mamatay Kayo sa Inggit!



O ano kayo ngayon? Noynoy fans, mamatay kayo sa inggit! Chos lang!

Ang totoo niyan, hindi naman talaga sa akin 'to haha. Eto kasing Tita ko, may pagka-close kay Miss Pinky na kapatid ni Noynoy. Humingi lang naman siya ng passes para sana hindi na raw sila pipila para manood ng inauguration. Eto namang si Miss Pinky, invitations talaga ang binigay! O ngayon, namomroblema si Tita kung anong isusuot niya! Hahaha!

Feeling lang ako na invited! May maipakita lang sa madla. At tiyaka, para daw timely ang post ko. Mas pipiliin kong manood sa TV kasi mas makikita ko hitsura ni Noynoy at tiyaka ng mga artistang guest!

Monday, June 28, 2010

Where Are My Pinkies?

Seriously?

Parang karamihan atan g eskwelahan simula pa nung nauso ang desktop computers e hindi na gumamit ng manual typewriters para sa typing classes. Ang hindi ko alam e kung bakit hanggang ngayon, kelangan ko pa ring pagdaanan ang parusang itago na lang natin sa pangalang MANUAL TYPEWRITER?

Seryosong hindi ko na maramdaman ang mga hinliliit ko dahil sa typing activity namin kanina sa klase! Parang ngayon e gusto kong murahin ang A-key at ang semi-colon key!

Ano ba naman? Ang mahal-mahal ng tuition fee, bakit ayaw pang mag-upgrade?

Ay wait! Speaking of upgrade. Kung kailan patapos na ang withdrawal of subjects sa school tyaka naman pinangalandakan ng aming instructor na huling batch na daw kami ng typing class na gagamit ng manual machines!

Kamusta naman yown?

Friday, June 18, 2010

Blessings, Blessings, OH MY GOD BLESSINGS!

Muntik nang hindi naging OK sa alright ang araw na ito for yours truly. Pero para bang biglang nagparamdam ang kataas-taasang Diosa ng Sangkadiosahan na may may puwang pa pala ako sa listahan ng mga pamintuang may chance ngumiti ng bonggang-bongga!

Una, umagang-umaga pa lang, matapos ang hell ride sa jeep from UP to Katipunan na akala ko e katapusan na ng ka-freshness-an ko, e biglang nagmanifest ang kabiyayaan para sa mga beking tag-gutom sa MRT! Hindi pa nangangalahati ang byahe ay may tumabi na sa aking blessing from above. Hindi siya kakyutan, hindi rin naman siya kaseksihan, pero iba ang mga tingin niya. AT, in fairness, mabango siya. Paano namang hindi ko maaamoy, e kung makadikit naman si ako e parang linta. Buti hindi niya na-realize na hindi naman gaanong kasikipan at bakit ako nagsusumiksik sa mga bisig niya. Siguro nga feel na feel niya!

Ikalawa, sa eskwelahan habang badtrip na nakaupo sa tapat ng cashier's office dahil sa dalawang major subjects kong gusto ata akong pahirapan dahil sa iskedyul, e biglang nagliwanag ang buong sangkalangitan at para bang mga anghel na nag-parada sa aking harapan ang isang platoon ng NUTRIBUNS! Hindi ko alam kung saan sila nanggaling at hindi ko ine-expect na magpo-produce pala ng mga ganoong nilalang ang institusyong aking kinapapalooban. Muntik na akong mapaluhod sa sobrang pasasalamat sa Almighty Diosa!

Ikatlo, sa jeep pauwi habang nagpo-ponder kung bakit kailangang parusahan ng sobrang kainitan ang sangkatauhan, e na-feel ko ang presence ng Higher Being nang biglang may sumakay na manifestation ng Kaniyang powers. Na-feel ko na may slight na nag-blow sa aking malagkit na buhok at napalingon sa aking ini-imagine na source at nandoon nga siya. Isang pawisang nilalang na parang nalulusaw na ice cream na naghihintay na dilaan. Kadiri mang isipin pero ang sarap-sarap pa rin niyang tignan kahit tumatagaktak ang kaniyang pawis sa leeg, sa kaniyang braso na puno ng tattoo, at sa kung saang parte pa ng kaniyang pagkatao! O Dios ko!

Andiyan lang ang blessings, andiyan lang lalo na kung sa feeling mo e kailangan mo ng reward! Ang dapat na lang talagang gawin ay ito:

TANGINA BAKLA, 'PAG INIHAIN NA SA HARAP MO, SUNGGAB NA KAAGAD TANGA!

Monday, June 14, 2010

Gypsy by Shakira Makes My Beer Belly Go Wiggle



Dahil sa kantang ito, muli kong minahal si Shakira. Hindi dahil maganda at sexy siya, pero dahil bektas ako at minsan kong pinangarap na magaya ang moves niya! At tiyaka, ang bongga lang ng kaniyang belly dancing. Iba. Iba talaga siya!

At dahil pa rin diyan, gustong mag-wiggle ng aking beer belly. Wiggle, wiggle, bounce, bounce then stop! Oh yeah!

Saturday, June 12, 2010

Powtengsyit na Buhay 'To


I miss "the life" o sa madaling salita e yung pagwawalwal ng bongga hanggang sa makalimutan ko na ang daan pauwi ng bahay!

Diyos ko, magpapasukan na per0 wala pang nangyayaring kahali-halina sa buhay ko!

Kaya naman, ngayong gabi, pathetic na kung pathetic, with or without friends, may pera o wala bahala na si Mojacko, magwawalwal ako ng matindi!

Lasing na kung lasing!

Leshgeriron!

*ninakaw ang painting ng mga lasenggo dito*

Thursday, June 10, 2010

Inay! Pasukan Na! O Help Me Bro!


"Malapit na ang katapusan ng maliligayang araw mong bakla ka!"

Ewan ko ba, parang every morning 'pag gising ko e may bumubulong sa akin niyan. Feeling ko, kung sino man yun e bitter kasi wala siyang sariling kaligayahan. Wala siyang konsepto ng paghahapi-hapi. Kawawa naman siya.

Pero, may malaking check siya - as in nagmumurang ga-higanteng check-che-che-check-check!

Dahil sa niyakap ko na ng tuluyan ang pagiging estudyante (muli), isa na ako ulit sa mga kailangan nang lubusin ang mga nalalabing araw ng pagwawalwal. Korek! Dapat nang iwalwal ng todo ang mga natitirang powers para dito!

Naku, kailangan ko nang bumangon ng alas-singko ng umaga starting next week. Diyos ko, e i-kumpara niyo naman yan sa totoong gising ko na alas-nuebe? Kaloka. Para niyo na rin akong kinulong sa kwartong puno ng hubad na babae! Ganung level siya nakakasulasok ng pagkatao at ng dangal!

Isa pang nakakayamot na rason, kailangan ko na namang magtiis sa siksikang tren, maipagunahan sa jeep na akala mo e natatae ang mga drivers, pumasok na haggard na akala mo e nakipag-sex sa tatlong elepante, at makatabi ng babaeng ayaw magtali ng buhok sa jeep! Noooooo! Bangungot!

Hindi ko na nga babanggitin na medyo (slight lang naman talaga) naiistress ako sa mga eksena sa school. Oops!

Oh well. Wala akong choice! Kagustuhan ko ito! Matinding pangangailangan. Isipin ang magandang future. Ang mga plano! Go pasitib!

Thursday, June 3, 2010

Ulan, Ulan, Ulan


Okay.

Goodbye Summer (buti na lang at pasok na pasok pa rin sa banga ang trip to Zambales namin last week at nakapag-lamyerda pa rin sa beach kahit hindi naman kagandahan ang katawan)...

Hello Rain (kasama na diyan ang putik, baha, tilamsik sa pantalon, mabahong medyas at sapatos, butas at sirang payong, masarap na tulog sa gabi hanggang sa di na magising kinabukasan at di na makapasok, pagka-stranded sa sakayan ng jeep, ubo at sipon)...

Monday, May 17, 2010

Migraine

Masakit na ang ulo ko. Utang na loob, huwag na sanang dagdagan!

O please patawarin niyo po sana Lord ang mga sumusunod na nilalang at pangyayari na balak atang pasabugin ang ulo ko. Tick tock tick tock. Kablam. Sabog. Durog. Wala nang dangal! Go.

1. I know, ilang libong beses na akong nagco-complain sa init ng panahon. Pero ibang level na talaga. Parang hindi na nagbibiro ang nagco-control ng panahon. Power tripping na yata. Mukha na kong tunaw na ice cream everyday kapag pumapasok ng school. Napapansin ko na wala nang tumatabi sa akin sa MRT. Parang pareho ko nang palitan yung araw dahil amoy pa lang e pareho na kami. Siyet!

2. Tapos eto pa, eto pa, eto pa. Hindi man ako mismo ang naka-experience, pero dama ko pa rin ang pagka-imbyerna. Ikaw nang makakita, sa katirikan ng araw, ng isang lalaking kung makapag-attire naman e ubod ng tanga! O ikaw nang maglakad na naka coat. Hindi pa nakuntento sa coat, naka-sweatshirt pa sa loob. O hinde!

3. Pakiparusahan na rin ng slight ang aming instructor Lord. Basta. Gusto ko lang na makaranas siya ng suffering. Trip lang.

4. Ito ang matindi. Ikaw nang makasakay sa siksikang dyip ng isang eksenadorang biatch! Pagkasakay pa lang niya e may palya na siyang ginawa. Sipain daw ba yung paper bag nung ale. Nag-sorry naman siya pero in an antipatika way. Tapos, in the top of her voice at sa isang accent na di ko alam kung saan nanggaling e sabi niya sa driver, "Menong, pwede pong pakibaba ako sa National Bookstore HERE?" E hello? Ilang hakbang na lang naman e National na! Sabi nung driver, "Lakarin mo na lang neng!" at ang sagot ni girl, "E, jeep nuh lung! Sebi kasi nung MMDA, jeep nuh lung! Jeep nuh lung!" Isipin niyo na lang yung accent at yung hitsura niya habang sinasabi niya yan! Torture sa aming mga katabi niya, pati kay manong driver.

5. Meron pa. Ikaw nang singilin ng tricycle driver ng 70 pesos? E ang lapit-lapit lang nung pinuntahan ko? Kaya nga hindi ako nag-taxi e kasi alam kong malapit lang! Kung hindi lang mainit e di nilakad ko na lang 'yun! Anak naman ng tokwang sunog na kinagatan ng daga! Tapos ayaw pa niyang pumayag na bawasan yung bayad e ilang minuto ko lang naman siyang pinaghintay? Mabilis pa sa pag-ihi yung pagpapahintay ko e! Ay naku po Diyos niyo!

MIGRAINE ITO MIGRAINE!

Positive vibes. Channeling. Positive vibes. Channe... siyet walang signal!

Wednesday, May 5, 2010

Isang Pagsusumamong Ako'y Matulungan Dahil Malala Na at Mukhang Nawawalan na ng Pag-asa ang Buong Sanlibutan sa Aking Case

Binubulungan na ko ng tunay kong self na nagha-hide sa kaloob-looban ng aking ubod na huwag na raw akong maging choosy at huwag nang mag-pretend na happy sa aking status na single.

Huwag na rin daw gamitin ang super gasgas nang substitute sa pagiging bitter na It's Complicated dahil hindi na rin naman daw talaga naniniwala si Earth at ang kaniyang mga alagad. Sabi sa akin ni tunay na self na obvious na raw sa aking skin ang pagka-haggard dahil sa kakulangan sa pagmamahal (at doon sa isa pang uri ng pagmamahal na talaga namang ayaw paawat sa kasarapan). Para na raw akong dinaanan ng drought ng paulit-ulit at inulit-ulit pa. Siyang tunay naman daw talagang iba pa rin ang feeling na may ibang kamay ang dumadapo sa balat at hindi na lang sariling kamay ang pinangka-caress sa mukha. Mahirap din daw makipaghalikan sa sarili sa salamin. Mas mahirap naman siguro na *nuninuninu* ano?

Sabi pa rin sa akin ni tunay na self, kulang na lang daw na pumasok ako ng kumbento at doon na lang patubuan ng kalyo ang mga tuhod. O kaya naman daw ay mag-fly na lang daw ako sa bukirin at doon na lang ibuhos ang effort sa paghalukay ng lupa at pagpupunla. Pwede rin naman daw na magkulong na lang ako sa kwarto at makipag-usap sa sariling anino, sa lamok, ipis, butiki, daga at agiw.

Ibang level na daw talaga ang ang pagpapanggap na celibate at busy! Hindi na raw talaga bagay na i-claim na wala akong panahon sa relasyon at sa kung ano mang kasama nun. Isa raw akong malaking naglalakad na hypocrite! Kung nakakapagsalita nga lang daw ang hypocrisy e malamang na sabihin niya sa akin na "WALANGYAKANGBAYOTKATUMIGILKANASAPAGPAPANGGAPDAHILPAGODNAKONGIACCOMODATEKADAHILSOBRAKANAATWALAKANANGESPASYOSAMUNDOKO!"

Kailangan ko na daw ng tulong - professional na tulong! Help. Please.

Sunday, May 2, 2010

Haggard Entry, Haggard Self, Haggard World


Huwag nang malumbay, hindi pa ako namamatay. Buhay na buhay pa ang echoserong palaka. Mas buhay pa sa nunal sa mukha ni Ate Guy at ni GMA. Tumitibok-tibok, umiindayog, nagtatatalon at gusto pang magtatatalbog!

Mabuhey!

Medyo haggard lang lately - haggard sa kung ano-anong bagay na para sa ibang tao ay hindi naman dapat ikinaka-haggard. Pero kebs ba nila, e sa trip ng byuti ko ang ma-haggard. Minsan kasi masarap naman talagang ma-haggard.

Masarap sa lahat ng parte ng katawan yung paminsan-minsan e nang-ookray ka na ng tao na halos mabura ang kanilang pagkatao dahil sa sobra ka nang haggard. Masarap yung nakatingala ka na lang sa mga agiw sa kisame ninyo na hindi ka pinakikialaman ng nanay at tatay mo. Masarap yung nakatitig ka na lang sa TV na hawak ang remote at libong beses mo nang naikot ang lahat ng channel. Masarap yung maya't-maya e nasa CR ka para umihi na wala ka naman na talagang iniihi. Masarap yung magbubukas ka lang ng ref para lang i-feel yung lamig sa mukha at sa paa. Masarap yung titingin ka na lang sa salamin para murahin yung bigote, balbas pati na pimples at blackheads sa mukha mo.

Masarap isipin na dahil sa sobrang haggard e wala ka nang sense at kung ano-anong kabalbalan na lang ang sinasabi mo.

Basta. Feel ko lang ma-haggard.

*Pero huwag naman sanang for life e haggard ka kasi ang OA nun 'day! Ang chaka na nun!*

Ang haggard naman na kasi ng surroundings! Hindi na kaya ni self. O baka naman nagpapanggap lang akong haggard? Ay! Mas haggard naman yun.

Ayan, may nasabi na ko!

Mabuhey ulit. Let's all be haggard! Tentenenen. Awat na teng. Awat na!

Thursday, April 8, 2010

Prologue sa Isang Bongga at Libreng Italian Lunch sa Sicilian Express

Tanghaling tapat at nasa tapat ako ng Sicilian Express sa may Petro-Katipunan. Hindi ako sure kung bakit hindi na lang ako pumasok sa loob kung saan may aircon naman at bakit mas pinili kong panoorin ang pagkaluto ng mga ulo ng mga dumadaan sa tapat ko. Kung ano man ang rason, kineme ko na lang at inenjoy na lang ang isang napakasarap at napakalamig na bote ng Sola Iced Tea. Sa bagay, mas marami naman akong makikita sa labas kesa sa loob. At tutal, malapit na rin naman si Alvy. Kaya pa namang tiisin ang pagkatutong.

Sa isang oras kong pag-upo at paghihintay, oo tyinaga ko ang bonggang init ng singaw ng mga sasakyan at ng semento para lang sa libreng lunch, marami-rami naman akong nakita na nagbigay ng panandaliang amusement sa akin.

Nariyang dumaan sa tapat ko ang dalawang stud. Naku kung may vajayjay lang ako e malamang nalipat na ang Dead Sea sa Katipunan. Pang-basketball ang mga height at build nila. Nakakatakam ng sobra. Nakakapangulo ng kalamnan. Butwait, parang may lagkit ang tingin ng stud no. 1 doon sa isa? Bakit parang may panaka-nakang caress ang kamay niya sa braso ni isa? Bakit nakakaramdam ako ng matinding tension sa kanilang dalawa? Bakit parang nakasense din ako ng kakaibang ihip ng hangin ng dumaan sila sa tapat ko? Bakit? Bigla ko tuloy naisip na sumigaw na "Sisters! Magpakatotoo na kayo! Don't you worry, uso na ngayon ang tansuan! Go for the gold! Go."

Nandiyan din ang isang ate na pwedeng bigyan ng Fashionista Award dahil sa kaniyang revealing na top at uber iksing shorts. Kering-keri niya naman ang aura with her matching bumblebee shades at isang gargantuan na hand bag. Kulang na lang talaga ay ang buhangin at ang dagat. But no, nang hindi ko sinadyang makapag-eavesdrop e narinig ko ang pangookray sa kaniya ng kasama niyang jowa. Ang sabi kasi ni girl, "Ang init. Kawawa naman ang shoulders ko." Ang sabi ni jowang winner sa pagkadaot, "E tanga ka pala e, nasa arawan ka. Kung dito ka kaya sa may lilim?" Tameme si ateng sosyalera.

Dumaan din sa tapat ko ang isang grupo ng mga bagets na sa hitsura pa lang ay alam mo nang mga sons and daughters of the almighty Zeus na. Hindi ko maipaliwanag kung saang bahagi ng mundo nila nakuha ang makikinis at mapuputi nilang kutis. Hindi ko rin alam kung saan nila natutunan ang out-of-this-world nilang mga accent na parang bawat sabihin nilang salita ay may "-ur" sa dulo. Parang ganito, "Anur bur? Where's Carlos na bur?" (Ano ba? Where's Carlos na ba?) Tapos, hindi ko rin alam kung bakit ba nila kailangang mag-party attire kung maglalakad din lang naman sila sa ilalim ng nagmumurang araw?

Present din itong nakakainggit na lovers. Grabe ang kanilang ka-sweetan. Na-feel ko na sila na talaga 'til the end of the world. Sila yung tipo ng mag-jowa na kapag namatay e magka-holding hands pa sa deathbed. Sila yung mga tipong sa kahuli-hulihang hininga e I love you pa ang huling palabras. Pero naisip ko lang at gusto ko silang bulungan na, "Hindi ba kayo naiinitan? Maiintindihan ko pa sana kung Winter ngayon at wala kayong mga parka? Ang init mga dear! Mag-rent na kayo ng air conditioned na kwarto. Now na!"

Buti na lang talaga at dumating na si Alvy at si Tomas, kung hindi ay nagawan ko na ng kwento ang buong Katipunan. Buti na lang din at dumating na sila kaya naalala kong hindi pa pala ako nagla-lunch. Buti na lang at naalala kong kakain pala ako ng seafood primavera. Buti na lang dumating na sila kaya na-realize ko na unti-unti na pala akong nalulusaw sa ilalim ng araw. Buti na lang dumating sila kaya narealize ko na ang haggard na ng hitsura ko at baka inookray na rin ako ng mga dumaan sa harap ko.

Anyway, salamat kay Alvy at Tomas para sa libreng lunch, t-shirt from KL, at tsokolate. Mabuhey!

Wednesday, April 7, 2010

Simpleng Buhay ay Kay Ganda, Mayroong Ngiti Mayroong Saya... Oops Wait! Kanta Ba Yun?


Sino ba namang ayaw magkaroon ng bonggang lifestyle. Yung tipong wala ka nang paglagyan ng pera. Yung ginagawa mo na lang sari-sari store ang Rockwell at Glorietta. Yung tipong four houses apart lang yung pupuntahan mo e iko-kotse mo pa. Yung tipong lagi ka na lang sa Starbucks para makipag-meeting o kaya naman mag-wifi, o kaya naman e para wala lang. Yung tipong every weekend e nasa ibang parte ka ng globe. O kaya naman e ginagawa mo na lang pamunas ng pwet after padingdong ang salapi. O di'ba? Sino ba namang tatanggi diyan?

Pero, masarap din i-imagine ang pagkakaroon ng simple life. (Sorry, naalala ko si Paris Hilton at si Nicole Richie nung binanggit ko ang simple life. Yak. Ang pangit na flashback.) Minsan parang ang sarap i-feel ang country-side.

Una. Isantabi muna ang mga iPod, iPhone, iPad at kung ano-ano pang tsenes na gadgets. Masarap din pala makinig sa lumang transistor ni lolo sa kaniyang kubo tuwing gabi. Siyempre hindi hits ni Lady Gaga at Justin Bieber ang uma-aria kung hindi mga rendition ng mga sikat na mga kundiman performed by the local haranistas.

Ikalawa. Hindi mo na kailangang gumora ng gumora sa palengke at supermarket o kaya naman kumain sa 5-star na restaurant para lang mag-survive ang needs sa food. Silip ka lang sa bintana at tenen, nandiyan na within your reach ang nagtatakbuhang manok, ang nagiiyakang mga kambing, ang naglalaguang kamatis, talong, pechay, sitaw, upo, at kung ano-ano pang kagulayan. Mas masarap pa rin ata ang home-grown cooking kesa sa mga GMO na nasa restaurants at supermarket.

Ikatlo. Hindi na kailangang gumastos ng pagkamahal-mahal na gasolina para sa mga Mazda 3, Ford at Chevrolet. Hindi rin naman kasi kailangan ng mga power ng mga nagmamahalang sasakyang yan para pumunta sa mga destination sa country-side. Lakad lang pwede na. O kaya naman kung gusto mo ng kaunting thrill, magpahila ka na lang sa paragos ng kalabaw. O kaya naman para medyo hi-tech e sumakay na lang sa kuliglig.

Ikaapat. Hindi mo na kailangang magkulong sa kwarto mo na may air purifier at air conditioner dahil instant freshness na ang malalanghap mo sa country-side. Walamg polusyon. At dahil walang pollutants ang palutang-lutang sa air, freeng-free kang mag-name ng constellations. Walang labis, walang kulang.

Wag na lang muna nating isipin yung "sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil" na truth tungkol sa country-side. Basta, masarap sa kanayunan at wala pa ring papalit sa simpleng lifestyle.

Sunday, April 4, 2010


Habang halos lahat ng bata ay amoy itlog na ang mga utot at hindi na magkamayaw sa pag-sinok dahil sa daming itlog na nilantakan ngayong araw...

... ako naman ay patuloy pa rin sa pagha-hunt ng bonggang mga easter "eggs" para naman sa sarili kong "pagkabuhay"! Josko!

Hay Easter!

Happy Easter sa inyo.

Sunday, March 28, 2010

ANG INIT! PATI ULO KO UMIINIT!

Isang buwan na akong atat lumangoy. Feeling ko kasi isang buwan na rin akong hindi naliligo dahil sa sobrang init at stress sa mga bagay-bagay. Ngayong nabigyan naman ng pagkakataon, may mga tao namang walang konsepto ng konsiderasyon. Tse.

Ang ayoko sa lahat e yung gagawa ng isang bagay na wala man lang consensus ng buong grupo. Aba, gusto niyo na buong grupo ang mag-enjoy e bakit ako ngayon nakakagawa ng entry habang kayo e nagkakakawag na diyan sa (sana madumi at makating tubig na) pool? Hindi niyo man lang tinanong kung okay ba ang schedule ko? Kung pwede ba akong sumama? O kaya naman e kung okay lang ba na iiwan niyo ako kasi atat na kayong mag-swimming at hindi niyo na ako mahihintay?

Atat na atat to the max at kakaibang level ha! Pwede naman kasing mamayang gabi na lang di'ba? Hinintay niyo man lang sana na dumating ang mga kasama ko dito sa bahay. Alam niyo naman siguro na mag-isa lang ako at ako ang bantay sa mansion namin?

Hindi ko ma-gets kung bakit kailangang madaling araw kayo umalis. Hindi man lang kayo nag-sabi. At gusto niyo na buo ang grupo? Bullshit! And you call yourselves my friends? Now I'm questioning that!

OO NAGTATAMPO AKO!

Thursday, March 18, 2010

Pagbigyan Muna ang Isang AI Tsumenelin

Ang aking napaka-precious na paghanga at pinagaagawang pagkahumaling ay mapupunta ngayon kay...

SIOBHAN MAGNUS!

Grabe, para akong kinidlatan ng limang libong ulit sa rendition niya ng Paint It Black ng Rolling Stones kagabi sa performance show ng American Idol. Ibang level si ate! Bet na bet na bet!

Isasama ko na rin sa listahan ang mga sumusunod:

Casey James. Kailangan pa bang itanong kung bakit? Naglalawa na. Lawa-lawaang ooh la la la!

Crystal Bowersox. Ibang level din si ate ko. Nagsusumigaw na winner ang kaniyang arrive at style.

Bow.

Tuesday, March 9, 2010

GALIT-GALITAN!

Hindi ako nakatulog kagabi at dahil diyan hindi ako nakapasok sa first period ko.

BAKIT?

Na-evict lang naman ako sa kwarto. Ang sarap-sarap ng buhay ko na natutulog sa syalang kwarto na may AC bigla akong papalipatin. Okay lang sana kasi ganun naman dito sa bahay e. Kapag kailangan ng kwarto, ready kaming magpalipat. Sharing dito. Kwarto ng isa, kwarto ng bayan!

Hindi ko lang matanggap kung sino ang papalit sa akin sa kwartong syala na may AC. The brother and the preggy gelpren.

I don't like her! I don't like the brother!

Naku. Siguraduhin lang nilang maganda/gwapo yung lalabas na bata para ma-justify ang paglipat ko ng kwartong mainit at madumi!

Galit? OO!

Wednesday, February 24, 2010

Epekto ng El Niño!

Oh El Niño!

I hate you much.

Una, hindi ako makapagisip ng maayos! Tignan na lamang ang entry na ito. Walang kaayusan.

Ikalawa, konting kilos lang e para na kong nagmamantikang taba. Kahit paglingon e parang pinagbuhusan ng matinding effort na katumbas ng pagbubuhat ng isang kabang bigas!

Ikatlo, hindi uso ang maging fresh. Kahit na maligo ka ng bongga e pagdating naman sa pupuntahan mo e kadiri to death ka pa rin!

Ikaapat, hindi makapanglandi ng maayos. Paano nga naman lalandi e kahit nakatayo ka lang e parang galing ka pa rin sa construction site!

Ikalima, hindi pwedeng mag-dress to kill! O sige, mag-layering ka nga sa ganitong klaseng panahon?

Ay I hate you talaga El Niño!

Tuesday, February 16, 2010

Post V-Day Chumenelin

O ano? Kamusta ang Araw ng mga Puso?

Sinasabi ko na sa inyo e, yang Valentine's Day e parang gutom, lumilipas lang din...

*pero mahapdi*

Bitter pa rin?

Echos lang!

Wednesday, February 10, 2010

Nang Minsang Magising Akong Bitter


Hay naku. Eto na naman. Eto na talaga siya at hindi nagpapigil pa. Required e. Pebrero na!

Josko ha! Kelangan talaga may mga ganito pa. Mauuso na naman ang pagiging cheesy. Meron na ngang ka-cheesyhan kahit hindi February e pero di ko talaga ma-gets kung bakit kailangang umibang level ang cheesyness ng sangkatauhan kapag mga ganitong panahon! Kung isa lang akong higanteng daga, pinagkakain ko na kayo!

Halos lahat ng tindahan kailangan may pusong nakasabit na may palaso na nakatarak! Kung hindi naman kailangan laging present si Cupid na cut-out sa red cartolina. Aksaya lang sa papel! Kawawa naman si Mother Nature!

Tapos palagi dapat may mga promo ang mga kainan lalo na sa mga magka-date! E paano naman kapag mag-isa ka lang na biglang nagutom? Lugi! Ano yun? Dapat palaging dalawa para maka-discount? Chaka ha!

Tapos kahit saan ka magtingin e may naglalakad habang naglilingkisan yung mga kamay! Kung hindi naman e magkaakbay! Tapos kung magtukaan e akala mo mga manok na nakakita ng feeds sa bibig ng partner!

Tapos kailangang love songs lagi ang tugtog sa radyo? Kailangan ba talagang ganun? Bakit ba kailangang ipagdukdukan yun sa Earth? Required ba talagang panay tungkol sa love, puso, halik, yakap, at ngiti ang mapakinggan?

Tapos ang palabas sa TV e puro kachenesan! Sa panahong 'to nagiging patron sina Kim Chiu at Gerald, pati na rin sa John Lloyd at Bea. Nabubuhay ulit ang mga demigods na sina Sharon at Gabby! Pwede B?! Tigilan niyo nga ako!

... ... ...

OO NA UUNAHAN KO NA KAYO NA HANGGANG NGAYON AY BITTER PA RIN AKO DAHIL NEVER KO PANG NA-EXPERIENCE AND V-DAY NA MAY JOWA! E ANO NAMAN SA INYO YUN DI BA? HINDI! HINDI AKO GALIT!

Thursday, January 28, 2010

Tumutula Pa Nang Ganun

Preno muna ka-echosan. Hehe. Seryoso muna for once.

Sumali ako sa poetry writing sa school. I wasn't able to join the on-the-spot writing pero I was able to submit my tula nung Lunes pa. Buti na lang kinonsider pa rin siya ng committee!

At heto siya:

SALIDUM-AY: Hymn of the Cordilleras

Globalization forced them to flee,

The sons and daughters of Cordillera;

Chewed and devoured was the land

By modernization with its gleaming fangs.

Elope, the monsters said, elope.

Sorwe-eh ganganasuntay ohlad
Sorwe-eh omeh-omeh-omeh-ohm
Chongdongrom.

Guns and iron fists raped and tortured

the earth that nurtured and sustained;

Mocking laughter wounded

the vulnerable body of their sacred culture.

Shoved to the ground, dignity erased.

Dong dong ay si dong ilay,
insinalidumaay.

The salidum-ay and the bad-iw

became the wails of the mountain.

The ayoweng and the soweeng

became nature’s pleading howl.

Embers glowed, flames rose.

Ela ela ela-lay, ela ela elalalay.

Melodies from the tongali echoed, and

transformed into chants of resistance;

Dancing started with the sagne and the banog

that became the rhythmic dance of freedom.

Red, the color of freedom, will envelop Cordillera.

Dong dong ay si dong ilay,
insinalidumaay.


At maliban pa diyan, sumali rin ako sa Extemporaneous Speaking Contest pati na rin sa Literary quiz Bee kung saan, tentenenen, ak oang nagwagi! Yehey! Hahaha. Karir na ito.

Monday, January 25, 2010

Biyaheng Langit

Matapos ang may ilang buwan na ring pakikipag-contest sa iba pang mga pasahero ng mga dyip na patok sa Aurora Boulevard e may ilang mga bagay akong natutunan at gustong i-share sa aking mga kapwa commuters. Ito yung ilang mga pointers na kailangang-kailangang i-consider para maging matiwasay ang paglalakbay niyo sakay ng mga jeepney from hell na ito.

Pero bago ako dumakdak tungkol doon, may tanong muna ako. Bakit nga ba PATOK ang tawag sa mga jeep na yun? May kinalaman ba yun sa party-ish decorations na akala mo e mga parade float sila na pang Mardi Gras? O dahil ba sa kakaibang sense of hearing ng mga drivers at barkers in relation sa pagkalakas-lakas na sounds sa dyip na akala mo e bingi lahat ng pasahero? O baka naman dahil lang talaga sa bilis ng mga 'to na parang di na kakayaning sukatin ng speedometer at parang matatalo na ang mga drag racers sa Need For Speed? Oh well, kung sinong nakakaalam, please let me know para matahimik at tumigil na ko sa pagmumuni-muni.

Going back, heto na ang ilang mga tips para sa mga 'di pa nakakasakay ng PATOK DYIP o pwede na rin sa mga dati nang sumasakay na wala lang talagang pakialam, baka makatulong pa ko sa pagbibigay ng liwanag sa inyo. Charing!

a. Huwag ka nang mag-effort mag-ayos ng buhok. Huwag ka na magpa-blower. Huwag ka na ring magsuklay. Useless. Sinasabi ko sa inyo. Kung ayaw niyong sumagi sa isip niyo na magpakalbo na lang pagkababa ng jeep.

b. Laging magbaon ng gunting. Para yan sa paggupit ng buhok ng katabi mong babae na hindi man lang hawiin ang hair at feel na feel pa niyang iwagayway sa hangin ang buhok niya without her noticing na kulang na lang e lumipat sa mukha mo ang lahat ng buhok niya.

c. Huwag mo nang sayangin ang battery ng iyong iPod o MP3 player. Kahit itodo mo pa ang lakas niyan, di niyan matatabunan ang ubod ng lakas na music ni manong driver.

d. Huwag na huwag mong aalisin ang kamay mo sa hand rails kung ayaw mong lumipad palabas ng jeep (kung hindi tumilapon sa wind shield ng jeep) kapag nag-brake o mag-overtake si manong. Ibang level!

e. Kung nerbyoso/a, pumikit na lang at magpanggap na tulog para hindi masyadong ma-feel ang pag-zigzag ng jeep kahit derechong-derecho naman ang kalsada.

f. I-check regularly kung may nalalaglag na gamit (o body parts) dahil sa sobrang alog at taktak ng jeep. Hindi uso ang lubak sa mga driver ng jeep na 'to.

g. Mag-practice sa pagbabalanse o kaya naman sa madaliang pagsakay at pagupo dahil hindi mo pa man naipapasok ang paa mo sa loob ng jeep e siguradong haharurot na si manong driver na akala mo e nagda-diarrhea.

h. Huwag na huwag as in huwag magdadala ng inumin kapag sasakay ng patok kung ayaw mong agawin ang role ng baso bilang sisidlan ng inumin mo.

i. Huwag na huwag maglalabas ng kahit anong parte ng katawan maski buhok sa bintana ng dyip kung ayaw mong makitang nasa ibang tao na ang kamay mo, o ang isang mata mo o ilong.

j. Huwag na huwag sasakay ng Patok kung ayaw mo ng adventure.

Kung ayaw mo ng mga ganitong eksena, mag-LRT ka na lang.

Wednesday, January 6, 2010

Ang Planner na May Mahabang Pangalan at Ang Kakaibang Dulot Nito sa Buhay ng Isang Walang Kaplano-Planong Nilalang: Isang Simpleng Review, CHOST!


Hindi talaga ako masyadong excited na magkaroon ng planner lalo na kung isang bongga sa pagka-cool na planner pa ang naharbat ko from somewhere over the rainbow!

Tenen! Presenting the "Im-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-BUT-I-got-fat/broke-on-the-10th-frappe" 2010 planner! (whew!)

Dahil sa mga plurks ng aking mga bonggang friends, na-discover ko na nage-exist pala ang planner na bagay sa mga pulubing tulad ko na hindi kayang bumili ng kape para lang magka-planner! So dali-dali kong binasa ng matindi, as in wala akong pinalampas na detalye, ang impormasyon tungkol sa planner na ito! Tapos, tinext ko na si Chinggay kaagad at nag-order and after two days, ayan na, hawak ko na ang - uulitin ko pa ba ang pangalan?

Pero ito talaga ang catch e, pagkaabot na pagkaabot ko ng bayad (paalam 320) kay Tonet, may biglang sumapak sa akin na isang napakalaki, mas malaki pa sa tutut ng kabayo, na realization. (Wow, may realization talaga!) Naisip ko na never in my life pa pala akong gumamit ng planner. Ang press release ko sa sangsinukuban nga pala e isa akong spontaneous na nilalang. Hindi uso ang plano sa buhay ko. As a matter of paking fact, I hated plans! Naalala ko na dahil sa pagpaplano e medyo pumapalya ang mga eksena ko!

Naalala ko yung minsang sobra kong pinlano yung isang akong lakad. Ilang araw pa lang bago yung mismong eksena, inayos ko na ng bongga ang aking itinerary. Makikipagdate muna ko tapos pupunta kami sa bahay nila para kumuha ng gamit tapos susunod kami sa Laguna para sa isang napakasayang adventure! E di yun, sobrang plantsado na ang plano. Exciting. But no, dun pa lang sa unang punto sa plano - ang date- e may kamalasan nang naganap! Itinakbo ng aking blind date ang aking bagong-bagong telepono! Kaboom!

Simula noon hindi na ko nagplano (at hindi na rin ako nakipag-blind date)! Pero ngayon? Bumili pa ako ng planner? Planner! From the root word 'plan', plano, di'ba I hate plano? Kamusta naman ang pagiging sponataneous?

But no. May resolusyon akong maging positive ngayong taon. Dapat lahat ng bagay ay titignan sa mas makulay na perspective. Siguro talagang panahon na ng pagbabago. (Naks, parang kampaniya lang!) Time to shine na daw. Mukhang simula na ng pagiging maayos at plantsado ng aking buhay ang pagkakaroon ko ng planner na ito. (O ha pang Maalaala mo Kaya?) Mukhang senyales na ito na magiging maganda ang taon ko! Tiyaka hello? Tanga ka ba Noki? Hindi lang naman plans ang pwedeng ilagay sa bonggang planner mo no! Gawin mong journal. Why not di'ba?

O ha, o ha, hindi lang pala bongga ang planner na ito! Hindi lang siya cool at funny. Hindi lang siya quirky. May dulot pang sense of realization at sense of positive change! Winner ka talaga *insert name of planner*! Wala kang katulad! Next year ulit bibili ako. Pramis!

Interesado rin kayo? Puntahan niyo ito: NOT THE PLANNER!

Tuesday, January 5, 2010

On the Cliche 'Back to Normal' and the So-Called Post-Holiday Blues


Back to normal. 'Yan usually ang press release ng sangkatauhan matapos ang medyo mahabang bakasyon at pagpa-party na walang humpay. Pero ang tanong, normal na ba talaga ang mga araw after ng Holiday Season? Kung oo, how normal? Kasing normal ba ng isyu na si CNN Hero of the Year Efren ang rason ng break-up ni Angel at Lucky? O ka-level ng pagiging normal na tatakbong Congresswoman si Madame President sa Pampanga?

Oh well, ang totoo e wala pa sa kalingkingan ng standards ng pagiging normal ang mga panahon ngayon. As a matter of fact, halos lahat siguro ng halos mamatay na sa pagpaparty at pagce-celebrate ng birthday ni Bro at halos maputulan ng kung ano-anong limbs sa katawan noong Bagong Taon o nagpahinga lang noong nakaraang bakasyon e nasa rurok (wow rurok!) ng, er, Post-Holiday Blues! Aminin!

Pero paano ka nga naman aamin kung (kunyari) e hindi mo alam ang ibig sabihin ng Post-Holiday Blues? Okay, para sa kapakanan ng mga nagpakabum boong bakasyon pero wala pa ring idea sa kung ano ba yung kaechosang pinagsasabi ko, let me present ang aking mga kaechosang signs and symptoms na ikaw ay nagsa-suffer indeed sa PHB! Naks, paacro-acronym pa ang shuta!

1. Kapag nakakita ng Christmas decors e parang gustong sunugin ang mga 'yun dahil they bring back memories of gastos.

2. Kapag nagpupunta sa mall ay may tendency na bigla na lang magsuot ng maskara at impromptu na gumawa ng bomba dahil makikita ang nabiling something na sobrang bumagsak ang presyo kumpara nung bilhin bago mag-pasko!

3. Halos ayaw lumabas dahil may pakiramdam na plastik lahat ng tao dahil noong nakaraang Holidays e halos lahat ng makasalubong ay hahalik at yayakap para bumati pero ngayon e parang strangers na lang ulit. (Ang masaklap pa dito, nag-assume ka na close na kayo ni crush kasi binati at niyakap ka niya nung bakasyon pero dedma ka na lang ulit sa kaniya ngayon.)

4. Kapag nakakita ng alak e may dalawang pwedeng mangyari: a. halos gusto mong pumatay para lang ikaw ang maunang sumunggab at lumaklak sa nasabing alak; or, b. parang gusto mong magpadala na lang sa asylum para doon ikulong dahil feeling mo e gustong kumawala ni sanity dahil sa sobrang trauma mo kay alak.

5. Halos ayaw mong magbukas ng closet dahil sa takot sa realization na meron ka na namang idi-dispose na damit dahil alam mo namang kahit anong gawin mong pagre-reduce e wala nang pag-asa na maisuot mo yun ulit. Or, worse e gawin mo na lang na basahan.

6. Kapag binalikan mo ang iyong planner o kung ano mang pinaglalagyan mo ng iyong schedule e parang gusto mo na lang magpakamatay dahil nakalimutan mo pala na sandamakmak ang dapat na tinapos mo noong bakasyon. Para bang gugustuhin mo na lang na biglang mag-resign sa trabaho o mag-drop sa eskwela kesa i-rush ang mga bagay-bagay.

7. Halos ayaw magbukas ng wallet dahil sa takot na magliparan palabas ang mga miniature paniki o magtakbuhan ang mga miniature daga o kaya naman dahil sa takot na biglang bumulaga ang mala-gubat na agiw at sapot. Doro!

8. May kaugnayan sa symptom #4. Halos ayaw magpakita sa mga officemates, classmates o kabarkada dahil alam na alam mo na meron kang kakaibang nagawa noong bakasyon dahil sa sobrang kalasingan. Posible kasing nakipagmake-out ka with a total stranger sa gitna ng party na halos mag-sex na kayo sa dance floor o kaya naman e nagsuka ka sa harap ng crush mo habang nakikipagusap siya sa'yo o baka naman nabuhusan mo ng beer o ng sauce ng spaghetti ang boss mo.

O ngayon, sabihin niyong pwede na talagang mag-back to normal. Di na uy!

O sige, kung may magsasabing normal na ang mga araw nila, then safe na sabihin kong kasing normal niyo siya...
Meet the one and only Doña Delilah Magnolia Chenes Chuchubel de Ayala!