Thursday, June 3, 2010

Ulan, Ulan, Ulan


Okay.

Goodbye Summer (buti na lang at pasok na pasok pa rin sa banga ang trip to Zambales namin last week at nakapag-lamyerda pa rin sa beach kahit hindi naman kagandahan ang katawan)...

Hello Rain (kasama na diyan ang putik, baha, tilamsik sa pantalon, mabahong medyas at sapatos, butas at sirang payong, masarap na tulog sa gabi hanggang sa di na magising kinabukasan at di na makapasok, pagka-stranded sa sakayan ng jeep, ubo at sipon)...

Monday, May 17, 2010

Migraine

Masakit na ang ulo ko. Utang na loob, huwag na sanang dagdagan!

O please patawarin niyo po sana Lord ang mga sumusunod na nilalang at pangyayari na balak atang pasabugin ang ulo ko. Tick tock tick tock. Kablam. Sabog. Durog. Wala nang dangal! Go.

1. I know, ilang libong beses na akong nagco-complain sa init ng panahon. Pero ibang level na talaga. Parang hindi na nagbibiro ang nagco-control ng panahon. Power tripping na yata. Mukha na kong tunaw na ice cream everyday kapag pumapasok ng school. Napapansin ko na wala nang tumatabi sa akin sa MRT. Parang pareho ko nang palitan yung araw dahil amoy pa lang e pareho na kami. Siyet!

2. Tapos eto pa, eto pa, eto pa. Hindi man ako mismo ang naka-experience, pero dama ko pa rin ang pagka-imbyerna. Ikaw nang makakita, sa katirikan ng araw, ng isang lalaking kung makapag-attire naman e ubod ng tanga! O ikaw nang maglakad na naka coat. Hindi pa nakuntento sa coat, naka-sweatshirt pa sa loob. O hinde!

3. Pakiparusahan na rin ng slight ang aming instructor Lord. Basta. Gusto ko lang na makaranas siya ng suffering. Trip lang.

4. Ito ang matindi. Ikaw nang makasakay sa siksikang dyip ng isang eksenadorang biatch! Pagkasakay pa lang niya e may palya na siyang ginawa. Sipain daw ba yung paper bag nung ale. Nag-sorry naman siya pero in an antipatika way. Tapos, in the top of her voice at sa isang accent na di ko alam kung saan nanggaling e sabi niya sa driver, "Menong, pwede pong pakibaba ako sa National Bookstore HERE?" E hello? Ilang hakbang na lang naman e National na! Sabi nung driver, "Lakarin mo na lang neng!" at ang sagot ni girl, "E, jeep nuh lung! Sebi kasi nung MMDA, jeep nuh lung! Jeep nuh lung!" Isipin niyo na lang yung accent at yung hitsura niya habang sinasabi niya yan! Torture sa aming mga katabi niya, pati kay manong driver.

5. Meron pa. Ikaw nang singilin ng tricycle driver ng 70 pesos? E ang lapit-lapit lang nung pinuntahan ko? Kaya nga hindi ako nag-taxi e kasi alam kong malapit lang! Kung hindi lang mainit e di nilakad ko na lang 'yun! Anak naman ng tokwang sunog na kinagatan ng daga! Tapos ayaw pa niyang pumayag na bawasan yung bayad e ilang minuto ko lang naman siyang pinaghintay? Mabilis pa sa pag-ihi yung pagpapahintay ko e! Ay naku po Diyos niyo!

MIGRAINE ITO MIGRAINE!

Positive vibes. Channeling. Positive vibes. Channe... siyet walang signal!

Wednesday, May 5, 2010

Isang Pagsusumamong Ako'y Matulungan Dahil Malala Na at Mukhang Nawawalan na ng Pag-asa ang Buong Sanlibutan sa Aking Case

Binubulungan na ko ng tunay kong self na nagha-hide sa kaloob-looban ng aking ubod na huwag na raw akong maging choosy at huwag nang mag-pretend na happy sa aking status na single.

Huwag na rin daw gamitin ang super gasgas nang substitute sa pagiging bitter na It's Complicated dahil hindi na rin naman daw talaga naniniwala si Earth at ang kaniyang mga alagad. Sabi sa akin ni tunay na self na obvious na raw sa aking skin ang pagka-haggard dahil sa kakulangan sa pagmamahal (at doon sa isa pang uri ng pagmamahal na talaga namang ayaw paawat sa kasarapan). Para na raw akong dinaanan ng drought ng paulit-ulit at inulit-ulit pa. Siyang tunay naman daw talagang iba pa rin ang feeling na may ibang kamay ang dumadapo sa balat at hindi na lang sariling kamay ang pinangka-caress sa mukha. Mahirap din daw makipaghalikan sa sarili sa salamin. Mas mahirap naman siguro na *nuninuninu* ano?

Sabi pa rin sa akin ni tunay na self, kulang na lang daw na pumasok ako ng kumbento at doon na lang patubuan ng kalyo ang mga tuhod. O kaya naman daw ay mag-fly na lang daw ako sa bukirin at doon na lang ibuhos ang effort sa paghalukay ng lupa at pagpupunla. Pwede rin naman daw na magkulong na lang ako sa kwarto at makipag-usap sa sariling anino, sa lamok, ipis, butiki, daga at agiw.

Ibang level na daw talaga ang ang pagpapanggap na celibate at busy! Hindi na raw talaga bagay na i-claim na wala akong panahon sa relasyon at sa kung ano mang kasama nun. Isa raw akong malaking naglalakad na hypocrite! Kung nakakapagsalita nga lang daw ang hypocrisy e malamang na sabihin niya sa akin na "WALANGYAKANGBAYOTKATUMIGILKANASAPAGPAPANGGAPDAHILPAGODNAKONGIACCOMODATEKADAHILSOBRAKANAATWALAKANANGESPASYOSAMUNDOKO!"

Kailangan ko na daw ng tulong - professional na tulong! Help. Please.

Sunday, May 2, 2010

Haggard Entry, Haggard Self, Haggard World


Huwag nang malumbay, hindi pa ako namamatay. Buhay na buhay pa ang echoserong palaka. Mas buhay pa sa nunal sa mukha ni Ate Guy at ni GMA. Tumitibok-tibok, umiindayog, nagtatatalon at gusto pang magtatatalbog!

Mabuhey!

Medyo haggard lang lately - haggard sa kung ano-anong bagay na para sa ibang tao ay hindi naman dapat ikinaka-haggard. Pero kebs ba nila, e sa trip ng byuti ko ang ma-haggard. Minsan kasi masarap naman talagang ma-haggard.

Masarap sa lahat ng parte ng katawan yung paminsan-minsan e nang-ookray ka na ng tao na halos mabura ang kanilang pagkatao dahil sa sobra ka nang haggard. Masarap yung nakatingala ka na lang sa mga agiw sa kisame ninyo na hindi ka pinakikialaman ng nanay at tatay mo. Masarap yung nakatitig ka na lang sa TV na hawak ang remote at libong beses mo nang naikot ang lahat ng channel. Masarap yung maya't-maya e nasa CR ka para umihi na wala ka naman na talagang iniihi. Masarap yung magbubukas ka lang ng ref para lang i-feel yung lamig sa mukha at sa paa. Masarap yung titingin ka na lang sa salamin para murahin yung bigote, balbas pati na pimples at blackheads sa mukha mo.

Masarap isipin na dahil sa sobrang haggard e wala ka nang sense at kung ano-anong kabalbalan na lang ang sinasabi mo.

Basta. Feel ko lang ma-haggard.

*Pero huwag naman sanang for life e haggard ka kasi ang OA nun 'day! Ang chaka na nun!*

Ang haggard naman na kasi ng surroundings! Hindi na kaya ni self. O baka naman nagpapanggap lang akong haggard? Ay! Mas haggard naman yun.

Ayan, may nasabi na ko!

Mabuhey ulit. Let's all be haggard! Tentenenen. Awat na teng. Awat na!

Thursday, April 8, 2010

Prologue sa Isang Bongga at Libreng Italian Lunch sa Sicilian Express

Tanghaling tapat at nasa tapat ako ng Sicilian Express sa may Petro-Katipunan. Hindi ako sure kung bakit hindi na lang ako pumasok sa loob kung saan may aircon naman at bakit mas pinili kong panoorin ang pagkaluto ng mga ulo ng mga dumadaan sa tapat ko. Kung ano man ang rason, kineme ko na lang at inenjoy na lang ang isang napakasarap at napakalamig na bote ng Sola Iced Tea. Sa bagay, mas marami naman akong makikita sa labas kesa sa loob. At tutal, malapit na rin naman si Alvy. Kaya pa namang tiisin ang pagkatutong.

Sa isang oras kong pag-upo at paghihintay, oo tyinaga ko ang bonggang init ng singaw ng mga sasakyan at ng semento para lang sa libreng lunch, marami-rami naman akong nakita na nagbigay ng panandaliang amusement sa akin.

Nariyang dumaan sa tapat ko ang dalawang stud. Naku kung may vajayjay lang ako e malamang nalipat na ang Dead Sea sa Katipunan. Pang-basketball ang mga height at build nila. Nakakatakam ng sobra. Nakakapangulo ng kalamnan. Butwait, parang may lagkit ang tingin ng stud no. 1 doon sa isa? Bakit parang may panaka-nakang caress ang kamay niya sa braso ni isa? Bakit nakakaramdam ako ng matinding tension sa kanilang dalawa? Bakit parang nakasense din ako ng kakaibang ihip ng hangin ng dumaan sila sa tapat ko? Bakit? Bigla ko tuloy naisip na sumigaw na "Sisters! Magpakatotoo na kayo! Don't you worry, uso na ngayon ang tansuan! Go for the gold! Go."

Nandiyan din ang isang ate na pwedeng bigyan ng Fashionista Award dahil sa kaniyang revealing na top at uber iksing shorts. Kering-keri niya naman ang aura with her matching bumblebee shades at isang gargantuan na hand bag. Kulang na lang talaga ay ang buhangin at ang dagat. But no, nang hindi ko sinadyang makapag-eavesdrop e narinig ko ang pangookray sa kaniya ng kasama niyang jowa. Ang sabi kasi ni girl, "Ang init. Kawawa naman ang shoulders ko." Ang sabi ni jowang winner sa pagkadaot, "E tanga ka pala e, nasa arawan ka. Kung dito ka kaya sa may lilim?" Tameme si ateng sosyalera.

Dumaan din sa tapat ko ang isang grupo ng mga bagets na sa hitsura pa lang ay alam mo nang mga sons and daughters of the almighty Zeus na. Hindi ko maipaliwanag kung saang bahagi ng mundo nila nakuha ang makikinis at mapuputi nilang kutis. Hindi ko rin alam kung saan nila natutunan ang out-of-this-world nilang mga accent na parang bawat sabihin nilang salita ay may "-ur" sa dulo. Parang ganito, "Anur bur? Where's Carlos na bur?" (Ano ba? Where's Carlos na ba?) Tapos, hindi ko rin alam kung bakit ba nila kailangang mag-party attire kung maglalakad din lang naman sila sa ilalim ng nagmumurang araw?

Present din itong nakakainggit na lovers. Grabe ang kanilang ka-sweetan. Na-feel ko na sila na talaga 'til the end of the world. Sila yung tipo ng mag-jowa na kapag namatay e magka-holding hands pa sa deathbed. Sila yung mga tipong sa kahuli-hulihang hininga e I love you pa ang huling palabras. Pero naisip ko lang at gusto ko silang bulungan na, "Hindi ba kayo naiinitan? Maiintindihan ko pa sana kung Winter ngayon at wala kayong mga parka? Ang init mga dear! Mag-rent na kayo ng air conditioned na kwarto. Now na!"

Buti na lang talaga at dumating na si Alvy at si Tomas, kung hindi ay nagawan ko na ng kwento ang buong Katipunan. Buti na lang din at dumating na sila kaya naalala kong hindi pa pala ako nagla-lunch. Buti na lang at naalala kong kakain pala ako ng seafood primavera. Buti na lang dumating na sila kaya na-realize ko na unti-unti na pala akong nalulusaw sa ilalim ng araw. Buti na lang dumating sila kaya narealize ko na ang haggard na ng hitsura ko at baka inookray na rin ako ng mga dumaan sa harap ko.

Anyway, salamat kay Alvy at Tomas para sa libreng lunch, t-shirt from KL, at tsokolate. Mabuhey!

Wednesday, April 7, 2010

Simpleng Buhay ay Kay Ganda, Mayroong Ngiti Mayroong Saya... Oops Wait! Kanta Ba Yun?


Sino ba namang ayaw magkaroon ng bonggang lifestyle. Yung tipong wala ka nang paglagyan ng pera. Yung ginagawa mo na lang sari-sari store ang Rockwell at Glorietta. Yung tipong four houses apart lang yung pupuntahan mo e iko-kotse mo pa. Yung tipong lagi ka na lang sa Starbucks para makipag-meeting o kaya naman mag-wifi, o kaya naman e para wala lang. Yung tipong every weekend e nasa ibang parte ka ng globe. O kaya naman e ginagawa mo na lang pamunas ng pwet after padingdong ang salapi. O di'ba? Sino ba namang tatanggi diyan?

Pero, masarap din i-imagine ang pagkakaroon ng simple life. (Sorry, naalala ko si Paris Hilton at si Nicole Richie nung binanggit ko ang simple life. Yak. Ang pangit na flashback.) Minsan parang ang sarap i-feel ang country-side.

Una. Isantabi muna ang mga iPod, iPhone, iPad at kung ano-ano pang tsenes na gadgets. Masarap din pala makinig sa lumang transistor ni lolo sa kaniyang kubo tuwing gabi. Siyempre hindi hits ni Lady Gaga at Justin Bieber ang uma-aria kung hindi mga rendition ng mga sikat na mga kundiman performed by the local haranistas.

Ikalawa. Hindi mo na kailangang gumora ng gumora sa palengke at supermarket o kaya naman kumain sa 5-star na restaurant para lang mag-survive ang needs sa food. Silip ka lang sa bintana at tenen, nandiyan na within your reach ang nagtatakbuhang manok, ang nagiiyakang mga kambing, ang naglalaguang kamatis, talong, pechay, sitaw, upo, at kung ano-ano pang kagulayan. Mas masarap pa rin ata ang home-grown cooking kesa sa mga GMO na nasa restaurants at supermarket.

Ikatlo. Hindi na kailangang gumastos ng pagkamahal-mahal na gasolina para sa mga Mazda 3, Ford at Chevrolet. Hindi rin naman kasi kailangan ng mga power ng mga nagmamahalang sasakyang yan para pumunta sa mga destination sa country-side. Lakad lang pwede na. O kaya naman kung gusto mo ng kaunting thrill, magpahila ka na lang sa paragos ng kalabaw. O kaya naman para medyo hi-tech e sumakay na lang sa kuliglig.

Ikaapat. Hindi mo na kailangang magkulong sa kwarto mo na may air purifier at air conditioner dahil instant freshness na ang malalanghap mo sa country-side. Walamg polusyon. At dahil walang pollutants ang palutang-lutang sa air, freeng-free kang mag-name ng constellations. Walang labis, walang kulang.

Wag na lang muna nating isipin yung "sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilapil" na truth tungkol sa country-side. Basta, masarap sa kanayunan at wala pa ring papalit sa simpleng lifestyle.

Sunday, April 4, 2010


Habang halos lahat ng bata ay amoy itlog na ang mga utot at hindi na magkamayaw sa pag-sinok dahil sa daming itlog na nilantakan ngayong araw...

... ako naman ay patuloy pa rin sa pagha-hunt ng bonggang mga easter "eggs" para naman sa sarili kong "pagkabuhay"! Josko!

Hay Easter!

Happy Easter sa inyo.