Simulan na lang natin sa nangyari kaninang umaga. Habang antok na antok sa loob ng LRT e biglang nagsulputan ang mga Adonis mula sa kung saan. Sa kanan, kaliwa, harap, at likuran e parang multong nagparamdam si Kupido. Kahit saan ako malingon e may nagbabadiyang tumibok! At, biglang tumugtog ang "Seasons of Love" tignan mo nga naman! Bakit ba naman pati ang iPod ay pinakialaman ng mga diyos at diyosa ng pag-ibig?
Kahapon naman habang antok na antok sa jeep pauwi galing Sta. Mesa e para bang may kumalabit sa lahat ng internal organs ko! Sino ba namang hindi makikiliti ng mapatingin sa isang anghel na nakangiti sa iyong harapan. Hindi ko malaman kung manginginig ba ang buo kong katawan.
Nung nakaraan lang din e muling nagliyab ang pag-ibig na matagal nang naabo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli sa loob ng isang jeep, nakasabay ko ang isang tao from the past na itago na lang natin sa codename na EX! Of all places? Of all circumstances? Of all kahaggardan? Ayun, naiwan na naman akong confused pero in-love.
At eto pa, mas lalong nabuhayan si puso nang mapanood sa TV ang Love Market sa Vietnam. Sinong hindi maiinlab? Ikaw nang maghintay ng isang taon para lang sa isang araw na makita, makausap, at makalabing-labing ang tunay mong mahal. Imagine, kahit kasal ka na (well, sa taong hindi mo naman talaga love) e may isang araw sa loob ng isang taon na pwede mong ma-meet ang one true love mo. Dito ko na-realize na kaya ko palang maghintay ng matagal na panahon para lang sa iisang araw na ma-experience ang true love kasi pagkatapos ng araw na yun e mas may pag-ibig na lahat ng gagawin ko sa mga susunod na araw. Yiheeeeee. Ang saya ng buhay kung lahat ng lugar ay may Love Market.
So ngayon, ang hinihintay niyo na lang na update ay kung tunay nga bang nabuhay ang aking love life? Kung may napala ba naman ako sa mga araw na lumipas na tawagin na lang natin na LOVE IN THE TIME OF BAHA AND LEPTOSPIROSIS? Kung sa mga nakasabay ko e meron ba naman akong nakuhanan ng number o nakita man lang ulit? Kung nanahimik na bang tuluyan ang pusong nagsusumigaw ng "Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig kayo riyan!"? Kung tunay nga ba akong nagpa-inspire sa Love Market? Kung ano na nga ba talaga?
Um, sige, ganito na lang. Kunyari palaka ako. Naghihintay daw ako kunyari ng hahalik sa akin para maging ganap na taong umiibig. After ng mga nangyari sa itaas, ako'y naiwang naghihintay pa rin, kumokokak. Kokak. Kokak. Kokak. In short, walang nangyari!
Kaya naman na-realize ko at gusto kong sabihin sa sarili ko na "Puta kang malandi ka! Ganiyan ka ng ganiyan e wala rin naman palang mangyayari? E gumising ka! Gumising ka letse ka! Bumalik ka na sa katotohanan. Tigilan mo na yan! Bangungot lang ang lahat ng 'yan! Bangungot!"
Sabay kikidlat, bubuhos ang malakas na ulan, maluluhod sa putik, iiyak, sisigaw, magfe-fade out lahat.
Ay teka, pahabol, KOKAK!