Saturday, February 26, 2011

Nang Minsan Kong Subukang Maging Poet at Artist All At The Same Time














Ang tawag dito ay ang ang pagbulwak ng nagsusumigaw na mga frustration!


Saturday, February 5, 2011

INARTE NUMERO DOS

Upang ipagpatuloy ang aking pagiinarte ngayong buwan ng Pebrero, narito ang dalawang micro-poetry na ibinunga ng, well, aking pagiinarte.

One: Dahil sa ako'y bitter. (Oo na inaamin ko na!)

Kasabay ng mga alikabok
na inilipad ng hangin sa bintana
ang iyong mga alaala --
tumakbo, lumutang,
nalanghap, namuwing,
umalis --
lumisan.
Naiwan.

Two: Dahil sa namimiss ko na ang alak. (Aba isang linggo na kong hindi nagiinom! Malapit na ang withdrawals!)

nilakbay ng baso ang mga bibig
na uhaw sa gumuguhit na sipa -
sipang gigising sa natutulog na
diwa -
diwang naghihintay
na marating ang mundong kahapon pa'y
nagaabang na lukubin
ang walang buhay na ngayon.


BOW!

Wednesday, February 2, 2011

INARTE NUMERO UNO

At nagbabalik.

ARTS MONTH NA! Ano pang hinihintay niyo? Tena't magsipag-inarte! Go.

Dahil diyan, eto na ang aking pagiinarte number 1:

incense sticks standing
on a mug of sand,
cigarette butts astray;
a bottle of piss in the corner,
bedsheets in disarray.
open books askew,
computer idly humming.
the fan is blowing
to nothingness, to nothingness.


O ha? Makapaginarte lang!

Mabuhay ang maarte! Mabuhay ang pag-iinarte! Mabuhay ang ART!