Sa isang oras kong pag-upo at paghihintay, oo tyinaga ko ang bonggang init ng singaw ng mga sasakyan at ng semento para lang sa libreng lunch, marami-rami naman akong nakita na nagbigay ng panandaliang amusement sa akin.
Nariyang dumaan sa tapat ko ang dalawang stud. Naku kung may vajayjay lang ako e malamang nalipat na ang Dead Sea sa Katipunan. Pang-basketball ang mga height at build nila. Nakakatakam ng sobra. Nakakapangulo ng kalamnan. Butwait, parang may lagkit ang tingin ng stud no. 1 doon sa isa? Bakit parang may panaka-nakang caress ang kamay niya sa braso ni isa? Bakit nakakaramdam ako ng matinding tension sa kanilang dalawa? Bakit parang nakasense din ako ng kakaibang ihip ng hangin ng dumaan sila sa tapat ko? Bakit? Bigla ko tuloy naisip na sumigaw na "Sisters! Magpakatotoo na kayo! Don't you worry, uso na ngayon ang tansuan! Go for the gold! Go."
Nandiyan din ang isang ate na pwedeng bigyan ng Fashionista Award dahil sa kaniyang revealing na top at uber iksing shorts. Kering-keri niya naman ang aura with her matching bumblebee shades at isang gargantuan na hand bag. Kulang na lang talaga ay ang buhangin at ang dagat. But no, nang hindi ko sinadyang makapag-eavesdrop e narinig ko ang pangookray sa kaniya ng kasama niyang jowa. Ang sabi kasi ni girl, "Ang init. Kawawa naman ang shoulders ko." Ang sabi ni jowang winner sa pagkadaot, "E tanga ka pala e, nasa arawan ka. Kung dito ka kaya sa may lilim?" Tameme si ateng sosyalera.
Dumaan din sa tapat ko ang isang grupo ng mga bagets na sa hitsura pa lang ay alam mo nang mga sons and daughters of the almighty Zeus na. Hindi ko maipaliwanag kung saang bahagi ng mundo nila nakuha ang makikinis at mapuputi nilang kutis. Hindi ko rin alam kung saan nila natutunan ang out-of-this-world nilang mga accent na parang bawat sabihin nilang salita ay may "-ur" sa dulo. Parang ganito, "Anur bur? Where's Carlos na bur?" (Ano ba? Where's Carlos na ba?) Tapos, hindi ko rin alam kung bakit ba nila kailangang mag-party attire kung maglalakad din lang naman sila sa ilalim ng nagmumurang araw?
Present din itong nakakainggit na lovers. Grabe ang kanilang ka-sweetan. Na-feel ko na sila na talaga 'til the end of the world. Sila yung tipo ng mag-jowa na kapag namatay e magka-holding hands pa sa deathbed. Sila yung mga tipong sa kahuli-hulihang hininga e I love you pa ang huling palabras. Pero naisip ko lang at gusto ko silang bulungan na, "Hindi ba kayo naiinitan? Maiintindihan ko pa sana kung Winter ngayon at wala kayong mga parka? Ang init mga dear! Mag-rent na kayo ng air conditioned na kwarto. Now na!"
Buti na lang talaga at dumating na si Alvy at si Tomas, kung hindi ay nagawan ko na ng kwento ang buong Katipunan. Buti na lang din at dumating na sila kaya naalala kong hindi pa pala ako nagla-lunch. Buti na lang at naalala kong kakain pala ako ng seafood primavera. Buti na lang dumating na sila kaya na-realize ko na unti-unti na pala akong nalulusaw sa ilalim ng araw. Buti na lang dumating sila kaya narealize ko na ang haggard na ng hitsura ko at baka inookray na rin ako ng mga dumaan sa harap ko.
Anyway, salamat kay Alvy at Tomas para sa libreng lunch, t-shirt from KL, at tsokolate. Mabuhey!