Friday, May 29, 2009

Bata, Bata, Bakit Ka Pa Ginawa?

Nakakaloka.

Minsan talaga ang hirap ispelengin ng mga chikiting ano? Pero etong pamangkin ko, everyday okay ang pang-iinis sa akin kaya naman every morning na ineexpect ko na magiging maganda ang araw ko e wasak na wasak.

Bago ang lahat, ito si pamangkin:O di'ba? Tingin pa lang nakakatakot na.

Siya si Victor. I have nothing against this kid naman talaga, pero naman naman naman. Ikaw nang tutukan ng bagong hasang pusher (yung ginagamit ng manicurista) habang sinasabing "Huwag mo kong galitin! Galit na galit na ko!"

Bongga si kid. Hindi naman siya masyadong bayolente. Ang lambing di'ba?

Kanina paggising ko, nalaman ko kung bakit siya ganiyan. Umagang-umaga, ang pinapanood niya sa computer ay si Angelina (para sa mga hindi nakakakilala, siya yung Spoiled Brat kid played by Ogie Alcasid sa Bubble Gang) at sundan pa ng Happy Tree Friends (eto naman yung cartoons na hindi talaga pambata dahil sobrang brutal). Ayun. Scary di'ba?

For the parents out there, please bantayan niyong maigi ang inyong mga chikiting. Bilang isang concerned na nilalang, ayaw kong matulad sa aking loving pamangkin ang inyong mga kids. Ha. Sobrang na-baby kasi siya.

Echos.

Thursday, May 28, 2009

Sa Wakas (Isang Walang Kwentang Introduction)

Eto na!

Binalikan ko kasi yung mga entries ko sa Multiply (kung saan ako dati nagpapanggap na mag-blog) at napansin ko na parang may mali. Hindi ko naman sinasabing ayoko sa Multiply - effect na effect naman kasi bonggang post ng pictures, ng videos, ng music at kung anek-anek pa kaso may problema lang talaga ako sa mga blog posts ko.

Ano nga ba ang problema?

(Kunyari seryoso mode) Hindi ko makita ang sarili ko sa mga pinagsusulat ko dun. (Uy, philosophical? Tse!) Parang hindi ako yung mga posts na yun.

Kaya naman naisip ko na iladlad na ang bandera. Korek! Ilalabas ko na ang tunay na pagka-kamote ko sa pamamagitan ng bagong-bago at mainit-init pang blog site na ito.

Tama na ang masyadong pa-deep! Tama na ang sobrang page-emo! Enough is enough! Panahon na para mag...

ECHOOSAN!

(palakpakan ang mga kuliglig at iba pang mga insekto)

Ergo, ang blog na ito ay puro ka-echosan. Yes. Ka-echosan. Kung ano man yung mga ka-echosan na yun, ABANGAN!

Hek hek.

Echos.