Tuesday, May 24, 2011

Litaniya ng mga Bakla


Para sa mga bakla, namamakla, feeling bakla, baklang hindi pa sigurado kung tunay na bakla, baklang kataastaasan ang kabaklaan, baklang pinagkaitan, baklang pinagpala, baklang namatay, nabuhay, at naluklok sa kaniyang papa sa kalangitan, baklang pinarusahan, baklang ipinako sa krus, baklang gustong-gustong magpapako, baklang gustong namamako, baklang takot sa pako, naklang bato, baklang-bakla, baklang baka la
ng bakla, at sa mga baklang hindi pa ganap ang kabaklaan. Hallelujah! Heeeeeeeyyyyyy men!

O diyosa, kaawan mo sila.
O diyosa, pakinggan mo kami.
O papa, halika na.
O papa, game na.
Holy-holy, ipanalangin mo kami.
Holy-holy, huling-huli, ipanalangin mo kami.
Birhen-birhenan, huwag ka nang magpakeme,
ipanalangin mo kami.

San Marino, patron ng mga isda,
ipanalangin mo kami.

Venus Raj, major-major na patron,
ipanalangin mo kami.

Gloria Diaz, pinakamagandang hayop,
ipanalangin mo kami.

Melanie Marquez, ikaw na,
ipanalangin mo kami.

Santelmo, ilawan mo ang mga bumubuking,
ipanalangin mo kami.

Elton John, bongga ka,
ipanalangin mo kami.

Neil Patrick Harris, bakit o bakit,
ipanalangin mo kami.

Ellen Degeneres, reynang hari, haring reyna,
ipanalangin mo kami.

Bahay na Gumuho, puwestuhan ng mga bakla,
ipanalangin mo kami.

Puno ng Caimito, pwestuhan ng mga bakla,
ipanalangin mo rin kami.

Piolo Pascual, papa ng mga papa,
ipanalangin mo kami.

Marc Nelson, patron ng pagpapantasiya,
ipanalangin mo kami.

Sue Sylvester, patron ng mga bitchesa,
ipanalangin mo kami.

Mean Girls, mga mariang bitchesa,
ipanalangin niyo kami.

Louis Vitton, reyna ng mga bagelya,
ipanalangin mo kami.

Ricky Reyes, patron ng spray net,
ipanalangin mo kami.

J. Alexander, reyna ng mga rampa,
ipanalangin mo kami.

Tyra Banks, babaeng may maraming mukha,
ipanalangin mo kami.

Liza Minelli, patron ng mga gaya-gaya,
ipanalangin mo kami.

Cher, o Cher,
ipanalangin mo kami.

Madonna, ikaw na Like a Virgin,
ipanalangin mo kami.

Dolly Parton, para sa mga susong ipinagkait,
ipanalangin mo kami.

J.Lo, para sa mga puwet na ipinagkait,
ipanalangin mo kami.

Beyonce, para sa mga balakang na ipinagkait,
ipanalangin mo kami.

Diane, para sa kagandahang nais makamit,
ipanalangin mo kami.

Coco Martin, patron ng mga masahista,
ipanalangin mo kami.

Robin Padilla, patron ng Trust Condoms, para sa proteksiyon ng banal na butas,
ipanalangin mo kami.

Mama Bear, patron ng mga macho dancer,
ipanalangin mo kami.

Tomas Morato, kuta ng sangkabaklaan,
ipanalangin mo kami.

Malate, siyang-tunay na kuta ng mga bakla,
ipanalangin mo kami.

Felix Bakat, para sa mga bukol na siya nga namang umuukol,
ipanalngin mo kami.

Fully Booked, booking lang ng booking,
ipanalangin mo kami.

Cubao, kuta ng mga gay massage parlors,
ipanalangin mo kami.

Adonis, patron ng mga papa,
ipanalangin mo kami.

SANRIO, Hello Kitty, patron ng sangkabaklaan,
ipanalangin mo kami.
O diyosa, ilayo mo kami sa pagkakasala.
O diyosa, ilapit mo kami sa pwedeng pagkasalaan.
O diyosa, ihatid mo kami sa kalangitan,
O diyosa, alam mo na kung saan.

O kataastasang diyosa, narito kaming mga bakla, handang magsilbi para sa kadakilaan ng mga dakilang chemchem, at sa kapurihan ng mga puri ng bakla.

O kataastaasang diyosa, iligtas mo ang lahat sa anumang tukso na maghahatid sa amin sa mas matinding paghihirap.

O kataastaasang diyosa, lahat ng ito'y para sa iyo at para sa ikabubuti ng sangkabaklaang nananalig sa iyo.

Heeeeeeeyyyyyy meeeeehhhhnnnnn!

-----------------------------------------------------

Ang post na ito ay hindi ginawa upang balahurain ng pananampalataya ng mga Katoliko. Ito ay pawang katuwaan lamang. Hindi intensiyon ng may-akda ang blasphemy.

-----------------------------------------------------

Mae Ann Mangaoang, this is for you! Haha.

Friday, May 6, 2011

Bakit Masarap Mag-isa sa Kwarto?

Dahil may ESP ako, alam ko na ang unang-unang isasagot ng marami sa inyo kaya hindi ko na 'yun babanggitin. Don't state the obvious kung baga. Pero maliban doon, heto ang ilan sa mga rason kung bakit napakasarap nga namang mag-isa sa kwarto.

1. Pwede kang matulog nang hubo't hubad. Pwede mong ibukangkang ng bonggang-bongga ang lahat ng pwedeng ibukangkang; i-expose ang lahat ng pwedeng i-expose; ipagyabang ang hindi naman kayabang-yabang. Pwede kang matulog sa kahit anong posisyon na kahit professional models e hindi kayang gawin bare naked! Pwede kang tumihaya, tumiwarik, lumambitin, tumuwad, bumukaka, kahit ano talaga! At siyempre ang catch nito, it's either alone o may kasama. Na'sa iyo lahat ng option!

2. Pwede mong gawin ang lahat ng imaginable na ritual before, during, at after matulog. Pwede kang mag-yoga. Pwede kang mag-rosaryo. Pwede kang kumanta ng National Anthem. Pwede kang mag-droga. Pwede kang mag-inom. Pwede kang kumanta ng "If You're Happy and You Know It." Pwede kang magbilang ng alikabok. Pwede kang magsulat ng pangalan 100 times tapos buburashin mo ulit. Pwede mong i-text at tawagan ang sarili mo. Pwede lahat na walang umaangal at nagtataka kung psycho kang tunay o psycho ka nga talaga.

3. Pwede mong punuin hanggang isang linggo ang arinola. Sino lang ba ang makakatagal sa amoy ng nakulob mong weewee na pinatagal ng isang milenyo kundi ang sarili mo lang? Sino lang ba ang mag-eenjoy sa pagtingin sa repleksiyon ng mukha mo sa sarili mong stale na ihi kundi ikaw lang din?

4. Pwede kang maging nuclear bomb sa pag-utot na walang worry sa epekto ng deadly radiation. PWedeng-pwede mong ilabas lahat ng naitatago mong hangin sa tiyan na walang umaangal. Pwede mong gawing music bago matulog ang tunog ng sumisirit na hangin sa wetpaks mo. Pwedeng sumabog lahat ng dapat sumabog na walang naiistorbo o napipinsala. Tutal hangin naman 'yan sa sarili mong tiyan kaya walang hassle.

Well, hindi ko naman sinasabi na lahat 'yan e nagawa ko na. Na-imagine ko lang. Pramis!

Wednesday, May 4, 2011

Init (Parang Bomba Film Lang)

Bakit nga ba hindi pa ako, o tayo, nasanay sa klima ng Pilipinas? Nagtataka lang naman ako kung bakit angal pa rin tayo ng angal na mainit when in fact, maliit pa lang tayo e mainit naman na talaga dito?

Pero Lord, mainit ho talaga! Masama bang umangal ng slight?

Buti sana kung tolerable ang init. But hindi! Hinding-hindi, Lord, hindi!

Hindi lahat ng init ay pleasant! Hindi. Hindi palagi.

May init na gugustuhin mong parating present at occurring. Yung tipong dahan-dahan pang gumagapang sa kaloob-looban ng pagkatao. Yung tipo ng init na nararamdaman mo kapag napapadaan yung crush mong kapitbahay na kung iparada ang boxers e walang humpay. Ganun. Yun yung tipo ng init na mapapahalinghing ka kapag present. Yung magtataasan pa yung balahibo mo. Yung parang gusto mong humiyaw ng "Siyet! Ang init! Ang init, init, init!" na may ngiting walang katulad sa mga labi. Yun yung tipo ng init na mapapawi rin ng isa pang init na naguumapaw.

Pero sadly, hindi lahat ng init napapawi din ng isa pang init. Oh lord, hindi ba pwedeng ganung klaseng init na lang ang iparanas mo sa'kin today?

At dahil diyan, naisip ko ang beach. No, hindi dahil sa tubig at buhangin. Alam niyo na 'yun!