Tuesday, June 29, 2010

Para sa Mga Noynoy Fans: Mamatay Kayo sa Inggit!



O ano kayo ngayon? Noynoy fans, mamatay kayo sa inggit! Chos lang!

Ang totoo niyan, hindi naman talaga sa akin 'to haha. Eto kasing Tita ko, may pagka-close kay Miss Pinky na kapatid ni Noynoy. Humingi lang naman siya ng passes para sana hindi na raw sila pipila para manood ng inauguration. Eto namang si Miss Pinky, invitations talaga ang binigay! O ngayon, namomroblema si Tita kung anong isusuot niya! Hahaha!

Feeling lang ako na invited! May maipakita lang sa madla. At tiyaka, para daw timely ang post ko. Mas pipiliin kong manood sa TV kasi mas makikita ko hitsura ni Noynoy at tiyaka ng mga artistang guest!

Monday, June 28, 2010

Where Are My Pinkies?

Seriously?

Parang karamihan atan g eskwelahan simula pa nung nauso ang desktop computers e hindi na gumamit ng manual typewriters para sa typing classes. Ang hindi ko alam e kung bakit hanggang ngayon, kelangan ko pa ring pagdaanan ang parusang itago na lang natin sa pangalang MANUAL TYPEWRITER?

Seryosong hindi ko na maramdaman ang mga hinliliit ko dahil sa typing activity namin kanina sa klase! Parang ngayon e gusto kong murahin ang A-key at ang semi-colon key!

Ano ba naman? Ang mahal-mahal ng tuition fee, bakit ayaw pang mag-upgrade?

Ay wait! Speaking of upgrade. Kung kailan patapos na ang withdrawal of subjects sa school tyaka naman pinangalandakan ng aming instructor na huling batch na daw kami ng typing class na gagamit ng manual machines!

Kamusta naman yown?

Friday, June 18, 2010

Blessings, Blessings, OH MY GOD BLESSINGS!

Muntik nang hindi naging OK sa alright ang araw na ito for yours truly. Pero para bang biglang nagparamdam ang kataas-taasang Diosa ng Sangkadiosahan na may may puwang pa pala ako sa listahan ng mga pamintuang may chance ngumiti ng bonggang-bongga!

Una, umagang-umaga pa lang, matapos ang hell ride sa jeep from UP to Katipunan na akala ko e katapusan na ng ka-freshness-an ko, e biglang nagmanifest ang kabiyayaan para sa mga beking tag-gutom sa MRT! Hindi pa nangangalahati ang byahe ay may tumabi na sa aking blessing from above. Hindi siya kakyutan, hindi rin naman siya kaseksihan, pero iba ang mga tingin niya. AT, in fairness, mabango siya. Paano namang hindi ko maaamoy, e kung makadikit naman si ako e parang linta. Buti hindi niya na-realize na hindi naman gaanong kasikipan at bakit ako nagsusumiksik sa mga bisig niya. Siguro nga feel na feel niya!

Ikalawa, sa eskwelahan habang badtrip na nakaupo sa tapat ng cashier's office dahil sa dalawang major subjects kong gusto ata akong pahirapan dahil sa iskedyul, e biglang nagliwanag ang buong sangkalangitan at para bang mga anghel na nag-parada sa aking harapan ang isang platoon ng NUTRIBUNS! Hindi ko alam kung saan sila nanggaling at hindi ko ine-expect na magpo-produce pala ng mga ganoong nilalang ang institusyong aking kinapapalooban. Muntik na akong mapaluhod sa sobrang pasasalamat sa Almighty Diosa!

Ikatlo, sa jeep pauwi habang nagpo-ponder kung bakit kailangang parusahan ng sobrang kainitan ang sangkatauhan, e na-feel ko ang presence ng Higher Being nang biglang may sumakay na manifestation ng Kaniyang powers. Na-feel ko na may slight na nag-blow sa aking malagkit na buhok at napalingon sa aking ini-imagine na source at nandoon nga siya. Isang pawisang nilalang na parang nalulusaw na ice cream na naghihintay na dilaan. Kadiri mang isipin pero ang sarap-sarap pa rin niyang tignan kahit tumatagaktak ang kaniyang pawis sa leeg, sa kaniyang braso na puno ng tattoo, at sa kung saang parte pa ng kaniyang pagkatao! O Dios ko!

Andiyan lang ang blessings, andiyan lang lalo na kung sa feeling mo e kailangan mo ng reward! Ang dapat na lang talagang gawin ay ito:

TANGINA BAKLA, 'PAG INIHAIN NA SA HARAP MO, SUNGGAB NA KAAGAD TANGA!

Monday, June 14, 2010

Gypsy by Shakira Makes My Beer Belly Go Wiggle



Dahil sa kantang ito, muli kong minahal si Shakira. Hindi dahil maganda at sexy siya, pero dahil bektas ako at minsan kong pinangarap na magaya ang moves niya! At tiyaka, ang bongga lang ng kaniyang belly dancing. Iba. Iba talaga siya!

At dahil pa rin diyan, gustong mag-wiggle ng aking beer belly. Wiggle, wiggle, bounce, bounce then stop! Oh yeah!

Saturday, June 12, 2010

Powtengsyit na Buhay 'To


I miss "the life" o sa madaling salita e yung pagwawalwal ng bongga hanggang sa makalimutan ko na ang daan pauwi ng bahay!

Diyos ko, magpapasukan na per0 wala pang nangyayaring kahali-halina sa buhay ko!

Kaya naman, ngayong gabi, pathetic na kung pathetic, with or without friends, may pera o wala bahala na si Mojacko, magwawalwal ako ng matindi!

Lasing na kung lasing!

Leshgeriron!

*ninakaw ang painting ng mga lasenggo dito*

Thursday, June 10, 2010

Inay! Pasukan Na! O Help Me Bro!


"Malapit na ang katapusan ng maliligayang araw mong bakla ka!"

Ewan ko ba, parang every morning 'pag gising ko e may bumubulong sa akin niyan. Feeling ko, kung sino man yun e bitter kasi wala siyang sariling kaligayahan. Wala siyang konsepto ng paghahapi-hapi. Kawawa naman siya.

Pero, may malaking check siya - as in nagmumurang ga-higanteng check-che-che-check-check!

Dahil sa niyakap ko na ng tuluyan ang pagiging estudyante (muli), isa na ako ulit sa mga kailangan nang lubusin ang mga nalalabing araw ng pagwawalwal. Korek! Dapat nang iwalwal ng todo ang mga natitirang powers para dito!

Naku, kailangan ko nang bumangon ng alas-singko ng umaga starting next week. Diyos ko, e i-kumpara niyo naman yan sa totoong gising ko na alas-nuebe? Kaloka. Para niyo na rin akong kinulong sa kwartong puno ng hubad na babae! Ganung level siya nakakasulasok ng pagkatao at ng dangal!

Isa pang nakakayamot na rason, kailangan ko na namang magtiis sa siksikang tren, maipagunahan sa jeep na akala mo e natatae ang mga drivers, pumasok na haggard na akala mo e nakipag-sex sa tatlong elepante, at makatabi ng babaeng ayaw magtali ng buhok sa jeep! Noooooo! Bangungot!

Hindi ko na nga babanggitin na medyo (slight lang naman talaga) naiistress ako sa mga eksena sa school. Oops!

Oh well. Wala akong choice! Kagustuhan ko ito! Matinding pangangailangan. Isipin ang magandang future. Ang mga plano! Go pasitib!

Thursday, June 3, 2010

Ulan, Ulan, Ulan


Okay.

Goodbye Summer (buti na lang at pasok na pasok pa rin sa banga ang trip to Zambales namin last week at nakapag-lamyerda pa rin sa beach kahit hindi naman kagandahan ang katawan)...

Hello Rain (kasama na diyan ang putik, baha, tilamsik sa pantalon, mabahong medyas at sapatos, butas at sirang payong, masarap na tulog sa gabi hanggang sa di na magising kinabukasan at di na makapasok, pagka-stranded sa sakayan ng jeep, ubo at sipon)...