Thursday, November 3, 2011

Malungkot Ako, Pramis!

Ang inyong abang lingkod ay nakakaranas ng matinding kalungkutan.

*music fades in, magdidilim ang entablado, bubukas ang spotlight at itututok sa isang baklang nakaluhod, tutulo ang luha ng bakla na magsisimula sa kanang mata at after a few seconds e babagsak naman ang luha sa kaliwa, titingin sa madla, hihikbi, bubuntong-hininga, titingin sa kanan, titingin sa kaliwa, titingala, at bubulong*

"O SanRio, why me? Why me? Why me?"

*mamamatay ang ilaw, pero bubukas ulit, nakatayo na ang baklang malungkot, sisigaw, babagsak, sisigaw ulit, tututog ang rain sound effects, kidlat, sabay iyak ng matindi, mamamatay ang ilaw*

Yan ang moment. Pero siyempre hindi ko pwedeng gawin sa totoong buhay yan. Mahirap nang mabato ng kaldero ng inay. Baka ibalibag din sa akin ni itay ang maleta.

Pero seryoso, malungkot talaga ako. Hindi lang halata.

Ekskyus me lang, iiyak lang muna ako.

Wednesday, October 26, 2011

Thank You, SanRio!

Bago ang lahat, BULAGA! Gulat ka? Oo, buhay pa ko. Pero, the hell you care di'ba? E, the hell I care din kung the hell you care na buhay pa ko kasi hindi naman talaga kacare-care ang pagke-care and in fact we are not care bears because they are extinct! Oh well, I'm back.

Gusto ko lang i-share ang dahilan ng aking MIA-ing! Are you ready? Drum roll please....


Oh yes, oh yes, oh yes! Say what?! I know. At long last, di'ba?

Dumating din ang matagal na nating hinihintay. Nandito na. Heto na siya. Ang panahong dapat ay talagang natapos na nung 2007 - ay wait, ang tagal na talaga siyet!

Anyhow, talaga namang ginabayan tayong lahat ni SanRio. At dahil diyan, sabayan niyo akong magdasal!

Litaniya ng mga Bakla, GO!

Thank you, SanRio! Thank you sa mga anitong gumabay!

I love you all!

Having said all that, isinusumpa ko na ang lahat ng kokontra ay magkakaroon ng kulugo sa ilong, sa mata, sa tenga, sa dila, sa talukap ng mata, sa batok, sa leeg, sa etits, sa kepkep, sa talampakan, sa palad, ah basta sa lahat na! Ganito na lang, ang kokontra ay magiging taong kulugo. Tapos dahan-dahan, unti-unti, e matutuklap ang balat sabay mabubuhusan ng isang trak ng calamansi juice, yung freshly squeezed. Tapos, tapos, tapos e masusunog. Yung abo e liliparin sa Taal Lake para maging feeds sa mga tilapia. Ganun! Kaya if I were you, sabayan niyo na lang ang aking tuwa. Okay? Thank you!

Mabuhey!

Friday, July 8, 2011

O, Pag-ibig! Lagapak!

Napansin ko lang, nitong mga nagdaang araw e wala akong bukambibig kundi pag-ibig? Anong meron ang ulan bakit ako nagkakaganito? Biglang nagising ang aking natutulog na puso at walang kaabog-abog na nagsumamo ng pagmamahal! Charot! Mukhang pinagti-tripan na naman ako ng tadhana. Kung bakit ba naman sunod-sunod ang mga kaganapan sa aking pangaraw-araw na buhay na muling kumiliti sa aking nananahimik (at nagpapanggap na monghang puso)! Ay diyos ko 'day!

Simulan na lang natin sa nangyari kaninang umaga. Habang antok na antok sa loob ng LRT e biglang nagsulputan ang mga Adonis mula sa kung saan. Sa kanan, kaliwa, harap, at likuran e parang multong nagparamdam si Kupido. Kahit saan ako malingon e may nagbabadiyang tumibok! At, biglang tumugtog ang "Seasons of Love" tignan mo nga naman! Bakit ba naman pati ang iPod ay pinakialaman ng mga diyos at diyosa ng pag-ibig?

Kahapon naman habang antok na antok sa jeep pauwi galing Sta. Mesa e para bang may kumalabit sa lahat ng internal organs ko! Sino ba namang hindi makikiliti ng mapatingin sa isang anghel na nakangiti sa iyong harapan. Hindi ko malaman kung manginginig ba ang buo kong katawan.

Nung nakaraan lang din e muling nagliyab ang pag-ibig na matagal nang naabo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli sa loob ng isang jeep, nakasabay ko ang isang tao from the past na itago na lang natin sa codename na EX! Of all places? Of all circumstances? Of all kahaggardan? Ayun, naiwan na naman akong confused pero in-love.

At eto pa, mas lalong nabuhayan si puso nang mapanood sa TV ang Love Market sa Vietnam. Sinong hindi maiinlab? Ikaw nang maghintay ng isang taon para lang sa isang araw na makita, makausap, at makalabing-labing ang tunay mong mahal. Imagine, kahit kasal ka na (well, sa taong hindi mo naman talaga love) e may isang araw sa loob ng isang taon na pwede mong ma-meet ang one true love mo. Dito ko na-realize na kaya ko palang maghintay ng matagal na panahon para lang sa iisang araw na ma-experience ang true love kasi pagkatapos ng araw na yun e mas may pag-ibig na lahat ng gagawin ko sa mga susunod na araw. Yiheeeeee. Ang saya ng buhay kung lahat ng lugar ay may Love Market.

So ngayon, ang hinihintay niyo na lang na update ay kung tunay nga bang nabuhay ang aking love life? Kung may napala ba naman ako sa mga araw na lumipas na tawagin na lang natin na LOVE IN THE TIME OF BAHA AND LEPTOSPIROSIS? Kung sa mga nakasabay ko e meron ba naman akong nakuhanan ng number o nakita man lang ulit? Kung nanahimik na bang tuluyan ang pusong nagsusumigaw ng "Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig kayo riyan!"? Kung tunay nga ba akong nagpa-inspire sa Love Market? Kung ano na nga ba talaga?

Um, sige, ganito na lang. Kunyari palaka ako. Naghihintay daw ako kunyari ng hahalik sa akin para maging ganap na taong umiibig. After ng mga nangyari sa itaas, ako'y naiwang naghihintay pa rin, kumokokak. Kokak. Kokak. Kokak. In short, walang nangyari!

Kaya naman na-realize ko at gusto kong sabihin sa sarili ko na "Puta kang malandi ka! Ganiyan ka ng ganiyan e wala rin naman palang mangyayari? E gumising ka! Gumising ka letse ka! Bumalik ka na sa katotohanan. Tigilan mo na yan! Bangungot lang ang lahat ng 'yan! Bangungot!"

Sabay kikidlat, bubuhos ang malakas na ulan, maluluhod sa putik, iiyak, sisigaw, magfe-fade out lahat.

Ay teka, pahabol, KOKAK!

Sunday, June 19, 2011

Echoosan: Father's Day Special

Bago ang lahat, share ko lang. May bumati ba naman sa akin today ng Happy Father's Day. Pagka-klaro lang po, hindi po ako tatay. Mukha lang akong tatay pero hindi. Judgmental ka lang na damuho ka. Naghahanap lang ako ng "tatay"! Ahihihi. Landeeeeeeee!

Anyways, this goes to all the fathers out there. If you're a father, say "Hey!"(repeat), say "Hey! Hey!" (repeat) , say "Ooh!" (repeat) , say "Ooh! Ooh!" (repeat) Amen!

Okay. So para bigyan sila ng tribute e narito ang isang sulat. Actually, sulat ito ng isang baklitang anak para sa kaniyang ama. No, huwag judgmental, hindi ito biographical okay? This is purely fiction! Kaya kapag tapos basahin, huwag nang tumingin ng masama. Klaro? Klaro!

---------------------

Dear Pujakemkem,

Hi.

It's me, your daughter trapped in the body of your so-called son. Huwag ka nang mag-react poojie para hindi ka samain. Namnamin mo na lang ng bongga! Hello? Bago pa lang ako ipanganak e naisulat na sa Book of Destiny na magkakaroon ka ng beautiful anak na lalaki! So tanggapin mo na lang okay? Alam ko namang kahit anong mangyari e tatay pa rin naman kita.

Naalala mo pa ba nung binilhan mo ko ng isang set ng Matchbox cars tapos binilhan mo naman si sisteret ng Barbie? Nakita mo naman siguro ang asim ng mukha ko over the box of toy cars at the same time e ang pag-twinkle nila nang masipat ko si Barbie. Ang sabi mo lang, "Anak." then you smiled. Tumingin ako sa'yo, sabi ko "Tatay?" tapos pinuntahan ko agad si Barbie at pinalitan ng damit, inayusan ng buhok, minuk-apan gamit ang crayons, at pinagsayaw. Niligpit mo ang toy cars, inilagay sa ibabaw ng cabinet, bumalik sa panonood sa akin habang kinakantahan at pinasasayaw si all-made-up Barbie, at pumalakpak ka. O di'ba?

Tapos nung minsan tayong namasiyal sa arcade. Pilit mo kong pinasakay sa miniature airplane with the hope na maging piloto ako someday. Sabi mo pa, "Ayan anak, baka ikaw na magpayaman sa'tin. Gusto mo maging pilot di'ba?" Tumingin lang ako sa'yo, sumakay sa plane, sabay sabi, "Tay, magca-crash ang plane! I told you, dapat FA na lang ako!" Tapos ngumiti ka, sabi mo, "Sa bagay, malaki rin naman sahod ng FA. Pwede na yun nak! Baka sakaling makapangasawa ka rin ng FA!"

Nagitla ako sa sinabi mong yun Father Dear! Siguro na-misunderstood mo ang paglaki ng mga mata ko. Akala mo siguro na-excite ako. Eto na, sasabihin ko na sa'yo ang naramdaman ko noon. Feeling ko noon e gusto mo kong ipakain sa mga gutom na dragon. No, Itay, no!

Naalala mo rin ba na pilit mo kong binibuild-up sa anak nung kapitbahay natin? Lagi mo siyang tinatawag para makalaro ko. Nung minsan nga di'ba sabi mo na maglaro kami na kunyari e tatay ako at siya yung nanay? Tapos nagtaka nung biglang umuwi yung kapitbahay natin na umiiyak? Ganito kasi yun Tay. Pinipilit ko siyang baligtarin yung roles, sabi ko sa kaniya ako yung nanay tapos siya yung tatay. E hindi kami nagkasundo kaya nakurot ko siya. Ayun. Tapos nagsumbong siya sa nanay niya tapos kinausap ka. Hindi mo ko pinagalitan. Inakbayan mo pa nga ako tapos sabi mo, "Nak, si nanay mo hindi ako kinukurot. Kaya huwag mo ring kukurutin ang magiging asawa mo ha?"

Bongga ka talaga. Noon pa lang, F na F ko na ang pagiging supportive mo. Never mo ko pinagalitan tungkol sa napili kong landas. You never imposed, in fact, you guided.

Naalala ko pa nga na nung mag-break kami nung una kong jowa, na-meet mo siya di'ba, e kinausap mo pa ko na okay lang yun, na napagdadaanan talaga yun, na makaka-meet pa ko ng bago. Sabi mo pa nga noon na nakailang break din kayo ni Moojiebar pero kayo pa rin ang nagkatuluyan. Tapos minsan nga humarap ka pa sa mesa nung may kasama na naman akong umuwi sa bahay e. At kinausap mo pa siya. Sinabihan mo siya na bantayan ako kasi medyo vulnerable pa ang lagay ko. O ha? Ikaw na Pudra, ikaw na talaga!

Ayun na! Hanggang ngayon, never akong nakarinig sa'yo ng kung ano-ano kahit na ni-isa sa mga visions mo for me e hindi natupad. Una, never akong nahilig sa cars, pero okay lang sa'yo na nahilig ako sa pagbabasa ng Fashion Magazines. Ikalawa, never akong napunta sa pagpipiloto (at kahit sa pagiging FA), pero okay lang sa'yo na nahilig ako sa art and literature. Ikatlo, never akong nagka-girlfriend, nag-asawa, nagpamilya, nagbigay ng apo, pero okay lang sa'yo na hindi ako naging katulad mo. Hindi ko naramdaman na tiniis mo lang yun Pujay, alam ko na alam mong masaya ako.

Ang emotional na ba? Well, what do you expect? Maarte talaga ako! Alam mo yan! Haha.

Kaya naman, this is for you, HAPPY FATHERS' DAY! Thank you sa pagpapakita ng tunay na essence ng pagiging tatay sa'kin - never imposing, never controlling, haliging-haligi lang talaga, nagbantay, nagprotekta. Huwag ka lang gumuho okay? Mabigat, alam mo namang medyo wala akong strength para magbuhat ng mabigat.

O ha? Alalalalabyu!

Always,

Chenelin Chenebumbum!


Tuesday, May 24, 2011

Litaniya ng mga Bakla


Para sa mga bakla, namamakla, feeling bakla, baklang hindi pa sigurado kung tunay na bakla, baklang kataastaasan ang kabaklaan, baklang pinagkaitan, baklang pinagpala, baklang namatay, nabuhay, at naluklok sa kaniyang papa sa kalangitan, baklang pinarusahan, baklang ipinako sa krus, baklang gustong-gustong magpapako, baklang gustong namamako, baklang takot sa pako, naklang bato, baklang-bakla, baklang baka la
ng bakla, at sa mga baklang hindi pa ganap ang kabaklaan. Hallelujah! Heeeeeeeyyyyyy men!

O diyosa, kaawan mo sila.
O diyosa, pakinggan mo kami.
O papa, halika na.
O papa, game na.
Holy-holy, ipanalangin mo kami.
Holy-holy, huling-huli, ipanalangin mo kami.
Birhen-birhenan, huwag ka nang magpakeme,
ipanalangin mo kami.

San Marino, patron ng mga isda,
ipanalangin mo kami.

Venus Raj, major-major na patron,
ipanalangin mo kami.

Gloria Diaz, pinakamagandang hayop,
ipanalangin mo kami.

Melanie Marquez, ikaw na,
ipanalangin mo kami.

Santelmo, ilawan mo ang mga bumubuking,
ipanalangin mo kami.

Elton John, bongga ka,
ipanalangin mo kami.

Neil Patrick Harris, bakit o bakit,
ipanalangin mo kami.

Ellen Degeneres, reynang hari, haring reyna,
ipanalangin mo kami.

Bahay na Gumuho, puwestuhan ng mga bakla,
ipanalangin mo kami.

Puno ng Caimito, pwestuhan ng mga bakla,
ipanalangin mo rin kami.

Piolo Pascual, papa ng mga papa,
ipanalangin mo kami.

Marc Nelson, patron ng pagpapantasiya,
ipanalangin mo kami.

Sue Sylvester, patron ng mga bitchesa,
ipanalangin mo kami.

Mean Girls, mga mariang bitchesa,
ipanalangin niyo kami.

Louis Vitton, reyna ng mga bagelya,
ipanalangin mo kami.

Ricky Reyes, patron ng spray net,
ipanalangin mo kami.

J. Alexander, reyna ng mga rampa,
ipanalangin mo kami.

Tyra Banks, babaeng may maraming mukha,
ipanalangin mo kami.

Liza Minelli, patron ng mga gaya-gaya,
ipanalangin mo kami.

Cher, o Cher,
ipanalangin mo kami.

Madonna, ikaw na Like a Virgin,
ipanalangin mo kami.

Dolly Parton, para sa mga susong ipinagkait,
ipanalangin mo kami.

J.Lo, para sa mga puwet na ipinagkait,
ipanalangin mo kami.

Beyonce, para sa mga balakang na ipinagkait,
ipanalangin mo kami.

Diane, para sa kagandahang nais makamit,
ipanalangin mo kami.

Coco Martin, patron ng mga masahista,
ipanalangin mo kami.

Robin Padilla, patron ng Trust Condoms, para sa proteksiyon ng banal na butas,
ipanalangin mo kami.

Mama Bear, patron ng mga macho dancer,
ipanalangin mo kami.

Tomas Morato, kuta ng sangkabaklaan,
ipanalangin mo kami.

Malate, siyang-tunay na kuta ng mga bakla,
ipanalangin mo kami.

Felix Bakat, para sa mga bukol na siya nga namang umuukol,
ipanalngin mo kami.

Fully Booked, booking lang ng booking,
ipanalangin mo kami.

Cubao, kuta ng mga gay massage parlors,
ipanalangin mo kami.

Adonis, patron ng mga papa,
ipanalangin mo kami.

SANRIO, Hello Kitty, patron ng sangkabaklaan,
ipanalangin mo kami.
O diyosa, ilayo mo kami sa pagkakasala.
O diyosa, ilapit mo kami sa pwedeng pagkasalaan.
O diyosa, ihatid mo kami sa kalangitan,
O diyosa, alam mo na kung saan.

O kataastasang diyosa, narito kaming mga bakla, handang magsilbi para sa kadakilaan ng mga dakilang chemchem, at sa kapurihan ng mga puri ng bakla.

O kataastaasang diyosa, iligtas mo ang lahat sa anumang tukso na maghahatid sa amin sa mas matinding paghihirap.

O kataastaasang diyosa, lahat ng ito'y para sa iyo at para sa ikabubuti ng sangkabaklaang nananalig sa iyo.

Heeeeeeeyyyyyy meeeeehhhhnnnnn!

-----------------------------------------------------

Ang post na ito ay hindi ginawa upang balahurain ng pananampalataya ng mga Katoliko. Ito ay pawang katuwaan lamang. Hindi intensiyon ng may-akda ang blasphemy.

-----------------------------------------------------

Mae Ann Mangaoang, this is for you! Haha.

Friday, May 6, 2011

Bakit Masarap Mag-isa sa Kwarto?

Dahil may ESP ako, alam ko na ang unang-unang isasagot ng marami sa inyo kaya hindi ko na 'yun babanggitin. Don't state the obvious kung baga. Pero maliban doon, heto ang ilan sa mga rason kung bakit napakasarap nga namang mag-isa sa kwarto.

1. Pwede kang matulog nang hubo't hubad. Pwede mong ibukangkang ng bonggang-bongga ang lahat ng pwedeng ibukangkang; i-expose ang lahat ng pwedeng i-expose; ipagyabang ang hindi naman kayabang-yabang. Pwede kang matulog sa kahit anong posisyon na kahit professional models e hindi kayang gawin bare naked! Pwede kang tumihaya, tumiwarik, lumambitin, tumuwad, bumukaka, kahit ano talaga! At siyempre ang catch nito, it's either alone o may kasama. Na'sa iyo lahat ng option!

2. Pwede mong gawin ang lahat ng imaginable na ritual before, during, at after matulog. Pwede kang mag-yoga. Pwede kang mag-rosaryo. Pwede kang kumanta ng National Anthem. Pwede kang mag-droga. Pwede kang mag-inom. Pwede kang kumanta ng "If You're Happy and You Know It." Pwede kang magbilang ng alikabok. Pwede kang magsulat ng pangalan 100 times tapos buburashin mo ulit. Pwede mong i-text at tawagan ang sarili mo. Pwede lahat na walang umaangal at nagtataka kung psycho kang tunay o psycho ka nga talaga.

3. Pwede mong punuin hanggang isang linggo ang arinola. Sino lang ba ang makakatagal sa amoy ng nakulob mong weewee na pinatagal ng isang milenyo kundi ang sarili mo lang? Sino lang ba ang mag-eenjoy sa pagtingin sa repleksiyon ng mukha mo sa sarili mong stale na ihi kundi ikaw lang din?

4. Pwede kang maging nuclear bomb sa pag-utot na walang worry sa epekto ng deadly radiation. PWedeng-pwede mong ilabas lahat ng naitatago mong hangin sa tiyan na walang umaangal. Pwede mong gawing music bago matulog ang tunog ng sumisirit na hangin sa wetpaks mo. Pwedeng sumabog lahat ng dapat sumabog na walang naiistorbo o napipinsala. Tutal hangin naman 'yan sa sarili mong tiyan kaya walang hassle.

Well, hindi ko naman sinasabi na lahat 'yan e nagawa ko na. Na-imagine ko lang. Pramis!

Wednesday, May 4, 2011

Init (Parang Bomba Film Lang)

Bakit nga ba hindi pa ako, o tayo, nasanay sa klima ng Pilipinas? Nagtataka lang naman ako kung bakit angal pa rin tayo ng angal na mainit when in fact, maliit pa lang tayo e mainit naman na talaga dito?

Pero Lord, mainit ho talaga! Masama bang umangal ng slight?

Buti sana kung tolerable ang init. But hindi! Hinding-hindi, Lord, hindi!

Hindi lahat ng init ay pleasant! Hindi. Hindi palagi.

May init na gugustuhin mong parating present at occurring. Yung tipong dahan-dahan pang gumagapang sa kaloob-looban ng pagkatao. Yung tipo ng init na nararamdaman mo kapag napapadaan yung crush mong kapitbahay na kung iparada ang boxers e walang humpay. Ganun. Yun yung tipo ng init na mapapahalinghing ka kapag present. Yung magtataasan pa yung balahibo mo. Yung parang gusto mong humiyaw ng "Siyet! Ang init! Ang init, init, init!" na may ngiting walang katulad sa mga labi. Yun yung tipo ng init na mapapawi rin ng isa pang init na naguumapaw.

Pero sadly, hindi lahat ng init napapawi din ng isa pang init. Oh lord, hindi ba pwedeng ganung klaseng init na lang ang iparanas mo sa'kin today?

At dahil diyan, naisip ko ang beach. No, hindi dahil sa tubig at buhangin. Alam niyo na 'yun!