Thursday, April 21, 2011

Huwebes Santo

Noong nakaraan, nagtanong ang ANC sa Facebook kung ano ang do's and don'ts ng mga tao ngayong holy week. Ito ang saot ko:

Don't pretend to be holy when at the end of the Pabasa, you'll convene the barkada to spend the dying hours of Christ over a case of beer, a plate of pork dinuguan, and all eyes on the Magdalena passing by.

Naalala ko lang bigla habang binibirit ng ilang mga kapitbahay ang "Kasaysayan ni Hudas" sa Pasyon ni Kristo. Napansin ko rin ang ilang mga uncle na nag-convene sa kabilang kanto kasama ang ilang bote ng alkohol.

Kamustahin ang juxtaposition?

Winner!

As for myself, susubukan ko ngayong hulihin ang mailap na si mahimbing na tulog habang naco-concert ang mga frustrated concert kings and queens which I think ay mahirap dahil nafi-feel kong susugod mamaya ang mga uncle kong sinasapian ng alak para agawin ang mga mikropono, Ngayon pa lang ay naririnig ko na ang mga out of this world renditions nila ng Pasyon ni Kristo.

Have a meaningful holy week! (Kung ano mang depinisyon ninyo ng meaningful at holy week, iiwan ko na 'yun sa inyo.)

Friday, April 15, 2011

Bwisit

Sa pagtatapos ng linggong ito, mayroon akong natutunan na magagamit ko kung sakaling maisipan kong maging isang school administrator:

Huwag na huwag kang mag-offer ng subjects kung wala naman palang kasiguraduhang itutuloy. Hindi biro ang effort at pera ng mga estudyante kung sa bandang huli naman pala e isasara rin ang binuksang subjects. Parang ganito lang yan e, bigong mga pangako. Tapos, itigil na ang pagke-claim na concern ka sa mga estudyante mo. Nakakasira lang yan ng ulo. Nakakasira rin yan ng pangarap.

Bwisit di'ba? Bwisit.


Saturday, February 26, 2011

Nang Minsan Kong Subukang Maging Poet at Artist All At The Same Time














Ang tawag dito ay ang ang pagbulwak ng nagsusumigaw na mga frustration!


Saturday, February 5, 2011

INARTE NUMERO DOS

Upang ipagpatuloy ang aking pagiinarte ngayong buwan ng Pebrero, narito ang dalawang micro-poetry na ibinunga ng, well, aking pagiinarte.

One: Dahil sa ako'y bitter. (Oo na inaamin ko na!)

Kasabay ng mga alikabok
na inilipad ng hangin sa bintana
ang iyong mga alaala --
tumakbo, lumutang,
nalanghap, namuwing,
umalis --
lumisan.
Naiwan.

Two: Dahil sa namimiss ko na ang alak. (Aba isang linggo na kong hindi nagiinom! Malapit na ang withdrawals!)

nilakbay ng baso ang mga bibig
na uhaw sa gumuguhit na sipa -
sipang gigising sa natutulog na
diwa -
diwang naghihintay
na marating ang mundong kahapon pa'y
nagaabang na lukubin
ang walang buhay na ngayon.


BOW!

Wednesday, February 2, 2011

INARTE NUMERO UNO

At nagbabalik.

ARTS MONTH NA! Ano pang hinihintay niyo? Tena't magsipag-inarte! Go.

Dahil diyan, eto na ang aking pagiinarte number 1:

incense sticks standing
on a mug of sand,
cigarette butts astray;
a bottle of piss in the corner,
bedsheets in disarray.
open books askew,
computer idly humming.
the fan is blowing
to nothingness, to nothingness.


O ha? Makapaginarte lang!

Mabuhay ang maarte! Mabuhay ang pag-iinarte! Mabuhay ang ART!

Monday, December 27, 2010

Pasko sa N.E.

WHAT HAPPENED IN NUEVA ECIJA?

Pagod dahil sa byahe. Check.

Apat na case ng SMB. Dalawang case ng RH. Dalawang basong tubig. Check.

Alaala ng malamig na hangin na humahampas sa butas ng wetpaks habang jumejebs sa open-air na kubeta. Check.

Alaala ng malamig na tubig poso. Check.

Alaala ng paliligo habang nagma-marathon ang mga diyos at diyosa ng hangin. Check.

Sipon dahil sa lamig. Check.

Tinolang native chicken for dinner. Tinolang native chicken ulit for breakfast. Inihaw na humihinga pang tilapia at bangus for lunch. Jumping salad on the side. Check na check!

Mga nakangiting kamag-anak. WIN!

MERRY CHRISTMAS!

Parang nakakabuo na rin ako ng plano pag dumating ang panahon na tinatawag na ko ng lupa... Hmm...

Sunday, November 7, 2010

Kasipagan, Stay With Me

Nung Biyernes, sinabi ko sa Facebook na sana sapian ako ng kasipagan kinabukasan. And, yes, dahil sa bonggang Law of Attraction, talaga namang nadama ko si kasipagan na dumaloy sa aking mga ugat-ugat.

Nakapag-general cleaning ako ng bahay kahapon at nakapag-decorate na rin ako para sa papalapit na Pasko. O ha? Mukha nang masayang bahay ang bahay namin. Hindi na siya mukhang dorm ng mga bulagsak na male students from an exclusive school.

Tapos, kanina, nagkalkal na naman ako ng kwarto. Ang bango-bango na naman ng aking lungga sa wakas. Hindi na siya amoy bodegang pinabayaan ng 100 years. Hindi na siya mukhang dungeon. Nagpulasan ang mga langgam, natakbuhan ang mga ipis, nagsipagtago na naman ang mga daga.

Mamaya naman e mamamalantsa ako dahil pasukan na bukas.

Wow! I feel so renewed.

Kasipagan, huwag mo na akong lisanin forever. Please. I need you.