Wednesday, February 24, 2010

Epekto ng El Niño!

Oh El Niño!

I hate you much.

Una, hindi ako makapagisip ng maayos! Tignan na lamang ang entry na ito. Walang kaayusan.

Ikalawa, konting kilos lang e para na kong nagmamantikang taba. Kahit paglingon e parang pinagbuhusan ng matinding effort na katumbas ng pagbubuhat ng isang kabang bigas!

Ikatlo, hindi uso ang maging fresh. Kahit na maligo ka ng bongga e pagdating naman sa pupuntahan mo e kadiri to death ka pa rin!

Ikaapat, hindi makapanglandi ng maayos. Paano nga naman lalandi e kahit nakatayo ka lang e parang galing ka pa rin sa construction site!

Ikalima, hindi pwedeng mag-dress to kill! O sige, mag-layering ka nga sa ganitong klaseng panahon?

Ay I hate you talaga El Niño!

Tuesday, February 16, 2010

Post V-Day Chumenelin

O ano? Kamusta ang Araw ng mga Puso?

Sinasabi ko na sa inyo e, yang Valentine's Day e parang gutom, lumilipas lang din...

*pero mahapdi*

Bitter pa rin?

Echos lang!

Wednesday, February 10, 2010

Nang Minsang Magising Akong Bitter


Hay naku. Eto na naman. Eto na talaga siya at hindi nagpapigil pa. Required e. Pebrero na!

Josko ha! Kelangan talaga may mga ganito pa. Mauuso na naman ang pagiging cheesy. Meron na ngang ka-cheesyhan kahit hindi February e pero di ko talaga ma-gets kung bakit kailangang umibang level ang cheesyness ng sangkatauhan kapag mga ganitong panahon! Kung isa lang akong higanteng daga, pinagkakain ko na kayo!

Halos lahat ng tindahan kailangan may pusong nakasabit na may palaso na nakatarak! Kung hindi naman kailangan laging present si Cupid na cut-out sa red cartolina. Aksaya lang sa papel! Kawawa naman si Mother Nature!

Tapos palagi dapat may mga promo ang mga kainan lalo na sa mga magka-date! E paano naman kapag mag-isa ka lang na biglang nagutom? Lugi! Ano yun? Dapat palaging dalawa para maka-discount? Chaka ha!

Tapos kahit saan ka magtingin e may naglalakad habang naglilingkisan yung mga kamay! Kung hindi naman e magkaakbay! Tapos kung magtukaan e akala mo mga manok na nakakita ng feeds sa bibig ng partner!

Tapos kailangang love songs lagi ang tugtog sa radyo? Kailangan ba talagang ganun? Bakit ba kailangang ipagdukdukan yun sa Earth? Required ba talagang panay tungkol sa love, puso, halik, yakap, at ngiti ang mapakinggan?

Tapos ang palabas sa TV e puro kachenesan! Sa panahong 'to nagiging patron sina Kim Chiu at Gerald, pati na rin sa John Lloyd at Bea. Nabubuhay ulit ang mga demigods na sina Sharon at Gabby! Pwede B?! Tigilan niyo nga ako!

... ... ...

OO NA UUNAHAN KO NA KAYO NA HANGGANG NGAYON AY BITTER PA RIN AKO DAHIL NEVER KO PANG NA-EXPERIENCE AND V-DAY NA MAY JOWA! E ANO NAMAN SA INYO YUN DI BA? HINDI! HINDI AKO GALIT!