Sunday, March 28, 2010

ANG INIT! PATI ULO KO UMIINIT!

Isang buwan na akong atat lumangoy. Feeling ko kasi isang buwan na rin akong hindi naliligo dahil sa sobrang init at stress sa mga bagay-bagay. Ngayong nabigyan naman ng pagkakataon, may mga tao namang walang konsepto ng konsiderasyon. Tse.

Ang ayoko sa lahat e yung gagawa ng isang bagay na wala man lang consensus ng buong grupo. Aba, gusto niyo na buong grupo ang mag-enjoy e bakit ako ngayon nakakagawa ng entry habang kayo e nagkakakawag na diyan sa (sana madumi at makating tubig na) pool? Hindi niyo man lang tinanong kung okay ba ang schedule ko? Kung pwede ba akong sumama? O kaya naman e kung okay lang ba na iiwan niyo ako kasi atat na kayong mag-swimming at hindi niyo na ako mahihintay?

Atat na atat to the max at kakaibang level ha! Pwede naman kasing mamayang gabi na lang di'ba? Hinintay niyo man lang sana na dumating ang mga kasama ko dito sa bahay. Alam niyo naman siguro na mag-isa lang ako at ako ang bantay sa mansion namin?

Hindi ko ma-gets kung bakit kailangang madaling araw kayo umalis. Hindi man lang kayo nag-sabi. At gusto niyo na buo ang grupo? Bullshit! And you call yourselves my friends? Now I'm questioning that!

OO NAGTATAMPO AKO!

Thursday, March 18, 2010

Pagbigyan Muna ang Isang AI Tsumenelin

Ang aking napaka-precious na paghanga at pinagaagawang pagkahumaling ay mapupunta ngayon kay...

SIOBHAN MAGNUS!

Grabe, para akong kinidlatan ng limang libong ulit sa rendition niya ng Paint It Black ng Rolling Stones kagabi sa performance show ng American Idol. Ibang level si ate! Bet na bet na bet!

Isasama ko na rin sa listahan ang mga sumusunod:

Casey James. Kailangan pa bang itanong kung bakit? Naglalawa na. Lawa-lawaang ooh la la la!

Crystal Bowersox. Ibang level din si ate ko. Nagsusumigaw na winner ang kaniyang arrive at style.

Bow.

Tuesday, March 9, 2010

GALIT-GALITAN!

Hindi ako nakatulog kagabi at dahil diyan hindi ako nakapasok sa first period ko.

BAKIT?

Na-evict lang naman ako sa kwarto. Ang sarap-sarap ng buhay ko na natutulog sa syalang kwarto na may AC bigla akong papalipatin. Okay lang sana kasi ganun naman dito sa bahay e. Kapag kailangan ng kwarto, ready kaming magpalipat. Sharing dito. Kwarto ng isa, kwarto ng bayan!

Hindi ko lang matanggap kung sino ang papalit sa akin sa kwartong syala na may AC. The brother and the preggy gelpren.

I don't like her! I don't like the brother!

Naku. Siguraduhin lang nilang maganda/gwapo yung lalabas na bata para ma-justify ang paglipat ko ng kwartong mainit at madumi!

Galit? OO!

Wednesday, February 24, 2010

Epekto ng El Niño!

Oh El Niño!

I hate you much.

Una, hindi ako makapagisip ng maayos! Tignan na lamang ang entry na ito. Walang kaayusan.

Ikalawa, konting kilos lang e para na kong nagmamantikang taba. Kahit paglingon e parang pinagbuhusan ng matinding effort na katumbas ng pagbubuhat ng isang kabang bigas!

Ikatlo, hindi uso ang maging fresh. Kahit na maligo ka ng bongga e pagdating naman sa pupuntahan mo e kadiri to death ka pa rin!

Ikaapat, hindi makapanglandi ng maayos. Paano nga naman lalandi e kahit nakatayo ka lang e parang galing ka pa rin sa construction site!

Ikalima, hindi pwedeng mag-dress to kill! O sige, mag-layering ka nga sa ganitong klaseng panahon?

Ay I hate you talaga El Niño!

Tuesday, February 16, 2010

Post V-Day Chumenelin

O ano? Kamusta ang Araw ng mga Puso?

Sinasabi ko na sa inyo e, yang Valentine's Day e parang gutom, lumilipas lang din...

*pero mahapdi*

Bitter pa rin?

Echos lang!

Wednesday, February 10, 2010

Nang Minsang Magising Akong Bitter


Hay naku. Eto na naman. Eto na talaga siya at hindi nagpapigil pa. Required e. Pebrero na!

Josko ha! Kelangan talaga may mga ganito pa. Mauuso na naman ang pagiging cheesy. Meron na ngang ka-cheesyhan kahit hindi February e pero di ko talaga ma-gets kung bakit kailangang umibang level ang cheesyness ng sangkatauhan kapag mga ganitong panahon! Kung isa lang akong higanteng daga, pinagkakain ko na kayo!

Halos lahat ng tindahan kailangan may pusong nakasabit na may palaso na nakatarak! Kung hindi naman kailangan laging present si Cupid na cut-out sa red cartolina. Aksaya lang sa papel! Kawawa naman si Mother Nature!

Tapos palagi dapat may mga promo ang mga kainan lalo na sa mga magka-date! E paano naman kapag mag-isa ka lang na biglang nagutom? Lugi! Ano yun? Dapat palaging dalawa para maka-discount? Chaka ha!

Tapos kahit saan ka magtingin e may naglalakad habang naglilingkisan yung mga kamay! Kung hindi naman e magkaakbay! Tapos kung magtukaan e akala mo mga manok na nakakita ng feeds sa bibig ng partner!

Tapos kailangang love songs lagi ang tugtog sa radyo? Kailangan ba talagang ganun? Bakit ba kailangang ipagdukdukan yun sa Earth? Required ba talagang panay tungkol sa love, puso, halik, yakap, at ngiti ang mapakinggan?

Tapos ang palabas sa TV e puro kachenesan! Sa panahong 'to nagiging patron sina Kim Chiu at Gerald, pati na rin sa John Lloyd at Bea. Nabubuhay ulit ang mga demigods na sina Sharon at Gabby! Pwede B?! Tigilan niyo nga ako!

... ... ...

OO NA UUNAHAN KO NA KAYO NA HANGGANG NGAYON AY BITTER PA RIN AKO DAHIL NEVER KO PANG NA-EXPERIENCE AND V-DAY NA MAY JOWA! E ANO NAMAN SA INYO YUN DI BA? HINDI! HINDI AKO GALIT!

Thursday, January 28, 2010

Tumutula Pa Nang Ganun

Preno muna ka-echosan. Hehe. Seryoso muna for once.

Sumali ako sa poetry writing sa school. I wasn't able to join the on-the-spot writing pero I was able to submit my tula nung Lunes pa. Buti na lang kinonsider pa rin siya ng committee!

At heto siya:

SALIDUM-AY: Hymn of the Cordilleras

Globalization forced them to flee,

The sons and daughters of Cordillera;

Chewed and devoured was the land

By modernization with its gleaming fangs.

Elope, the monsters said, elope.

Sorwe-eh ganganasuntay ohlad
Sorwe-eh omeh-omeh-omeh-ohm
Chongdongrom.

Guns and iron fists raped and tortured

the earth that nurtured and sustained;

Mocking laughter wounded

the vulnerable body of their sacred culture.

Shoved to the ground, dignity erased.

Dong dong ay si dong ilay,
insinalidumaay.

The salidum-ay and the bad-iw

became the wails of the mountain.

The ayoweng and the soweeng

became nature’s pleading howl.

Embers glowed, flames rose.

Ela ela ela-lay, ela ela elalalay.

Melodies from the tongali echoed, and

transformed into chants of resistance;

Dancing started with the sagne and the banog

that became the rhythmic dance of freedom.

Red, the color of freedom, will envelop Cordillera.

Dong dong ay si dong ilay,
insinalidumaay.


At maliban pa diyan, sumali rin ako sa Extemporaneous Speaking Contest pati na rin sa Literary quiz Bee kung saan, tentenenen, ak oang nagwagi! Yehey! Hahaha. Karir na ito.