Tuesday, August 31, 2010

Ngayon, Kailangan Nating Ngumiti






Sa mga panahong ganito - malamig, maulan, gloomy - prone talaga ang tao sa pagiinarte. Huwag na kayong mag-deny kasi kahit saang parte ng Earth, totoo yan! Kahit anong lahi, may ganiyan. Pero totoo din na madali lang naman humanap ng pangontra sa melancholy.

Sa ngayon, tutal wala naman akong lablayp, e sila muna ang guilty pleasures ko.

Presenting my nephews, the Oraya Twins!

But wait, mali ang nasa isip mo. I like kids, but they're not for me! Okay? Klaro? Keri.


Emoterong Kokak

Sulit na sulit ang long weekend. O eto ako ngayon, sulit na sulit din sa pagmumukmok sa kwarto.

Sa sobrang pagwawalwal ko yata e naghiganti na ang mga diyos at diyosa. Mukhang ito na yata ang parusa sa sukdulang ka-dekadentehan. Ha. O ano? Alak pa? O ano? Yosi pa? O ano? Party pa? O ano ka ngayon? Baklang baldado at baklang kandado!

Sa bagay, paminsan-minsan, masarap din namang mabaldado sa kwarto. Masarap namang paminsan-minsan e ma-magnet ng kutson ang likuran ko. Masarap naman paminsan-minsan na tumingala lang sa kisameng blanko. Masarap namang makipaglampungan sa mga unan at hanging maharot. Masarap naman minsan na panoorin lang ang paglalakbay ng alikabok at langgam. Masarap barilin ng sipat ang nagliliparang langaw at lamok. Masarap namang makinig lang sa nagbabagsakang anino. Masarap namang amuyin ang umaalingasaw na katamaran. Masarap namang pumikit at panoorin ang luningning ng kadiliman. Masarap namang magpahaplos sa lamig ng semeto at gaspang ng asero. Masarap naman minsan na nasa isip lang lahat ng kilos at galaw. Masarap minsan na walang iniisip. Masarap minsan na walang galawan. Masarap minsan ang wala.

O eto nga ako ngayon, sa kwarto, nagmumukmok. Kahapon, maligalig. Ngayon, bliss ang kawalan.

Wednesday, August 25, 2010

We Love You Maria Venus Raj 22 Philippines


Sabi nga ng isa kong kaibigan, ang Miss Universe ang bersiyon ng World Cup para sa sangkabaklaan!

Sila nang projection ng tunay na nararamdaman ng mga kandidata on-stage! Sila nang daig pa ang mga mismong kandidata sa pagka-excite!

Naalala ko tuloy, sabi kasi nila na batas sa sangkabaklaan ang panonood ng pageants lalong-lalo na ang Miss Universe. Aba, hindi dapat magpahuli ang isang sister kapag chikahan tungkol sa katatapos lang na pageant. Kapag wala kang naikwento o kaya naman e nagpa-obvious ka na hindi mo napanood, yari ka! Tanggal ka sa sisterhood!

Hahaha. Winner ang mga ateng ito!

Tuesday, August 24, 2010

Major Major

O ayan ha, at least, after ilang years e nakapwesto ulit ang Pilipinas sa Miss Universe. Big, or should I say, "major major" achievement ito para kay Venus at sa bansa! Biruin niyo, out of 83 na mga diyosa mula sa kasuluk-sulukan ng mundo, e Top 5 ang byuti ng mga Pinoy?

Kahit naman papaano e nakahinga tayong lahat (o ako lang?) mula sa nangyaring kapalpakan kagabi. Kahit na "major major" din ang pagkasira ng pangalan ng Pilipinas.

So sa mga Pinoy na gusto nang itakwil ang kanilang pagka-Pinoy, aba stop look and listen! Marami pa namang bagay na pwedeng ipagmalaki ang Pilipinas in a major major way!

Major major na ito!

Wednesday, August 11, 2010

Si Pokpok, ang Kili-kili, at ang Paghahanap sa Tunay na Pag-ibig

Tatlong linggo na mula noong una kitang makasabay sa LRT. Tatlong linggo mo na ring binubulabog ang pananahimik ng aking natutulog na drive sa paghahanap ng tunay na pag-ibig. Echos.

Kung bakit naman kasi sa dinamidami ng pagpapaamuyan mo ng kili-kili e ako pa ang napag-tripan mo. Hindi mo ba alam na weakness ko ang mabangong kili-kili? Hindi mo ba alam na nanlalambot ang tuhod ko kapag tinaasan na ko ng mahalimuyak na kili-kili?

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. Bigla ka na lang sumingit sa tabi ko sa loob ng ikatlong train car ng LRT Purple Line. Hindi naman talaga kita mapapansin kung hindi ka kumapit sa hand rails na saktong nasa itaas ng ulo ko. Hindi ko naman kasalanan na mas matangkad ka ng bahagya sa akin. Hindi ko naman sinasadya na mapabaling ng kaunti ang ilong ko sa kili-kili mo. Hindi ko naman sinasadyang suminghot. Hindi ko naman akalaing maaakit ako ng deodorant mo.

Simula noon, tinandaan ko ang oras nung nagkasabay at nagkatabi tayo. Araw-araw, hinahabol ko ang oras na yun. Araw-araw, kung maaga akong dumarating sa istasyon, hindi muna ako sumasakay hangga't hindi lumalagpas sa oras na tinandaan ko. Kaya ayun, lagi akong may taglay na pagkadismaya sa mga sumunod na araw dahil hindi na kita nakatabi. Nadismaya ako noong mga sumunod na araw dahil hindi ko na nalanghap ang deodorant mo.

Handa na akong kalimutan ang amoy ng kili-kili mo pero sa hindi inaaasahang pagkakataon na para bang nagpa-power trip si tadhana e nakasabay na naman kita. Mula sa pila ng security check-up, hanggang sa vending machine, hanggang sa platform, hanggang sa loob na naman ng tren. Ewan ko ba kung katulad mo sa tadhana na nagpa-power trip dahil tumabi ka na naman sa akin. Muli mo na namang itinaas ang kamay mo sa handrails sa itaas ng aking ulo. Muli mo na namang ipinalanghap ang halimuyak ng kagubatan. Muli mo na namang binuhay ang natutulog kong pag-asa.

Kaso, TANGINA KA, lagi na lang pagpapaasa. E ako naman si tangang pokpok, ni hindi man lang gumawa ng aksyon. O kung ikaw na nga si tunay na pag-ibig, sa susunod na maamoy kong muli ang simoy ng kili-kiling wagas, hindi na ko mangingiming pumalag. Maghanda-handa ka na at buhay na naman ang aking kahayukan.

Sunday, August 1, 2010

Katapusan Mo Na, Unicorn na Isinumpang Magkaroon ng Sariling Ganda

Kailangan ko na talaga ng mangkukulam, mambabarang, aswang, tikbalang, manananggal, nuno, kapre at lahat na lamang-lupa! Kailangan ko na ang pinag-combine nilang powers para itumba itong nilalang na ito na may sariling ganda. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang lakas ng loob para magmaganda kahit alam naman ng lahat na wala siyang karapatan.

Te, ipinanganak na ang tutumba sa'yo. Mag-ingat ka sa mga asta mo, okay? Hindi mo basta-basta makukuha ang respeto ko dahil hindi ka naman talaga deserving para doon. Huwag kang umasta na akala mo e alam mo lahat dahil wala naman talaga sa hitsura mo. Huwag kang magsalita na akala mo e diyos ka na dapat sundin ng lahat. Huwag kang mag-assume na lahat ng salita mo ay batas. Huwag ka ring mag-expect na luluhod kaming lahat sa harapan mo.

Hoy ikaw na unicorn ka na palya naman ang sungay, magingat-ingat ka. Huwag mo nang hintayin na ibigay ko ang tinatago kong 100% dahil te, ako ang anti-matter na maga-annihilate sa'yo. You'll fall into pieces, you'll turn into dust and you will be blown away to nothingness! Ibahin mo ko. Hindi mo ko lubusang kilala. At alam mo yan, 'day! Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan.

Naku te, pinapakulo mo talaga ang lahat ng liquid sa katawan ko.