Tuesday, April 26, 2011

100th Post: Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.

Dapat nagce-celebrate ako ngayon dahil ito ang aking 100th post. But no! But really no!

Ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa DELAYS.

Ayon sa WordNet, ang delay ay nangangahulugang "act later than planned, scheduled, or required." Lahat tayo ay ayaw ng delay. Aba, sino ba namang gusto ng delays? Delay sa sahod? NO! Delay sa mestruation? NO! (Pero siyempre depende yun sa sitwasyon.) Delay sa flight? NO! Delay sa graduation? Exactly my sentiments!

Originally, ine-expect kong makagraduate pagkatapos ng isang taon. (Siyempre ang context nito ay post-college delinquence sa isang-university-malapit-sa-kabundukan.) Pero dahil sa mga hindi inaasahang kapalpakan ng mga taong itago na lang natin sa kategoryang school admin, mukhang guguho na naman ang pangarap ko. Ito na e. Malinaw na malinaw sa aking paghihinuha na makakapasuot na ko ng itim na toga. Kitang-kita ko na ang liwanag sa dulo ng madilim na tunnel. Mahahawakan ko na ang totoong buhay sa labas ng eskwelahan. Pero dahil nga nagkandaletse-letse ang pago-offer ng mga kurso at nakalimutan ng mga taong nakatago sa kategoryang school admin ang pagkakaroon ng kaunting konsiderasyon, nangupas na ang mga toga, sumara ang tunnel, at pinutulan ako ng mga kamay.

Siyet no?

Ngayon, gusto kong iparamdam sa inyo kung ano ang pakiramdam ko as of now. Susubukan kong maging vivid para tumagos hanggang sa buto ng daliri sa paa ng mga taong nakatago sa kategoryang school admin ang epekto sa akin (sa ngayon) ng delay. Ganito:

Parang sa CR kapag jumemejebs. Nasa pangatlong kilabot ka na, sumisilip-silip na sa butas ng Puerto Galera mo yung ulo ni Jun-Jun. Ramdam na ramdam mo nang sasabog na ang mga bituin sa kalangitan, nang biglang may magbubukas ng pintuan ng banyo. Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.

Heto pang isa. Sa kalagitnaan ng pagchuchumenelin-chuchu niyo ng jowa mo. Malapit na malapit mo nang marating ang dulo ng Milky Way. Malapit mo nang mahawakan ang mukha ni Papa God. Malapit mo nang ilabas ang nagliliyab mong pagmamahal, nang biglang mauutot si partner. Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.

Another. Sa pangungulangot. Imagine ang goal na nagsumiksik sa kasuluk-sulukan ng iyong ilong. Marubdob ang iyong pag-sungkit para maabot ang kulangot na malagkit at pilit dumidikit. Nararamdaman mo na sa dulo ng daliri mo ang buntot ng asungot na kulangot, nang biglangmay tumulak sa'yo na siya namang tumulak rin sa kulangot papaloob. Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.

Gets? Gets na gets! Mga shutanginaninyey!

Happy 100th post to me!

Masaklap. Mapait. Nakakaiyak.

Sunday, April 24, 2011

Happy Easter


Bago pa man matapos ang Easter Sunday (dahil balak ko na nga talagang isara ang araw na ito), hayaan niyong batiin ko ang lahat ng Happy Easter! At para ma-reinforce ang aking sincere greeting:
O ha? Meet my Angry Itlogs! Kung ayaw niyong sumabog na parang mga inflated pigs, tanggapin niyo ang aking greeting!

Oh well, tapos na ang bakasiyon. Nakapag-reflect ba naman kayo? Nakapag-repent? Well ako, oo. Reflect na reflect naman talaga na kailangan ko nang magbawas ng kinakain, kailangan ko nang i-konsider ang exercise bilang parte ng lifestyle, kailangan ko nang iwas-iwasan ng kaunti si kama, kailangan ko nang pagpahingahin ang mga daliri, likod at leeg, and kailangan nang magbawas ng bisyo. Naman, reflect na reflect talaga ang nangyari everytime na lang na mapapadaan ako sa salamin!

With that, balik na naman tayong lahat sa ating mga normal na buhay! Tama na pasarap! Tama na pagpapanggap! Hala, kayod! Takbo! Kilos! Galaw! Lipad like the Angry Birds! Go!

Thursday, April 21, 2011

Huwebes Santo

Noong nakaraan, nagtanong ang ANC sa Facebook kung ano ang do's and don'ts ng mga tao ngayong holy week. Ito ang saot ko:

Don't pretend to be holy when at the end of the Pabasa, you'll convene the barkada to spend the dying hours of Christ over a case of beer, a plate of pork dinuguan, and all eyes on the Magdalena passing by.

Naalala ko lang bigla habang binibirit ng ilang mga kapitbahay ang "Kasaysayan ni Hudas" sa Pasyon ni Kristo. Napansin ko rin ang ilang mga uncle na nag-convene sa kabilang kanto kasama ang ilang bote ng alkohol.

Kamustahin ang juxtaposition?

Winner!

As for myself, susubukan ko ngayong hulihin ang mailap na si mahimbing na tulog habang naco-concert ang mga frustrated concert kings and queens which I think ay mahirap dahil nafi-feel kong susugod mamaya ang mga uncle kong sinasapian ng alak para agawin ang mga mikropono, Ngayon pa lang ay naririnig ko na ang mga out of this world renditions nila ng Pasyon ni Kristo.

Have a meaningful holy week! (Kung ano mang depinisyon ninyo ng meaningful at holy week, iiwan ko na 'yun sa inyo.)

Friday, April 15, 2011

Bwisit

Sa pagtatapos ng linggong ito, mayroon akong natutunan na magagamit ko kung sakaling maisipan kong maging isang school administrator:

Huwag na huwag kang mag-offer ng subjects kung wala naman palang kasiguraduhang itutuloy. Hindi biro ang effort at pera ng mga estudyante kung sa bandang huli naman pala e isasara rin ang binuksang subjects. Parang ganito lang yan e, bigong mga pangako. Tapos, itigil na ang pagke-claim na concern ka sa mga estudyante mo. Nakakasira lang yan ng ulo. Nakakasira rin yan ng pangarap.

Bwisit di'ba? Bwisit.