Uno. Nakakagitlang pangitain. May nakita ako kaninang manong. Siya yung tipo ng manong na, paano ko ba sasabihin, yung manong na manong. Malaki katawan, malaki tiyan, naka-maong shorts, naka-sando, maitim, kalbo, bungal, maraming tattoo. Na-trapik kasi yung jeep na sinasakyan ko kanina sa may Cubao, tapos biglang dumaan si Manong. For real, nakakatakot siya. Para siyang character from someone's nightmare. Eto nga lang ang twist, yung isa sa mga tattoo niya, yung nasa may balikat niya, ay isang bunny! Yes, bunny. Not a rabbit, not a hare, a bunny. Yung cute na bunny. Ha. Nawala ang takot ko, napalitan ng gitla.
Dos. Seryoso muna. Hay, Aileen kung nasaan ka man, tsk, ambilis. Naalala ko talaga noon na everytime na makakasalubong kita sa UPD, e pinapaalalahanan mo ko na mag-uusap tayo. Hindi na natuloy. Hanggang sa naglevel-up ka na ng naglevel-up, hindi na tayo nagkita. Pero mads, alam ko namang nandiyan ka lang e, nagpapaalala, bumubulong. Alam ko. Alam ko na ang gagawin. Alam ko na ang sasabihin mo sa akin. Huwag kang magalala, balang araw, kasabay ka pa rin namin na maglayag papunta sa tunay na tagumpay. Mabuhay ka, Kasama! Mabuhay ka, kaibigan! Mabuhay ka, Aileen!
Tres. Pagkatapos ng medyo seryoso. Salamat sa pagbabalik ng internet connection. Yun lang.
Kwatro. Frustrated na talaga ako. Hello?! Nakakapagod maghintay. Tiyaka ano ver? Buti pa ang halaman, kahit hindi nagdidikit, nagkakaroon ng bunga.
Cinco. Sampalin niyo ako't kailangan ko na ata talaga nun. Pakipaalala na patong-patong na ang mga kailangan kong tapusin. Pakisabi nga sa akin na wala namang sense na gumagawa pa ko ng listahan, tutal e hindi naman nasusunod. Pakisigawan nga ako ng todo, gamitan niyo pa ng trompa at itapat niyo sa tenga ko, na simulan na kahit man lang isa sa mga yun. Please. Kailangan ko na atang mabatukan ni Papa Bro! Go po, go!
And with that, tinatapos ko na ang non-sense kong pagshe-share!