Friday, June 26, 2009

Usapang Lasing Lang

May kakaibang mundo talagang nalilikha ang mga lasing ano?

Dito sa lugar namin, attraction na ang kaliwa't kanang inuman. Umaga pa lang e may mga naka-setup nang mga mesa. Kanina, napadaan ako sa isa sa mga nagiinuman at di ko napigilang mag-eavesdrop (kasi uso din sa'min yun, chumismis). Sa narinig kong usapan, parang gusto kong agawin yung tagay nung isang repapips.

Lasing 1: Pare, patay na si Michael a.

Lasing 2: Weh? Di nga? Kelan namatay?

Lasing 1: Kaninang umaga lang ata.

Lasing 2: Naku. Anong kinamatay?

Lasing 1: Inatake daw sa puso.

Lasing 2: Asan na daw ngayon?

Lasing 1: Nasa ospital pa daw.

Lasing 2: Di ba tayo pupunta? Saan daw ibuburol?

Lasing 1: *napaisip* Tanga. 

Lasing 2: O bakit?

Lasing 1: Si Michael Jackson. *sabay tayo at nag-moonwalk* Yung sumayaw neto.

Lasing 2: Ay tangna. Akala ko si Michael.

Ayun naman pala. Tagay pa!

Paalam MJ, Paalam Farrah


Hindi ako fan, pero sobra akong na-shock at nalungkot sa pagkamatay ng isa sa mga sobrang iniidolong performer sa buong mundo. Kahit medyo FAIL ang grade niya sa pagpapalit ng kulay, 'di siya nag-fail na mang-entertain. Such a big loss. Well, lahat tayo ay pretty sure, na patuloy na mabubuhay ang kaniyang legacy through his music. At promise, lagi kong kakantahin sa bidyoke ang She's Out of My Life. Promise! All hail the King of Pop!

Story of his death, here.

Story of her death, here.

Isa pang pop icon ang nakipag-meeting na rin kay San Pedro at kay Papa God. Sa totoo lang hindi ko siya masyadong kilala. Ilang episodes lang ng palabas niya ang napanood ko (salamat sa MAXX). Pero etong poster niya e pamilyar talaga sa akin. Meron akong uncle na may poster na yan sa kwarto niya. Dahil dun, I became pretty convinced na sikat siya nung kapanahunan niya. Fly you angel, fly!

Tuesday, June 23, 2009

Ikaw na Manok ka, Humanda Ka

Pansinin ang dalawang larawan.

Nakita niyo ba ang pagkakapareho? Oo, merong pagkakapareho (sa ayaw niyo't sa gusto). Ano ito?

Sirit?

Dahil naalala ko ang crush ko na taling-tali na sa kaniyang jowa, ito lang ang masasabi ko:

"Ang manok, mas madaling mahuli kapag nakatali."

Itaga niyo yan sa bato!

(Oo, desperado na kung desperado!)

** mula dito ang mga larawan:

picture ng manok
picture ng bagong kasal

Tena't Mag-Catch ng Bird


Naaalala ko yung payo sa akin ng kaibigan ko.

Friend: *with matching akbay* Noki, tumingin ka sa mga mata ko. Pakinggan mo ang sasabihin ko. Lumabas ka. Sumama ka sa amin puta ka. Tanginamo kaya wala kang jowa feeling conservative ka. Inamo. Nagtatali na kami ng ibon sa harapan mo, kukunin mo na lang, binibigay mo pa sa iba. Puta ka ang arte mo kasi. Siyet.

Tagos sa kalamnan ko ang payong 'yan.

Kalawangin


Meron lang akong na-realize nitong mga nakaraang araw. Kelangan ko na talagang mag-ayos ng mga bagay-bagay. Ang tagal ko nang sinasabi nito. Wala pa ring progress. Kung baga sa bakal, pakiramdam ko kinakalawang na ko. Siyet lang.

(Kelangan talaga yung picture literal na kalawang? Bwahahaha!)

Monday, June 22, 2009

Emote Lang Kasi Naman Nami-miss Ko Na Kayo

Minsan talaga ang mga friends kupal.

Friend: Noki tara na. Tambay na.

Me: Pass muna te. Masakit ang likod ko.

Friend: Ang arte mo.

Me: I know.

Friend: Tara na kasi. Alam mo kaya masakit yang likod mo, tutubuan ka na ng pakpak.

Me: Angel lang?

Friend: Hindi no, anong angel? Paniki. Paniking naninipsip ng dugo. Tara na.

Me: Taena mo.

Pero kahit kupal ang mga tinatawag nating friends, nawala ang sakit ng likod ko nung lumabas ako.

I love you friends.

Tuesday, June 16, 2009

Balikbayan Box

Ang Balikbayan Box, bow.

Nasanay na tayong mga Pinoy no, na kapag may bagong dating galing ibang bansa e required na may kahon-kahon na bitbit. 

Tipong buong kapit-bahayan e nagaabang na mabigyan ng sabon, twalya, shampoo o keychain. Yung tipong kapag nakasalubong ka e ngiting-ngiti na makikipagkamaya o yayakap sa'yo habang nagtatanong na "O kailan ka dumating?", "Kamusta ka na?", "Tumaba ka!", "Ang puti mo na.", "Wow amoy Duty Free, wala ba tayo diyan." at kung ano-ano pang pambobola. Yung tipong ipagyayabang ka na "Hoy, bigtime 'tong *insert pangalan ng balikbayan*, nakarating na ng *insert country*!" sabay bulong sa'yo na "Pautang naman, walang gatas si bunso e." Yung tipong lahat ng bata e nakapila sa'yo kapag may dumaang sorbetero. Yung tipong lahat ng kamaganak mo e pupunta sa bahay niyo para silipin kung nagbubukas ka na ba ng bagahe o ng mga kahon.

Kapag wala kang bitbit e iisipan ng kung ano-ano yung bagong dating, "Ay ano ba yan. Nakarating lang ng ibang bansa e ganiyan na. Ang yabang mo siyet ka!", "Siguro natanggal yan sa trabaho niya kaya walang dala.", o kaya naman "Kinalimutan na tayo niyan. Iba na talaga nagagawa ng pera."

Pero ang pinakanakaka-pikon sa lahat ng ito, kahit alam nilang saglit ka lang naman sa ibang bansa (mga tipong isang buwan o kaya naman mga isang linggo lang) at hindi ka naman nagtrabaho doon e nangyayari pa rin ang mga eksenang binanggit ko. 

Siyet lang.

Well, ito ang kahon ng balikbayan.

(O di'ba feeling balikbayan daw talaga ako? Hahaha. Chos.)

Wednesday, June 10, 2009

Hindi Ko na Kailangan ng Mahabang Entry para Ipaabot Kung Gaano Kasaya ang Gabi ng June 6 (Isama na rin Natin ang Umaga ng June 7)


Minsan talaga kapag inabutan ka na ng liwanag sa galaan, nagiging mapang-trip ka na. Pati mga taong tulog e pinakikialaman mo. Gagabaan ka rin ikaw na mahadero at walang sariling kaligayahan!

*kulog*

Oops! Joke lang naman!

Salamat Aiza at Joan sa isang gabi ng kaadikan - Usok. Shisha for long-life (chos). Mamas. Matronas. Cocktails. Tugsh-tugsh. Sangdamukal na kwento. Pagpapa-umaga sa galaan. Ulitin natin ito! Yahoo! Naks parang makakabalik pa haha! (Pansinin ang picture: parang gusto nila akong i-OP? Di lang ako sure. Babawiin ko ba ang pinagsasabi ko? Echos.)

Friday, June 5, 2009

Dahil Ako'y Lonely at Bored



Dahil sa nitong mga nakaraang araw e house arrest lang naman ako, (loser di'ba? hindi man lang makagala kasi walang pera!) sila ang mga karamay ko. Thank you guys!

At siyempre, siya pa pala...

Wednesday, June 3, 2009

Pain in the A** ang Inyong Con-Ass

Nakakaloka na ito.

Ibang klase ka talaga umistrategy madam. Sa panahon pang ito mo pa napiling mag-ballroom. Bakit? Nafi-feel mo na sigurong may naga-ala Dayanara Torres na ano kaya ka biglang umeksena sa dance floor? At ang dami mo pang back-up dancers ha.

Naku madam, laos ka na. We don't want your cha cha cha.

Yes we need change. But your idea of change is, hmm, not so "in".

Pwede ba?

No to CHA-CHA!

Sisiw Lang Yan

Kaninang umaga nakakita nakakita ako ng patay na sisiw pag punta ko ng supermarket. E medyo bored ako kaya naghanap ako ng ibig sabihin nun (nagbakasakali malay ko nga naman di'ba?).

*search search search* Ting!

Wala.

Pero, (uy may malaking pero), merong ibig sabihin yung buhay na sisiw. Ayon sa tradisyon (hindi ko alam kung kanino pero basta), ang sisiw daw ay nagsi-symbolize ng new life. Inisip ko, "Hala. New life. E patay yung nakita ko. Paano yun?" (Talagang nagpupumilit ako na may ibig sabihin 'yun.)

Shinare ko lang.

Tapos nga pala, naisip ko lang yung kapitbahay namin na namatay. Kwento kasi ng nanay ko, kung hindi pa raw nangamoy e hindi pa siya makikitang patay na sa kwarto niya. Medyo naaagnas na nga daw yung mukha. Creepy!

AY! Wait!

Mahilig siya mag-alaga ng manok. Hmm...

Sisiw... Patay na kapitbahay... Alagang manok... Nangitlog... Sisiw...

Hala.

(Pinilit talagang may koneksyon? Hahahaha.)

Pasensya na, hindi maganda araw ko. Echos.

Monday, June 1, 2009

Hayden Thoughts on (the) Hayden Camera Issue

Matagal ko na 'tong iniisip - kung magsusulat ba ko tungkol dito o hindi?

Ang dami ko nang nabasa sa Multiply, sa Plurk, sa Friendster Bulletin at kung saan-saan pa sa napakalawak na cyberspace tungkol sa kumukulong isyu na 'to. Naisip ko, "Hala! Ako na lang yata sa buong mundo ng mga chikadora, usisero at mga critical mag-isip (kuno hahahahaha) ang wala pang say dito." E medyo, medyo lang naman, naririndi na ko kaya "Go na nga!" ang sabi ko sa sarili ko.

Paano ba naman, pagbukas ko ng TV, computer, chatrooms at kung saan-saan pang may chikadora, usisero at kritikal mag-isip ang naroroon e iisa ang tanong "Napanood mo na ba yung bago?" Enough na! Magsasalita na ako. (Ay as if naman malaki magagawa ng mga sasabihin ko no? Haha.)

Tinawanan ko lang nung unang lumabas ang isyu na 'to. Parang sa isip-isip ko, "Ay, hindi na bago." Pero nung maglabasan ang mga sumunod na installments, "AY siyet iba ka koya, ibang-ibang ka!"

Crush ko pa naman si Hayden. Wala naman kasi sa hitsura ng hitad na kaya niyang gawin yun no. Parang ang tame-tame niya. Yun pala halimaw si bakla. Kaloka.

Mas naloka ako sa mga sumunod na eksena. Juskopo pati Senado nabulabog na (na hindi naman dapat!) Kelangan pa bang i-divert ng mga magagaling nating mga senador (ay ubo-ubo, nacho-choke ako) ang oras nila dito? Ang funny na kasi ng mga nangyayari.

Siyempre hindi ko naman inaalis yung fact na isyu ito ng mga kababaihan, na eye opener ito. Na baboy si Hayden. Na puno siya ng sandamukal na macho shit. Na dapat siyang kapunin. Tangina niya. Pero para pagbuhusan ng oras? Um di ko alam.

Basta. Galit ako kay Hayden. Naaawa ba ko kay Katrina at sa iba pang biktima? Ewan ko. Sana husayan ng mga senador at may magawa silang tama. Sana may magbigay sa'kin nung kopya nung iba pang videos. AT higit sa lahat, crush ko pa rin si HAyden. Hey you pig, do it with me!

Echos!