Monday, July 27, 2009

Post ng Isang Repressed na Bayot Tungkol kay Kras-in-Boxers

Warning: Parental Guidance ay kailangan, medyo, ay hindi pala medyo, talagang sexual ang post na ito!
Dati e ayaw kong tumambay sa tapat ng bahay, pero nung dumaan ka, tangina! Parang gusto ko nang tumira sa labas katabi ng alaga kong pusa. Paano naman kasi, katulad ng pusa na "in heat", e hindi rin ako mapakali kapag dumaan ka na.

Katulad nang ginawa mo kahapon. Dumaan ka sa harapan ko na ang suot lang ay boxers. Boxers lang. Hindi ko alam kung sinasadya mong ibaba ng kaunti ang bandang likuran para ipakita ang guhit ng kapalaran na gusto kong i-trace gamit ang *oops*. Hindi ko rin alam kung sinasadya mo ring ipanood sa akin ang pagsuksok mo ng cell phone sa garter sa bandang unahan at hindi ko alam kung imahinasyon ko lang na nasilip ko ang garden of eden. Tangina ka!

Pang-ilang beses mo na yang ginawa hayop ka, makaramdam ka naman.

Naalala ko ring nakainuman na kita. Hindi ko alam kung sinasadya mo ring itaas ang damit mo para ipagyabang ang flat mong tiyan. Hindi ko alam kung napansin mong nag-landing ang mata ko sa runway mo. Hindi ko rin alam kung sinasadya mong idikit ang tuhod mo sa tuhod ko. O kung alam mo lang kung paano ako nakuryente dun. Hindi ko rin alam kung intensyon mong kalabitin ang kamay ko habang inaabot ko sa'yo ang lighter ko. Hindi ko rin alam kung balak mo lang talaga akong asarin dahil bandang huli e tinawag mo akong kuya.

Sana nagkakamali ako, sana assuming lang talaga ako, dahil kung hindi, dinakma na kita.

**pasensya na, repressed lang talaga!

Friday, July 10, 2009

Hindi Ko Alam Kung Anong Gagamitin Kong Title Para Dito Dahil Medyo Naguguluhan Pa Rin Ako

*Larawan galing dito. Achuali, nakaw yan!*

Narinig niyo na ba yung Pinoy Rap single na may chorus na goes something like this, beatbox:

Mga tambay lang kami,
sawa sa babae.
Mga babae'y manloloko, pineperahan lang kami.
Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin,
masarap magmahal ang bakla,
O kay sarap!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiiyak, matatawa, magagalit o maiinis.

Una, Mr. Songwriter, mga tambay lang kayo. Saan naman ninyo naisip na ipasok yung idea na peperahan kayo ng mga babae? Uulitin ko, mga tambay lang kayo.

Ikalawa, mga babae'y manloloko? Girls! Sugod!

Ikatlo, ngayon naman Mr. Songwriter, naisip niyong lumipat na lang sa mga bakla. Para ano? Dahil nga tambay lang kayo, sa mga bakla naman kayo kukuha ng pera na iaaalay niyo sa mga babaeng sinasabi ninyong nagsasawa na kayo? O come on. Pag-ibig nga naman! Lokohin niyo mga lelang niyo!

Ika-apat, masarap magmahal ang bakla! O yeah right on! Period.

(Bwahahaha!)

Break it down, yow!

*biglang susundan ng Ripe Banana, ayos talaga ang Yes! FM*

Sunday, July 5, 2009

Why Noki Hates Rain


Maliban sa nagiging bitter ako kapag umuulan, narito pa ang ilan sa mga dahilan kung bakit galit na galit (pero hindi naman sa level na isinusumpa ko na) ako sa ulan.

1. Panira ng plano ang ulan. Halimbawa, may lakad, bihis na bihis ka na - plantsadong pantalon, bonggang shirt, at bagong biling topsider - nang biglang bubuhos ang ulan. Ano pa ang mas sasaklap sa pakiramdam na yun?

2. Panira ng get-up ang ulan. Parang number 1, ang kaibahan naman, nasa kalsada ka na at feel na feel na ang tingin ng mga tao nang biglang bubuhos ang ulan. Ang masakit pa 'dun e nakalimutan mong magbitbit ng payong. What more, nursing student ka? OMG!

3. Magastos kapag umuulan. Masarap kumain kapag umuulan, di'ba? Mas nakakaalis ng pagkatao kapag walang trabaho. Oh no, saan ako kukuha ng pangkain?

4. Hindi makapaglandi kapag umuulan. Paano ka naman rarampa kung bonggang-bongga ang ulan? Isa pa, nasa loob ng bahay lahat ng pwedeng landiin maliban na lang sa mga walang tubig sa bahay. Imaginin niyo na lang kung sino sila.

COMMERCIAL: Bubuka ang bulaklak, sasara ang bulaklak, dadaan si Noki, napakalandi. Bubukaka, titihaya, umm aah aah! - Rowel Lectura, napaka-sweet na kaibigan

5. Maraming ipis kapag umuulan. Check? Tyaka naman, amoy ipis ang kapaligiran lalo na sa may mga malapit na kanal kapag umuulan. Hindi ko kaya. Bangungot.

6. Nawawalan ng cable kapag umuulan. Torture para sa mga bum na tulad ko kapag nawawalan ng cable. Lord help us!

7. Nakakapagpaalala ng pagiging repressed ang ulan. Sabi ni Mengz na aking kaibigan "Lupa lang ang nadidiligan ng ulan pero hinsi ang mga uyong puso at tigang na damdamin, uhaw na halaman lang ang napapawi hindi ang uhaw na katawan." Eto naman ang versionko niyan, "O ulan, kung maiibsan mo lang ang libog ng katawan, hubo't hubad kitang sasaluhin - buong puso't walang alinlangan." Nuff said.

Aminin niyo, kayo rin?

Wednesday, July 1, 2009

Orgasmic Experiences

Naisip kong gawin ang entry nito matapos kong maabot ang nirvana - ang mala-paraisong state of mind pagkatapos ng sobrang haggard na paglalakbay ng mga kinain ko palabas ng aking katawan, sa madaling salita e pag-jebs. Biglang pumasok sa isip ko, na katulad ng pag-jebs, e meron pang ilang mga bagay ang pwede nang pumalit sa trono ng sex bilang pinakamasarap na gawain sa mundo.

Narito ang ilan sa napakaraming bagay na pwedeng sumipa sa orgasm.

1. Mapapa-ooh la la ka na lang kapag nahugot mo na at makita mo na sa mga daliri mo ang bunga ng nakakakiliting pagdukot sa ilong. Para kang lulutang lalo na kung ang kulangot na nahuli mo e pwede mo nang bilugin tapos gawing holen. Mapapa-hay ka na lang kapag naramdaman mo na na makakapasok na ulit ng dere-derecho ang hangin sa ilong mo. Parang gusto mo nang sabihin sa jowa mo, "Bhe, kulangutan mo ko!"

2. Kating-kati na, sasabog na at gusto nang sumambulat ng mga alikabok na na-trap sa loob ng mabuhok mong ilong. Pwede mo nang sabihin, "Oh shet Lord pwede mo na kong kunin!" pagkatapos mong bumahing ng napakalakas na akala mo e bawal nang bumahing bukas. Wala na ring mas sasarap sa bahing na pinipigil katulad ng utot. Mapapa-"Oh god, oh god!" ka na lang imbis na "Bless you."

3. Mapipikit-pikit ka pa habang ginagalugad ang napakasikip na butas mailabas lang ang pinakamimithing tutuli. Kesyo gumamit ka ng "kutsara", "pala", hair pin, takip ng ballpen, cotton buds o kahit ang iyong hinliliit, iba pa rin ang ligayang dulot ng panunuli lalo na kung ang pine-pursue mong tutuli ay pakipot. Yung tipong quince minutos na sa loob ng tainga mo ang gadget e hindi mo pa rin mahuli ang pihikang tutuli. O langit!

4. Excuse me. Yan na lang ang masasabi mo, pero sa loob-loob mo e gusto mo nang sumigaw ng "Oh yes, oh yes!" pagkatapos sumabog ng matagal-tagal mo nang inimbak na hangin sa katawan na itatago natin sa pangalang Utot. Iba talaga ang feeling ng pag-utot lalo na kung pinigil-pigil mo pa. Ano pang mas sasarap sa pakiramdam na mailabas ang halimuyak ng tagumpay pagkalipas ng ilang oras sa loob ng siksikang bus sa gitna ng traffic sa EDSA? Wala na.